MAAGA akong nagising kinabukasan. Pagkatapos kong maligo at isuot ang damit pangkatulong na ibinigay sa akin ay agad na akong nagpunta sa kusina para magluto ng almusal ng bago kong boss ngayon.
Habang nagluluto ako ng almusal ni sir Beckham, hindi ko maiwasang ilibot ang mga mata ko sa kabuuhan ng kusina. Malaki ang mansion nito kaya hindi nakakapagtaka kung kasing laki ng isang bahay ang kusina nito. Mas malaki pa nga ata ito sa bahay na tinirahan ko. Pero ang nakkapagtaka lang bakit mas pinili nitong magtayo ng bahay sa gitna ng gubat? Kung bahay nga bang maitatawag ito sa laki.
Pagkatapos kong magluto, kumain at uminom na rin ako ng kape bago nagsimulang maglinis ng buong kabahayan. Umabot ako ng halos dalawang oras sa paglilinis.
Napahinto ako nang makita ko ang isang pintong nakabukas. Nang silipin ko ang loob ng kwarto ay hindi ko mapigilang hindi mamangha sa sobrang dami ng librong nasa loob. Isa pala itong library.
Hindi ko mapigilang hindi pumsok para tingnan ang buong paligid ng library. Pakiramdam ko, para akong si Belle ng Beauty and the Beast nang ipakita ni beast sa dalaga ang library nito sa kaharian.
Maihahalintulad ko rin ang sarili ko kay Belle dahil kinakailangan kong isakripisyo ang sarili ko para lang sa taong mahal ko at mahalaga sa buhay ko. Kailangan ko ngayong makisama sa isang lalaki na hindi ko lubusang kilala. Hindi nga ba?
Pero base sa sinabi ng lalaking iyon, isa raw masama si Beckham at minsan ng pinagtangkaan ang buhay ko. Maihahalintulad daw ito sa isang beast dahil sa pagiging pusong bato nito at dahil na rin sa peklat na meron ito sa kalahating bahagi ng mukha nito.
Naglakad ako papasok sa loob at isa-isang binasa ang titulo ng bawat librong mahawakan ko na nasa lamesa. Nang buklatin ko ang isang libro hindi inaasahan na may kapirasong papel ang nalaglag mula roon.
Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ko. Bakit nandoon ang pangalan ko? Ano nga ba talaga ang kaugnayan ko kay Beckham?
"What are you doing here?"
Napapitlag ako nang biglang may magsalita sa likod ko. mabilis kong binalik sa loob ng libro ang papel na hawak ko.
"Sir Beckham..." ani ko ng lingunin ko siya. Sa pagkakataong ito, meron itong suot na itim na maskara sa kanang parte ng mukha nito kung nasaan ang sunog.
"Pasensya na po, naglilinis ako hindi ko mapigilang mamangha sa dami ng libro."
Tiningnan nito ng hinawakan kong libro kanina. "Mahilig kang magbasa ng libro?" may nakita akong pagtataka sa mga mata nito na para bang hindi ko ginagawa ang bagay na 'yon.
"Hindi naman ho."
Humakbang ito palapit sa akin. Tumutunog ang baston na gamit nito sa tuwing tumatama sa tiles na sahig.
Tumahip ng mabilis ang puso ko habang papalapi siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging ganito ang t***k ng puso ko.
"Gusto mo bang basahin 'yan?" tanong niya nang makalapit siya sa akin.
"A-ayos lang ho ba, Sir?"
"Walang problema. Kung gusto mo sa'yo na 'yan."
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito, pero nang maalala niya ang isa sa habilin ni Masod na huwag tititig kay Beckham ay aad niyang iniwas ang mga mata rito.
"Natatakot ka bang tingnan ang mukha ko?"
Mabilis akong umiling. "Hindi ho, Sir."
"Kung ganu'n bakit hindi ka makatingin sa akin ng matagal?"
"Hindi ho sa ganu'n, Sir. Binilin ho kasi sa akin ni Sir Masod na ayaw ninyo na tinitititigan kayo."
"Hindi ka talaga natatakot?"
Mabilis akong muling umiling. "Hindi ho."
"Then I want you to look at me."
Natigilan ako. Bakit gusto niyang tingnan ko siya? Para ano? Akala ko ba ayaw nito ng ganu'n tulad ng sinabi ni Masod?
"You scared—"
"No, Sir," sagot ko na tiningnan siya kaya nagtama ang aming mga mata, na lalong ikina bilis ng t***k ng puso ko.
Parang nalulusaw ang puso ko habang nakatitig ako sa mga mata niya.
"Hindi mo ba talaga ako natatandaan, Apple?" mahina niyang tanong.
Pilit kong inaalala sa isip ko kung kilala ko ba ang taong ito pero wala talagang napasok sa isip ko.
Marahan akong umiling. "H-hindi ho talaga kita kilala, Sir."
Mariin itong pumikit at muling tumitig sa akin. "Stop calling me sir. Just call me Beckham."
"Pero kasi, Sir..."
"Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko paaalisin kita rito. Gusto mo ba 'yun?"
Mabilis akong umiling. "Hindi, Si—Beckham."
"Good."
Tumikhim ito. Tiningnan ang mga librong nagkalat sa lamesa nito. "Ano ang pinagkakaabalahan mo bago ka napadpad dito?" maya'y tanong nito.
"Dati akong nagtatrabaho sa karindirya. Tiga hugas, nagse-serve ng mga pagkain at naglilinis."
"Alam mo ba kung ano ang apelyido mo?"
Marahan akong umiling. "Maliban sa Apple na pangalan, wala akong alam. Hindi ko nga rin alam kung Apple ba talaga ang tunay kong pangalan eh."
"It is your nickname. But your real name is Joana Amelia Hermosa. Nasabi mo noon sa akin na kaya Apple ang ibiniy na nickname sa'yo ng mama mo kasi namumula ang pisngi mo noong bata ka."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kilala ba talaga ni Beckham ang buo niyang pagkatao? Pero paano?
"Kilala mo talaga ako? Paano? S-sino ako? Saan ako nagmula? Ano ba ang trabaho ko noon? May asawa ba ako? Kilala mo ba siya? Sino siya? At nasaan siya?" sunod-sunod kong tanong na gusto kong malaman.
"Kaya kong sagutin lahat ng mga tanong mo, pero gusto kong malaman mo ang lahat ng 'yan na ikaw mismo ang nakakaalala at hindi nanggaling sa akin."
"Pero bakit?"
Walang emosyon ang mga mata nitong tumingin sa akin. "Ayokong gumulo ang isipan mo ng dahil sa akin. Alam ko rin naman na hindi ka maniniwala."
"Kahit 'yung tungkol lang sa sarili ko. Nakikiusap ako, Beckham."
"Ayokong ako ang masasabi nun. Kung gusto mo, maaari kong papuntahin dito si Jordan para siya ang makausap mo."
Nangunot noo ako. "J-Jordan? Sino 'yun?"
"Siya na rin ang sasagot niyan."
Tila ako nakaramdam ng pag-asa sa sinabi niyang iyon. Nginitian ko siya. "Maraming salamat, Beckham."
TAHIMIK lang ako habang hinihintay na magsalita ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Simula nang makita niya ako kanina hindi ito makapaniwala hanggang sa ngayon.
Umiyak at niyakap pa nga niya ako kanina nang makita niya ako. Tapos ngayon titig na titig lang ito sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa isang kwarto.
Napatingin siya rito nang hawakan nito ang kamay niya. "Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na buhay ka pa, Apple. Kasi grabe ang nangyaring pagsabog noon. Pero masaya ako na bumalik ka sa amin."
"Alam mo ang tungkol sa aksidente?"
Tumango siya. "Oo."
"Gusto kong malaman kung anong nangyari. Pakiusap gusto kong malaman."
Nag-alangan pa ito noong una pero sa huli ay nagsalita ito. "Nakidnap ka noon, kayo ni Beckham."
"Nakidnap ako at si Beckham? Bakit?"
"Dahil sa mga kaaway. Pero ang alam ko, sumama ka kay Luca at doon nangyari ang nangyaring aksidente."
Naguguluhan ako. Bakit kasama ko si Beckham na makidnap? Ibig-sabihin totoong kilala ako nito? Pero hindi kaya nagsisinungaling din si Jordan sa kanya?
Mapait na gumiti si Jordan. "Alam kong hindi ka naniniwala. Ayos lang sa akin 'yon. Naiintindihan ko. Pero kung hindi ka pa rin naniniwala, gusto kong makita mo 'to." Inilapag nito ang mga mga litrato sa harap niya.
Mga litrato iyon na magkasama silang dalawa.
Kinuha ko ang isa at tinitigan iyon. Sa litratong hawak ko, nandoon kami pareho ni Jordan at may dalawang lalaki sa likod namin na malapad a nakangiti at ang isa roon ay walang iba kundi si Beckham.
"Magkaibigan din ba kami ni Beckham?"
Natigilan siya. "Iyan ba ang sinabi niya sa'yo?"
"Wala siyang sinabi sa akin. Pero iyon ang nakikita kong dahila kung bakit niya ako tinanggap dito bilang kasambahay."
"Kasambahay?!" bulalas nito. "Nagtatrabaho ka rito bilang kasambahay?"
"M-may masama ba 'dun?" naguguluhan kong tanong.
Nagbuntong hininga siya. "Mamaya ko na lang siya kakausapin tungkol dyan. Anyway, gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa'yo."
Kinikuwento ko sa kanya kung ano ang mga ikiniwento ko kay Masod. Dahil iyon lang naman talaga ang alam ko, maliban sa lalaking nakakausap ko.
"Hindi mo kilala kung sino ang huahabol at nagtataka sa buhay mo?" tanong ni Jordan.
"Hindi."
"Mabuti at ligtas ka at nakarating ka rito. Hayaan mo, rito ligtas ka at nasisiguro kong hindi hahayaan ni Beckham na may mangyaring masama sa'yo," anito.
Tipid niya lang itong nginitian. Kaya nga bang gawin iyon ni Beckham? Kung totoo man 'yon, maaari kaya siyang humingi ng tulong dito? Pero totoo nga kayang magiging ligtas siya dito?
"Umh... Jordan, gusto ko lang malaman kung may nobyo ba ako bago ako maaksidente? Sinubukan ko na 'yang itanong kay Beckham pero sinabi niyang gusto niyang ako mismo ang makaalam tungkol sa bagay na 'yon."
"Hindi ko rin masasagot 'yan, Apple. Kung ganu'n ang sinabi ni Beckham ay gagalangin ko 'yon."
Nagtataka akong tumitig sa kanya. Pero bakit? Gusto ko lang naman malaman. May masama ba dun? Naging masama ba ako noon?
"Ano pa ang alam mo tungkol sa akin, Jordan?" pag-iiba ko.
"Hmm...Meron kang coffee shop na pinapatakbo."
"Masama ba ako noon?"
Nakangiting umiling siya. "Isa kang mabuting tao, Apple. Ikaw ang tumulong sa akin noon, noong walang-wala ako. Ikaw ang naging pamilya ko noong mga panahong nag-iisa na lang ako."
Tipid akong ngumiti. "Ganu'n ba? Mabuti naman. Akala ko masama ako at merong nasaktang tao."
"Masaya talaga ako, kami ni Beckett na buhay ka pa. Siguradong matutuwa rin si Alessandro kapag nakita ka niya."
"Sinong Alessandro?" kunot ang noo kong tanong.
"Anak namin ni Beckett."
"Ganu'n ba? Gusto ko na rin siyang makita, Jordan."
"Hayaan mo't dadalhin ko siya rito sa mga susunod na araw."
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader ng kwartong kinaroroonan namin.
"Naku! Ala-sais na pala. Kailangan ko ng malutuan ng ulam si sir Beckham."
Tumaas ang kilay nito. "Sir Beckham talaga?"
"Ayaw nga niya na tawagin ko siyang ganu'n. Hindi lang ako sanay."
"Oo, wag mo na siyang tawaging sir."
Nginitian ko siya. "Sige magluluto muna ako ha? Wag muna kayo umuwi ng asawa mo. Dito na lang din kayo maghapunan."
"Sige. Pupuntahan ko muna 'yung magkapatid."
"Sige. Tatawagin ko na lang kayo pagkatapos kong magluto," sabi ko na tumayo na at lumabas na nga kwarto.