Kabanata 5

2122 Words
Kuya Adam never failed to spoil me, that’s one of the many reasons why I love him. Bilang bata ay napakasarap sa pakiramdam kapag napagbibigyan ka sa lahat ng gusto mo. Ganoon ang pinaparamdam sa akin ni Kuya palagi. Sa tuwing naglalambing ako sa kanya ay wala itong nagagawa kundi pagbigyan ako sa lahat ng request ko. Kapag naman sumusobra na ako sa mga gusto kong makuha ay matiyaga niya akong pinagsasabihan. He was always calm while doing it kaya naman napakadali para sa akin na maintindihan ang mga sinasabi niya. It was our summer vacation that time. It was my favorite season of the year because I was always at home. Ibig sabihin niyon ay palagi kaming magkakasama ni Kuya. Of course, if it was my vacation, siya rin ay walang pasok. Palagi ko siyang kinukulit na makipaglaro sa akin at wala naman itong palya kung pumayag. There was never a time that he got angry at me because of being to naughty. Tuwang-tuwa pa nga ito kapag lagi ko siyang kinakausap at kinukulit. “Pa, can I go to the mall? May gusto lang akong bilhin na mga libro,” paalam ni Kuya Adam. We were eating our breakfast. Nakakatuwa nga dahil madalas na naming nakakasabay ang mga magulang namin. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi na sila masyadong maaga nagpupunta sa kumpanya o dahil sa kami ang maagang nagiging palagi ni Kuya Adam. “Yes sure, magpasama ka na lang sa driver natin,” matipid na sagot ni Papa. “Hindi na po, Papa. Pwede naman akong mag-commute na lang. Hindi rin naman ako magtatagal.” Saglit siyang tinignan ni Papa bago ito tumango. Kaagad na nagningning ang mata ko at tumingin kay Kuya. Katabi ko siyang kumakain at imbis na susubo na ito muli ng pagkain ay napatigil ito at bumaling sa akin. I was smiling widely at him. Unti-unti ay lumitaw ang ngiti sa mukha nito. Right, he already knew what I was thinking! Mula pa talaga noon ay alam na alam niya ang takbo ng utak ko. Magsasalita na sana ito kila Mama nang unahan ko ito. I was super excited that time. Gustong-gustong makapunta sa mall! “Mama, Papa! Sasama ako kay Kuya Adam.” Napahinto sa pagkain si Papa at binalingan ako. “No, Eva. Baka maglikot ka doon at hindi ka mabantayan ng Kuya mo.” Napasimangot ako. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako kaagad ng mga oras na iyon. Tumahimik ako at yumuko sa pagkain ko. Nagsimula ko itong laruin dahil pakiramdam ko noon ay nawalan ako bigla ng gana. Natahimik ang hapag-kainan. Narinig ko ang pagtikhim ni Kuya Adam. “Pa, ayos lang kung isasama ko si Eva. Baka kasi nabuburyong na rin siya dito sa bahay. It’s good to for her to see more places rather than just being here in our house.” Hinaplos ni Kuya ang buhok ko at kinindatan ako. I suddenly felt excited once again. Gagawa talaga ng paraan si Kuya para mapagbigyan ang gusto ko. He was really my saver. “Are you sure, Adam? Baka hindi mo mamalayan at wala na sa tabi mo si Eva. Kilala mo naman ang kapatid mo. Kapag may nakitang gusto sa mall iyan ay nakakaligtaan minsan na magpaalam at agad na dumidiretso doon,” paalala ni Papa kay Kuya. Napanguso ako dahil doon. It was right. Sa sobrang pagka-excited ko ay tinatakbo ko talaga ang stores kung saan may nakikita akong magagandang laruan o gamit. Swerte ko lang talaga at nakakasunod kaagad si Kuya Adam o kaya naman si Mama. Pinanlakihan ako ni Kuya Adam saka inakbayan. “Don’t worry, Pa. She will be fine with me. Eva, mag-promise ka sa amin na hindi ka maglilikot mamaya para payagan kang makasama. Never leave my side at huwag kang bibitaw sa kamay ko, okay? Kapag may gusto kang ituro, sabihin mo sa akin hindi ‘yong bigla-bigla kang aalis ng walang paalam. Naiintindihan mo ba ako, Eva?” Marahan akong tumango. He explained it very well and carefully. “Mama, Papa, Kuya, I promise that I will be a good girl. Susundin ko po ang sinabi niyo para makasama ako kay Kuya Adam. Promise I will behave!” I even raised my hands to show them my sincerity. Natawa naman nila Kuya dahil doon. “Eva ha? If ever lang na mawala ka, what will you do? Saan ka pupunta? Kanino ka lalapit?” kalmadong tanong ni Mama. Inisip ko ang paulit-ulit na bilin sa akin nila Mama noon sa tuwing umaalis kami. Nagkatinginan kami ni Kuya Adam and then I suddenly remembered what he said. Parang bigla ay narinig ko sa utak ko ang boses ni Kuya Adam na pinagsasabihan ako sa dapat kong gawin kapag may nangyaring ganoon. “I will go to the guards and tell them that I am lost. Bibigay ko po ang number at address natin sa kanila saka pangalan niyo para mahanap niyo ako.” Mama looked so proud at me. Napangiti naman si Papa at si Kuya naman ay mahinang kinurot ang pisngi ko. We shared a look before I looked at Papa. “Okay, Eva. Promise ‘yan ha? Promises shouldn’t be broken. Huwag kang lalayo sa Kuya Adam mo ha? Behave yourself.” I was so excited as I knocked on my brother’s room. Nakaligo na ako at nakabihis. Gustong-gusto ko nang umalis at magpunta sa mall. Nakaka-miss na mamasyal doon dahil matagal na rin noong huli kaming nagpunta sa malls ng buong pamilya. This is the best chance to take a stroll lalo pa at si Kuya Adam naman ang kasama ko. Bumukas ang pinto at bumungad sa akina ng bagong paligo na si Kuya Adam. Nakabihis na rin ito ngunit medyo magulo pa ang kanyang buhok. He opened his room widely and let me in. Imagine being that comfortable with each other? We were really that close during that time. Nakakalungkot lang talaga, hindi ko matanggap ang malaking pagbabago sa pagitan naming dalawa ngayon. It was as if all of these memories were now gone on his head because he just easily dropped me. Maligaya akong nagtatalon sa higaan niya. Tumatawa ito habang nag-aayos ng buhok. “I can tell that you are very excited, Eva.” Naglakad ito palapit sa kama at nakangiting pinagmasdan ako. “Yes! I’m super excited, Kuya Adam! Let’s go already!” Tumalon ako pababa sa higaan niya. Nabigla pa nga ito at umambang saluhin ako dahil medyo may kataasan pa iyon para sa batang tulad ko. Baka magkamali ako ng talon at ng bagsak, magkaroon pa kami bigla ng problema. “Huwag kang tumatalon, Eva. Mamaya ay mapaano ka pa...” Hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon. I reached for his hand and pulled him palabas ng kanyang kwarto. Siyempre bilang bata ay hindi mahina lang ako, hindi ko siya agad na nadala lalo pa at pinipigilan niyang sumunod sa akin. Nilingon ko siyang muli. “Kuya! Let’s go na.” Umiling ito at naupo sa higaan. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagbabago ng emosyon nito. Kanina lang ay nakangiti ito at tumatawa sa akin, ngayon naman ay nakasimangot na siya. That was one thing that never changed on him. Nope, it changed pala, mas naging malala lang siya ngayon. Daig pa ang babaeng may period sa pagiging mainitin ang ulo at mabilis na pagbabago ng mood. “Eva, be careful, okay? Be mindful of what you’re doing. Be alert on your surrounding. Tulad mamaya, don’t ever go somewhere else without me. Hahawak ka lang sa akin palagi at kapag may instances man na naiwan ka kahit saglit at may lumapit sa iyo, don’t ever talk to them. You can’t trust anyone while outside except me and our parents. Naiintindihan ba, Eva?” Napakahaba nanaman ng sermon ni Kuya at wala na akong ibang sinabi at tumango na lang sa kanya. Pagkababa namin ay nakita ko na ang driver na naghihintay sa sala. Hindi kasi pumayag si Papa na hindi kami ihatid at sunduin ng driver lalo pa at kasama na ako. Even Kuya Adam agreed immediately about it. Para raw hindi na hassle sa akin. Humawak ako sa kamay ni Kuya nang makababa na kami ng sasakyan. He talked for a while with our driver before he finally said that we were coming in. Tumama sa aking balat ang pamilyar na lamig ng aircon sa mall. Even the familiar scent of the mall enveloped my nose. Lalo akong na-excite na mag-ikot-ikot. Sabi ni Kuya ay magtutungo raw muna kami sa isang book shop para makatingin siya ng libro na mga gusto niyang bilhin. He said that it was on the farther side of the mall at mahaba-haba nag lalakarin namin para makapunta doon. Hindi pa man kami nakakalayo sa entrace ay may nakapukaw na kaagad ng pansin ko. Nakakita ako nang nagtitinda ng cotton candy. Hindi iyon simpleng cotton candy na pabilog. What amazed my child mind is that it has several designs and colors. Pinakanagustuhan ko doon ay ang bulaklak. Bumagal ng lakad ko habang sinusundan iyon ng tingin. Mahina kong kinalabit sa tagiliran si Kuya Adam. Huminto ito sa paglalakad at bumaba ang tingin sa akin. Ang tangkad na kasi ni Kuya kaya naman noong mga panahong iyon ay hindi pa ako umaabot sa balikat niya. “Kuya Adam, I want cotton candy.” Saglit kaming nagtitigan ng ilang segundo bago ito tumingin kung saan may nagbebenta ng designed cotton candy. Nang makita kong nagsisimula na itong bumunot sa wallet niya ay napapalakpak ako. Pilit ko siyang hinihila palapit sa nagtitinda. Medyo may kataasan iyon at kinailangan ko pang tumingkayad para makita at makausap nang maayos ang nagtitinda. She smiled at me get the cotton candy I was pointing. Agad na binayaran iyon ni Kuya Adam saka ginulo ang buhok ko. “Mabuti na lang talaga at nagbigay ng pera si Papa. Siguradong umpisa pa lang ito ng pagtuturo mo. Mukhang bago pa tayo makapunta sa book shop ay marami ka nang naituro.” I only laughed at him and started eating my cotton candy. It was true, though. Ang cotton candy na iyon ang umpisa ng pagtuturo ko. Parang nakakailang lakad pa lang kami ay may itinuturo na ako sa kanya ulit. It was a mini ice cream. “Eva, hindi mo pa nga ubos ang cotton candy mo,” sermon nito sa akin. Malungkot kong tinignan ang maliliit na ice cream. They were so cute, halos kasing liit lang ang mga iyon ng daliri ko. Malapit na kaming makalagpas sa bilihan ng maliit na ice cream. Nalungkot ako na hindi ako makatikim niyon. Gustong-gusto ko sana pero hindi naman pwede sabi ni Kuya. Nalagpasan na namin iyon at pinilit ko na lang ang sarili ko na mag-focus na ulit sa cotton candy nang bigla akong maingat na hinila ni Kuya pabalik doon. Unti-unting nagliwanag ang mukha ko. Smile crept onto my face when he started ordering. Huminga ito nang malalim at binigay sa akin. “Tama na muna ito, Eva ha? Ubusin mo muna ang mga iyan bago ka ulit magturo.” Kinuha niya ang isang maliit na ice cream at kinain iyon. Ginaya ko siya at tuwang-tuwa ako nang masarapan dito. Sa wakas ay nakarating kami sa book shop. Sakto rin na naubos ko na ang pagkain ko pagkarating namin doon kaya naman nakapasok kami ni Kuya. Hawak niya ang kamay ko habang may binabasa ito sa mga covers ng book. Hindi ko maintindihan ang mga binabasa hawak niyang libro kaya naman tahimik lang ako sa buong oras na namimili siya. Nang makalabas kami doon ay umakbay siya sa akin. “What else do you want, Eva? Toys? Do you want toys? Or is there anything you wanted to buy?” Sunod-sunod ang naging tanong ni Kuya. I was so happy that day dahil lahat ng sinabi ko sa kanya na gusto kong bilhin ay pinagbibigyan niya ako. May ilang pagkakataon lang na napagsasabihan niya ako lalo na kapag ang mga dinadampot kong gamit ay hindi naman kapakani-pakinabang. Malalaki ang ngiti ko nang makauwi kami sa bahay. Ang daming nabili ni Kuya Adam para sa akin. Halos limang paper bag din ang mga iyon samantalang ang pinakadahilan ng pag-alis namin ay ang isang plastic lang na librong binili niya. Hindi mawala ang ngiti ko habang iniisa-isa ang pagtanggal sa mga balot ng pinamili namin. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Kuya Adam. I saw him looking at me soflty. Lalong lumapad ang ngiti ko sa kanya. Binitawan ko ang lahat ng bitbit ko at niyakap siya nang mahigpit. “Thank you so much, Kuya! You’re the best!” Marahang hinaplos ni Kuya ang likod ko. “Anything for you, baby. Anything for you.” Huminga ako nang malalim. There is this different kind of pain that I was feeling in my heart whenever that particular memory popped into my mind. Hindi ko maiwasang ma-miss ang kapatid ko. Kahit sana hindi na niya ibigay sa akin ang lahat ng gusto ko. Simpleng presensya niya lang ay okay na ako. Simpleng tingin o ngiti lang ulit niya sa akin ay masaya na ako, but no. I felt like it will never going to happen again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD