I was in grade six when Papa told me that Kuya Adam will be leaving for Manila. He said that he will continue his studies there. College raw. Since I was still a kid back then, mabilis akong nalungkot dahil ang nag-iisa kong kapatid ay hindi ko na makakasama palagi.
Hindi na nga kami masyadong nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-bonding dahil pareho kaming busy. Ako, graduating sa elementary. Siya naman ay graduating sa high school. May kanya-kanya kaming inaasikaso at hindi na kami gaanong nagkakausap.
Sobrang na-mi-miss ko na si Kuya tapos ngayon, ito ang mababalitaan ko? Aalis siya at matagal na mawawala para makapag-aral sa Maynila?
“Eva, uuwi naman dito si Kuya Adam mo kapag bakasyon o kapag holidays. Huwag ka na gaanong malungkot.” Inaalo ako ni Mama dahil nag-uumpisa na akong maiyak noon.
I suddenly remembered everything. Dahil sa matinding lungkot na nararamdaman ko ngayon, unti-unti kong inalala ang mga ginagawa ni Kuya para sa akin.
We were so close while growing up. He is everything I could wish for. Halos hindi na ako nagkaroon ng kaibigan sa pagkabata dahil siya na ang bumubuo noon. He is not just my brother, he is also my bestfriend and my dearest companion.
Sobrang naging dependent ako sa kanya. He spoiled me with everything but he still taught me some lessons I needed to learn that’s why I grew up as a kind kid.
Sobrang tuwa pa nga noon nila Mama dahil sa nakikita nilang closeness namin ni Kuya Adam. Dahil sa ito ang panganay, talagang napangatawanan niya ang responsibilidad niya sa akin lalo pa at palaging abala sila Papa sa kumpanya.
Umangat ang tingin ko kay Kuya Adam nang maglakad siya palapit sa akin. Seryoso ang mukha nito. Hindi pa man siya tuluyang nakakaalis noon pero nakikita at nararamdaman nang bata kong puso ang unti-unti niyang paglayo sa akin.
Maybe I was just naive and still innocent of everything that’s why I never thought of it in the negative side. Ang nasa isip ko lang noon ay malungkot ako dahil aalis ang Kuya ko.
“I will come and visit everytime I’m free. Tumahan ka na, Eva. Ang laki-laki mo na para umiyak ng ganyan.” Lalo akong naiyak dahil pakiramdam ko pinapagalitan niya pa ako.
Siya na nga ang biglaang mang-iiwan tapos siya pa ang galit. Kung sana ay mas naging mabait pa siya sa akin at hinayaan niya akong mas makasama siya nang matagal bago siya umalis patungong Maynila ay baka nabawasan kahit papaano ang ikinakasama ng loob ko.
Mas okay pa iyon para kahit papaano ay dala-dala akong magagandang memories naming dalawa. Mas mababawasan ang pagka-miss ko sa kanya at hindi ako magdadamdam sa biglaan niyang pag-alis. I was just a kid, kayang-kaya niya akong masuhulan at madali lang para sa kanya na mapagaan ang loob ko.
“Why did you not tell me earlier? Bakit kung kailan next week, aalis ka na ay saka ka magpapaalam sa akin, Kuya Adam?” malungkot kong sabi. I didn’t listen to him. Mas lalo lang akong umiyak sa harap niya.
Napansin ko ang paglayo ng aming mga magulang. Maybe to give more time at para mahayaan si Kuya Adam na magpaliwanag sa akin. Anyway, siya lang naman ang makakapagpakalma sa akin. He made me understand things because he explain everything clear to me. Matiyaga naman siya at dahan-dahan niyang ipapaintindi sa akin ang mga bagay-bagay.
Nang makalayo at mawala nang tuluyan sa kwarto ang aming mga magulang ay huminga nang malalim si Kuya Adam. I saw how his face changed. His expression softened. Hinawakan niya ang aking kamay at pinaupo ako sa kama. Pagkatapos niyon ay lumuhod siya para maging magkapantay ang aming mukha.
“Eva, I’m sorry if I wasn’t able to tell you about this beforehand. Hindi ko kasi malaman kung paano ko masasabi sayo ito nang hindi ka maiiyak. Do you understand me? Look at you, para kang ewan na ngumangawa diyan,” pabiro nitong sabi. He smiled and touched my hair softly.
I forced myself to stop crying. Pinunasan ko ang aking mata ngunit may mga kumakawalang hikbi pa rin doon.
“Mag-isa na lang ako, Kuya. Paano na ako kapag wala ka na dito sa bahay?” Nanginginig ang aking labi habang naiisip ang mga posibilidad sa mga susunod na araw, linggo at buwan na ako na lang mag-isa. Walang Kuya Adam na handang umalalay sa akin, walang kapatid na palaging sumusundo sa akin sa school. Wala ng makikipaglaro at tutulong sa assignments ko.
Ang bata ko pa noon pero takot na takot na ako kaagad na mawala siya sa tabi ko. Sobra akong nasanay kung kaya’t hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa oras na umalis siya.
He pulled me for a tight hug. I felt him kissing my hair. Ginantihan ko iyon ng mahigpit din na yakap at hindi ko na napigilan na mapaiyak ulit. I thought to myself that time that I was going to miss him. If I can only make the time run fast para matapos na niya ang pag-aaral sa Manila ay gagawin ko. Para lang makasama ko na siya ulit.
O kahit mahila ko manlang ang oras para magbakasyon na at holidays para makauwi siya dito. Iyon lang naman ang gutso ko noon. Gusto ko lang na makasama ang Kuya Adam ko.
“Learn to stand on your own. Hindi naman kasi habang buhay na nasa tabi mo ako. I don’t know if you understand this pero you’re still young. Sa oras na dumating ka sa sitwasyon ko ay malalaman mo kung gaano kahalaga na mabuhay ng independent,” kalmadong paliwanag niya sa akin. It’s true that my young mind can’t still process whatever he was saying that time but as I’m looking back now, totoo nga.
May malaking disadvantage ang pagiging dependent ko sa kanya. Para akong batang walang muang sa paligid noong nagsimula akong mamuhay na wala siya. Everything felt so new to me. Being alone scared me so much which is really a bad thing.
“Hindi naman ako mawawala. I will always call. Mangangamusta ako palagi sayo. You can still ask me anything. We can still talk to each other through phone at kapag may pagkakataon na makakauwi ako, we will make the best out of it. Babawi ako sayo. Okay ba iyon?” Malambing na sabi ni Kuya Adam.
My heart eventually beats faster with that. Iyon na lang ulit ang pagkakataon na naging malambing sa akin si Kuya Adam. I missed it so much. Hindi pa man siya nakakaalis ay na-mi-miss ko na siya agad. At sana ay sinulit ko na rin pala dahil ito na ang magiging huli na kakausapin niya ako ng ganoon.
Sobrang saya ko noong huling linggo ni Kuya sa bahay. He spent almost all of his time with me. Sinigurado niyang may babaunin akong magagandang memories sa oras na umalis na siya.
Noong mga panahong iyon, muli kong naramdaman ang kapatid ko. I kind of missed the feeling of having him by my side. Tuwang-tuwa ang bata kong puso sa tuwing inaaya niya akong umalis para magpunta sa mall. Hinayaan niya akong magturo ng mga laruan at pagkain na gusto ko.
I missed his gentle and loving side. Iyon kasi talaga ang kinalakihan ko noon. Kahit mga simpleng bagay noon tungkol sa akin ay grabe siya mag-alala.
I was so happy because atleast, he still thinks of me that time. Alam niya kung gaano kalaking kawalan sa akin ang pag-alis niya kaya naman binibigyan niya ako ng maraming magagandang alaala bilang reserba. Para kapag nakaalis na siya at sa tuwing mararamdaman ko ang lungkot dala ng pagka-miss sa kanya ay may mga mababalikan akong alaala.
Naalala kong ilang beses ko siyang pinakiusapan para payagan akong muli na matulog sa tabi niya para sa huling gabi niya dito sa Abra. Gabi-gabi ko siyang kinukulit mula pa noong unang araw na pinaalam niya sa akin ang pagluwas niya pero hindi siya pumayag.
Ngayong huling gabi na niya dito sa bahay ay sisikapin kong mapapayag siya. Ito na ang huling beses na makakatabi ko siya at hindi ko na alam kung kailan pa iyon masusundan kaya naman sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat mapapayag ko lang siya.
“Kuya, please, tabi na tayong matulog? Please, Kuya...” He was firm in saying no. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Nag-umpisa na akong maiyak dahil hindi ko na malaman kung ano ang gagawin ko.
Narinig ko ang mahinang pagmumura nito nang mag-umpisa akong humagulgol. Hindi siya magkandaugaga kung paano ako pakakalmahin. Lumabas na nga rin sila Papa at Mama ng kwarto nila para makita kung ano ang nangyayari sa akin.
“Adam, pagbigyan mo na si Eva. Aalis ka na bukas, baka mahirapan kaming pakalmahin iyan kapag nakaalis ka na,” pagod na sabi ni Papa.
“Anak, let her. Sobrang ma-mi-miss ka niyang kapatid mo kaya hayaan mo na,” wika ni Mama.
Walang ibang nagawa si Kuya Adam kundi pumayag. Halos sinipon na ako dahil sa matinding iyak. Pinipilit ko na ring patigilin ang sarili ko pero kusa na talagang tumutulo ang luha ko.
Dahil doon ay pinahiga na ako ni Kuya sa higaan niya. Tinabihan niya ako doon at niyakap nang mahigpit. He started humming while carefully stroking my hair. Unti-unti ay nagsimula akong kumalma. Natira na lang doon ay ang mahihinang hikbi. Nagsisimula na rin akong makaramdam ng antok.
Bago pa ako tuluyang makatulog ay parang naramdaman ko pa ang marahang paghalik ni Kuya sa noo ko. Grabe na ang antok na nararamdaman ko noon kaya naman hindi ko na rin nagawang intindihin pa ang ibinulong niya sa akin. Tuluyan na akong nakatulog.
Kinabukasan, nang maramdaman kong wala na sa tabi ko si Kuya ay agad akong napabangon. Halos marinig ko ang sarili kong puso dahil sa matinding kaba na naroon. Tumakbo ako palabas ng kwarto at pababa sa sala.
Nakita ko doon ang mga maleta ni Kuya at ang iilang karton na dadalhin niya para sa paglipat. Narinig kong sa condo daw na binili ni Papa malapit sa university na papasukan niya ang bagong titirhan ni Kuya Adam sa Maynila.
Napalingon ako sa pintuan nang makita na papasok doon si Kuya. Kasunod niya si Papa at kinuha nila ang ilan pang gamit ni Kuya na nasa sala saka sila muling lumabas.
Ngayon ay mas ramdam ko na ang lungkot sa puso ko. Nandito pa si Kuya pero pakiramdam ko ay maglulupasay na ako. Paano pa kaya mamaya kapag pinanuod ko siyang umalis.
Maya-maya ay muling pumasok si Kuya Adam and this time, nakita na niya ako. Kasunod niya si Papa at lumingon din ito sa akin. Nakit ako ang pagtapik ni Papa sa balikat ni Kuya.
“Sige na, magpaalam ka na kay Eva para makaalis na tayo.” Pagkasabi ni Papa niyon ay iniwan na niya kami sa sala.
Madiin kong kinagat ang aking labi saka yumuko para hindi niya makita ang nagbabadyang pag-iyak ko. Hindi maubos ang mga luha ko. Kagabi lang ay umiiyak na ako, ngayon namang aalis na siya ay tiyak na bubuhos nanaman ang luha ko.
“Baby, come here...” Dahan-dahang umangat ang tingin ko sa kanya. Nakita kong nakaupo siya sa sofa. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. Walang pag-aalinlangan akong sumunod sa kanya.
Nang makaupo ako ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko na mabilang noon kung pang-ilang beses na ba iyon pero pakiramdam ko ay hindi iyon sapat. It will never be enough.
“Hindi ka pa ba napapagod na umiyak, Eva?” kalmadong sabi nito habang marahang hinahaplos ang buhok ko.
“Kuya... sasama na lang ako sa iyo. Hindi ba pwedeng sa Manila na rin ako mag-aral? Gusto ko kasama kita lagi, Kuya Adam.” I couldn’t help it. Nagsimula nanaman akong mapaiyak.
Hindi ko alam sa mga oras na iyon kung kakayanin ko ba na mahiwalay kay Kuya Adam. I was so attached to him. I was very dependent on him at ngayong mawawala siya dito sa bahay ay parang napakalaking butas ang nabuo sa aking pagkatao.
“Hindi pwede, Eva. Dito ka mag-aaral ng high school at kapag nakatapos ka ng college, it’s up to you if you wanted to study in Manila. Sa ngayon, dito ka muna at doon muna ako sa Maynila.” Mabilis akong napailing sa sinabi niya.
“No, Kuya! Hindi ko kaya na wala ka dito, Kuya Adam...” Lalo akong napahagulgol.
“No, Eva. You can do it. You can live on your own now kasi malaki ka na, dalaga ka na. Sa umpisa lang iyan magiging mahirap. You will get used to it. We will get used to it,” he said with conviction.
It’s true though. The first few days, weeks and months were so hard for me but like what he always told me since that day. I get used to it. Nasanay na ako sa pagbabago sa buhay ko ngayong wala na siya.