Lumuhod sa harapan namin si Tita Camilla at hinawakan ang kamay namin ni Hanz habang umiiyak. “Mama, stop that!” sigaw ni Denise pero hindi siya pinansin ni Tita Camilla habang si Tito Daniel ay nakatingin lang sa asawa. “P-patawad, anak. P-patawarin ninyo ako.” Nanginginig ang mga salita niya habang patuloy na umiiyak. “Hindi mo po kailangan gawin ’to, Mama, pero bakit mo po nagawa ’yon? Wala akong ibang hiningi sa inyo at hindi ako kailanman nagreklamo sa mga demands ninyo pero bakit?” Mahinahon na ngayon si Hanz pero umiiyak din siya habang pilit na pinapatayo ang Mama niya ngunit umiling lang si Tita Camilla. “Kailangan, Hanz. Malaki ang naging kasalanan ko sa ’yo, Anak, kaya pasensya na. N-nagawa ko lang ’yon dahil natakot akong masira ang buhay at pangarap mo…dahil bata pa noon

