015 You're making me crazy C L A I R E Madilim na nang magising ako. Wala na din si mokong sa tabi ko. Bumangon ako at duon ko lang napag tantong binihisan pala ako ng gago. Nakasuot ako ngayon ng tshirt niya pero bukod duon wala na. Napailing na lang ako. Ang gentleman niya ano? Sana hinayaan na lang niya akong hubad di ba? Nag abala pa siya jusko. Tumayo ako kahit na pakiramdam ko dinaanan ng truck ang buong katawan ko. Bwisit na lalaking yun, hindi yata uso ang pagod sa mokong na yun eh. Minayat maya lang naman niya ang beauty ko. Ako naman itong si maharot na hindi makatanggi. Lintek! Ang gwapo naman kasi ng hayop. Sino ba naman tatanggi sa grasya di ba? Hay naku Claire kelan pa naging maharot yang utak mo? "Sebastian?" Tawag ko sa kanya nang hindi ko siya mahagilap sa sala niya.

