"ARE YOU okay?" tanong sa akin ni Jordan habang tinutulungan ko siyang magluto. Dumalaw kasi sila ni Beckett dahil meron daw silang pinuntahan na malapit dito kaya dumaan na rin sila. "Oo. Bakit naman ako hindi magiging okay?" "Kumusta naman kayo ni Beckham?" Nagkibit balikat ako. "Sinabi na niya sa'kin na asawa niya 'ko, pero gusto niya ng ipawalang bisa ang kasal namin. Kahapon pinapunta niya rito ang abogado niya para papirmahin ako." "What?! Ginawa niya 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya. Marahan akong tumango. "Pero hindi natuloy dahil humingi ako ng pagkakataon na maayos namin ang relasyon namin. Gusto ko ulit subukan na maging asawa niya kahit na wala akong maalala." Nilingon ko si Jordan. "Naging mabuti ba akong asawa kay Beckham, Jordan?" Tipid niya akong nginitian. "

