Humarang sa daraanan namin si Lucas. Kabado nitong hinarap si Kuya Adam. I can sense that he was trying to look at me pero mas nanaig ang hiya at takot niya sa kapatid ko dahil sa nasaksihan nito. “K-Kuya, hindi po sinasadya ‘yon,” kaagad na depensa nito. Kuya Adam ignored him. Diretso ang lakad nito habang mariin na nakahawak sa pulushan ko.Hinabol kami ni Lucas. “Kuya...” Hindi natapos ni Lucas ang sasabihin niya. Kuya Adam snapped infront of him. Naglandas ang matinding galit sa mukha nito at umambang susugurin si Lucas. Kung hindi lang ako naging maagap para iharang ang katawan ko at yakapin si Kuya palayo ay baka nasuntok na siya nito ngayon. Malakas na napamura si Kuya Adam. Mabilis ang paghinga nito saka dinuro si Lucas. “Shut up and remove yourself infront of me habang may kau

