Nakatanggap ako ng text mula kay Lucas na nasa labas na raw ito ng bahay. Umangat ang tingin ko sa salamin at sandaling pinagmasdan ang aking itsura. I looked sad. I tried smiling but it didn’t reached my eyes. I took a deep breath countless of times to calm my self before going down. Pagkababa ko ay kumpleto na sila sa kainan. Naroon na nga si Lucas. Mukhang pinapasok na ni Mama. As usual, she’s all smile while talking to Lucas. Nakaupo ito sa pwesto kung nasaan madalas na nakaupo si Kuya Adam. I looked around and didn’t see him yet. “Eva! Mabuti naman at bumaba ka na, maupo ka na doon sa tabi ni Lucas.” Nagtama ang tingin namin ni Lucas. Tipid akong ngumiti sa kanya at naupo sa tabi nito. Tumikhim ako at kaswal na tinanong si Mama. “Ma, nasaan si kuya?” kalmadong tanong ko. Sinigurado

