Chapter 43

1396 Words

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkayakap pero ang alam komasaya ako ngayon. Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha. Tumayo na rin si Hanz at inalalayan ako. Bumalik kami sa upuan. Bigla akong nahiya nang tingnan niya ako after ng revelation namin sa isa’t isa. Gumaan na rin ang pakiramdam ko, tila may mabigat na bagay ang naalis sa dibdib ko. Ito lang pala talaga ang kailangan ko, ang makausap si Hanz at magkalinawan kaming dalawa. “Raia,” tawag niya. Tumingin lang ako sa kaniya pero hindi sumagot. “Kakausapin ko sina--” “Sinasabi ko na nga ba at narito kayo!” Hindi na natapos si Hanz sa pagsasalita dahil bumungad si Denise. Tumingin siya sa akin at naglakad palapit. Nang tumigil siya sa gilid ko, nilingon ko siya, nag-cross arms siya at tinaasan ako ng kilay. “Ano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD