KABANATA -3

1307 Words
"Pare, mukhang ang lakas ng tama sayo ni Madison ah! Halos tumulo ang laway nun, kapag nakikita ka!" tatawa tawang sabi ni Drake. "Pusta tayo pare, ligawan mo ng magkaalaman tayo! Ano, kaya mo?" "Hayssttt. Ewan ko sa inyo mga dude! Pero in fairness maganda si Madison!" Sabi ni Sebastian sa mga kaibigan. Kahit naman kasi extra large ito, ay aminado siyang nagagandahan din siya sa dalaga. Nang saktong pagdating ni Cheanneli ay narinig ang lahat ng usapan nila. "Yuck! Did I heard it right Basty? Si Madison maganda? Eewww! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" tila nasusukang sabi nito . "Guys grabe naman kayo Madi. Mabait yung tao, hindi naman kayo inaano! Sige na mauuna na ako sa inyo!" iiling iling na sagot ni Sebastian "Basta challenge accepted na pre!" Bulyaw pa ni Drake habang palayo ito sa kanila. Walang lingong likod na nagpatuloy siya sa paglalakad. Nang hindi inaasahan na makasalubong niya sina Madison, Alyana at Marco. "Wow! Look mga sissy Sebastian Mondragon is here!" maarteng wika ni Marco na tila nagpapacute. "Hi! Madi, nakauwi kaba kaagad kahapon?" "Ah-eh. Oo Sebastian dumating naman agad yung sundo ko kahapon. Thank you anyway!" nauutal pa niyang sabi. Ramdam niya ang pinong kurot sa kanya ni Alyana. Nahihiyang nakayuko pa siya habang nakatitig sa kanya si Sebastian. "Mauuna na ako sa inyo! Bye Madi next time you can call me Basty." Nakangiting wika nito. Habang walang mapagsidlan ang kilig sa dalawa nitong kaibigan. "Ikaw hah, ayyiee haba ng hair ng lola mo. Pinansin ka na ng crush mo sissy. Tama lang ang desisyon mong magpapayat, naku humanda ang Sebastian na yan. Dahil sigurado akong tutulo ang laway niya sayo!" "Tara na nga puro kayo kalokohan. So, saan ang punta natin ngayon?" Hanggang sa napagdesisyonan nilang pumunta ng gym. Tuloy tuloy na talaga ito. May nakuha na silang instructor para kay Madison. At kailangan lang niya ng tiyaga at disiplina sa sarili lalo na pagdating sa pagkain. Puro cereals lang sa umaga ang kinakain, more on fruits and veggies narin siya. Dati kasi ay asiwa siyang kumain ng gulay pero ngayon ay pinipilit na talaga niyang kumain ng gulay. "Sweetie, baka naman napapabayaan mona ang sarili mo. Hindi ka na kasi masyadong kumakain baby!" "Don't worry Mmy, kayang kaya ko pa naman. Ito po ang gusto ko! Kaya gagawin ko po ang lahat." may lambing na sabi nito sa Ina. Mabilis lumipas ang mga araw at buwan, matatapos na ang school year, at next year Fourth year college na siya. Excited siya sa bakasyon dahil marami siyang time para mag-ehersisyo. Sa bakasyon ay uuwi siya ng probinsya. Doon muna siya mamalagi sa kanyang mga Lolo at Lola sa Cagayan. Ito ang lugar kung saan nagmula ang kanyang Ina. Pinili nilang manirahan sa Maynila dahil andito ang mga negosyo ng kanyang pamilya. Ang negosyong minana ng kanyang Ama mula sa kanyang mga magulang. Gusto din niyang yayain ang mga kaibigang sina Alyana at Marco. Para kahit papaano ay makapagrelax naman sila sa ingay ng lungsod at makalanghap ng sariwang hangin. Gusto niyang ipagmalaki ang yaman at ganda ng Cagayan sa mga kaibigan. "Sissy bet ko yan! Sige at magpaalam ako sa parents ko!" "Ako din sissy, sama ako! Gusto ko rin makarating ng Cagayan. Ang dami daw magagandang Beaches doon. Lalo na yung nakita sa Social Media, sa may Sta. Ana daw yun. Ang ganda gusto kong puntahan yun girl. Pati yung Callao Cave puntahan natin lahat yun hah?" "Sure, kayo pa! Mukhang hindi naman kayo masyadong excited niyan ah! Hehehe.." Two weeks na lang at bakasyon na nila. Excited namang binalita sa kanya ni Marco, na pinayagan siya ng parents niya at ganun din si Alyana. Tiwala sila sa mga anak nila dahil alam nilang si Madison ang makakasama nila sa bakasyon. At kilalang kilala nila ang mga Williams kaya kampante silang ligtas ang mga anak nila. Nasa school canteen sila, masayang kumakain sina Alyana at Marco. Samantalang tubig lang ang ininom ni Madison. Minsan talaga nate tempt din siyang kumain, lalo na kapag mga paborito nito ang nakahain. Tumitikim naman siya pero kaunti lang talaga. Hindi pwedeng sobra. Lalo na ngayon medyo kita na ang pagbabago ng katawan niya, hindi na siya masyadong hinihingal. Lagi nang magaan ang pakiramdam niya. Hindi narin siya nahihirapang kumilos ngayon. "Sissy alam mo, ang laki na ng pinagbago mo, biruin mo 143 pound's ka na lang ngayon! Konting push pa girl, maa achieve mo rin yang 100 pounds na yan. Kaya mo yan! Aja!" Napasigaw pa si Marco habang kumakain dahil sa tuwa na nakikita ang resulta ng lahat ng pagod nila para kay Madison. Walang mapagsidlan ang saya ni Madison dahil unti unting nakikita niya ang lahat ng sakripisyo niya. Nasa ganoong posisyon sila ng bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo, at tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin. Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari, dahil sa huling alaala niya ay may sumalo sa kanya. Nagising siya na puro puti ang nakikita niya. Kinapa niya ang kanyang sarili. "Patay na ba ako?" Kunot ang noong napatingin siya sa may pintuan ng biglang bumukas ito at iniluwa nito ang dalawang kaibigan nito. "Thank you sissy, gising kana akala namin kung ano na nangyari sayo. Tinakot mo kami dun hah!" "Sabi ng Doctor dahil sa daw sa gutom kaya ka nahimatay sissy. Nasobrahan naman yata yung pagdadiet mo. Tandaan mo lahat ng sobra masama!" "Uy girl! Heto pa, si papa Basty ang nagdala sayo dito sa clinic, naku! Kung nakita mo lang sana kung gaano siya mag-alala sayo kanina. Dinaig niya pa kami." sabi naman ni Marco. Lihim namang napapangiti si Madison, dahil sa wakas unti-unti na siyang napapansin ni Sebastian. "Hello, guy's! Kumusta na ang pakiramdam mo Madi? Ok ka na ba? Masyado mo naman atang sineseryoso ang pagpapapayat mo, look at you now, nangangayayat kana!" Shock's naman silang tatlo dahil hindi nila inaasahan ang pagdating ni Sebastian. Habang sina Marco at Alyana ay napatakip sa bibig habang nagsasalita si Sebastian. Hindi rin makaamik si Madison dahil ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya habang titig na titig si Sebastian sa kanya. "s**t, ang gwapo niya talaga! Ang tangos ng ilong, ang kulay gray nitong mga mata. At lalong nagpadagdag sa kanya ang dalawang malalalim nitong dimple's. Alden Richards ng buhay ko hayssttt!" "Sissy, ok ka lang ba diyan?" pukaw sa kanya ni Alyana. "Kinakausap ka ni Basty girl." "Hah! Eh ok lang ako Basty, thank you nga pala, sa pagdala sa akin dito sa clinic. Pasensya kana naabala pa kita!" "You're always welcomed Madi, masaya ako na tulungan ka!" Tumikhim naman ang dalawa niyang kaibigan bago nagsalita. "Uhmmm. Sissy, Basty maiwan muna namin kayo hah. Bibili lang kami ng tubig at saka food para kay Madi." Umiiling naman si Madison para ipahiwatig sa mga kaibigan na huwag siyang iwan. Pero hindi siya pinakinggan ng dalawa. At tuluyan ng lumabas. "Uhmmm..Heheh. Masyado ka namang tahimik Madi. Naiilang ka parin ba sa akin dahil kina Cheanneli? Huwag mo na lang pansinin ang mga yun. Mga walang magawa sa buhay kaya sila nagkakaganyan." "Pasensya ka na Basty, hindi lang kasi ako sanay na isang katulad mo na crush ng bayan lumalapit sa isang tulad kong extra large kung tawagin. Baka pagtawan ka lang ng mga friends mo." "Look Madison, you're beautiful inside and out! Kaya huwag mong isipin ang sinasabi ng iba!' "Shock's! Maganda daw ako. ibig sabihin naa appreciate niya ang hitsura ko! My Gosh, Madison this is it!" sigaw ng isip niya. Ngumiti naman siya ng tipid, bilang pagtugon. Dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito. "Uhmmm, Madison mauuna na ako. I just dropped by to see if you're ok! Don't ever skip your meal ok?" ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis, na siyang nagpalabas sa mga dimple's nitong nakakaakit. Na lalong nagpapadagdag sa kanyang kagwapuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD