PROLOGUE
MASAYA ako sa para sa kaligayahan na nararanasan ng kapatid kong si Beckett. Masaya rin ako para sa ama ko na muling natagpuan ang babaeng pinakamamahal niya. At kuntento na ako na tinitingnan na lang sila mula sa malayo.
Mula nang mangyari ang insidente ay hindi ko na makuhang makipaghalubilo sa ibang mga tao. Parang takot na akong makipagsalamuha sa kanila at pakiramdam ko hindi na ako safe kapag napapalibutan na ako ng maraming tao.
Mas gusto ko na lang pamag-isa at manatili sa dilim. Dahil 'din sa ginawa sa akin ni Apple ay natutong maging matigas ng puso ko at hindi na naniwala sa salitang pagmamahal. Tinuruan niya akong talikuran ang mundo at mamuhay na lang ng mag-isa.
Naidilat ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng ingay mula sa ibaba ng mansion. Bumangon ako at kinuha ang baril ko mula sa ilalim ng aking unan at walang ingay na humakbang palabas ng kwarto.
Tinahak ko ang daan papunta sa back door at natigilan ako nang makita kong naka bukas na ang pinto at malayang nakakapasok ang malamig na hangin kasama ang malakas na ulan.
Bigla akong napabaling sa likod ko nang may marinig akong iyak mula roon. Nakita ko mula sa dilim ang bulto ng isang babae na nagtatago sa dilim. Itinutok ko sa kanya ang baril.
"Who the hell are you?!" sikmat ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot.
"Who the hell are you?!" Muli kong tanong.
"P-please don't hurt me..." anas niya na ikinatigil ko. Her voice seems familiar.
"Who are you?"ulit ko.
Marahan siyang tumayo at humakbang palabas sa dilim. Ganu'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang unti-onting kong nasisilayan ang mukha ng babaeng pangahas.
"Apple?" anas ko habang hindi makapaniwalang nakatitig sa maganda niyang mukha.
Apple is still alive! sigaw ng isipan ko.
"K-kilala mo ko?" tanong niya na lalo kong ikinatigil. "Paano mo ko nakilala, mister?"
Hindi niya ako kilala?
Paano?
Pero imposible!
"Hindi mo ko kilala?" tanong ko na natitigilan pa rin.
Umiling siya. "Hindi."
"Paano ka nakapasok?" mariin kong tanong.
"Kumakatok ako pero walang sumagot at kusang bumukas ang pinto. Please, wag mo kong palalayasin. Merong mga kalalakihan ang humahabol sa akin. Kapag nakita nila ako, siguradong papatayin nila ako. Kaya pakiusap, hayaan mo muna akong manatili rito kahit ngayong gabi lang," pagmamakaawa niya.
"Papatayin? Sino naman ang papatay sa'yo?"
"H-hindi ko sila kilala. Nakikiusap ako. Kahit ngayong gabi lang, pakiusap."
Hindi ko inalis ang pagkakatutok sa kanya ng baril ko. Hindi ako pwedeng magtiwala sa kanya. "You can't stay here. Get out of my house."
Hinawakan niya ako sa kamay. "Please, nakikiusap ako, mister. Kahit ngayong gabi lang. Please, please, please!" Naghihisterikal na niyang pakiusap.
"Bitiwan mo ko," pigil ang galit na sabi ko. Pero hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko. "Sabi kong bitiwan mo ko! Hindi ako mangingiming paputukan ka!" sigaw ko sa kanya.
Nanginginig at umiiyak niya akong binitawan at nayuko. "P-pasensya na. K-kailangan ko lang talaga ng lugar na matutuluyan kahit ngayong gabi lang."
Nakikita ko ang takot sa mga mata at sa bawat kilos niya.
"Dito ka lang at huwag kang gagalaw. Kapag gumalaw ka palalayasin kita. Naiintindihan mo?"
Mabilis siyang tumango bilang sagot
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko. Bahagya akong lumayo at agad na tinawagan si Masod.
"Boss?" bungad niya.
"Magpunta ka rito ngayon din. Apple is back." Sabi ko mula sa linya.
Pagkatapos ko makausap si Masod ay muli kong hinarap ang babaeng nagsasabing siya si apple. Walang sabi-sabing pinunit ko ang damit niya para tingnan kung may balat ito sa kaliwang dibdib nito. Dahil may balat si Apple na hugit puso sa dibdib nito.
"Anong—"
Natigilan ako nang makita ko ang patunay na siya nga si Apple. Halos hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Taas-baba ang dibdib ko habang nakatitig ako sa mukha niya.
Gakit kong hinawakan ang braso niya.
"Nasasaktan ako..." naka ngiwing sabi niya.
"Bakit ka pa bumalik, Apple? Bakit?!"
Naguguluhang tinitigan niya ako na para bang wala talaga siyang alam sa nangyari noon.
"H-hindi kita maintindihan, mister... Hindi ko alam ang sinasabi mo."
Galit na binitawan ko siya. Alam kong hindi lang coincidence ang pagbabalik niya. At kailangan kong makasiguro na hindi siya nagpapanggap lang. Pero ang higit kong dapat gawin ay mag-ingat sa pagpapanggap niya.
Hindi na ulit ako papaloko sa isang katulad niya. Hindi ako magpapadala sa pangpapanggao niya.
"You're staying here. Do you hear me?"
Marahan siyang tumango. "S-salamat."
Kahit puno ng galit ang puso ko, hindi ko siya magawang ipagtabuyan.
Makikipagsabayan ako sa pagpapanggap niya. Pero natatakot ako na baka muli akong ipagkalulo ng puso ko.