Bumungad sa akin ang amoy ng hospital pagkagising ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ipinalibot iyon sa loob ng kwarto. I saw Mama sleeping on the couch. Siya lang ang kasama ko dito. Sinubukan kong bumangon at sumandal sa headboard ng higaan. Naramdaman ko ang sakit sa iba’t-ibang bahagi ng aking katawan at medyo ramdam ko ang panghihina. Hindi ko sinasadya na makalikha ng tunog habang umuupo. Nakita kong mabilis na napabangon si Mama at kaagad na lumapit sa akin para alalayan ako. Una kong napansin ang namumugto nitong mata. I’m sure, I made them worry. “Ma...” Napahinto ito sa ginagawang pag-alalay sa akin saka napatingin sa mukha ko. Her eyes turned red as she sat beside me. “Bakit, anak? May kailangan ka ba? Anong gusto mo? Tubig? Pagkain?” sunod-sunod na tanon

