C1

1391 Words
Apple's POV "DAHIL dito ka na titira tulad ng sinabi ni Sir Beckham, at dahil hindi libre ang pagtira mo rito, kailangan mong manilbihan sa kanya," pagsisimula ni Masod, ang sekretarya ni Beckham. Naka-upo lang ako sa sofa habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Hindi ko makuhang maging panatag lalo pa't hindi ko sila kilala, pero ang nakapagtataka ay kilala nila ako. "Alam mo naman na siguro kung ano ang trabaho ng isang katulong diba?" aniya. "Oho." "Ayaw ni boss ng tatanga-tanga sa trabaho. Kung ano ang inutos niya iyon dapat ang gagawin mo. Ayaw din niya ng sinungaling at higit sa lahat, ayaw niya ng traydor. At ang isa pa sa ayaw niya ay titingnan siya." Marahan siyang napa-tango. "Naiintindihan ko." "I need to know your name," aniya. "My name?" "Yes. Including your age." Nayuko ako at naikagat ko ang ibaba kong labi. "B-bukod sa pangalan kong Apple, h-hindi ko na alam ang apelyido ko at ang edad ko." "Paanong nangyari 'yon?" "Meron akong amnesia," pag-amin ko. "Sino nagbigay sa'yo ng pangalan mo?" "Si Lola Satina. Ang sabi niya sa'kin, natagpuan niya ako sa gilid ng ilog na walang malay. Naliligo raw ako sa sarili kong dugo dahil puno ng sugat ang buong katawan ko. Nakita raw niya ang kapirasong papel na may nakalagay na apple, kaya nagbabasakali siyang iyon ang pangalan ko." "Nasaan itong nagligtas sa'yo?" Napahawak siya ng mariin sa sarili niyang kamay nang maalala ang ginawang pagpatay dito ng hindi niya kilalang mga kalalakihan na basta na lang sumugod sa bahay nila nang gabing iyon. "P-pinatay siya..." nanginginig ang boses na sagot niya. "Sino naman ang pumatay sa kanya?" "H-hindi ko kilala." "Sila rin ba ang sinasabi mong nagtataka sa buhay mo?" usisa nito. Marahan siyang tumango. "Oo. Sa kakatakbo ko sa kanila umabot ako hanggang dito. Kung kani-kanino ako humihingi ng tulong, pero wala ni isa ang may gustong tumulong sa akin." Tumingin ako sa kanya. "Paano ninyo ako kilala?" "Hindi ko pa masasagot sa ngayon 'yan. Sa ngayon, gawin mo muna ang trabaho mo rito. Tandaan mo lahat ng mga binilin ko sa'yo." Tumango ako. "Oho." "Isa pa pala. Pinagbabawal ang pagpunta sa ikatlong palapag ng bahay na 'to. Kung ayaw mong magalit si Sir Beckham, huwag na huwag kang pupunta sa ikatlong palapag. Nagkakaintindihan ba tayo?" "Oho." "Mabuti kung ganu'n." Tumayo na 'to. "Ipapakita ko na sa'yo ang magiging kwarto mo." Tumayo na rin ako at sumunod na rito hanggang dahil siya nito sa maid's quarter. "Ito ang magiging kwarto mo. Ikaw lang ang mag-isa rito kaya malaya kang makakagalaw." "Oho, sir." "Meron pa pala. Dapat ala-sais ng gabi ay nakahanda na ang pagkain ni Sir Beckham. At dapat pagtunton ng ala-syete, nandito ka lang sa kwarto mo at bawal ka ng lumabas. Lalabas ka lang ulit kapag ala-sais na ng umaga. Naiintindihan mo ba, Apple?" "Oho, sir." "Kung nagkakaintindihan na tayo, aalis na ako. 'Yung uniporme mo nasa kabinet, pwede ka magpalit anytime." Iyon lang at lumabas na ito sa kwarto ko. Beckham's POV "KUMUSTA ang pakikipag-usap sa kanya?" tanong ko pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Masod sa opisina ko. "Ayos naman, Boss. Ayon sa mga sagot niya meron siyang amnesia. May tumulong lang daw sa kanya kaya nakaligtas daw siya sa kamatayan," sagot nito na hindi nakatingin sa akin. "Sino ang tumulong sa kanya?" kunot-noong tanong ko. "She's already dead, Boss. May pumatay daw sa matandang babae. At sila rin daw ang nagtataka sa buhay niya ngayon. Napadpad daw siya rito kakatakbo niya sa mga taong gustong pumatay sa kanya." Hindi ako nakasagot. Posible nga ba ang sinabi ni Apple? Pero napaka-coincidence naman kung dito talaga siya makakarating at sa mismong bahay pa niya. Nagpakawala ako ng isang malalim ba buntong-hininga. "Gusto kong imbestigahan mo siya. Mag masid kayo sa paligid ng lugar na 'to kung meron bang naghahanap sa kanya." "Masusunod ho, Boss." "Nailagay mo ba ang CCTV sa kwarto ni Apple?" "Nailagay ko ho." "Good." Masaya akong malamang buhay siya. Pero hindi ako pwedeng maging kampante sa pagbabalik niya. "Naibilin ko na ho ang lahat ng gusto ninyong sabihin sa kanya. May kailangan pa ho ba kayo?" "Wala na sa ngayon. Pwede ka ng umalis." "Sige ho, boss. Aalis na ho ako. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka." Pagkalabas nito sa kwarto ay ibinagsak ko ang katawan ko sa backrest ng swivel chair ko at ipinikit ang mga mata. Hindi ko pa masabi kila Jordan at Beckett ang tungkol dito dahil gusto ko pang imbestigahan ang lahat-lahat. Tahimik na ang buhay ko. At kung kailan handa na akong mamuhay ng mag-isa tsaka pa bumalik si Apple para guluhin muli ang tahimik na niyang mundo. Lumabas ako ng opisina ko at walang ingay na bumaba para kumuha ako ng mainit na tubig. Napahinto ako nang biglang lumabas sa maid's quarter si Apple. Napasinghap siya at mabilis na yumuko. "Sorry, Sir. Kukuha lang po sana ako ng tubig. Hindi ko po sinasadyang lumabas ng ganitong oras." "Sinabi ba sa'yo ni Masod na hindi ka pwedeng lumabas ng ganitong oras?" "Oho, sir." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Bakit pati iyon ay kailangan pa nitong sabihin? Paano ko magagawang malaman ang totoo nitong hangarin kung hindi ko magagawang makipaglapit sa kanya. "Kalimutan mo na kung ano ang sinabi ni Masod. You can do and go everywhere in this house, maliban lang sa third floor. Nagkakaintindihan ba tayo?" sabi ko. "Oho, sir." Nilagpasan ko siya at kumuha na ako ng malamig na tubig at pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto ko at naupo sa harap ng monitor ng computer ko, at doon ay pinapanood ko ang bawat galaw ni Apple sa loob ng kwarto niya. Saglit na maupo si Apple sa kama bago ito tumayo at isa-isang hinubad ang suot nitong damit at walang itinira kahit isa. Humigpit ang pagkakahawak ko sa baso dahil sa biglang pag-atake ng mainit na sensasyon sa buo kong katawan. At nagsimulang sumikip ang suot kong pantalon. It's been a year, mula ng huling nakipag-s*x ako at kay Apple lang. Kaya siguro ganito na lang ang ipekto sa akin ng katawan ni Apple. Malakas akong napabuntong-hininga nang pumasok na si Apple sa banyo at hindi ko na siya makita sa monitor dahil walang CCTV sa banyo. Hinayaan ko na lang na ganu'n para meron pa rin itong privacy kahit na papaano. Fuck! Tumayo ako at nagtungo sa veranda, at pagkatapos ay nagsindi ng sigarilyo para pawiin ang init na nararamdaman ng katawan ko sa mga oras na iyon. Bigla ko tuloy natanong sa sarili ko kung ayos lang ba talaga na pinatuloy ko si Apple rito sa bahay? Hindi ko na siya mahal, pero obligasyon ko pa rin siya dahil kasal pa rin kami sa papel at isa iyon sa dapat kong asikasuhin, ang divorce naming dalawa. Apple's POV PAGKAPASOK ko sa banyo ay agad ko iyong kinandado. Nilibot ko muna ang tingin ko sa bawat sulok ng banyo kung meron bang nakatagong CCTV, pero laking pasalamat ko na wala. Inilabas ko ang maliit na cellphone mula sa gilid ng panty ko at agad na sinagot ang tawag. "H-hello," anas ko. "Hindi ba tama ako na tatanggapin ka niya ng walang kahirap-hirap?" agad na bungad ng estranghero mula sa kabilang linya. Hindi ko pa nakikita ang lalaking kausap ko ngayon, tanging ang mga tauhan lang nito. Sinusunod ko ang utos niya sa akin para maligtas ko ang taong importante sa akin. "K-kilala ako ni Beckham. A-ano ba ang kaugnayan niya sa buhay ko?" "Hindi mo na kailangan malaman. Ang dapat mo lang gawin ngayon ay sundin ang mga pinag-uutos ko sa'yo. Simple lang, kunin mo ang loob niya. Kung kinakailangan na ibigay mo ang sarili mo sa kanya, gawin mo. Basta magawa mo ang huling plano." "P-pero kasi..." "Kung hindi mo magagawa ang utos ko sa'yo, alam mo na ang mangyayari." Iyon lang. Kasunod ni'yon ay end tone na ang narinig ko mula sa kabilang linya. Mariin akong napapikit. Makakaya ko bang gawin ang mga ipinag-uutos sa akin ng lalaking hindi ko kilala? Pero kailangan kong gawin kung ayaw kong gawin nito ang pagbabantay niya sa akin. Tinitigan ko ang sarili ko mula sa reflection ng salamin na nandoon sa loob ng banyo. Para sa taong mahalaga sa buhay ko, gagawin ko ang lahat maligtas lang siya, kahit pa sarili ko ang nakataya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD