Kabanata 6

2054 Words
Bilang magkapatid ay hindi rin naman maiiwasan na magkatampuhan kami ni Kuya. Lalo na kapag umiiral ang pagiging makulit at mapilit ko, talagang mapapagalitan niya ako ng matindi kapag ganoon. Hindi lang siya parating mabait sa akin o lagi akong pinagbibigyan. There was a time that he would be so full of me at magagalit ito sa akin. Napakabihira lang din kasi mangyari niyon at kapag nangyari man ay paniguradong kasalanan ko naman. My brother wouldn’t be angry at me for no reason at all. Kaya alam kong may malalim siyang dahilan kung bakit ito biglang lumayo sa akin. I just have no idea at all because he never dared or he never let me to be close to him again. I remembered that one time kung saan matindi ang inis niya sa akin. Gulat na gulat pa sila Mama noon nang makita akong umiiyak habang sinisigawan ni Kuya Adam. May pasok ng mga panahong iyon. Si Kuya Adam ay sobrang aligaga sa mga projects niya raw at medyo nagtatampo na ako dahil hindi na kami nagkakaroon ng oras para makapaglaro. Sa tuwing nagpupunta ako sa kwarto niya ay madalas na nakaupo ito sa study table niya. Kung hindi ito nagsusulat o nagbabasa ay may kung ano-ano itong ginagawa. Kakauwi ko pa lang galing sa school at siya agad ang una kong hinanap. Sunod-sunod ang naging katok ko sa kwarto niya at halos lumagpas pa ng isang minuto bago niya ako napagbuksan. Umangat ang tingin ko sa kanya. I saw his tired face but he still forced himself to smile at me. “Kuya, let’s play...” pakiusap ko dito. Huminga ito nang malalim at ginulo ang buhok ko. “Next time na lang, Eva. Maraming ginagawa si Kuya. Sa mga kasambahay ka muna makipaglaro ha? Babawi na lang ako sa iyo kapag natapos ko na lahat ng school works ko.” Sumimangot ako sa kanya. “I want to play with you, Kuya Adam! Let’s play!” Nagpumilit ako sa kanya ngunin nginitian niya lang ako. Mahaba talaga ang pasensya niya at hindi siya basta-bastang magagaling maliban na lang kung sobrang malala na ang ginawa ko. “Yes, we will play but not today, okay? Go to your room at magbihis ka na.” Nagmatigas ako at nanatili lang sa harap ng kwarto niya. Kinailangan niya pa akong ihatid at papasukin sa kwarto ko dahil hindi talaga ako aalis doon. Baka maglupasay pa ako doon dahil hindi niya ako napagbigyan na makipaglaro sa kanya. Malungkot ako hanggang sa dumating ang kinagabihan. Nakikipaglaro sa amin ang kasambahay pero hindi ko magawang matuwa. Ilang beses niya akong kinakausap at pinapatawa pero hindi effective iyon. Si Kuya Adam ang gusto kong kasama eh. Nagliwanag ang mukha ko nang makitang pababa na ng hagdan si Kuya Adam. I saw him yawning while walking near me. Naupo ito sa tabi ko at isinandal ang kanyang ulo sa upuan. “Kuya, can I sleep in your room tonight?” Bahagya siyang sumilip sa akin at umayos ng upo. “Next time na lang, Eva. May project ako doon sa kwarto, baka kasi hindi sinasadya ay matabig mo. Bukas pa naman ng umaga ang pasahan niyon. Don’t worry. This is the last day that I will be busy. Tomorrow, sasamahan kitang gawin ang lahat ng gusto mo. Do you want that?” Lalo akong nalungkot sa sinabi niya. Hindi umepekto ang suhol niya na sasamahan niya ako bukas sa kahit na anong gusto ko. I wanted to sleep in his room tonight! Ilang araw na nga kaming hindi nagkakasama tapos hindi niya nanaman ako mapagbibigyan ngayon. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay sukdulan na ang pagtatampong nararamdaman ko sa kanya. “Kuya! Please, I will behave. Hindi ako maninira. Just let me sleep in your room. I miss you, Kuya Adam...” Napatitig siya sa akin ng ilang segundo saka nag-iwas ng tingin. He took a deep breath before facing me again. “Alright, just promise me to never touch any of my things, okay? Lalo na ang mga nasa study table ko.” Nagliwanag ang mukha ko at masayang tumango sa kanya. Sobrang ganado ako sa pagkain at napansin iyon ni Kuya. Kaming dalawa pa lang ang kumakain ng hapunan dahil nag-text daw sila Mama kay Kuya na mauna na kami. Maya’t-maya ang tawa sa akin ni Kuya dahil nakikita niya kung gaano ako kasaya na napagbigyan niya ako. He really can’t bear to just watch me lonely. Nang matapos kaming kumain ay kumapit ako sa kamay niya at sabay kaming naglakad patungo sa kwarto niya. Pagkapasok doon ay agad kong nakita ang projects niya na nasa study table. “Wow, Kuya! Ano iyan?” Tinuro ko ang projects niya sa study table. “It is a model of the Earth and its structure. Probably, you wouldn’t know it yet but soon, mapag-aaralan mo rin ito. Baka nga gumawa ka rin ng ganito sa future. The other one is a tower made from straw. Don’t lay a hand on them, okay? Saka na kapag naipasa ko na at na-check-an na,” mariing utos niya sa akin. I was so amazed by it. Gustong-gusto kong hawakan iyon pero inaalala ko ang boses ni Kuya Adam kaya napipigilan ko iyon. Humiga na kami ni Kuya Adam. Agad kong nakita ang ginahawa sa kanyang mukha nang makita ito na nakahiga. Mabilis din itong pumikit at nakatulog. Naiwan akong gising dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng antok. Kuya Adam was just so tired that he easily fell asleep. Dahan-dahan akong lumingon sa study ni table ni Kuya Adam. I really want to touch it. Ilang beses kong pinagpalipat-lipat ang tingin kay Kuya at sa projects nito pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na makita iyon ng malapitan at mahawakan. It was just a single touch. I promise to not break it. Iyon ang paulit-ulit kong sabi sa sarili ko noon. Besides Kuya Adam was already sleeping. He wouldn’t know if I touched it or not. Masasabi kong malalim na talaga ang tulog ni Kuya Adam ng mga oras na iyon dahil medyo humihilik na ito nang mahina. Hindi rin ito gumalaw manlang nang umalis ako sa higaan. Kawawa naman, he really looked tired. Sinikap kong hindi makagawa ng ingay habang lumapait sa project ni Kuya. I had to stand on the chair para lang mas makita iyon nang malapitan. Hinawakan ko ng maayos ang sinabi ni Kuya kanina na model daw ng Earth. Hindi ko pa alam kung ano iyon noon at kung anong materials iyon pero tuwang-tuwa ako nang maramdaman ko iyon sa kamay ko. Nang makuntento ako ay ibinalik ko iyon sa tamang ayos saka sunod na hinawakan ang tower na yari ng straw. Hindi ko napigilan ang sarili kong pindutin iyon dahil malambot lang siya. Magaan lang din kaya nagawa kong iangat iyon. Ibinalik ko rin iyon agad pagkatapos. Tatalon na sana ako pababa nang bigla akong na-out of balance. Napaupo ako sa study table ni Kuya at sa napakamalas na pagkakataon ay nadaganan ko ang mga projects ni Kuya. I swear! Kahit bata pa ako noon ay sobrang natakot ako nang makita ko si Kuya na agad na napabangon dahil sa nilikha kong ingay. He looked so disoriented dahil sa biglaang pagkakagising. “Eva, what the hell did you do?!” Dumagundong ang malakas na boses ni Kuya. Umalis ito sa higaan at walang sabi-sabi akong inangat para makababa. Nang makaapak ako sa sahig at humarap sa kanya ay doon ko nakita ang pinsalang nagawa ko sa projects niya. The model of Earth was cracked into to two. Kitang-kita ang malalaking pagkakasira ng mga iyon at lumitaw ang puti na kulay sa gitna na hindi kasamang nakulayan. Ang tower naman ng straw ay tumabingi. May ilang disenyo rin ang nasira doon. “K-Kuya... sorry,” nanginginig kong sabi kay Kuya. Galit itong lumingon sa akin. Umigting ang panga nito saka marahas na hinawi ang buhok. “I told you to not touch it, Eva! Bakit ang tigas ng ulo mo? Hindi ka na ba marunong makinig ngayon? Sana hindi na lang talaga ako pumayag na dito ka matulog! What now, Eva Mikaela?! Bukas na ang pasahan niya and I am so tired to fix the mess that you made!” Napaiyak ako dahil sa sunod-sunod na sigaw sa akin ni Kuya Adam. That was the first time. Mapait akong napangiti. Kahit naman ilang beses niya akong sigaw-sigawan ay alam kong mapapaiyak pa rin ako. Natutunan ko na lang na kimkimin iyon at itago muna habang kausap siya at sa oras na wala na siya sa harapan ko ay doon ko ibubuhos ang sama ng loob ko sa kanya. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nakita ko si Mama doon na nag-aalalang pumasok. “What is happening here, Adam? Bakit mo sinisigawan si Eva?” Bakas ang gulat at pag-aalala sa mukha nito lalo pa nang makita na tahimik akong umiiyak. “Ma, sinira niya ang projects ko! This is due tomorrow morning and it’s already 9:00 pm! Saan naman ako hahanap ng bagong materials para simulan nanaman ito?” Napayuko ako at hindi makatingin kay Kuya. I suddenly felt shy because of what I did to him. Lumingon sa akin si Mama at marahan akong kinausap. “Eva, bakit mo naman kasi ginawa iyon? Paano na ang projects ni Kuya niyan ngayong sinira mo? Wala na siyang maipapasa.” Sa gitna ng pag-iyak ko ay sinikap kong iangat ang tingin kay Kuya Adam. I saw him looking at me darkly. “Sorry, Kuya Adam...” nanginginig kong sabi. Umiwas ito ng tingin at tinalikuran ako. Naupo ito sa harap ng study table niya at galit na napakamot sa ulo. “Get her out, Mama.” Sobrang lamig ng kanyang boses. Walang salitang lumabas kay Mama nang hinila niya ako palabas ng kwarto at dinala sa kwarto ko. Nakasalubong pa nga namin si Papa. Sinabihan na lang siya ni Mama na kausapin nito si Kuya Adam at tulungan na magawan ng paraan ang projects ni Kuya. Pinaupo ako ni Mama sa higaan at doon ay pinagsabihan. “Eva, see what you have done. Masyado ka kasing nasanay na pinagbibigyan ka ng Kuya mo. You should learn to know your limits. Mabuti sana kung hindi ka pinagsabihan na bawal mong galawin ang mga iyon pero hindi naman ‘di ba? Galit tuloy ang Kuya mo.” Tumango ako sa kanya at itinatak sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Mama. Pinakalma niya ako at hinintay na makatulog sa gabing iyon. Kinabukasan ay ginising ako ng kasambahay namin para makapag-ayos na sa pagpasok. She looked worried when she saw my eyes. Medyo namamaga kasi iyon dahil sa biglaang pagtulog ko kagabi kahit na kagagaling ko pa lang sa pag-iyak. Nang matapos kaming makapag-ayos ay sinamahan niya na akong makababa para makapag-almusal. Nakita ko doon si Kuya Adam kasama sila Mama at Papa na hinihintay na akong kumain. Umiwas ako ng tingin kay Kuya Adam at imbis na sa tabi niya ako umupo ay umikot ako para makatabi si Mama. Nang makaupo ako ay nakita ko ang mabigat na titig sa akin ni Kuya Adam. Lalo akong natakot at kinabahan. Baka kasi sigaw-sigawan niya nanaman ako. Hindi pa naman ako sanay sa mga oras na iyon. We ate silently. Ilang beses din akong nasermunan ni Papa dahil sa nangyari kagabi. “Eva, sana ay nagsilbing leksyon sa iyo ang nangyari kagabi. Mabuti na lang talaga at nagawan pa namin ng Kuya Adam mo ng paraan ang mga nasira dahil kung hindi, maapektuhan pa ang grades ng Kuya mo dahil sa ginawa mo.” Nanatili akong tahimik at nakayuko sa pinggan ko. Kahit na nakaalis na sila Mama at Papa ay hindi pa rin ako kumikibo. Naghahanda na kami ng kasambahay na magtungo sa kotse para makapasok na nang makita kong sumakay din si Kuya Adam ng sasakyan. Naupo ito sa tabi ko at dahil sa takot ko ay napausog ako palayo sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa akin saka huminga nang malalim. “Eva, I’m sorry about last night. Pagod na pagod lang kasi ako kagabi kaya ganoon ang naging reaksyon ko. Sorry kung nasigawan kita...” Hindi ko siya nagawang tignan. Nakayuko lang ako at patuloy na nilalaro ang kamay ko. Suddenly, he reached for my hand and carressed it. “Baby, patawarin mo na si Kuya. I promise, hindi na mauulit iyon. Huwag ka ng magtampo sa akin.” Parang may pumipiga sa puso ko habang inaalala ang oras na iyon. Another promise that he didn’t fulfill. Hindi lang naulit iyon ng isa o dalawang boses. He did that too many times to the point that I had to give up our good relationship as siblings.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD