Kabanata 24

2050 Words
Ilang pulgada na lamang ay maabot na ni Dieago si Eeya ang bigla itong tumigil sa paglalakad nang bumalik sa kanyang ulirat. “A-Anong nangyari?” bulong ng dalaga. Napalingon si Diego sa kanyang kanan na kung saan paparating ang TIyo Amil ni Eeya hawak ang binasbasan na isang rolyo ng papel na siyang sumira sa kapangyarihang nanghalina sa kanyang anak gawa ng elemento. “Patawad, Eeya at nahuli ako.” “Tiyo!” Agad na hinila si Eeya ng kanyang tiyo palayo sa elemento. “Sino ka?” Hinarap ni Diego ang babaylan na batid niyang siya ang pakay. “Hindi ka karapat dapat para malaman ang pangalan ko. Ang mahalaga ay alam mo kung bakit ako narito!” Walang anu ano ay nilapat nito ang mag kabila niyang mga palad sabay sa pagbulong ng orasyon. Batid ni Diego na hindi basta basta ang babaylan na kanyang harapan at dahil dito ay nagdesisyon siyang umurong sa laban. “Hindi pa ito ang huli nating pagkkita!” anito bago tuluyang naglaho para makatakas.   Minabuti ng kanyang Tiyo Amil na ipagpaalam si Eeya na magpaliban sa kanyang mga klase dahil sa masama nitong pakiramdaman. Pagka uwi sa templo ay hindi na nagpaliguy ligoy pa ang kanyang Tiyo nang kausapin siya nito. Nakaupo ang mag tiyo sa sala habang si Isagani ay nasa tabi ni Eeya. Kapansin pansin sa itsura pa lamang ni Amil sa pagkakatingin kay Isagani na hindi ito sang ayon sa pagiging malapit ng dalawa. Unang tingin pa lang ay alam niyang isa itong elemento na siyang dapat kanilang binabasbasan bilang mga alagad ng templo. Hindi magawang masabi ni Eeya na kasintahan niya ito sapagkat alam niyang paghihiwalayin lamang sila ng kanyang Tiyo Amil. Ilang beses pa lamang nakita ni Eeya ang kanyang Tiyo na pa minsan minsang bumibisita sa kanyang Lola noong nabubuhay pa ito ngunit batid niya ang pagka istrikto nito lalo na sa kanilang tungkulin. Kilala rin ang kanyang Tiyo bilang isa sa mga magagaling na babaylan na siyang tanging natitira na lamang at siya bilang kanyang kasunod. “Nakikita kong pinapalibutan ka ng mga elemento, Eeya. At hindi ko iyon nagugustuhan. Maging ang templo ay nasa alanganin dahil dito,” wika ni Amil na diretso ang tingin sa kanyang pamangkin. “O-Opo, Tiyo pero nagawa ko na pong mabasbasan ang isang elemento. Sa palagay ko ay magagawa ko iyon ulit kung kinakailangan.” “Alam kong hindi ka pa sanay sa ating tungkulin kaya ako na ang magdedesisyon patungkol dito ngayon.” Napalunok si Eeya sapagkat alam niyang maaaring ang desisyon ng kanyang Tiyo Amil ay hindi papabor sa kanilang dalawa ni Isagani. “A-Ano po bang dapat nating gawin?” Nakayukong wika ni Eeya. “Kailangan mabalik sa dati ang elementong nasa tabi mo at bumalik siya kung saang mundo siya nararapat.” Mabilis na tumingala si Eeya sa kanyang Tiyo, kapit ang dalawang palad sa kanyang palda. “Ang nakasagupa ninyong elemento kanina ay malakas. Malayo palang ako sa paaralan ay nasagap ko na ang kapangyarihan niya. Sa pagtakas niya ay tiyak na makikianib ang iba pang mga elemento sa kanya. Kailangan nating mabasbas ang mga mababang klaseng elemento bago iyon mangyari. Ito lang ang magandang paraan para maiwasan ang pagsakalay ng mga elemento sa pamumuno ng isang malakas na elemento.” “Ayoko!” Bahagyang nagulat si Amil sa pagsigaw ng kanyang pamangkin. “Hindi po ako papayag na bumalik si Isagni sa mundo niya! Mapapahamak siya doon lalo na sa kondisyon niya ngayon.” Hawak ang kanyang puso na mabilis ang pagtibok ay inalala ni Eeya ang kanyang nagawa na naging dahilan kung bakit lumiit ang katawan ni Isagani. “Ako ang may kasalanan kung bakit nagka ganyan si Isagani. Kung hindi ko siya maibabalik sa dati at ipapatapon mo siya pabalik sa kanyang mundo ay tiyak na mamamatay siya doon.” Makailang beses na umiling  si Eeya sa kanyang naiisip. “Hindi ako pinabayaan ni Isagani kahit minsan. Mahalaga siya sa akin, Tiyo. Puprotektahan ko ang mga mahahalaga sa akin.” Lumapit si Eeya sa kanyang tiyo upang ipakita ang nararamdaman nito. “Masama man siya sa paningin mo dahil isa siyang elemento pero hindi ako papayag na umalis si Isagani!” Ang pagtitig lamang sa kanya ang nagawa ni Isagani. Masaya man ang kanyang  puso sa mga narinig mula sa dalaga ay hindi niya maiwasan ang kainin ng kanyang tunay na nararamdaman. Magsasalita sana siya ngunit natigilan ito nang tumayo si Amil. Bakas sa mukha nito ang galit na kanya lamang pinipigilan. Walang kahit na anumang imik ay tumalikod si Amil at iniwan ang kanyang pamangkin na hindi na napigilan pa ang lumuhua. Masakit rin para kay Isagani na marinig at makita ang pagtangis ng kanyang kasintahan. Lalo pa’t alam niyang siya ang dahilan ng mga iyon. Nais niyang hagkan at yakapin ang dalaga. Nais niyang sabihin na ma aayos rin ang lahat. Ngunit sa kanyang kundisyon ay batid niyang imposible iyon at imposibleng siya ang makakayos ng kanilang sitwasyon. “Eeya,” bulong ng elemento. “Kahit na sinabi ko sa `yo na gagawin ko ang lahat para protektahan ka sa kabila ng kondisyon ko ngayon. Gayong sa katunayan ay hindi ko iyon magagawa.” Natigil sa pagtangin ang dalaga na pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi nang tignan niya ang binata. ‘Gayunpaman ay nais kong magpasalamat sa `yo sa lahat ng mga sinabi mo. Malaking bagay ang ipaglaban mo ako sa pamilya mo.” Sa kabila ng lungkot na pilit kumakapit sa dibdib ng elemento ay ngumiti ito na tanging paraan na kanyang naiisip upang umayos man lang ang pakiramdam ng dalaga. Nang makita ni Eeya ang pagngiti ni Isagani ay hindi niya napigilan ang gumanti ng ngiti rito. Alam niyang pareho lamang sila ng nais. At iyon ay matapos ang problemang kanilang kinakaharap at muling makabalik sa dati.   Dala ng pagod mula sa mga pangyayari ay agad na nakatulog si Eeya. Masaya ito sa kanyang pagtulog dahil alam niyang sa kanyang panaginip ay makakasama niya si Isagani sa dati nitong pisikal na anyo na kung saan ang lahat ay mistulang walang iniisip na problema. “Isagani! Isagani!” Nakangiti si Eeya nang tumakbo ito patungo kay Isagani na nakatayo at nakatalikod sa hindi kalayuan. SInalubong niya ng mahigpit na yakap ang kasintahan na hindi niya magawa sa maliit nitong katawan sa labas ng kanyang panaginip. “Ayos lang ba ang pakiramdam mo?” Imbes na sumagot ay mahigpit na yakap lamang ang ipinabatid ni Isagani sa kanyang kasintahan. “Hindi man ako ganoon kalakas ay papalampansin ko ang gabing ito. Gusto ko lang ay yakapin ka. Nakapanghihinayang lang na makakalimutan mo ito sa pagising mo.”   Pagising ni Eeya ay magaan ang kanyang pakiramdam mula sa magandang panaginip. Alam niyang sa kanyang panaginip ay naroroon si Isagani. Hindi man niya matandaan ang eksaktong nangyari ay hanggang sa kanyang pagising ay ramdam niya ang init ng mga bisig nito na nakapalupot sa kanyang katawan. Ngunit nang kanyang lingunin ang maliit na higaan ni Isagani ay wala ito. Dali dali siyang tumayo at hinanap ang binata sa kanyang silid ngunit wala siya roon. Hindi magka umayaw si Eeya sa paghahanap ay Isagani. Hindi niya maiwasang isipin na baka tuluyan na itong binasbasan ng kanyang Tiyo pabalik sa kanyang mundo. “Tiyo! Nakita mo na si--” Natigilan si Eeya nang makita na sa maliit na katawan ni Isagani ay pinupunasan niya ang buong sahig ng silid tanggapan ng kanilang templo. At sa hindi kalayuan ay naka halukipkip ang kanyang Tiyo Amil habang pinagmamasdan ang trabaho ng elemento. Alam ni Amil na tutulong ang kanyang pamingkan kaya naman agad niyang itinaas ang kamay upang pigilan na sumubok pa ito. “Maghanda ka sa pagpasok sa paaralan. Ako na ang bahala sa kanya.”   Hindi mapigilan ni Eeya ang kanyang pagtawan nang sa kanilang pagsasalu salo sa agahan ay iba na ang suot na damit ni Isagani. Alam niyang ang Tiyo Amil niya ang may gawa niyon at alam din niyang napilitan lamang si Isagani na isuot ang kasuotan na para sa mga babaylan dahil ang tiyo niya ang nagpasuot nito. Matalim ang mga mata ni Isagani nang tignan niya ang dalaga nang tumawa ito. “Huwag ka ngang tumawa,” mahinang wika at kunot ang noo na sabi ni Isagani. “Bakit ba kasi lukot `yang mukha mo? Bagay naman sa `yo ang damit mo ah.” Tamihik man ang kanyang tiyo ay nagpigil lamang ito ng tawa sa pag uusap ng dalawa. “Salamat sa pagkaint, Tiyo. At salamat din sa damit niya.” Alam ni Eeya na hindi pabor ang kanyang Tiyo sa pagtira ni Isagani sa templo ngunit sa paggawa nito ng damit para kay Isagani ay alam niyang naiintinsihan niya ang damdamin niya para rito.   “Umaga pa lang ubos na ang lakas na nakuha ko kagabi,” ani Isagani na nag unat ng mga maliit na kamay habang nakaupo sa balikat ng dalaga na naglalakad na patungo sa kanyang paaralan. “Kung ganito lagi ay baka mapilitan akong pumunta sa panaginip ng ibang babae,” pagbibiro nito na hindi nagustuhan ng dalaga. “Gusto mong pitikin kita?” Ngumiti ang binata. “Biro lang. Alam mo namang sa `yo lang ako. Hindi na ako maghahanap pa ng iba.” Bahagya mang nagalit ay agad rin iyong nawala sa paglalambing ni Isagani. Gayunpaman ay yumuko ang binata. “Hindi mo talaga natatandaan?” Lumingon si Eeya sa kanya. “Ang alin?” Agad na umiwas ng tingin si Isagani na bahagyang nalungkot. “Wala. Hayaan mo na.” Batid ni Eeya na sa kanyang mga panaginip ay naroroon si Isagani ngunit hindi nito lubusang maintindihan kung anu nga ba ang nangyayari sa kanyang panaginip. Tanging ang pakiramdam lamang ng nangyari ang kanyang naaalala sa kanyang pagising. Muli sanang magtatanong si Eeya ngunit narinig niya ang sigawan ng kanyang kamag aral sa b****a ng kanilang paaralan na para bang may pinagkakaguluhan ang mga ito. “Anong meron?” Kitang kita ni Eeya na sa kumpulan ng mga kababaihan ay may isang matangkad na lalaki sa gitna na kanilang kinakausap at pinagmamasdan. Laking gulat nito na sa paglapit niya ay nakita niya ang elementong si Diego. “Magandang umaga, Eeya,” pagbati nito nang matuon ang kanyang tingin sa dalaga. “Ikaw! A-Anong ginawaga mo rito? B-Bakit nakauniporme ka?” Hinawi ni Diego ang mahaba niyang buhok na isinayaw ng hangin. “Maganda ang paaralang ito. Maraming mga kababaihan ang mapagkukunan ko ng karagdagang lakas.” Halos mabingi si Eeya nang masigawan ang mga kababaihang nakapalibot kay Diego na tila ba kinikilig pa sa sinabi ng elemento. Hindi na pinansin ni Eeya ang elemento ngunit sa kanyang paghakbang palayo ay siya namang paghila sa kanyang kamay ni Diego. Sa paghila nito. “Anong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!” Pagpupumiglas ni Eeya na naging dahilan para mahulog si Isagani mula sa pagkaka upo nito sa kanyang balikat. Itinukop ni Diego ang kanyang palad sa pisngi ni Eeya at bahagya pang yumuko para matignan ito mata sa mata. “Ikaw ang gusto ko, Eeya. Hindi ko maalis sa isip kung na maangkin ka… ang kapangyarihan mo… ang lakas mo… ang buong katauhan mo. Nais kong mapa sa `yo, Eeya.” “Huwag mong hawakan si Eeya!” buong boses na sigaw ni Isagani. Umurong si Diego at bahagyang lumayo kay Eeya upang ituon ang atensyon kay Isagani. “Huwag ka ngang maingay. Gusto mo bang tirisin kita?” Umakmang hahakawan ni Diego si Isagani upang tirisin ito nang bigla na lamang kumislap ang katawan niya. “Isagani!” “May nakapataw na proteksyon sa kanya!” ani Eeya sa kanyang isip. Hindi maintindihan ni Isagani kung ano ang nangyari. Wala siyang sapat na lakas upang gumawa ng harang upang proteksyonan ang kanyang sarili. Bahagyang inilihis ni Isagani ang pinasuot na damit sa kanya ng tiyo ni Eeya at doon ay nakita niya ang maliit na papel na balot na kapangyarihan na siyang gumawa ng harang para sa kanya. “Hindi na mahala ang mga pakulo ninyo. Sapat na sa akin sa ngayon na makita kayong nagdurusa dahil sa kundisyon ng katunggali ko.” Nakangisi si Diego nang lingunin siya ni Eeya. “Masakit ang hindi mo nakikita ang itsura ng mahal mo hindi ba?”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD