Chapter 12

4576 Words
Mag kahawak kamay na naglalakad si Finyx at Ella ng makalabas ng bahay. Bitbit ni Finyx ang bag ni Ella nang mapadaan sila sa tapat ng tindahan ni aling bebang naroon si Jackson. Hinarang sila nito kaya agad tinago ni Finyx si Ella sa kanyang likuran. Namamaga ang labi ni Jackson ang ilong nito ay may pasa. Masamang tinitigan ni Finyx si Jackson. "What do you need?!" Matigas na turan ni Finyx. "Kalma lang Mr. Montenegro. Gusto ko lang humingi ng paumanhin kay Ella dahil sa nangyari kagabi." Wika ni Jackson at nahihiyang tumingin kay Ella. "Ella, pasensya sa nagawa ko kagabi at mga nasabi ko sayo. Nadala lang ako ng kalasingan. Sana mapatawad mo ako." Malumanay na saad ni Jackson at panay ang singhot nito. "Apologize accepted!" Si Finyx ang sumagot. "Bakit ikaw ang nag sasalita? Hindi naman ikaw ang kinakausap ko! Bastos ka rin talaga!" Iritang sambit ni Jackson. "E, kung patayin kaya kita ngayon para hindi kana makapag salita. Tapos diyan narin kita ilibing sa kinatatayuan mo, what do you think huh? She is my girlfriend so i have the right to speak for her. Get out of our way. If you don't want me to kick your f**cking ass!" Katakutakot na wika ni Finyx sa lalaki. Napansin ni Finyx na parang lutang ang lalaki namumula ang mga mata nito at pinag papawisan ang buong mukha. Halatang lulong ang lalaki sa ipinag babawal na gamot. "Jackson umuwi ka na nga sainyo umagang-umaga nag uumpisa ka na naman ng gulo! Mahiya ka naman sa bisita ni Ella." Pasigaw na saway ni aling bebang mula sa loob ng tindahan nito. Umalis narin ang lalaki pero ang sama ng tingin nito kay Finyx at Ella. Hindi nag patalo si Finyx at tinapunan niya ito ng nakamamatay na tingin. "Let's go." Sabay hila ni Finyx sa kamay ni Ella. Bakit biglang nakaramdam ng takot si Ella dati naman hindi siya natatakot kay Jackson. Ngayon kasi iba ang kinikilos ng lalaki parang may hindi magandang gagawin ito base narin sa kinikilos nito. "Are you okay? You look nervous, is something bothering you?" May pag aalala sa tinig ni Finyx. "Hmmm.. Wala naman medyo sumama lang yung tiyan ko masyado kasi akong nabusog kanina." Palusot ni Ella at ngumiti sa lalaki. Saktong pag labas nila ng iskinita ay dumating na ang kotseng sundo nila ang dalawang tauhan ni Finyx ang may dala nito. Huminto sa harapan nila ang itim na kotse na halatang mamahalin. Sa desinyo palang at porma ng kotse sumisigaw ang karangyaan ng may nag mamay-ari nito. Pinag buksan ni Finyx ng pinto ang dalaga pagkapasok ni Ella ay sumunod narin siya. Mag katabi sila sa backseat nanatiling mag kahawak kamay ang dalawa. Si Ella ay nanatiling tahimik habang lulan sa sasakyan. Napansin ni Finyx ang pagiging tahimik nito. "Ella may problema ba? Kung iniisip mo si Jackson hindi ka niya masasaktan nandito lang ako para protektahan ka." Ani ng lalaki. "Hindi ayos lang ako." Giit ng babae at yumuko. Bago tumuloy sa hospital ang dalawa ay dumaan muna sila isang flower shop at bumili ng puting rosas para kay aling Anghella. Pag karating nila sa underground parking ng hospital ay nauna ng sumakay sa elevator si Ella paakyat patungo sa palapag kung nasaan ang silid ng kanilang ina. Si Finyx ay nag paiwan muna dahil may kausap pa itong isang lalaki, anak ito ng may-ari ng Santimayor hospital. Habang nag lalakad si Ella sa hallway patungo sa silid ng kanyang ina ay bigla nalang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. "Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko para akong kinakabahan." Mahinang wika ng dalaga at bahagyang hinaplos ang dibdib. Papalapit na si Ella sa silid ay natanaw niya si Mike at Edward na nag uusap naka-upo ang dalawa sa hospital bench. "Kuya Mike." Agaw ni Ella sa atensyon ng dalawa. Agad bumaling ang dalawa sa kanya bakas sa mga mukha ng mga ito ang kalungkutan. Tarantang napatayo ang dalawa at tila hindi mapakali panay ang titigan ng dalawa sa isa't-isa. "Ella, nariyan ka na pala." Nakangiwing turan ni Mike. "Oo hindi ba obvious? Dumaan lang ako dito para silipin si nanay. Aalis rin ako kaagad kasi may exam pa kami ngayon." "Ella, kasi ano, si aling Anghella." Umpisa ni Edward. "Ikaw na lang kaya ang mag sabi." Wika ni Edward kay Mike at marahang siniko ang katabi. "Ikaw na, inumpisahan mo na." Sabi naman ni Mike. Nag tatalo pa ang dalawa kung sino sa kanila ang mag sasalita. Napakunot ang noo ni Ella at bahagyang lumapit sa dalawa. "May nais ba kayong sabihin sa akin? Kung meron man sabihin n'yo na dahil ayoko sa lahat binibitin ako." Seryosong saad ni Ella sa dalawang lalaki. "Kasi Ella si nanay Anghella,, wala na siya." Nakayukong turan ni Mike. "Anong wala na siya? Hindi kita maintindihan kuya Mike. You mean wala na siya sa loob ng kwarto? Inilipat ba siya ng bagong silid?" Pilit na ikinakalma ni Ella ang sarili ayaw niya mag isip ng masasamang bagay. "Wala na siya ma'am Ella, wala na ang nanay mo." Ani ni Edward. "Bullshit! Anong wala, pwede ba deretsuhin niyo ako!" Hindi na pigilan ni Ella ang sumigaw. Naiirita siya sa dalawang ito. "P-patay na si nanay Anghella." Ito na yata ang pinakamasamang balitang natanggap niya mula kay Mike. Nanigas ang buong katawan ni Ella hindi niya alam kung saan siya pupunta o anong gagawin niya. "Hindi! Hindi totoo iyang sinasabi niyo. Buhay pa si nanay!" Bulyaw ni Ella at mabilis na pumasok sa loob ng silid. Hinanap ng kanyang mga mata ang ina ngunit wala ito roon sa kama kung saan ito nakahiga. Pinipigilan ni Ella na huwag buhos ang kanyang luha pero hindi niya na kaya. Her vision is blurry because of the tears forming in her eyes. Binitawan ni Ella ang bulaklak na hawak niya. Nagtungo siya sa cr wala roon ang kanyang ina. "Inay...!" Sigaw ni Ella at nag umpisang mag wala sa loob. Yung dalawang silyang naroon na gawa sa plastik ay nabali ang mga paa dahil sa malakas na paghampas niya sa hospital bed at pati sa dingding ng silid ay pinalo ni Ella ang silya. "Nanay ko!" Hagulgol ni Ella sa loob at pinag sisipa ang mahabang couch. "Oy! Pare awatin mo nag wawala na si ma'am Ella sa loob." Tulak ni Edward kay Mike. "Ayoko nga, ikaw na lang. Sige na awatin mo baka mag kasugat pa yon mayayari tayo sa boyfriend niyan masilan pa naman yon pagdating kay Ella." Anang ni Mike at tinulak si Edward papasok ng kwarto. Napakamot ng batok si Edward ng makita ang kalat sa loob ng silid para itong dinaanan ng ipo-ipo. Nag kalat ang sapin ng hospital bed sa sahig pati foam nito ay nasa sahig narin. Bali-bali na ang paa ng dalawang silya na halatang pinalo sa dingding dahil may mga gas-gas ang puting pintura ng wall. "Jusmeyo!" Anang ni Edward at mabilis na nilapitan si Ella. Paano kasi ipapalo na naman nito ang isang silya na hawak nito sa couch. "Ma'am Ella tama na yan." Awat ni Edward sa dalaga. Inagaw ni Edward ang silya mula kay Ella. "Ano ba huwag mo nga akong pakialaman!" Asik ni Ella kay Edward at malakas na sinikmuraan ang lalaki tinuhod pa siya nito kaya sapul ang dalawang santol niya. Uubo-ubo si Edward habang sapo ang kanyang tiyan at iika-ikang humakbang. Hindi niya alam kung ano ang una niyang pakakalmahin sa sakit. "Argh.. Ang sakit! P**ta! Tangina! F**ckshit!" Daing ni Edward para siyang maduduwal dahil pakiramdam niya ay nadurog ang atay, balun-balunan at bituka niya sa loob ng tiyan. "Putcha ang payat-payat na babae pero ang lakas bumigwas." Sambit ni Edward. "Ma'am Ella tama na baka masugatan ka pa sa ginagawa mo." Hirap na turan ni Edward dahil dinadaing parin niya ang sakit ng tiyan at dalawang kwek-kwek niya na parang na pisat na yata. "Lumabas ka!" Sigaw ni Ella sabay turo ng pinto. Iika-ikang humakbang si Edward patungo sa pinto ng silid. Si Ella ay nanghihinang napasalampak sa malamig na marmol at doon binuhos ang paghihinagpis n'ya. "Ibalik niyo ang nanay ko! Hindi pa siya patay mga sinungaling!" Sigaw ni Ella. Ilang sandali ay dumating ang nakakatandang kapatid ni Ella na si Angelecca kasama ang nobyo nito. "Ma'am hindi namin ma-awat masyadong malakas ang kapatid mo. Mukhang may pag ka gangster pa yata natuhod at na sikmuraan lang naman ako. Ang payat-payat na babae pero ang lakas." Saad ni Edward kay Angelecca. "Ella!" Tawag ni Angelavca kay Ella. "Ate si nanay, diba buhay pa siya? Nasaan siya? Hindi naman totoo ang sinasabi nila diba? Buhay pa si nanay diba? Nangako kasi siya sa akin na hindi niya ako iiwan, na hindi tayo iiwan." Bumuhos ang luha ni Ella. "Ella wala na si nanay, s-siguro kailangan nalang natin tanggapin. Sumuko na si nanay gusto niya na mamahinga. Ipag kakait paba natin sa kanya ang kalayaan na gusto niya?" Tumulo narin ang luha ni Angelecca habang kinakausap si Ella. "Paano ako? ma-mimiss ko siya ng sobra. Paano ako makakatulog sa gabi kung walang ng nanay ang mag susuklay ng buhok ko tuwing gabi. Ang mga yakap niya! hinding-hindi ko na mararanasan pa kahit kailan." Tumatangis na saad ni Ella. "Ella! Hindi naman nawala si nanay. Umalis man siya, iniwan man niya tayo pero nandito parin siya sa puso natin. Mananatili ang magagandang alaala niya sa ating puso habang buhay." "Nasaan siya ngayon?" Tanong ni Ella sa kanya ate. "Nasa ibaba sa morgue ." Sagot sa kanya ni Angelecca. Biglang tumayo si Ella at nanakbo palabas ng kwarto sa pasilyo habang tumakbo si Ella ay palabas narin ng elevator si Finyx kasama ang dalawang tauhan niya. Nag tatakang sinundan ng tingin ni Finyx si Ella na ngayon ay pababa ng hagdan. "Mukhang umiiyak sir." Sabi ng isang tauhan ni Finyx. Agad na sinundan ni Finyx si Ella pababa ng hagdan. Pag kapasok ni Ella sa morgue agad niyang niyakap ang bangkay ng ina. "Nay... Masama ang loob ko! As in nag tatampo ako sayo. Bakit hindi mo ako hinintay. Masyado ka naman yata atat bumyahe papuntang langit. Ano excited lang?" Wika ni Ella habang umiiyak pero hindi maiwasan ni Ella hindi matawa dahil sa sinabi niya. Si Finyx ay pinag mamasdan lang si Ella. "Mamimiss po kita inay, sobra. Mamimiss ko iyong mga araw na masaya tayong dalawa. Paano yan Nay hindi ako nito makakatulog ng maayos tuwing gabi kasi wala kana sa tabi ko. Hindi pa naman ako sanay na wala ka inay. Mag-isa na lang ako sa kwarto malulungkot ako ng sobra. Ngayon palang nangungulila na ako sa'yo inay. Natatakot ako harapin ang bukas na wala ka, pero pipilitin ko maging matatag para kay ate Ecca alam ko sa aming dalawa siya ang labis na nasasaktan ngayon. Mahal na mahal po kita Nay, sana maging masaya ka kung nasaan ka man naroroon ngayon. Malaya kana sa sakit mo hindi kana mahihirapan pa." Humagulgol si Ella at mahigpit na niyakap ang katawan ng ina. "Nay... Ang sakit-sakit po. Sobrang sakit hindi ko kayang tanggapin na wala ka na sa'min ni ate Ecca. Nay, nanay ko!" Impit na iyak ni Ella. Lumapit na si Finyx sa dalaga at niyakap ito mula sa likuran. "Ssshhh... It's okay darling. No words I can offer will make this hurt go away. Know that I am here for you at this devastating time." Pag-aalo ni Finyx kay Ella. Nang kumalma si Ella ay kinausap siya ng kanyang ate Ecca. "May exam ka raw ngayon?" Tanong sakanya ni Angelecca. Bahagyang tumango si Ella sa nakakatandang kapatid. "Sige na Ella pumasok kana sa school kami na ang bahala rito kay nanay kami na ang mag aasikaso sakanya. Mahalag sa'yo ito kailangan mo makapag take ng exam. Malapit na ang final exam n'yo." Wika ng kanyang ate. "Paano ako makakapag concentrate sa exam kung ang nasa isip ko ay si nanay." Anang ni Ella at muling nag tubig ang kanyang mga mata. Nilapitan siya ni Ecca at niyakap. "Kaya mo yan! Matapang ka, gawin mo ito para kay nanay. Diba yun naman ang pangako mo kay nanay na maging isang summa c*m laude. You can do it!" Pagpapalakas ng loob ni Angelecca kay Ella. Bago umalis si Ella ay humalik muna ito sa noo ng kanilang ina. Hangang sa loob ng campus ay sinamahan ni Finyx si Ella. Hindi iniwan ng lalaki si Ella hanggat hindi natatapos ang exam ng dalaga. Ngayon ay naka-upo si Finyx sa labas ng room nila Ella. Naka-upo si Finyx sa isang stainless chair na binigay kanina ng professor ni Ella. Mula sa labas ng room ay pinagmamasdan ni Finyx si Ella. Napansin ng lalaki ang panginginig ng kamay ni Ella habang hawak ang ballpen. "Is she crying again?" Mahinang bigkas ni Finyx. Umiiyak si Ella habang sumasagot ng question sa test paper niya. Basa narin ang papel dahil sa walang tigil na pagbagsak ng luha niya. Hindi tuloy maiwasan pagtinginan siya ng mga ka-klase niya. Maski ang mga ito ay nagtataka kung bakit siya tumatangis. Si Felix ay nakatitig lang sa kanya gusto man siya nito lapitan ngunit hindi pwede naririto ang nobyo ni Ella baka mag selos na naman ito. Tumayo si Finyx mula sa pag kaka-upo at pumasok sa loob ng room. Kinikilig naman ang ibang kababaihan ng masilayan ng malapitan ang gwapong mukha ni Finyx. Kinuha ni Finyx ang panyo sa suot niyang maong na pantalon at inabot kay Ella. Nag-angat ng ulo si Ella mula sa pagkakayuko at tumitig kay Finyx. Namumugto na ang mga mata ng dalaga. Parang kinurot ang puso ni Finyx dahil sa luhang umaagos sa pisngi ng babae. Labis siyang nasasaktan dahil nakikita niyang umiiyak si Ella. Nang hindi tinanggap ni Ella ang panyo ay si Finyx na mismo ang nag punas ng luha sa mga mata ni Ella. Nag hagikhikan ang mga kababaihan dahil sa kilig. "Miss White. Kanina ko pa napapansin panay ang iyak mo riyan. Ano ba nangyayari sa'yo? Hindi ka makakapag concentrate kung ganiyan ka. May problema ka ba?" Tanong ng matandang babaeng professor kay Ella. "Her mother just died today." Si Finyx ang sumagot. Mababakasan ng pagkagulat sa mukha ng matandang professor. "Oh.. God i'm so, sorry it's sad to hear that. Bakit hindi mo sinabi Ella. Sige na umuwi ka na lamang. I'll just give you a special exam next week." Wika ng professor ni Ella. "Thank you Mrs. Lastimoso." Anang ni Finyx. "Condolence Ella!" Wika ng isang babaeng nag lakas loob na lumapit kay Ella. Sumunod pa ang iba pang ka-klase ni Ella na labis na nakikiramay kay Ella. Simpleng ngiti lang ang tugon ni Ella sa mga nakikiramay sa kanya. Sa mga ka-klase niya si Felix na lang hindi pa lumalapit sa kanya. Tumayo si Felix at lumapit kay Ella hindi niya pinansin ang presensya ni Finyx. "Condolence Ella! She was in so much pain. This was the only way they could see to stop it. I am here for you, always." Wika ng lalaki at mahigpit na niyakap si Ella. Si Finyx ay nanatiling nakatitig lang sa dalawa. "Thank you Felix." Bumitaw na si Ella mula sa pagkakayakap ni Felix at simpleng ngumiti. Sa kotse ay tahimik lang si Ella nakatulala ang dalaga sa labas ng bintana habang pinapanood ang mga sasakyang nakakasalubong nila. Dumaan muna sila Ella sa mansyon ng lalaki upang makaligo at makapag palit ng damit si Finyx. Sumama si Ella sa kwarto ni Finyx. Habang hinihintay niya ang lalaki ay nahiga si Ella sa malapad na kama parang nakaramdam siya bigla ng pagod sa katawan. "Nakakapagod rin pala umiyak." Mahinang turan ni Ella at bahagyang ipinikit ang mga mata. Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog na pala siya. Nang makalabas si Finyx mula sa Cr nadatnan niyang mahimbing ang tulog ni Ella. Napangiti si Finyx mabuti naman ay nakutulog ito para kahit papaano ay makalimutan ng panandalian ni Ella ang sakit na nararamdaman nito. Matapos makapag bihis ni Finyx ay kinumutan niya si Ella. Pinatakan niya ng halik sa pisngi si Ella bago niya ito iwan sa kwarto. Pababa ng hagdan si Finyx ng tumunog ang cellphone niya agad niya naman itong sinagot ng makitang mama niya ang tumatawag. "Hi Ma." Bati niya sa ina. "Iho where are you? Hindi ka raw umuwi kagabi sa bahay mo tumawag sa akin yung katulong mo. Saan ka natulog?" Medyo pasigaw na saad ng ina ni Finyx. "Ma, kasama ko si Ella kagabi at doon din ako natulog sa bahay nila. Mag isa lang siya doon kaya sinamahan ko. I am now at home with Ella." Huminga ng malalim si Finna sa kabilang linya. "Maigi naman at si Ella ang kasama mo at hindi na ang Aimee na iyon. Ikaw ba Finyx ay talagang mahal mo si Ella? Baka naman kasi ginagamit mo lang siya panakip butas para makalimutan si Aimee. Umayos ka Finyx huwag mong sasaktan si Ella ako unang taong magagalit sa'yo. Hindi kita pinalaki para manakit ng damdamin ng mga babae. Ella is the girl we want for you and will be the mother of our grandchildren. Don't hurt her iho, okay?" Mahabang litaniya ng ni Finna. Huminga ng malalim si Finyx. "Yes ma, i won't hurt her. Mahal ko si Ella kaya hindi ko magagawang saktan siya." "Good! Wait where is she? Are you with her now?" Tanong ng kanyang ina. "No ma, she's in my room now. She's sleeping." "Alright, I'll just go there, and I'll cook you and Ella a delicious dish." Masayang saad ng ginang. "Ma, no need ka-" Hindi na natapos ni Finyx ang sasabihin ng mawalan sa kabilang linya ang kanyang ina. After 15 minutes ay dumating nga si Finna kasama ang ama ni Finyx. Sinalubong naman ni Finyx ang ina at ama sa pinto ng kanyang mansion. "Hi ma. Hi Pa. Bati ni Finyx sa magulang. "Tulog parin ba si Ella?" Tanong ni Finna sa anak. "Yes ma." "Okay magluluto lang ako ng ulam. Gusto mo ba akong tulungan Finyx?" "Sure ma." Sumunod ang mag ama kay Finna sa kitchen. "Magandang araw po ma'am Finna." Bati ng dalawang katulong ni Finyx. Habang nag hihiwa ng bawang at sibuyas si Finyx sa iceland counter ay nag salita ang kanyang ama. "How is Ella's mother? did it get better?" Tanong ng ama ni Finyx. "She's dead, just earlier." Malungkot na sagot ni Finyx. "Oh my god! how is Ella, is she okay? kawawa naman ang batang iyon." Wika ni Finna. "She's fine Ma." Sagot ni Finyx. "What about the hill and the funeral? They don't have enough money how can they spend on her mother's burial. I will cover all the funeral expenses. Didn't you offer her for help?" Wika ng ama ni Finyx. "I want to offer help for Ella. Pero sinagot na lahat ni Ellieoth Del Falco ang gastusin." Saad ni Finyx. "Ellioth Del Falco? the business tycoon. The youngest and most famous businessman here in the Philippines? At ano naman ang koneksyon ni Ella sa mga Del Falco." Anang ni Finna. "Boyfriend ng nakakatandang kapatid ni Ella si Ellieoth Del Falco." Sagot ni Finyx sa ina. Tumango-tango lang ginang at nagpatuloy sa paghihiwa ng karneng baboy. Napasarap ang tulog ni Ella kaya imabot ng dalawang oras ang tulog niya. Nangmagising siya ay wala ang lalaki sa loob ng silid. Agad siya bumangon sa kama pag bukas niya ng pinto saktong naroon si Finyx. "Hi, how's your feeling?" Tanong ni Finyx. "Hmmm, okay naman pasensya kana nakatulog ako ng matagal." Ani ni Ella. "It's okay darling maigi nga at nakapag pahinga ka." Wika ni Finyx. "Let's eat? Nagluto si mama ng masarap na ulam. And she baked a cake for you." Hinawakan ni Finyx ang kamay ni Ella at inalalayan pababa ng mahabang hagdan. Pagkababa nila sa malawak na bulwagan ay tumuloy sila sa dining area. Masayang nag uusap ang mga magulang ni Finyx nang mapatingin si Finna kay Ella ay malapad itong ngumiti. "Iha, Come here and let's eat i know you're already hungry. Pinagluto ko kayo ni Finyx ng masarap na ulam." Masiglang wika ng ginang. Kiming ngumiti si Ella at naupo sa harapan ng ginang katabi naman niya si Finyx. Si Finyx ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ni Ella. Pinagsalin niya rin ito ng juice sa baso, natutuwa naman si Finna sa anak dahil lumaki talaga itong gentleman. "Tumawag nga pala sa akin kanina ang isa sa mga tauhan ko. Nasa chapel na si nanay Anghella." Dahil sa tinuran ni Finyx ay muling nag tubig ang mga mata ni Ella. Napansin naman ito ng lalaki kaya mahigpit niyang hinawakan ang isang kamay ni Ella. Marahan pinisil ni Finyx ang kamay ni Ella. "My sincere condolences iha. We can't even take away the pain you're feeling right now. But we are here to support you if you need anything, don't hesitate to tell us especially Finyx, he is your boyfriend." Malumanay na saad ni Finna. "Thank you tita." Nang matapos kumain sila Ella ay sabay lang silang umalis ng mga magulang ni Finyx. Dumaan muna sila sa bahay nila Ella upang makapag palit ng damit ang dalaga tapos dumeretso na sila sa chapel kung saan naka burol ang kanilang ina. Pagkarating nila sa chapel ay may mga tao na roon. Kabilang si Jayson, aling bebang at Cari. Kinagabihan ay nag punta si Girly sa burol ng ina ni Ella upang damayan na rin ang kaibigan. Nag punta rin si kanina si Felix pero hindi ito nag tagal. Pina-uwi muna saglit ni Ella si Angelecca at Ellieoth sa bahay para makapag pahinga ang mga ito. "Ella may lalaking nag hahanap sa'yo sa labas." Turan ni Jayson. Tumayo si Ella kasama si Finyx ay pinuntahan nila ang lalaking nag hahanap raw kay Ella. "Ano ho ang kailangan niyo?" Magalang na tanong ni Ella sa ginoong nasa harapan niya ngayon. "Magandang gabi sa iyo iha gusto kong makiramay sa pagkawala ng iyong ina." Wika ng lalaking nasa mid 50's na ang edad. Mababakasan ng kalungkutan ang mga mata nito. Sa ayos at postora ng lalaki halatang mayaman ito may dalawang bodyguard itong kasama ang isa ay may bitbit na basket na puno ng puting rosas doon at maganda ang pagkakaayos ng mga ito. "Sino ho kayo, wala kasi akong matandaan na may kaibigan si nanay." Anang ni Ella. "I'm David. Isang matalik na kaibigan ng iyong ina noon. Pwede ko ba siyang masilip manlang?" "S-sige po." Kinuha ng lalaki ang bulaklak sa isang tauhan niya at siya ang nag lagay nito sa red carpet kung saan nakalagay ang iba pang bulaklak. Muling naupo si Ella sa tabi ni Girly, si Finyx ang nakikipag usap sa lalaki. Sinuri ni Ella ang mukha ng lalaki hanggang sa katawan nito. "Girl sino siya?" Tanong ni Girly. "Kaibigan daw siya noon ni nanay." "Gwapo siya ha, kahit medyo may edad na. Alam mo medyo kahawig mo nga siya unang kita ko sa kanya akala ko tatay mo." Wika ni Girly. Mas lalong pinag katitigan ni Ella ang lalaki. May napansin siya rito yung kulay ng mga mata nito na kapareho ng sakanila ng ate niya. Ilang minuto ang lumipas ay nag paalam na ito na aalis. "Iha, maraming salamat dahil pinayagan mo akong masilip si Anghella." "Walang anuman po maraming salamat sa pakikiramay m-" Natigil sa pagsasalita si Ella ng bigla siyang yakapin ng lalaki. "I'm sorry iha. Sana mapatawad nyo ako ng ate mo." Wika ng lalaki at mabilis nag lakad palabas ng chapel. Nagugulumihanan na patitig si Ella sa likod ng lalaki. "Bakit naman humihingi siya ng tawad?" Naguguluhang saad ni Ella. Isang linggo ang tinagal ng burol ni nanay Anghella nag punta rin ang mga magulang ni Finyx upang makiramay sa dalaga. Medyo nakaramdam ng saya sa puso si Ella dahil ramdam niya na talagang welcome siya sa pamilya ni Finyx. Ngayong araw din ito ay inilibing na si nanay Anghella. ~~~~> Dumaan pa ang ilang mga araw ay naging maayos naman si Ella minsan ay nalulumbay siya kapag naalala niya ang kanyang ina. Pero dahil laging nasa tabi niya si Finyx ay nakakalimutan niya kahit papaano ang kalungkutan na nararamdaman niya. Inihatid ni Finyx si Ella sa labas ng gate ng University. Pababa na sana si Ella ng pigilan siya ni Finyx. Nag tatakang bumaling si Ella sa nobyo nito. "Why?" Nagtatakang tanong ni Ella. "You forgot something." Ani ni Finyx. "And what is that?" Ngumuso si Finyx at tinuro ang labi niya. "Where is my kiss." Saad ng lalaki. "Sus, yun lang naman pala akala ko kung ano." Kinabig ni Ella ang batok ni Finyx papalapit sa kanya at hinalikan sa labi ang lalaki. "I love you Ella." Bigkas ni Finyx habang mag kalapat ang kanilang mga labi. "I love you too Finyx." Tugon ni Ella at muling hinalikan si Finyx. "I need go, baka mahuli pa ako sa final exam namin." Bumaba si Ella at kumakaway sa lalaki. "I'll pick you up later darling." Sambit ng lalaki sa loob ng sasakyan. "Hihintayin kita. I'll text you later." Sigaw ni Ella at muling kumaway sa lalaki nag flying kiss pa ito. Kinahapunan ay alas sais na ng hapon nakalabas ng university si Ella madilim na sa labas. After kasi ng exam nila kanina ay may mga proyekto pang pinagawa sa kanila ang professor nila. "Good evening Ella." Masayang bati ng matandang lalaking guard sa kanya. "Good evening din manong." Balik bati ni Ella. "Hinihintay mo ba ang nobya mo?" "Opo manong." "O siya maiwan muna kita sandali at may kukunin lang ako sa locker room." Paalam ng matanda. "Sige po manong." Kinuha ni Ella ang cellphone sa loob ng bag at nag text kay Finyx na naririto na siya sa labas ng university. Habang nag hihintay si Ella ay may isang lalaking lumapit sa kanya. "Ella." Tawag ng isang pamilyar na boses. "Felix, may kailangan ka ba?" "Forgive me Ella because I can't forget you." Kinabig ni Felix si Ella sa baywang at siniil ng halik ang babae. Gulantang naman si Ella dahil sa ginawa ni Felix. Nanginginig na umangat ang dalawang kamay ni Ella at dumapo sa leeg ni Felix. At pilit na itinutulak si Felix pero masyado itong malakas at mahigpit ang pagkakayakap sa baywang n'ya. "Hmmnp!" Daing ni Ella. Peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!!! Malakas na busina ng kotse ang nakapag pahiwalay sa dalawa. Napatingin si Ella sa kotseng mabilis ang takbo paalis. "s**t kotse ni Finyx yun!" Natatarantang saad ni Ella bumaling si Ella kay Felix at malakas niyang sinampal sa pisngi ang lalaki. "Sinadya mo ba iyon para makita tayo ni Finyx!?" Bulyaw ni Ella. "Mahal na mahal kita Ella kahit anong gawin ko hindi ka maalis-alis sa isip ko. I want you to be mine Ella!" Matigas na turan ni Felix. "No! Si Finyx ang mahal ko Felix at wala kang magagawa roon. Akala ko ba okay na tayo Felix, nag usap na tayo diba? Ano? nakalimutan mo." "Pinilit ko naman pero hindi ko kaya Ella. Akala ko rin okay ako pero sa tuwing nakikita kong magkasama kayong dalawa. f**k! Kinakain ako ng selos ko. Please Ella choose me!" Yayakapin sana ni Felix si Ella pero umiwas ang dalaga. "Namili na ako Felix at si Finyx ang pinipili ko. Mahal na mahal ko si Finyx. Kaya kung totoong mahal mo ako hayaan mo ako maging masaya sa piling ng taong mahal ko!" Tumawid si Ella sa kabilang kalsada sakto naman na may dumaang taxi. Agad siyang sumakay roon hindi niya alam kung saan niya hahanapin ang lalaki pero bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD