There is this one thing that was very common between me and Kuya Adam. Iyon ay ang pagiging mahilig namin sa pagbabakasyon. We were always excited whenever the school year was ending. Ultimo ilang araw pa lang pagkatapos mag-sara ang schools namin ay nagtatanong na kami kila Mama kung saan kami magbabakasyon.
We are living in Abra and experiencing to live and grow up in the province is the best that had ever happened to me. This place is very close to my heart. Marami ring maipagmamalaki ang probinsya naming ito at masasabi kong kaya nitong makipagsabayan sa dami ng turistang bumibisita dito.
Halos naikot na nga namin ang mga tourist spot dito sa Abra noong bata pa ako. Kaya naman nang sinabi ni Papa na sa Puerto Princesa kami magbabakasyon ay sobrang saya ko. Halos magtatalon ako noon sabay niyakap ko nang mahigpit si Papa kahit hindi pa klaro sa isip ko noon kung ano ba ang mayroon sa Puerto Princesa.
“There are so many beach in Puerto Princesa. I’m sure kapag nakauwi na tayo dito sa Abra ay sobrang namumula nanaman si Eva dahil sa pagbabad sa initan,” nakangiting sabi ni Papa.
Lumingon ako kay Kuya Adam nang makita kong natawa ito sa tabi ko. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakikinig sa kwento ni Papa. Nakapunta na raw kasi sila doon ni Mama kaya naman nagagawa niyang ikwento sa amin ang mga napuntahan nila doon na gusto nilang ipakita sa akin.
Bilang bata ay sobrang namamangha na ako sa kwento nila. Ang malikot kong imahinasyon ay para bang nakikita na ang Puerto Princesa. Mas lalo lang tuloy akong na-excite.
I couldn’t contain my excitement when Papa already booked a ticket for us.
“Adam, tulungan mo si Eva na mag-ayos ng gamit niya. Sa iisang maleta na lang ang damit niyong dalawa. Tutal ay tatlong araw lang naman tayo doon dahil kailangan nating makabalik kaagad dito sa Abra.” Tumango si Kuya Adam sa utos ni Papa.
Hinawakan ni Kuya ang kamay ko at sabay kaming umakyat sa kwarto niya. Pinapasok niya muna ako doon at pinaupo sa higaan niya. He started looking for clothes. Ang mga natitipuhan niyang damit ay hinahagis niya sa banda ko.
At dahil sa pagiging kuryoso ko ay tinitignan ko ang mga damit na hinahagis niya. I tried wearing one of his shirts. Halos hanggang hita ko na ang haba ng t-shirt niya. Sobrang laki rin niyon sa akin dahil medyo payat lang naman ako noong bata. The sleeves of his shirt was almost reaching my elbows.
Nang muli siyang bumaling sa akin ay napatawa ito nang malakas. He slowly walked towards me and looked softly at me.
“Anong naisip mo at sinuot mo ang damit ko, Eva?” Pinipigilan niyang mapangiti ulit saka inayos ang nagulo kong buhok. Pinagpag niya rin ang t-shirt niya na suot ko.
“Wala lang, gusto ko lang subukan, Kuya. Ang laki ng damit mo!” Tumawa itong muli at ginulo ang buhok ko.
“Of course. I’m your big brother and you’re my little princess. My clothes won’t fit on you but it really looked cute. Ang cute mo ngayon, Eva.” Pinanggigilan niya ang pisngi ko. Halos sumimangot ako nang maramdaman ang init pagkatpos niyang kurtin ang magkabilang-pisngi ko.
Naupo siya sa tabi ko at sinimulang tupiin ang mga damit na napili niya. He carefully slid the clothes inside the baggage. Nang matapos iyon ay tumayo na ito at inanyayahan na akong magpunta sa aking kwarto.
“Mamili ka ng damit na gusto mong suoting habang nandoon tayo, Eva. Choose those that’s comfortable.” Tumango ako sa kanya at lumapit sa closet ko. .
Nagsimula akong mamili ng ilang damit. Hindi ko na nga namalayan na naparami na pala ang nakuha kong damit.
“Eva, stop. Doon mo ba balak tumira?” Noong una ay hindi ko pa nakuha ang ibig niyang sabihin. Well, I’m just a kid, I can’t understand some jokes yet. Lahat ng sinasabi sa akin noon ay pinapaniwalaan ko agad. Kaya nga sobra akong naniwala sa lahat ng pinangako niya.
“I mean, tatlong araw lang tayo doon, Eva. Why would you bring almost ten set of clothes? Five to six sets will do. Pwede ko namang labhan na lang ang iba kapag kinulang ka na,” paliwanag niya.
Tinulungan niya akong ibalik ang ibang damit na nakuha ko at napansin kong ang mga tinira niya lang doon ay puro t-shirts, pants, knee-length shorts at dress na may sleeves. Bilang bata ay wala namang kaso sa akin iyon.
Kinagabihan bago ang flight namin patungong Puerto Princesa ay halos hindi na ako makatulog. Kada pipikit ako ay na-i-imagine ko ang mga kwento ni Papa sa utak ko. Gustong-gusto ko na makita ang mga lugar na napuntahan nila Papa.
Nakailang ikot na ako sa higaan nang sumuko ako at bumangon. Kapag ganitong hindi ako makatulog ay pumupunta ako kay Kuya.
Dalawang katok ko pa lang ay pinagbuksan na niya ako kaagad. Hawak nito ang kanyang cellphone.
“Kuya, hindi ako makatulog...” Iyon pa lang ang sinasabi ko ay nakuha niya na agad ang gusto kong mangyari.
He opened the door widely and let me in. Masaya akong tumakbo at umakyat sa higaan niya. Nagtalukbong agad ako ng kumot nang maramdaman ang malamig na aircon.
“I bet you’re really excited that’s why you can’t sleep.” Nahiga na ito sa tabi ko at itinago ang phone na hawak niya kanina.
“Yes, Kuya. I can’t wait for tommorow! I can’t wait to see different kinds of butterflies on the farm! Pati ang baywalk!” Napangiti ito at muling kinuha ang phone.
“I searched the place and this is what I saw.” Ibinigay niya ang kanyang phone sa akin. Halos magningning ang mata ko nang makita ang iba’t-ibang tourist attraction sa Puerto Princesa.
Ngayong malinaw na sa akin kung ano ang makikita ko pagkarating doon ay mas lalo lang akong na-excite. Pakiramdam ko ay mas lalo akong hindi makakatulog at iyon nga ang nangyari.
Nauna pang nakatulog sa akin si Kuya at nang marinig kong mahina na itong humihilik ay pinilit ko na rin ang sarili ko na makatulog. I felt like it was already past midnight nang dapuan ako ng antok. Kaya naman habang nasa eroplano kami papuntang Puerto Princesa kinabukasan ay bagsak ako sa balikat ni Kuya Adam.
Nang makababa kami ay ilang beses niya akong iniggit dahil hindi ko raw nakita ang tanawin sa baba. Ito pa naman ang unang beses na nag-eroplano kami kaya ganoon na lang din ang tuwa ni Kuya sa mga nakita niya.
We checked in the hotel. Malaking room iyon na may dalawang kwarto. Si Mama at si Papa ang isa at kami naman ni Kuya ang sa iisang kwarto. Malalaki ang ngiti ko nang nasa kwarto na kami ni Kuya. I can’t help but to jump on the bed lalo pa at malambot iyon.
We stayed for a while inside our rooms. Muli akong nakatulog doon at ganoon din si Kuya. Nagising na lang kami nang marinig ang katok nila Papa. We ate our lunch and started trying the beach.
Si Mama at si Papa ay nasa cottage lang. Tirik daw kasi ang araw at ayaw nilang magbilad sa initan. Kami naman ni Kuya ay naglalaro na sa buhanginan. Walang pakialam kahit medyo masakit sa balat ang sikat ng araw. I was still a kid that time. Wala pa akong pakialam kung ano ang mangyayari sa balat ko kapag nagbabad ako sa initan.
Ang gusto ko lang sa mga oras na iyon ay ang makapaglaro sa buhanginan. I started collecting shells. Halos mapatili pa nga ako nang makitang ang shell na nadampot ko ay may lumabas na kung anong paa. Tumakbo ako palapit sa cottage kung nasaan sila Papa saka nagtago sa likod nila dahil hinahabol ako ni Kuya Adam habang hawak ang komang.
“Kuya! Stop na!” Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay maiiyak na ako dahil sa pang-aasar ni Kuya. Nakita kong tinapon niya na sa buhanginan ang komang na hawak niya saka ako inanyayahan na lumapit sa kanya.
Siyempre, dahil bata ako ay mabilis naman akong naniwala. Sana talaga hindi na lang dahil pagkalapit ko ay may nakatago pa pala siyang isa sa palad niya. I run again towards the cottage and hide behind Papa’s back.
“Papa, si Kuya Adam!” Nagtawanan lang sila Mama at Papa dahil sa panunuod ng pag-aasaran namin ni Kuya.
Tumawa nang malakas si Kuya Adam saka naglakad na palapit sa dagat.
“Adam! Not too far, okay? Sa mababaw lang na parte,” sigaw ni Mama.
Umalis ako sa pagkakatago sa likuran ni Papa para sumunod kay Kuya. I already saw him sitting near the shore. Basa na ang damit nito at dahil nakaupo ito ay abot hanggang tiyan niya ang tubig.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nakangiti itong nakatingin sa akin saka hinitay akong makalapit sa kanya.
“Adam, bantayan mo ang kapatid mo ha! Huwag kayong lalayo!” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Mama.
“Ako na ang bahala kay Eva, Mama. Don’t worry!” Tumayo si Kuya Adam. Ngayong nakatayo na siya ay halos nasa tuhod niya lang pala ang tubig. He walked near me and held my hand para magabayan ako patungo sa pwesto niya kanina.
Humigpit ang kapit ko sa kanya nang may dumating na alon. Dahil magaan lang akong bata ay halos matangay na ako pabalik sa buhanginan. Mabuti na lang at naroon si Kuya Adam.
Nang makarating kami sa pwesto niya kanina ay muli na itong naupo. Nanatili akong nakatayo at nakitang halos nasa bewang ko na ang tubig. He tried convincing me to sit pero natakot ako.
“Come on, Eva. I’m here. Hindi naman kita pababayaan.” He continued saying some sweet and encouraging words to me kaya naman lumakas ang loob ko at naniwala sa kanya.
“I will hold you. Kapag hindi ka kumportable sa taas ng tubig ay uusog tayo ng kaunti para malapit lang tayo sa buhanginan.” Tumango ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya saka unti-unting naupo.
Abot hanggang dibdib ko ang tubig. I was already comfortable with it but he still decided to move backwards. Bumaba ang tubig sa bewang ko na minsan ay umaangat pa rin sa dibdib ko kapag may alon na paparating.
Hanggang doon lang kami nanatili dahil hindi naman kami pwedeng magpunta sa malalim. Hindi naman kami sanay pareho sa paglangoy. Nang magsawa kami sa dagat ay bumalik na kami sa kwarto para makapaghanda at makita ang paglubog ng araw sa Puerto Princesa baywalk.
Pagkarating namin doon ay may iilang tao din. May ibang turista, may iba namang mukhang taga-doon din na namamasyal lang. May mga nagtitinda din ng pagkain.
“The sunset in Manila is still the best for me. Ang hirap ng alang dahil mas marami ang taong namamasyal doon. Plus the bay is not that clean yet kaya mas mabuti na dito na lang muna. How was it, Eva, Adam? Dito ako sinagot ng Mama niyo sa proposal ko sa kanya,” natatawang sabi ni Papa.
Hinampas siya ni Mama. Naglakad lakad sila ni Papa. Sila ang nauuna sa amin at kami ay nakasunod sa kanila. Maya-maya ay huminto kami ni Kuya. The baywalk is a straight path at kahit naman hindi kami makasunod kaagad ay makikita namin sila. Lalo pa at kasama ko naman si Kuya Adam.
Tumayo kami ni Kuya sa pwestong iyon at sabay na pinanuod ang paglubog ng araw. Unti-unti ay nasasakop na ng kadiliman ang lugar hanggang sa mawala na ang liwanag dahil sa paglubog ng araw.
Hawak ko ang kamay ni Kuya habang nakatulala sa napakagandang tanawin na nakita ko doon. It was my first time seeing a sunset and it was the best experience so far.
“Are you happy, Eva?” Umangat ang tingin ko kay Kuya Adam. I saw him looking at me softly. His eyes were directed only to me. Malapad akong ngumiti at tumango sa kanya. Lalong nanlambot ang muka nito. He kneeled infront of me para maging magkasing level kami.
“I want you to stay that way, Eva. Kahit na anong mangyari, always look for the beauty of every thing surrounding you. Don’t let anything or anyone, destroy your happiness. I’m just here. I will always be here, Eva.” He hugged me tight.
Sa mga oras na iyon ay wala akong naiintindihan sa kilos niya. Just at that moment, I felt so indescribably happy. Lingid sa kaalaman ko na iyon na pala ang hudyat ng unti-unting pagbabago ng pakikitungo niya sa akin.
I was so oblivious of everything happening between us to not notice such small details he was already showing me. Right from the start, ipinapahiwatig na pala niya na lalayo na siya sa akin but up until now, he has still no valid reasons to say to me.
If only I knew, sana sinulit ko na ang bakasyon naming iyon sa Puerto Princesa dahil hindi na pala ulit iyon masusundan ng kasama siya.