bc

"THE BILLIONAIRE FORCED WIFE"

book_age18+
214
FOLLOW
2.4K
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
family
HE
escape while being pregnant
opposites attract
second chance
arranged marriage
playboy
brave
stepfather
single mother
heir/heiress
drama
lighthearted
city
office/work place
small town
cheating
musclebear
addiction
like
intro-logo
Blurb

Ang Kasal na Batay sa Kasinungalingan, Isang Nakalibing na Nakaraan sa Mga Lihim, Isang Pag-ibig na Hindi Dapat Naganap. Si Isabella Ramirez ay hindi kailanman nagnanais na pakasalan si Sebastian Villafuerte, ang mayabang at babaerong tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo. Ngunit upang iligtas ang kanyang pamilya, wala siyang ibang pagpipilian. Ang kanilang pag-aasawa ay wala kundi isang kontrata - isang sapilitang pagsasama upang bayaran ang isang lumang utang. Nangako siyang panatilihin ang kanyang distansya, tumatanggi na maging isa pang babae sa kanyang koleksyon. Kinamumuhian ni Sebastian ang pagiging nakatali, lalo na sa isang babaeng masigasig at mapaghamong tulad ni Isabella. Sa loob ng maraming taon, malaya siyang nabuhay at nagpakasasa sa kayamanan, kapangyarihan, at anumang babaeng gusto niya. Ngunit may isang bagay tungkol sa kanyang tinatawag na asawa na nagpapagulo sa kanya. Hinahamon siya nito, lumalaban, at hindi katulad ng iba, hindi ito nahuhulog sa kanyang mga paa. Ang kanyang pangangailangan na sirain ito ay naging obsesyon, at ang kanyang pagiging mapag-ari sa kanya ay naging hindi maikakaila. Ngunit wala sa kanila ang nakakaalam ng katotohanang nagbubuklod sa kanila. Ang nakaraan na puno ng pagtataksil, nakakagulat na mga lihim ng pamilya, at isang baluktot na kapalaran ay nagbabanta na wasakin ang lahat. Habang nagsisikap silang labanan ang paghila sa pagitan nila, ang kanilang sapilitang pag-aasawa ay nagsisimulang mag-blur sa mga linya sa pagitan ng pag-ibig at galit, na dinadala sila sa isang bagyo na hindi makatakas sa alinman sa kanila.

chap-preview
Free preview
*PROLOGUE ----
*Prologue* "Paano mo tatanggapin ang isang kasunduang hindi mo kailanman pinili?" Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Ang bawat hakbang ko patungo sa altar ay parang pagmamartsa sa isang hatol na hindi ko ginustong tanggapin. Sa bawat yapak, pakiramdam ko ay mas lalong bumibigat ang mundo ko. Ang malamig na simoy ng aircon sa loob ng simbahan ay tila hindi nakakatulong sa pagkakakulong ng damdamin sa dibdib ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng dambana, sa tabi ng isang lalaking hindi ko kailanman minahal—si Sebastian Villafuerte. Malamig ang kanyang ekspresyon, para bang isa lamang itong transaksyong kailangang matapos. Ni hindi niya ako tiningnan nang dumating ako sa altar, parang wala akong halaga sa kanya—parang isa lang akong gamit na pinagkasunduan ng dalawang pamilya. Ako'y isang bilanggo sa isang pangakong kailanman ay hindi ko ginawa. Sa paligid, ramdam ko ang mabibigat na titig ng mga bisita. Mga matataas na tao sa lipunan, mga negosyante, at mga pamilyang matagal nang kaalyado ng mga Villafuerte. Lahat sila nakatingin, nagmamasid, at marahil ay naghihintay kung may mangyayaring iskandalo. "Ang ganda niya, pero halatang hindi masaya." "Hindi ba siya yung anak ng Ramirez na nalugi ang negosyo?" "Sayang siya, ikakasal lang sa isang kagaya ni Sebastian." "Ano ka ba, bakit sayang? Guapo at mayaman si Sebastian," sabat ng isang marites, na tila hindi alintana ang tunay na nararamdaman ko. Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng bouquet ng rosas. Kung alam lang nila… Kung alam lang nila kung paano ako ipinagkasundo sa isang lalaking ni minsan ay hindi ko inakalang magiging bahagi ng buhay ko. "Sebastian Villafuerte, tinatanggap mo ba si Isabella bilang iyong asawa?" Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ko ang tanong ng pari. Saglit na katahimikan. Tiningnan ko si Sebastian, umaasang makikita ko kahit katiting na pag-aalinlangan sa kanyang mukha. Pero wala. Walang ni isang emosyon ang dumaan sa kanyang malamig na mga mata. "Oo." Isang salita lang. Walang alinlangan. Walang emosyon. Parang tumigil ang lahat. Tumigil ang paghinga ko, pati na rin ang t***k ng puso ko. Ang boses ni Mama ay biglang umalingawngaw sa isipan ko. "Isabella, anak... kailangan mong gawin ito para sa pamilya natin." "Huwag kang mag-alala, anak. Pagkatapos ng isang taon, maaari ka nang umalis." Isang taon… Pero paano ko matitiis ang isang taon na kasama ang isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang paikutin ang mga babae sa kanyang daliri? "And you, Isabella Ramirez, tinatanggap mo ba si Sebastian bilang iyong asawa?" Tumigil ang lahat. Ang kaba sa dibdib ko ay parang unti-unting sumisikip. Tumakbo ka na, Isabella. Pero paano? Paano ko tatakbuhan ang isang kasunduang ito kung ang kapalit ay ang pagbagsak ng pamilya ko? Kung ang pagtanggi ko ay magdadala kay Papa sa mas matinding pagkakautang? Napalunok ako, pilit na nilulunok ang pait sa lalamunan. Muli kong tiningnan si Sebastian. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Para bang wala siyang pakialam kung tatanggapin ko siya o hindi. Wala akong nagawa kundi itaas ang ulo ko, pinikit ang aking mga mata, at sa isang mahina ngunit matigas na tinig, sinabi ko ang salitang magtatali sa akin sa isang lalaking hindi ko mahal. "...Oo." Walang palakpakan. Walang sigawan ng tuwa. Sa halip, ang katahimikan ang bumalot sa buong simbahan. Sa isang iglap, naramdaman ko ang paglapit ni Sebastian. Mabilis at walang babala, lumapat ang malamig niyang labi sa akin. Isang halik na walang damdamin. Isang halik na parang isang pagbibilanggo. Hindi ko naitago ang pagnginig ng katawan ko, ngunit hindi ako gumalaw. Hindi ko ibinalik ang halik. Hindi ko rin sinubukang tumanggi. Para bang alam kong wala akong karapatang tumanggi. Walang kahit anong init sa halik na iyon—isang marka ng kasunduang hindi ko kailanman pinili. At sa mismong sandaling iyon, naunawaan ko na… Wala na akong kawala. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook