014 Convenient C L A I R E Napaupo ako sa gilid ng kalsada nang makaramdam ako nang sobrang pananakit ng ulo. May mga lumapit sa akin upang tanongin kung ayos lang ako pero hindi ko na sila napansin dahil iniinda ko ang matinding pananakit ng ulo ko. Damn it! Ipinikit ko nang sandali ang mga mata ko habang unti unting bumabalik sa akin ang mga ala-alang nakalimutan ko kanina. Napamura ako ng malakas. Damn it! Pukingina talaga! Sa dinami-dami ng tao sa pilipinas ako pa talaga ang napag trip-an at biniyayaan ng nakakagagong sakit na 'to. Masiyado yatang natutuwang paglaruan ang buhay ko. Tangina talaga! Ano bang utang ko sa diyos at hindi pa din ako nakakabayad sa kanya kahit na ginawa na niyang impyerno yung buhay ko? Ganun ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya at patuloy niyang pinag lal

