“A-Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” nanghihinang tanong ko. Binalingan ko si Mama ngunit nakayuko lang ito habang patuloy na umiiyak. Nagsimula na ring mag-init ang mga mata ko. “Mama!” Halos mapaigtad siya sa pagtawag ko. “I’m so sorry, anak. Wala akong alam...” lumuluhang sabi nito. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa sinasabi nila. Hindi ako makapaniwala! Paano nangyari iyon!? “How come... what about the tests years ago?” naguguluhan kong sabi. “He manipulated it! Hindi pa ba halata? He wanted to keep everything from us and save his ass kaya pinalabas niya sa results na magkapatid tayong dalawa,” galit na sabi ni Adam. “My real daughter died after some minutes I gave birth to her and Raymond did what he thought is right to prevent me from hurting. My dead

