C5

1699 Words
PAGKARATING namin ni Jordan sa hospital na pinagdalhan niya sa akin ay agad akong sumailalim sa pagsusuri ng isang specialist doctor. Hinayaan ko lang sila na gawin ang mga dapat nilang gawin dahil kahit man ako ay gusto ko rin malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang mga nawala kong ala-ala. "Ayon sa CT scan result ni Apple, wala naman ng problema sa brain niya. Wala ng bakas na nanggaling siya sa isang aksidente," sabi ng doctor nang tanungin ito ni Jordan. "Kung ganu'n bakit hanggang ngayon wala pa siya maalala?" agad na tanong ni Jordan. Tiningnan ako ng doctor. "Ayon kay doktora Ramirez, merong anxiety ang kaibigan mo, Jordan. Kaya sa nakikita ko isa iyon sa dahilan kung bakit hindi pa rin bumabalik ang ala-ala niya. Meaning, natatakot siya na maalala kung ano man ang mga ala-alang nawala sa kanya," mahabang paliwanag ng doctor. Si doktora Ramirez ay isang psychology. Nayuko ako at marahang kinuyom ang aking kamao. Totoo ang sinabi ni doctor Herrer na natatakot akong muling maalala ang mga nakalimutan kong mga ala-ala. Pagkatapos akong bigyan ng reseta ng mga gamot ng doctor ay agad na rin akong niyayang umalis ni Jordan. "Gusto mo bang kumain muna?" tanong niya sa akin nang pakasakay kami sasakyan niya. Marahan akong umiling. "Gusto ko na lang umuwi, Jordan," agad king sagot. Gusto ko lang umuwi dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginawa. "Okay sige. Ihahatid na kita sa bahay ni Beckham." Kinabit ko ang seatbelt at inihilig ang ulo sa bintana at tinanaw ko lang ang bawat madaanan naming tanawin. "Are you okay?" putol ni Jordan sa katahimikan. "Hindi ko alam, Jordan. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman." "Huwag kang mag-alala naniniwala akong babalik din ang ala-ala mo." Tiningnan ko siya. "Naging masama ba ako nun?" Tipid niya akong nginitian. "No. Kung alam mo lang kung gaano ka kabuti. Ikaw ang tumulong sa akin noon, nang mga panahong walang wala ako at nag-iisa ako. Ikaw ang tumayong ina sa anak ko noong mga panahong isa-isa kong pinupulot ang sarili ko. You're a good person, Apple. Kaya wag kang matakot na maalala ang mga nakalimutan mo." Muli kong ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. NAALIMPUNGATAN ako dahil tila dinuduyan ako. Nang makita ko na buhat-buhat ako ni Beckham ay nagpumiglas ako. "Stay still if you don't want us to fall down the stairs," walang emosyong sabi nito. Dahil sa ayoko rin na mangyari iyon ay nanahimik na lang ako at hiayaan siyang buhatin ako at dahil sa kwarto ko. "S-salamat," nahihiya kong sabi nang ibaba niya ako. Walang imik na tinalikuran niya ako, pero mabilis ang mga kamay kong kumpit sa laylayan ng damit niya para pigilan siya. Nang tumama sa akin ang malamig niyang tingin ay mabilis ko siyang binitawan. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'yon ginawa. Para bang meron akong gustong marinig mula sa kanya pero hindi ko alam kung ano 'yon. "I-I'm sor—" Pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Beckham kissed her ravishingly. Ramdam ko ang galit niya sa paraan ng paghalik niya sa akin. Tumaas ang mga kamay ko sa dibdib niya para itulak siya palayo, pero doon naman naging malumanay ang pag-angkin niya sa mga labi ko. Ang mga kamay kong tutulak sana sa kanya palayo ay kusang umangat sa batok nito at kumapit doon. Pakiramdam ko kilala ko ang halik na ibinibigay niya sa akin at unti-onti ako niyong natatangay hanggang sa tinugon ko ang paraan ng paghalik niya sa akin. Pero sa gulat ko ay bigla niya akong tinulak palayo. "f**k!" Narinig kong mura niya bago walang paalam na iniwan niya akong naguguluhan. Sapo ang mga labing umupo ako sa gilid ng kama habang iniisip kung ano ang halik na pinagsaluhan namin ni Beckham. "Sino ba talaga si Beckham sa buhay niya?" tanong ko sa aking sarili. Ang kamay ko ay bumaba sa aking dibdib kung nasaana ng puso kong kumakabog ng malakas. Dahil kung walang kaugnayan si Beckham sa akin, bakit ganito na lang kung tumibok ang puso ko? Naniniwala ako na may dahilan ang lahat kung bakit ako nandito ngayon o kung bakit ako ang ginamit para patayin si Beckham. At iyon ang dapat kong malaman. KINABUKASAN, nagising ako dahil sa malalakas na putok ng baril na tila umi-echo sa buong paligid ng mansion. Kunot ang noong bumangon ako. "Ano naman kaya 'yon?" nagtatakang tanong ko. Naapiksi ako nang muli akong makarinig ng pagputok ng baril. Pero hindi ako nakaramdam ng takot, na para bang normal na sa akin ang makarinig ng ganu'n. Mabilis akong umalis sa ibabaw ng kama at halos takbuhin ko ang hagdan pababa para lang sundan kung saan nanggagaling ang putok ng baril. Nang tuluyan akong nakalabas ng mansion at napadpad sa hindi kalayuan, doon ko nakita si Beckham na nagpa-practice bumaril sa isang shooting range. Masyado akong nag-isip na baka kung ano na iyon. Aatras na sana ako pabalik nang magsalita si Beckham. "Nagising ba kita?" malamig ang tono ng boses na tanong nito na hindi man lang ako nilingon. "Umh... akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo." Taas ang kilay na tiningnan niya ako. "And you came here unarmed?" Bumaba ang tingin niya sa mga paa kong nabahiran na ng putik. "Did you think I can't protect my self and you can protect me?" he asked sarcastically. Hindi ko alam kung bakit ganu'n na lang ang tanong nito. At ramdam ko ang galit na nagmumula sa boses niya. "H-hindi naman sa ganu'n, Beckham." "You want to try?" "H-hindi ako marunong." Tumaas ang sulok ng labi nito. "I doubt it. Come on. Try it." Napatingin ako sa baril na inilahad niya sa harapan ko. Nagdadalawang isip man ay kinuha ko iyon. Sa tutuosin pwede ko na itong gamitin para patayin si Beckham ngayon. Napalunok ako na itinutok ang baril sa target na nasa aking harapan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang sanay na sanay ang mga kamay ko humawak ng baril at mas lalo kong ikinagulat nang ipinutok ko ang baril at walang kahirap-hirap na tumama ang bala sa pinakasentro ng target. "Wala pa ring kupas," sabi ni Beckham na para bang ginagawa ko na ang ganito noon. "Marunong ako humawak ng baril?" naguguluhan kong tanong. "Isa kang secret agent noon," anito na kinuha ang baril sa kamay ko. "Ako isang secret agent? And then, what happened?" "Ikaw na ang umalala kung ano ang nangyari sa'yo noon." Inis na pinigilan ko siya sa braso. "Bakit hindi mo magawang sabihin sa'kin? Bakit pinipigilan mo 'kong maalala kung ano ang nakaraan ko? I want to know Beckham!" Matalim na tingin ang ipinukol sa akin ni Beckham bago niya ako marahas na kinalso sa malaking puno. "You really f*****g want to know?" "O-oo," naka ngiwing sagot ko. "Ikaw ang babaeng naging dahilan kung bakit ako naging ganito ngayon. Kahit bali-baliktarin ko man ang mundo, you are my wife, Apple!" Gulat na natigilan ako sa isiniwalat niyang katotohanan. Ako? Asawa ni Beckham? "A-asawa mo ko?" "Oo. Pero hinihiling ko nasa hindi na lang," aniya na tinalikuran ako at iniwang nag-iisa sa gitna ng kagubatan. SA MGA sinabi ni Beckham sa akin, doon ko naalala ang sinabi ni Beckham na may iniwan akong lalaki at sumama ako sa iba. Ibig ba sabihin nun ay ang lalaking iniwan ko walang iba kundi si Beckham? Iyon ba ang dahilan kung bakit siya galit sa akin? Natigil ang kamay ko sa paghugas sa pinggan. Hindi kaya siya ang lalaking kailangan kong mahanap? Pero paano kung hindi siya ang kailangan ko kundi ang lalaking ipinalit ko kay Beckham? Dahil sa pag-iisip ko, biglang sumidhi ang kirot sa ulo ko dahilan para mabitawan ko ang hawak kong plato at bumagsak iyon sa dahig at ang ilang bahagi ni'yon ay tumalsik sa binti ko dahilan para masugatan ako. "What happened?" tanong ni Beckham mula sa pinto ng kusina. "P-pasensya na. Bigla kasing sumakit ang ulo ko. Lilinisin ko na lang." Dadamputin ko na sana ang mga bubog na nasa sahig nang mabilis akong pinigilan ni Beckham. "May sugat ka sa binti mo. Gamutin muna natin 'yan para hindi maimpeksyon," aniya na binuhat ako at pinaupo sa counter top. "Pasensya na. H-hindi ko alam kung paano ko mababayaran—" "Wala akong planong pabayarin sa'yo ang nabasag mo, Apple," putol niya sa iba ko pang sasabihin. "Wait here. Kukunin ko lang ang first aid kit sa kwarto ko," aniya na lumabas ng kusina at hindi nagtagal ay bumalik ito dala ang mga gamot at sinimulan niyang gamutin ang sugat ko sa binti. Dahil sa lapit ng mukha ni Beckham ay hindi ko napigilang titigan ang kalahati ng mukha nitong may sunog. Paano kaya siya nagkaroon ng ganito? Dahil din ba sa akin? "Beckham, nabuntis mo ba ako noon?" ang tanong hindi ko mapigilang hindi lumabas sa bibig ko. Natigilan siya sa paglagay ng ointment sa binti ko at kunot ang noong tumingin sa akin. "Umh... natanong ko lang." Nahihiyang iniwas ko ang tingin sa kanya. "I can't get you pregnant," walang emosyong sabi nito. Kung ganu'n hindi siya ang lalaking kailangan ko. Sabi ko sa aking isipan. "Hindi mo ba talaga pwede sabihin sa'kin kung sino 'yung lalaking ipinalit ko sa'yo?" "Why you want to know?" Ang pagpahid nito ng ointment sa sugat ko ay dumiin. Napangiwi ako. "I just need to know." "I'll tell you soon. Ang gusto kong gawin ngayon ay mapawalang bisa ang kasal natin." Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Pero bakit? Kung iniwan ko siya para sa ibang lalaki ibig-sabihin wala na akong nararamdaman na pagmamahal sa kanya. Pero bakit ganito na lang ako makaramdan ng sakit ngayon? "I-I'm sorry if I hurt you before. Sana mapatawad mo 'ko, Beckham." Niligpit na nito ang mga ginamit na gamot at binitbit iyon. "I can't forgive you, Apple. Huwag mong isipin kaya ko ginagawa 'to dahil mahal pa kita. Ligpitin mo na ang kalat mo. Pagkatapos ay matulog. Bukas ng umaga pupunta rito ang abogado ko para papirmahin sa'yo ang annulment paper." Iyon lang at umalis na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD