“Pasok ka na.” Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Harold nang marinig siyang may kausap. “Sino ’yon?” tanong ko. Ngumiti lang siya at inilahad ang kamay patungo sa pintuan. Dahan-dahan akong lumingon doon at tila nag-slow motion ang paligid sa pagpasok ni Hanz sa pintuan. “I’m giving you to your happiness, Raia,” wika ni Harold. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ang nakangiting si Hanz. Mabilis kong nilingon si Harold at nakangiti lang din siya sa akin. “A-ano ’to?” tanong ko. “Sinabi ko sa ’yo na gusto kong maging masaya ka at magsisimula ’yon ngayon,” sagot niya. Nangilid ang luha ko pero hindi ako nag-abalang punasan ’yon. Sinulyapan ko si Hanz na katayo lang doon habang nakatingin sa amin at muli kong ibinalik kay Harold. “Pero paano ka?” “I’m okay, Raia. Basta masay

