Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ako kaagad na nakasagot at natatakot ako dahil baka nahahalata niya sa itsura at kilos ko ang sagot sa katanungan niya. I tried breathing deeply before I answered him. Hindi ko napigilan ang pagnginig ng aking boses kahit na ilang boses kong pinapakalma ang sarili. “W-What are you talking about, Papa? Hindi ko po kayo naiintindihan...” mahinang sabi ko dito. He looked at me seriously. Tila nagpipigil itong maglabas ng galit. “Stop acting innocent, Eva. Matagal ko na kayong minamanmanan ni Adam. I was just waiting for the right time to ask you personally and alone. Now, tell me honestly, may relasyon ba kayo ni Adam?” Mabilis akong umiling. “Papa! Naririnig mo po ba ang sinasabi niyo? Kung may relasyon man kami ni K-Kuya, pagiging m

