Kabanata 10

2080 Words
Hindi magkandaugaga sila Mama noong unang mga linggo na nakatira si Kuya Adam sa Maynila. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa akin na halos nawalan na ng gana gumawa ng kahit ano o dahil kay Kuya dahil mag-isa itong naninirahan doon at malayo pa sa amin. Noong mga naunang buwan din ay panay ang pagtawag ni Mama kay Kuya. Lagi niya itong kinakamusta. “Adam, kamusta riyan? Safe naman ba ang pakiramdam mo sa condo? Mataas ba ang security diyan? May kailangan ka ba? May pera ka pa?” Sobra ang pag-aalala ni Mama para kay Kuya habang si Papa ay napapailing na lang. Unang beses kasi na malayo ni Kuya dito tapos mag-isa pa siya. Kung ako nga na kapatid ni Kuya Adam ay hindi sanay noon, paano pa kaya si Mama? Hindi ko ma-imagine ang pag-aalala niya dahil ang anak niya ay mag-isa sa isang malaking siyudad. “Ma, I’m fine. Don’t worry about me. Start na ng pasukan next week kaya ako baka may mga times na hindi ko na masagot ang tawag niyo lalo na kung maya’t-maya.” Narinig ko ang malutong na paghalakhak ni Kuya mula sa kabilang linya. Naka-speaker kasi ang tawag kaya naman kahit nakaupo ako sa sala katabi ni Papa at palakad-lakad si Mama ay naririnig pa rin namin si Kuya. Bigla ay naramdaman ko lalo ang pananabik sa kapatid ko. I was patiently waiting for Mama to give me the phone or for Kuya to ask for me. “Don’t hesitate to call us kapag kinulang ka na ng pera riyan ha? Focus on your study and make us proud,” magaang sabi ni Daddy. “Yes, Dad. You can count on me,” wika ni Kuya Adam. Ramdam ko sa boses ni Kuya noon na mukhang masaya siya at kahit papaano ay nakakapag-adjust na sa buhay doon sa Maynila. Hindi ko maiwasang makaramdam nang kahit na kaunting lungkot nang nagpaalam na ito at hindi manlang ako hinanap. I don’t know if he was just busy there or he had something to do o sadyang hindi niya lang ako naalala. Did he not missed me? Kasi ako, miss na miss ko na si Kuya Adam. Noong narinig ko nga kay Mama na tatawagan niya si Kuya ay itinigil ko ang paggawa ko ng assignments para sana makausap siya. I just missed him so much and it would really meant a lot for me if I get to speak with him even just for some minutes. Ngunit hindi, napayuko ako nang tuluyan nang nawala si Kuya Adam sa kabilang linya. Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Papa sa balikat ko. “Why, Eva?” kalmadong tanong nito. Napatingin din sa akin si Mama saka tinabihan kami ni Papa. “Siguro hindi pa ako na-mi-miss ni Kuya kaya hindi niya manlang ako hinanap?” malungkot kong sabi. Narinig ko ang paghinga nang malalim ni Mama saka nagsalita. “Eva, don’t be sad. May mahalagang gagawin daw kasi ang Kuya mo kaya ibinaba rin agad ang tawag. Don’t worry. We will call him tonight kapag sigurado nang wala na siyang ginagawa. He missed you, I’m sure of it,” nakangiting sabi ni Mama. Iyon ang pinanghawakan ko noong mga oras na iyon. Naniwala ako kay Mama na busy lang si Kuya kaya hindi niya ako nakausap. I tried to lighten up my mood and continued my homeworks. Inabala ko ang sarili ko doon at gusto kong mainis sa sarili ko dahil sa lahat na lang talaga ng bagay ay naalala ko si Kuya Adam. Paano ko siya hindi ma-mi-miss kung sa bawat sulok ng bahay at sa bawat ginagawa ko ay naalala ko siya? Natagalan ako sa paggawa ng assignments ko dahil medyo nahirapan akong intindihin ang mga iyon. Muli, sa pang-ilang beses na pagkakataon ay naalala ko ulit si Kuya. Kung nandito sana siya ay naturuan niya na ako. Siguro ay kanina pa ako natapos at baka ngayon ay naglalaro na kaming dalawa. Ngayon ay madalas na mag-isa na lang akong kumakain. Minsan nga ay sinasamahan na lang ako ng kasambahay dahil nakikita niya ata sa akin na nalulungkot akong mag-isa sa kainan. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay nakakasabay ko sila Mama. Mabuti pa dati, nariyan si Kuya para sabayan akong kumain. Hindi ko pa namamalayan ang pagkain noon dahil sa mga kwentuhan namin. Puno pa iyon ng tawanan kaya mas sumasarap lalo ang kain. Ngayon, wala na. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay. Kapag naman hindi ako makatulog, minsan ay nakikita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa kwarto ni Kuya para kumatok. Nang walang sumasagot ay doon papasok sa akin na wala na nga pala dito si Kuya. Wala na akong mapupuntahan kapag hindi pa dinadalaw ng antok. Wala ng story time na nagpapatulog sa akin. Kapag naman uwian na sa school, hindi ko pa rin maiwasan na abangan siyang bumaba sa sasakyan namin katulad ng madalas niyang ginagawa kapag sumasama siya sa pagsundo sa akin. Kapag ang kasambahay ang nakikita ko ay kusang bumabagsak ang balikat ko at walang gana na maglalakad palapit sa kanya. Sobrang laking adjustments talaga niyon sa akin. Kahit gustuhin ko man na nandito lang siya ay alam kong hindi pwede. Natapos kaming kumain nila Mama ng hapunan at tulad ng sinabi niya ay tatawagan daw niya ulit si Kuya para makausap ko. Hindi ako mapakali habang naririnig ang pag-ring ng phone. Natatakot ako na baka may ginagawa pa rin ito at baka hindi niya masagot ang tawag ngayong gabi. Makalipas ang pang-ilang ring ay sa wakas, sinagot na niya. “Hello, Ma? Bakit?” Nagliwanag ang mukha ko nang muli kong narinig ang boses niya. “Adam, may ginagawa ka pa ba?” Tahimik akong nakikinig sa usapan nila. “Wala naman na, Mama,” mabilis nitong sagot. “Mabuti kung ganoon, si Eva kasi na-mi-miss ka na, Gusto kang makausap ng kapatid mo.” Narinig ko ang sunod-sunod na ubo ni Kuya Adam. Sabay kami ni Mama na nag-alala. “Inuubo ka? Bakit? Napaano ka? Wala ka bang lagnat?” Sunod-sunod ang naging tanong ni Mama. “Ah, Ma, medyo hindi maganda pakiramdam ko pero may gamot naman akong ininom kanina kaya magiging okay rin ito. Matutulog na sana ako para makapagpahinga...” mahinang sabi nito. “Nako, mabuti pa nga. Sige na at palagi kang mag-iingat diyan ha? Kapag naging malala iyang sakit mo, sabihin mo lang sa amin para magpapapunta kami ng doctor diyan. Tatawag ako ulit sa iyo bukas para i-check ka.” Puno ng pag-aalala ang boses ni Mama. “Opo, Ma.” Iyon ang huli kong narinig bago muling binaba ni Kuya ang tawag. Hinarap ako ni Mama. “Pasensya na, Eva. Hindi kasi maganda pakiramdam ng Kuya mo. Narinig mo naman diba? Inuubo siya kaya kailangan niyang magpahinga. Dibale, bukas kapag umayos na ang pakiramdam niya, baka pwede na kayong magkausap.” Tumango na lang ako at tinanggap ang sinabi ni Mama. Ngunit ang pangyayaring iyon ay naulit pa nang naulit hanggang sa hindi ko namalayan na ilang buwan pa ulit ang matulin na lumipas at hindi kami nakapag-usap. Sobrang nalulungkot na talaga ako noon dahil ang tagal ko na nga siyang hindi nakikita at nakakasama, hindi ko pa siya makausap kahit saglit manlang sa cellphone. Isang araw, nagulat na lang ako nang pagkauwi nila Mama ay may dala silang isang maliit na box na naglalaman ng brand new na cellphone. “Here, Eva. Napapansin ko kasing ang laki ng pagbabago sayo mula nang umalis ang Kuya mo. Naisip ko kasi na baka nababagot ka na lalo pa ngayon na mag-isa ka na lang. Sinabihan ko ang Papa mo na payagan ka ng mag-cellphone. Just know your limitations, okay?” Kahit papaano ay nagliwanag ang mood ko noon. Nagsimula akong malibang sa sayang hatid ng cellphone. Maraming laro ang naka-install doon at iyon ang ginagawa ko sa tuwing wala na akong magawa habang mag-isa sa bahay. Kahit paano ay naibaling ko ang sarili ko sa ibang bahay kahit sa maiksing panahon. Nagsimula akong gumamit ng internet at ng mga social media. Matiyaga akong tinuruan ni Mama sa pasikot-sikot ng internet at sa lahat ng pwede kong ma-access doon. Tinuruan niya rin ako ng f*******: at doon ay nakita ko ang account ni Kuya Adam. Agad akong nag-chat sa kanya doon. Kada araw na lumilipas ay excited akong sumisilip sa conversation namin at ganoon na lang ang paglungkot ko nang makita na hindi pa nakikita ni Kuya ang chats ko sa kanya. Iniisip ko noon baka hindi naman talaga si Kuya Adam ang may-ari ng account dahil kahit pag-accept sa account ko ay hindi niya ginawa. Noong hindi ako nakatiis ay nagtanong na ako kila Mama. “Ganoon nga rin sa amin. Pero nakakasagot naman siya kapag tinatawagan sa mismong cellphone number niya. Nagsisimula na kasing mag-aral doon ang Kuya mo kaya wala na siyang oras para sa mga ganiyan. Gusto mo ba siyang makausap? Pwede siyang tawagan sa gabi para hindi mo siya magulo habang nag-aaral.” Maligaya akong pumayag sa sinabi ni Mama. Ibinigay niya sa akin ang numero ni Kuya at agad ko iyong nai-save. Parang gusto ko ng hatakin ang oras para maggabi na. Bilin kasi ni Mama na huwag ako basta-bastang tatawag lalo na sa sa umaga at hapon dahil may pasok daw ito. Sa gabi lang daw ako pwede mangamusta at makipagkwentuhan kay Kuya. Nang dumating na ang gabi ay agad ko siyang tinawagan. Nakakailang ring pa lang iyon nang sumagot siya. Nakaramdam ako ng pamilyar na kaba nang muling marinig ang boses niya. Nag-init ang mata ko nang maghalo-halo ang emosyon ko dahil sa simpleng pagkakarinig ng boses niya. “Hello, who’s this?” Para akong tanga na malalaki ang ngiti habang pinapakinggan si Kuya sa kabilang linya. Naiiyak na ako noon pero malapad pa rin ang ngiti ko. Para bang kahit marinig ko lang siyang nagsasalita noon ay sobrang kuntento na ako. Parang napawi na ng boses niya ang lahat ng pagka-miss ko sa kanya sa nagdaang buwan. “Kuya Adam...” nanginginig kong sabi. Napansin ko ang pagtahimik sa kabilang linya. “Eva?” paniniguro nito. Tumango ako kahit pa hindi naman niya nakikita nag reaksyon at kinikilos ko. “Oo, Kuya Adam. Miss na miss na kita...” Pilit kong pinipigilan na maiyak kasi baka hindi na ako makapagsalita kapag nag-umpisa akong maluha. Parang may kung anong sumakal sa puso ko nang bigla nitong binaba ang tawag. Kusang nag-unahan ang mga luha sa aking mukha. Bakit binaba ni Kuya? Busy ba siya? Ayaw ba niya akong kausap? Ilang ulit akong sumubok para matawagan siya pero hindi na siya sumasagot. Lalo akong napaiyak. Hindi ko alam noon, hanggang ngayon, kung bakit ako binabaan ni Kuya. Kung bakit hindi na nito sinasagot ang tawag ko. Hindi malinaw sa akin kung galit ba siya, may nagawa ba akong mali noon kaya hindi niya ako pinapansin. Bigla ay nagawa kong isipin sa sarili ko kung anong kasalanan ko kaya niya ginagawa sa akin iyon. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at sa huling beses ay tumawag ulit. Nabigla ako nang sa wakas ay sumagot na ito ngunit nang marinig ko ang boses niya, hiniling ko na sana hindi na lang pala niya ulit sinagot. “Eva!? Ano bang problema mo? Kanina ka pa tawag nang tawag! Marami akong inaasikaso dito kaya huwag mo akong simulan sa pangungulit mo!” Natahimik ako sa sinabi niya. “Ano? Pagkatapos mong mangulit, hindi ka magsasalita riyan? Ano bang kailangan mo at tawag ka nang tawag?” iritableng sabi nito. “N-Nangangamusta lang, Kuya. Miss na kasi kita. Ang tagal na nating hindi nakakapag-usap eh...” hindi ko naitago ang pagnginig at pagpiyok ng boses ko. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko at alam kong naririnig niya ang mga hikbi ko. “Ano ka ba naman, Eva? Ilang buwan pa lang naman ako dito tapos ganyan ka na agad makaiyak? Napakababaw mo naman. Talagang bata ka pa nga. Hirap ka pang makaintindi.” Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. “Huwag ka na ulit tatawag sa akin ha. Hindi ko kailangan ng batang dadagdag sa stress ko dito. Matulog ka na nga! Masyado ka ng nakakaistorbo.” Ito na ang kusang nagbaba sa tawag at hindi na nito ako hinintay na makasagot. Napatitig ako sa phone at kahit sa murang edad ko noon ay sobra akong nabigla sa naging takbo ng pag-uusap namin ni Kuya Adam. Kanina lang ay sobra akong excited dahil sa wakas, makakausap ko na ang pinakamamahal kong kapatid. I was kind of expecting a fun conversation and lot of stories from him since it had been months since we last talk ngunit malayo sa na-imagine ko ang nangyari. Labis akong nasaktan hindi lang dahil sa sinabi niya kundi pati na rin sa tono ng pananalita niya sa akin. That was a first. That was the first time he talked to me like that and I never thought that since that night, ganoon na ang magiging paraan ng pakikipag-usap niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD