Chapter 6

1538 Words
Magkatabi kaming nakahiga sa semento na nilatagan ng mga karton pero wala akong narinig na reklamo sa kaniya. Kung tutuusin galing siya sa mayamang pamilya kaya hindi siya sanay sa ganito. Ngunit hindi siya nag-iinarte kahit pa hindi niya alam kung malinis ba o hindi ang karton na hinihigaan namin. “Alam ko kung ano ang iniisip mo,” saad niya. Napatingin ako sa kaniya pero nanatili ang tingin niya sa itaas. “Ha?” Naguguluhan kong tanong. “Iniisip mo kung bakit hindi ako nagrereklamo, ’no?” Hindi na ako umimik sa tanong niya dahil tama siya. Nababasa niya ba nasa isip ko? “Dahil sabi ng parents ko, matuto raw ako tumanggap ng parusa lalo na kung kasalanan ko talaga. Kaya ako nakahiga rito dahil may kasalanan ako, pero siguro din dahil nadisiplina ako ng parents ko ng tama…” Tumigil siya at ngumiti. “Well, except sa pakikipag-away. Mahilig ako makipag-away dahil hindi ako nagpapatalo. Kahit ano ang sabihin nilang huwag ko patulan hindi ako pumapayag,” saad niya at humalakhak pa. “Napakabuti naman pala ng parents mo. Ang suwerte mo sa kanila.” Ngumiti ako nang sabihin iyon. Hindi ko iyon naramdaman pero naging kontento ako sa buhay ko. “Sobra. By the way, bukas kapag sinundo na ako ni Daddy rito, dadalawin kita at dadalhan ng pagkain. Kaya ngayon matulog na tayo.” Tinawag muna siya dahil may itatanong ako. “Sandali lang, ano ang date ngayon?” tanong ko pero nakapikit na siya. “July 13,” maikling sagot niya. Hindi na ako sumagot at hinayaan ko na siyang matulog. Isang hingang malalim ang pinakawalan ko. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko at hinayaan magpakalunod sa pag-iisip. Hanggang ngayon siya pa rin ang iniisip ko. Miss na miss ko na siya. Kaya pangako, kung makalabas ako rito ay siya agad ang pupuntahan ko. Pangako iyan. KINABUKASAN maagang sinundo si Emily ng Daddy niya. Paglabas niya ay lumapit siya sa rehas at hinawakan ang kamay ko. “Maliligo lang ako tapos babalikan kita. Dadalhan kita ng pagkain at tatawagan ko rin iyong Attorney namin. Promise, Rai.” Tumango lang ako sa mga sinasabi niya at ngumingiti pero hindi ko aasahan. Ganito rin ang eksena namin ni Hanz. Nangako rin siya pero hindi naman bumalik. Ngayon may nangangako ulit sa akin at hindi ko alam kung dapat iyon paniwalaan. Lalo na at hindi naman kami magkakilala ng lubos. “Sige. Mag-iingat ka,” sagot ko lang. Ngumiti lang siya at kumaway saka tuluyan nang umalis. Nakita ko pang umakbay siya sa Daddy niya habang naglalakad sila palabas. Nakatutuwa sila, kapansin-pansin na close talaga sila. Sana naramdaman ko rin ang magkaroon ng tatay o masayang pamilya. Bumalik na lang ako sa puwesto at naupo nang makalabas na sila. Tulad na naman ako ng dati na magmumukmok mag-isa. Hindi naman ako pinapansin ng ibang kasama ko rito sa kulungan. Hindi tulad noong nasa DSWD pa ako, mag-isa lang talaga ako. Ngayon may mga kasama na ako. Naubos lang ang oras sa pag-upo, tayo, at higa ko. Ganoon lang ang ginagawa ko sa maghapon. “Miss Reyes, may dalaw ka,” sambit ng pulis. Nakapagtataka naman dahil sa loob ng tatlong buwan ay walang dumalaw sa akin. Marahil ay si Tiyang na naman iyan. Simula nang maipakulong niya ako ay hindi ko na siya nakita. Lumabas ako at naglakad papunta roon sa waiting area para sa mga dumadalaw. Itinuro ng pulis sa akin ang pangatlong mesa at may nakita akong babaeng nakaupo habang nakatalikod. Hindi ko siya kilala pero nang makalapit ako ay nakita ko kung sino iyon. “Emily?” Naramdaman ko ang gulat sa sariling boses. Hindi ko inisip na totoo pala talaga ang sinabi niyang babalik siya. “Oh, bakit parang gulat na gulat ka?” Ngumiti siya sa akin pero hindi nagbago ang reaksiyon ko. Naupo ako sa harapan niya habang inilalabas niya lahat ng pagkain. “Hindi ko kasi naisip na totoo pala ang sinabi mo.” “Hindi ka talaga naniwala sa akin.” Sumimangot siya. “I told you, we’re friends! Anyway, kumain ka muna. Marami iyan kaya mabubusog ka,” sambit niya. Inisa-isa niyang buksan ang lalagyan ng pagkain at mayroon doon iba’t ibang pagkain na hindi masyadong pamilyar sa akin. “Ang dami mo naman dalang pagkain," sambit ko. “Yes, para naman tumaba ka. Eat.” Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang dami kasi talaga at ang sarap pang tingnan. “Kain na. This is ham, fried rice, and hotdog.” Itinuro niya ang unang tatlong lalagyanan. Nakalagay ang mga iyon sa lunch box. “Then, this is adobo with rice, fried chicken, and pinaldahan ka na rin ni Mom ng bread with cheese.” Tumango ako at kumuha lang ng hotdog saka kinain iyong adobong may kanin. Hindi ako nagsasalita at kain lang nang kain habang nakatingin lang siya. Kahit parang ang takaw ko tingnan ay nakangiti lang niya akong pinagmamasdan. Inalok ko pa siya pero tinanggihan niya iyon. “I’m full. Para ’yan sa ’yo lahat.” At pagkatapos kong mabusog ay inabutan niya ako ng dalawang plastic bottle. Isa ay tubig at isa ay gatas. “Bakit may gatas?” “Nasanay kasi ako uminom niyan. Ang daming sobra kaya dinala ko na lang sa ’yo.” Tumango na lang ako pero tubig na lang ang ininom ko. “By the way, kinausap na namin si Attorney and sabi niya malakas laban ng kaso mo.” Muntik pa akong masamid sa sinabi niya kaya mabilis kong tinapos ang pag-inom ng tubig at tiningnan siya. “Dahan-dahan, Rai.” “Sorry, natuwa lang.” “Sabi ko nga, malakas daw laban ng kaso mo sabi ni Attorney.” “Talaga? Thank you!” Tumango siya. “Yes, bukas pupunta rito si Attorney Perez and siya na ang bahala.” Ngumiti siya nang sabihin iyon. Sobrang saya ang namuo sa dibdib ko. Hindi ko inasahang may tutulong sa akin na ibang tao sa ganitong sitwasyon ko. Sila na hindi ko kadugo pero handang gumastos para sa akin. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Tatlong buwan na akong iyak nang iyak kaya dapat maging masaya naman ako ngayon. Sapagkat may pagkakataon pa para ipagpatuloy ko ang buhay at pangarap ko. Hanggang sa nagpaalam na siya sa akin at babalik na lang daw ulit siya. Kumaway lang ako sa kaniya. Nang bumalik ako sa loob ay hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko. Nang mag-umaga ay maganda ang gising ko. Magaan ang pakiramdam ko at tila maaliwalas ang araw na iyon. Tinawag ako ng pulis at sinabing may bisita ako. Iniisip ko na si Emily lang naman iyon dahil siya lang ang dumadalaw sa akin. “Rai! Good morning!” bati niya sa akin. Ngumiti ako at naupo muna bago siya binati pabalik. “Good morning din.” Napatingin ako sa lalaking kasama niya. Ngumiti ito sa akin kaya sinuklian ko rin iyon ng ngiti. “Sino siya?” “Oh! He’s our Attorney Niel Perez. Siya ang hahawak ng kaso mo. Aapila tayo na self-defense lang ang ginawa mo,” sambit ni Emily. “Ano ang mangyayari pagkatapos?” tanong ko. Sa pagkakataong ito ay iyong si Attorney na ang sumagot. “Magkakaroon ng pagdinig sa kaso. Pakikinggan ang magkabilang panig. Testimoniya at ebindensya,” pahayag niya. Tumango ako. “May laban po kaya ako?” “We’ll do everything just to prove that you’re innocent,” sagot niya. Tumingin ako kay Emily at nag-okay sign siya sa akin. “Dapat maging matapang kang ipahayag ang buong pangyayari pero kung mayroon kang testigo mas malaki ang chance natin,” wika ni Emily. Umiling agad ako. “Wala akong testigo. Malapit sa mga punongkahoy ang bahay ni Tiyang. May dalawampung hakbang mula sa kalsada ang bahay nila tapos wala rin tao sa labas nang hapon na iyon.” “Well, in that case, kailangan mo talagang sabihin lahat ng nangyari at si Attorney Perez na ang bahala. He’s the best Attorney.” Kumindat pa siya sa akin kaya naman mas lalong lumakas ang loob ko, dahil alam kong may kaibigan akong kasama para harapin ito. “Oo. Kahit masakit at mahirap balikan ang pangyayaring iyon, gagawin ko pa rin para lamang mapatunayang hindi ko iyon sinasadya.” Napahigpit ang hawak ko sa damit ko pagkatapos kong sabihin iyon. Ngumiti si Attorney sa akin. “Alright. I’ll go ahead. Aasikasuhin ko pa ito. Maiwan ko muna kayong dalawa,” paalam ni Attorney sa amin. “Kapag nakalabas ka na rito, isasama kita sa amin!” sambit ni Emily. Hindi ako nagsalita habang umiiyak lang sa harap ni Emily. Napatakip siya sa bibig niya. “Hey! Why are you crying again?” tanong niya at tumabi sa akin. “Wala. Hindi ko lang talaga mapigilan mapaiyak sa tuwa. Salamat talaga,” sagot ko. “Ano ka ba, Rai. Paulit-ulit ka sa pasasalamat sa akin. Wala iyon. Kahit nga sila Mom at Dad pumayag agad nang sabihin kong tutulungan kita.” “Basta. Salamat sa inyo.” Ngumiti lang si Emily at niyakap ako. Niyakap ko rin siya at tahimik na nagpasalamat sa Diyos dahil may taong tumulong sa akin. ‘Salamat po.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD