Walang mapaglagyan ang kasiyahang nararamdaman ko. I felt like everything is slowly falling into its right places. Mas naging malapit ako sa totoong pamilya ko ngayon at tila wala na akong mahihiling pa sa ngayon. Magaan ang pakiramdam ko ngayong nalayo ako sa mga Peñafiel. I haven’t heard from them for the past weeks at ipinagpapasalamat ko iyon. Ngayong tila naputol ang ugnayan ko sa kanila ay alam kong mabilis at makakayanan ko ng maka-move on ng tuluyan sa lahat ng nangyari sa buhay ko, lalo na kay Adam. Natapos na ang bakasyon ng mga bata at simula na ulit ng klase nila. Nakakatuwa dahil malapit lang pala dito ang paaralan nila at pwede iyong lakarin. Madalas ay ako na ang nag-volunteer upang ihatid at sunduin sila habang wala akong ginagawa. Sinusulit ko ang panahon na ito bilang

