First semester has ended. The project of our batch was a huge success. Pinagkaguluhan ang building, lalo na ang floor namin dahil sa mga nakahilerang designs para sa project namin. Akala mo ay biglang naging botique ang floor namin dahil sa maraming mannequin na naka-display sa bahay rooms. Ang iba nga ay hindi na nagkasya kaya nakalagay na ang mga iyon sa hallway. My friends complimented me with the outcome of my gown. Honestly, kahit iba-iba ang klase ng ginawa namin ay nakikita ko na lahat ay magaganda at talagang pinag-isipan ng mabuti. “Pwede mo ng gamitin iyan kapag nagpakasal kayo ni Lucas!” maligayang sabi ni Shienel. Napailing ako sa sinabi nito. Masyadong advance mag-isip. “I loved that summer outfit, Tammy. Ikaw ang nag-model diba? Can I see your portfolio?” pangungulit ko

