Chapter 13

4708 Words
Unang pinuntahan ni Ella ang mansion ng lalaki baka kasi umuwi na ito doon. Nagmamadali siyang bumaba sa taxi. "Manong teka lang ho ah." Wika ni Ella sa matandang driver at nag door bell sa labas ng gate ng mansion. Nang makilala siya ng dalawang tauhan ni Finyx ay agad nila pinindot ang button at awtomatikong nag bukas ang malaking gate. Patakbong lumapit ang dalawang lalaki kay Ella at binati siya ng mga ito. "Magandang gabi ma'am Ella may kailangan ka ba?" Sabay sabi ng dalawa. "Kailangan chorus talaga? Si Finyx umuwi ba siya dito?" Nagkatinginan ang dalawang tauhan bago mag salita. "Hindi ba kayong dalawa mag kasama? Diba ma'am sinundo ka niya kanina dapat alam mo kung nasaan siya." Saad ng isang lalaki. "Pupunta ba ako dito at hahanapin siya sainyo kung mag kasama kaming dalawa ngayon? Nakikita nyo ba siya sa tabi ko? Mainit ang ulo ko kaya huwag kayong sasagot na nakaka-bobo. Damn! Biglang na-high blood yung utak ko sainyo!" Inis na turan ni Ella. Napakamot ng ulo ang dalawang lalaki. Bigla siyang naiinis ngayon paano kung nakipagkita na ang Finyx na iyon kay Aimee. Huminga ng malalim si Ella at seryosong tumingin sa dalawang lalaki. "Look, i'm sorry gusto ko lang malaman kung saan nagpunta ang amo n'yong seloso. Kaya kung may alam kayo kung saan siya nagpupunta kapag galit siya o badtrip." Saad ni Ella. "Naku! Anong mangyayari nag away ba kayong dalawa ma'am? Nag selos ba siya? Dahil kung oo, mahihirapan kang hanapin siya." Wika ng isang lalaki. "Kailangan ko pa bang e-kwento sainyo ang rason? Bullshit sabihin niyo nalang sa akin kung may alam kayo, dahil kung wala aalis na ako." May pag-kainis sa tinig ni Ella. Binatukan ng isang lalaki ang kasama niya. "Ano ka ba! Napaka usisero mo. Ah, ma'am Ella bakit hindi mo subukan puntahan sa M-Club na pag mamay-ari ni boss Finyx. Kung wala siya roon siguradong naroon si boss Finyx sa Race SanVictor hotel Club." Anang ng lalaki. "Race SanVictor hotel Club?" Tanong ni Ella. "Pag mamay-ari yun ng bestfriend ni Boss Finyx na si Race SanVictor." Sambit muli ng lalaki. "Okay, Salamat." Tumalikod na si Ella. "Gusto mo ma'am ihatid at samahan ka namin doon? Baka kasi mapano ka." Alok ng lalaki. "Thanks, but no need. I can handle my self." Turan ni Ella at mabilis sumakay sa taxi. "M-club po muna tayo manong." Saad ni Ella sa matandang driver. Nang makarating si Ella sa labas ng M-club sakto naroon ang dalawang bouncer kilala na siya ng mga ito. "Magandang gabi miss Ella." Bati ng kalbong bouncer. "Magandang gabi, si Finyx nag punta ba siya ngayon dito?" Ella asked them. "Hindi po miss Ella. Hindi pa namin siya nakikita mula kanina." Sagot ng lalaking kalbo. "Ganon ba. Yung Race SanVictor Hotel Club, alam niyo ba kung saan yun?" "Yes miss Ella. Pwede kita ihatid doon para hindi ka mahirapan hanapin ang lugar na iyon." Alok ng lalaki. "Good idea." Bumaling si Ella sa taxi driver kumuha siya ng pera sa wallet at binayaran ang matanda. "Okay na ho ako dito manong, salamat po." Anang ni Ella. "Sigurado ka ba iha?" Tanong nito kay Ella. "Yes po manong." Tumango nalang ang matanda at umalis na. "Sandali lang po miss Ella kukunin ko ang sasakyan." Paalam ng lalaki. Maya-maya ay may tumigil na puting kotse sa harapan ni Ella. Sa pinto ng sasakyan ay may nakasulat doon na M-Club Service. Bumaba ang salamin ng bintana at dumungaw ang lalaki. "Miss Ella tara na po." Tawag sa kanya ng lalaki. Pinag buksan naman ng pinto ng kotse si Ella ng isa pang bouncer. Tumigil ang kotseng sinasakyan ni Ella sa harapan ng isang matayog na gusali. Siguro ay aabot ito sa 30th Floor pahaba ang desinyo ng gusali. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Joseph ang bouncer na kasama ni Ella. Pinagbuksan niya si Ella ng pinto ng kotse. Nakatingalang bumaba si Ella sa kotse manghang-mangha siya sa nakikita. "Wow! Yayamanin din pala si Race." Mahinang turan ni Ella. "Miss Ella samahan na po kita sa loob at siguradong hindi ka papapasukin ng mga bantay diyan loob dahil naka uniform ka." Wika ng lalaki. Tumango si Ella at na-unang nag lakad patungo sa malawak na lobby. Ibinigay ni Joseph ang susi ng sasakyan sa isang valet parking attendant at sumunod narin kay Ella. Pag karating ni Joseph ay nakikipag sagutan na si Ella sa dalawang bantay ng entrance ng club. "Pasensya na miss, pero hindi ka pwedeng pumasok sa loob ng naka uniform ng pang estudyante. I'm sorry pero ito ang protocol dito." Wika ng lalaki. "Damn it! Kahit pala minor pwede pumasok dito basta wag lang naka uniform ganon? Dise-otso na ako at hindi na ako bata!" Sigaw ni Ella sa dalawang lalaki. "Ah, baka naman mga pare pwede niyo papasukin si Miss Ella. Girlfriend siya ni Boss Finyx." Sabat ni Joseph. "Girlfriend ba kamo siya ni Mr Montenegro?" Saad ng isang lalaki. "Oo, hinahanap niya kasi si boss Finyx. Nariyan ba siya sa loob?" Tanong ni Joseph. "Oo nasa loob siya pero kasama niya pumasok si miss Aimee sa loob. Akala ko ba si Aimee ang nobya ni Mr Montenegro." Wika ng isang lalaki. Biglang kumulo ang dugo ni Ella sa narinig. "Ang walanghiya! Kasama ng hayop na iyon si Aimee? Ganito ba siya gumanti sa akin." Mahinang bigkas ni Ella. "Papasukin niyo ako kung ayaw niyong mag iskandalo ako dito sa labas!" May pagbabanta sa boses ni Ella. "Miss, kahit tumabling ka pa riyan hindi ka namin papasukin sa loob hanggat naka uniform ka. Umuwi ka muna sainyo at mag bihis." Sabi ng lalaking may batutang dala. "Miss Ella kahit anong gawin mo hindi ka talaga nila papasukin sa loob. Pero kung gusto mo may pulang dress doon sa sasakyan. Damit iyon ng babaeng pinsan ni Boss Finyx." Saad ni Joseph. "Baka naman mabaho yun? Tapos ipapasuot mo sa akin." Wika ni Ella. "Hindi po iyon nagamit ni Miss Maireenn." Sagot ni Joseph. "Sige, Kunin mo at dalhin mo rito." Utos ni Ella. Nagtatakang bumaling si Joseph kay Ella. "Hindi ka sasama upang makapag bihis sa sasakyan?" Nakakunot noo na tanong ni Joseph. "Hindi. Dito ako mag bibihis sa harapan ng dalawang ugok na ito." "Seryoso ka miss Ella? Baka mapatay ako nito ni Boss Finyx kapag nalaman niyang nag bihis ka sa harapan ng ibang lalaki." "Mukha ba akong nag bibiro? Saka hindi iyon magagalit dahil sigurado ako nag e-enjoy na ang amo mo sa kandungan ng ex niya." Ani ni Ella. Nag kakamot ng batok si Joseph na tumalikod. "Miss Ella ito na." Ani ni Joseph at inabot kay Ella ang pulang dress may kasama pa itong isang pares ng high heels na kulay silver kuminang pa ito dahil sa maliliit na diamond. Napangisi si Ella at matamis na ngumiti kay Joseph. "May pa-high heels ka ha." Ani ni Ella at kinuha kay Joseph ang dress at sandals. "Nakita ko lang sa compartment ng sasakyan miss Ella. Baka kailanganin mo hindi naman pwedeng school shoes ang ipares mo diyan sa dress." "Thank you Joseph, I like you na magkakasundo tayong dalawa." Wika ni Ella at kumindat kay Joseph bago tumalikod. Pinamulahan naman ng pisngi ang lalaki. Isa-isang tinanggal ni Ella ang butones ng long sleeve uniform niya. "Teka miss anong gi--" Hindi na tapos ng isang lalaki ang sasabihin ng hubarin ng tuluyan ni Ella ang blouse uniform niya sa harapan mismo ng dalawang bantay sa entrance. Napatulala ang dalawa ng masilayan ang katamtamang laki ng dibdib ni Ella halos hindi kumarap ang mga mata nito. "Lakas ng tama mo miss Ella." Sambit ni Joseph habang nakatakip ng dalawang palad nito sa kanyang mga mata. Sunod na hinubad ni Ella ang maiksing balda niya buti nalang at may cycling shorts siyang suot pang ilalim. "Witwiw! So sexy baby!" Sigaw ng isang lalaking napadaan sa likuran ni Ella papasok ito ng entrance. Sinuot na ni Ella ang dress sobrang eksi nito sa kanya kapag tumawad siya tiyak na makikita ang ang singit niya. Buti nalang at may cycling shorts siya. Backless ang likod ng dress kaya naman lantad ang makinis na likod ni Ella. Tinanggal din ni Ella ang suot na bra niya dahil may kasamang foam naman ang dress kaya ayos lang wala siyang suot na bra. Sunod niyang hinubad ang school shoes niya at mahabang medyas niya na hanggang hita. Sinuot niya ang high heels at tumayo ng tuwid. Tinanggal niya ang pagkakatali ng kanyang buhok at hinayaang lumugay ang mahabang buhok niya. "So pwede na ba akong pumasok?" Saad ni Ella sa dalawang bouncer na bantay ngunit tulala parin ang mga ito habang nakaawang mga bibig. "Oh." Sabay hagis ni Ella sa uniform n'ya kay Joseph. Tinamaan sa nguso si Joseph ng takong ng school shoes ni Ella. "Aray! Ang sakit miss Ella maayos ko naman inabot sa'yo kanina yung dress at sandals." Reklamo ni Joseph. "Oops sorry Joseph." Saad ni Ella at hinaplos ang labi ni Joseph gamit ang daliri ng dalaga. Namula ng husto si Joseph dahil sa ginawa ni Ella. "Mauuna na akong pumasok sa loob sumunod ka nalang." Anang ni Ella at pumasok na sa entrance. Labis namangha si Ella dahil sa laki ng lugar na ito pagpasok pa lang niya ay Bungad na ang mahaba at malawak na swimming pool sa loob. Ang kulay asul na tubig ay puno ng tao. May mga naka bikini swimsuit na mga babae at mga lalaki naman ay naka swim trunks. Sa gilid lang siya ng swimming pool nag lalakad. Karamihan na lalaking dinadaanan ni Ella at nakakasalubong ay nag papa-cute at binabati siya. Hindi gaano kalakas ang music dito kaya naririnig niya ang mga pinag uusapan ng mga bawat taong nalalagpasan niya. Papasok na siya sa isa pang pinto ng may makasalubong siyang isang lalaki nasagi siya nito sa balikat muntik na siyang mawalan ng balanse maigi na lang at nakakapit siya sa glass door. Tumingala siya masama niya itong tinitigan. "Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Inis na sabi ni Ella. "E-Ella? A--anong ginagawa mo dito?" Saad ng lalaki. Nang makilala ito ni Ella ay napangisi siya. Si Race pala itong nasaharapan niya ngayon hindi niya kasi agad namukhaan ang lalaki dahil kulay itim na ang buhok nito. Noong una niya kasi itong makita ay blonde pa ang buhok nito. "Si Finyx nandito siya Diba? Huwag kang mag sisinungaling kung ayaw mong pilipitin ko iyang leeg mo." Turan ni Ella. Napahaplos ng kanyang leeg si Race bago mag salita. "Ito naman hindi ko naman itatanggi, oo nandito siya." Sagot ni Race. "Sino kasama niya Race? Wag mong pagtatakpan ang kaibigan mo. Pipitasin ko iyang dalawang santol mo!" Agad naman napahawak si Race sa kanyang alaga. "Si Aimee ang kasama niya. Teka nga nag away ba kayong dalawa?" Usisa ni Race. "Tama na ang tanong dalhin mo ako sa kaibigan mo." Hinila ni Ella si Race papasok. "Teka, sandali lang may naisip ako na mas magandang gimik." Ani ni Race at ngumisi ng nakakaloko. "At anong gimik yan." Bumulong si Race sa tainga ni Ella. Napangisi naman si Ella at tumingin kay Race. "Great idea!" Nagtungo ang dalawa sa dressing room ng mga babaeng models at dancers ng club ni Race. "Hi Mr SanVictor." Malanding bati ng isang babaeng kalalabas lang ng dressing room may kasama pa itong dalawang babae. Siguro ay mga dancer ito dahil narin sa mga suot ng babae. "Hi Bernadette. Hi girls." Malanding balik na bati rin ni Race kay Bernadette at sa kasama pa nitong dalawang babae sabay kagat pa sa labi ang lalaki. Nag titili ang tatlong babae habang nag lalakad papalayo. Napataas ng kilay si Ella at siniko si Race sa tagiliran. Sa dating nitong si Race halatang babaero ito. Sabagay ubod ng gwapo ng lalaki malakas ang karisma pagdating sa mga babae samahan pa ng isang malalim na dimple nito sa kaliwang pisngi. "Ang landi mo ha. Hindi ako magtataka lahat ng models at dancers mo dito naikama mo na." Pabirong saad ni Ella sa lalaki. Napangisi ng husto si Race. "Yes, most of them." Mayabang na saad ni Race. "Lupit mo ah, buti kinaya mo at hindi nanuyo iyang semilya mo." Saad ni Ella. "Unlimited ito. And guess what pati si Aimee naikama ko narin." Usal pa ni Race. Ella's eyes widened. "Oh my gas may tirgas! Really?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ella. "Yeah.. diba ang daling makuha ng Aimee na iyon. That's why i hate her." Saad ni Race. "Alam ba ito ni Finyx?" Tanong ni Ella. "Yeah, kaya nga galit na galit siya kay Aimee." "Ahem, excuse me po." Tinig ng isang mahinhin na babae. Napatingin doon si Ella sa babaeng nag salita. "Katja, may kailangan ka ba?" Tanong ni Race sa babae. Nahuli ni Ella ang kaka-ibang titig ni Race sa babae kaya tapangisi si Ella at napailing. Napayuko nalang yung Katja dahil parang nahihiya ito. "May kukunin lang po ako sa dressing room, sir Race." Wika ng babae. Umusog si Ella upang mag bigay daan para sa babae. Ni-head to foot ni Ella ang babae. Maganda ito at sexy. "Dancer din ba yun dito?" Tanong ni Ella kay Race ng makalagpas ang babae. "No! She is a waitress here." Matigas na turan ni Race. "Talaga, ang ganda niya para lang maging waitress. Naikama mo narin ba? Kakaiba ang titig mo kanina." Saad ni Ella. "I wish." Mahinang bulong ni Race. "Halikana para makapili ka ng isusuot mo at para mabuwisit na natin ang magaling kong kaibigan." Tumalikod na si Race at nag lakad sa loob ng dressing room. Si Ella ang pumili ng susuotin niya at ang kanyang napili ay isang pares na red leather thong bikini . May tag pa ito halatang bago pero inamoy-amoy pa ito ni Ella. "Don't worry lahat ng mga damit at bikini dito ay bago." Natatawang turan ni Race. "Malay ko ba, mamaya may Aids na pala ang nagsuot nito mahawaan pa ako. Saan ako pwedeng mag palit?" Humalakhak si Race at tinuro ang isang kulay itim na pinto. Nagtungo si Ella doon at nag palit ng makalabas siya ay nakita niya si Race na hawak ng mahigpit ang isang braso ni Katja. "Mag palit ka ng damit mo! Hindi ka pwedeng lumabas ng dressing room na ito na ganyan ang suot mo!" Matigas na turan ni Race sa babae. "P-pero kasi sir Race nabasa po kasi ng beer ang uniform ko kaya kailangan ko mag palit." Paliwanag ng babae. "I don't f*****g care! Basta mag palit ka ng damit mo!" Sigaw ni Race. "Hoy! Huwag mo naman sinisigawan iyang waitress mo." Saway ni Ella kay Race. Tumingin-tingin si Ella sa mga damit na naka hangir kinuha niya ang isang dress na kulay asul na hindi gaano ka-iksi. "Ito girl mas bagay ito sa'yo." Abot ni Ella sa babae at matamis na ngumiti. Tinanggap ito ng babae at mabilis na umalis. "Ikaw naman ang landi mo sa ibang babae. Pero ang sungit mo naman sa waitress na iyon." Anang ni Ella. Pinatsadahan ni Race ng tingin si Ella mula ulo hanggang paa. "Kaya mo lumabas ng ganiyan ang suot mo?" Tanong ni Race habang nakataas ang isang kilay. "Oo, kung hindi mo tatanongin pangarap ko maging model, artista at singer. Makapal ang pagmumukha ko Race kahit paghubarin mo pa ako sa harapan ng maraming tao kaya kong gawin. Pero wag ka, kahit ganito lang ako one hundred percent virgin. Kaya mapalad iyong kaibigan mo." Sambit ni Ella at humalakhak. "Baliw ka talaga, halika na nga." Wika ni Race at lumabas na ng dressing room. Sinuot muna ni Ella ang red leather bondage cosplay half cat mask sa kanyang mukha bago sumunod kay Race. Maganda ito para hindi siya makilala ni Finyx. Tanging ilong at labi lang niya ang nakikita. Dumaan sila Ella sa dance floor nag sisipulan ang mga lalaki. Kulang na lang mag laway ang mga ito na parang isang asong ulol. Sumakay ng elevator ang dalawa patungo sa 30th floor. Nasa pinakataas pala naroon sila Finyx ngayon. "Iniwan mo si Finyx at Aimee doon baka mamaya nag lalampungan na ang dalawang yun." Wika ni Ella. "Wag ka mag alala nanroon ang ibang mga kaibigan namin." Usal ni Race. "Infairness Ella bagay sa'yo you look so hot. Bakit kaya hindi ka nalang magtrabaho dito sa club ko bilang dancer." Tumatawang saad ni Race. "Bakit kaya hindi si Katja? She's so pretty and sexy maputi pa. I'm sure pag kakaguluhan iyon ng mga lalaki." Wika ni Ella. Nawala ang ngiti sa labi ni Race at napalitan ng pagsimangot. Humalakhak si Ella ng malakas sa loob ng elevator. "I know you like her Race." Pang-aasar ni Ella sa lalaki. Tumunog ang elevator hudyat na nasa 30th floor na sila. Nag lalakad sila sa malawak at mahabang pasilyo walang ibang kwarto o pintong nakikita si Ella dito. Sa dulo ng pasilyo may isang malaking pinto roon na kulay itim na may nakasulat na VIP, sa labas nito ay may dalawang lalaking pareho malalaki ang katawan. Yumuko ang dalawang lalaki ng makalapit sila Ella sa harapan ng pinto. Binuksan ni Race ang pinto bungad kay Ella ang malamig na hangin na ibinubuga ng aircon. Patay sindi ang iba't-ibang klase ng ilaw sa loob bahagya tuloy siyang nalula. Samahan pa ng amoy ng sigarilyo sa loob. Ang lakas din ng music dito inikot ni Ella ang paningin sa malaking silid. Medyo madilim sa loob pero dahil sa mga neon lights ay kahit papaano ay makikita mo pa ang mga tao dito sa loob. May iilang babae at lalaki siyang nakikita sa counter kung saan umiinom ang mga ito ng alak. May dalawang bartender din ang naroon sa counter. Dumapo naman ang mga mata ni Ella sa malapad na intablado. May tatlong babaeng sumasayaw roon ng sexy dance ang isa at nag po-pole dancing. Iginaya ni Race si Ella sa grupo ng mga kalalakiha at may iilang babae rin doon. Hinanap ni Ella si Finyx naka-upo ang lalaki sa mahabang leather sofa. Nakasimangot ang lalaki parang hindi mai-ukit ang mukha nito. Kumulo ang dugo ni Ella ng makita si Aimee sa tabi ni Finyx para itong lintang nakapulupot sa lalaki. Hinahalik-halikan pa nito ang leeg ni Finyx. Gusto ng sugurin ni Ella si Aimee sa mga oras na ito pero hindi pwede masira ang plano niya. Sininyasan ni Race na bumaba ang tatlong babaeng nag sasayaw sa ibabaw ng intablado. "Go Ella." Bulong ni Race sa tainga ng dalaga. Dahan-dahan humakbang si Ella paakyat ng intablado. Agad naagaw ni Ella ang atensyon ng mga kalalakihan kaya natuon ang antesiyon ng mga ito kay Ella. "Wow! Parang ngayon ko lang siya nakita dito. Bago?" Tanong ni Rock isa sa mga kaibigan din ni Finyx. Tumango si Race at ngumisi. "Tingin lang ha, bawal hawak manyak mo pa naman." Saad ni Race kay Rock at tumawa. "Wow ha, nag salita ang hindi manyak." Wika ni Rock. Sa ilalim ng intablado at may lumabas na usok. Nag umpisa narin ang bagong tugtog. 'River. by Bishop Briggs.' Like a river, like a river, sh- Like a river, like a river, sh- Like a river, like a river Shut your mouth and run me like a river How do you fall in love? Harder than a bullet could hit you How do we fall apart? Faster than a hairpin trigger Don't you say, don't you say it Don't say, don't you say it One breath, it'll just break it So shut your mouth and run me like a river Umpisa ng kanta kaya nag umpisa narin sumayaw ng erotic dance si Ella nakakapit si Ella sa pole. Habang gumigiling at umiindak si Ella at nakatuon kay Finyx ang kanyang atensyon parang walang pakialam ang lalaki nakasimangot lang ito habang umiinom ng alak sa crystal na baso. "Damn.. she's a good dancer!" Hiyaw ng isang kaibigan na lalaki nila Finyx. "Whoooo! Go Ella!" Sigaw ni Race. Agad napatingin si Finyx sa kaibigan nitong si Race dahil sa narinig niya mula sa kaibigan. "Ah, Ellazabeth. Go Ellazabeth!" Muling sigaw ni Race at ngisi-ngisi kay Finyx. Nag hihiyan narin ang iba pang kaibigan ni Finyx na enjoy na enjoy sa panonood sa babaeng gumiling sa intablado. Bumaling si Finyx sa babaeng sumasayaw sa pole dancing. Ang buong akala niya ay yung tatlong babae parin ang sumasayaw roon. Mula sa paa, patungo sa binti hanggang hita. Hinagod ng tingin ni Finyx ang buong katawan ng babae pamilyar sa kanya ang katawan na ito. Oo ilang beses na nga ba niya nasilayan ang katawan ng dalaga? Ang maliit na bewang ni Ella ang mahabang legs nito ang kulay at kinis ng balat nito. Hindi niya makita ang buong mukha ng babae dahil may takip ito. Nakasuot ng red leather bondage cosplay half cat mask ang babae kaya ilong at labi lang ang nakikita. Napailing si Finyx. "Impossibleng siya yan dahil hindi naman niya alam ang lugar na ito. At ano nga ba ang gagawin niya dito e, masaya siya sa pakikipag halikan sa Sandoval na yun." Bubulong-bulong ni Finyx. Pero kahit ganoon ay hindi mawala ang atensiyon ni Finyx sa babaeng sumasayaw sa intablado. Tales of an endless heart Cursed is the fool who's willing Can't change the way we are One kiss away from killing Don't you say, don't you say it Don't say, don't you say it One breath, it'll just break it So shut your mouth and run me like a river Shut your mouth, baby, stand and deliver Holy hands, will they make me a sinner? Like a river, like a river Shut your mouth and run me like a river Choke this love 'til the veins start to shiver One last breath 'til the tears start to wither Like a river, like a river Shut your mouth and run me like a river Music na nangingibabaw sa loob na ito. Kahit malamig na hangin ang ibinubuga ng aircon ay pawis na pawis na ang buong katawan ni Ella kumikinang ang balat niya dahil sa pawis. Habang gumigiling si Ella sa pole bar ay kagat nito ang ibabang labi niya. Kumunot ang noo ni Finyx ng mapatitig siya sa labi ng babae. Tatayo sana si Finyx pero agad siyang hinawakan ni Aimee sa braso. "Baby dito ka lang namiss kita e," maarteng wika ni Aimee. Muling umayos ng upo si Finyx nakatitig parin siya sa babae hindi siya pwedeng mag kamali kilala niya ang katawan ng babae. Si Ella ito, ang mahabang buhok nito ang kulay ng mga mata at kung paano tumitig. Natapos na ang music kaya natapos narin sa pagsayaw si Ella. Isa lang ang paraan para malaman na si Ella ito hahalikan niya si Aimee. Kilala niya si Ella selosa ito napatunayan niya ito noong mag punta sila sa enchanted kingdom kasama ang nakakatandang kapatid ni Ella at nobyo nitong si Ellieoth. Nakita ni Finyx kung paano mag selos si Ella sa mga babaeng lumalapit sa kanya at sa mga mapapatingin lang. Agad hinalikan ni Finyx si Aimee. Nag tagis ang bagang ni Ella ng makitang hinalikan ni Finyx si Aimee. May kung anong kumirot sa puso niya ng masaksihan kung paano halikan ni Finyx si Ella. Nagpunta siya rito para makipag usap at suyuin ang ugok na ito pero ano ito nakikipag halikan ito sa ex. Mabalis na bumaba si Ella sa stage at lumapit sa table kung nasaan sila Finyx. Nag hanap si Ella ng lalaking pwede niyang halikan. Nahuli niya si Rock na nakatingin sakanya kaya lumapit siya rito at naupo sa mga hita ng lalaki. "Hi baby." Bati ni Rock kay Ella. Walang salitang lumabas sa bibig ni Ella at biglang nalang hinalikan ni Ella si Rock sa labi nito. Gulantang naman ang lalaki dahil hindi basta halik ito. Bahagyang napaungol si Rock ng marahang kagatin ni Ella ang labi niya. Nagtagis ang bagang ni Finyx ng halikan ni Ella si Rock. Naikuyom niya ang kamao parang gusto niyang sapakin si Rock para kasing nag enjoy pa si Rock. Umalis si Ella sa kandungan ni Rock at nag lakad patungo sa harapan ni Finyx. Tinanggal niya ang suot niyang red masks at hinagis sa mukha ni Finyx. Nagulat si Aimee ng makita si Ella ganoon din ang ibang kaibigan ni Finyx. Kilala na ng mga ito si Ella lagi ba naman bukang bibig ni Finyx ang pangalan ni Ella. "Ito ba ang ganti mo sa akin ha?! Ang makipag kita ka sa ex mo at makipag halikan! Kung siya talaga ang tinitibok ng betlog mo magsama kayong dalawa ng haliparot mong ex! Tandaan mo ito Finyx I'm not like other girls who beg just to be chosen by you. I'm not a desperate girl. I can live without you in my life!" Mariing wika ni Ella at mabilis nag lakad papalabas ng VIP room. Si Rock ay naiwan na nakangiti na parang tanga sa kawalan para itong naingkanto. "Bullshit!" Mura ni Finyx at agad tumayo. "Damn you Race! Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina na si Ella pala iyon." Inis na wika ni Finyx sa matalik na kaibigan at mabilis rin lumabas ng VIP Room. "Ella!" Sigaw ni Finyx. Mabalis na hakbang ginawa niya upang maabutan si Ella pero nakasakay na ito sa elevator bago pa niya pa pindot ang button ay sumarado ng ang pinto ng Elevator. "Fvck! s**t ! Damn it! Bullshit!" Sunod suno na mura ni Finyx. Nagtungo siya sa isang elevator buti nalang at walang sakay ito. Habang sakay si Ella ng elevator ay ilang ulit niya pinunasan ang labi niya gamait ang palad niya. Pag labas ni Ella sa Elevator ay saktong naroon si Joseph. "Miss Ella okay ka lang ba?" "No! Mukha ba akong okay!" Sigaw ni Ella sa lalaki. "Ihanda mo ang sasakyan uuwi na ako." Utos ni Ella. Mabilis nagtungo pabalik si Ella sa dressing room at nag palit ng damit. "s**t! Buwisit ka talagang Finyx Montenegro ka!" Inis na sigaw ni Ella at sinipa ang sandals na nasaharapan niya. Pagkatapos niyang mag bihis lumabas na siya ng dressing room. Saktong pagkalabas ni Ella sa entrance ay naroon na ang sasakyang ginamit nila kanina ni Joseph. Nag umpisa ng mag tubig ang mga mata ni Ella. Nasasaktan siya ngayon. Yung kaninang nangyari sa pagitan nila ni Felix ay hindi niya iyon ginusto. Pero yung nangyari doon sa VIP room, kusang hinalikan ni Finyx si Aimee. At yun ang labis ang kumukurot sa puso niya ngayon. Sumakay si Ella sa backseat bumagsak na ang luhang kanina pa niya pinipigilan. "Barangay 1 makiling, kikipot-kipot at luluwag-luwag ako umuuwi pwede mo ba akong ihatid doon Joseph?" Hindi umimik ang lalaki at nag maneho na ito nag tataka naman si Ella siguro ayaw lang nito mag salita upang hindi niya ito masigawan katulad kanina. Habang binabaybay nila ang kahabaan ng kalsada nag tataka si Ella parang hindi ito ang daan papunta sa lugar nila. "Joseph hindi ito ang daan papunta sa bahay namin saan mo ako dadalhin?" Walang imik ang lalaki nanatili lang ito sa pagmamaneho. "Joseph!" Muling tawag ni Ella. Ginapang ng kaba si Ella baka mamaya ay hindi pala ito si Joseph. Ang kaninang katamtaman ng takbo ng kotse at ay domoble ang bilis nito. Nakalabas na sila ng syutad ng maynila lalong kinabahan si Ella kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan si Girly. Ilang beses nag ring ang cellphone ng kaibigan pero walang sumasagot siguro ay baka busy ito. Nag lakas loob siyang silipin ang mukha ng lalaking nag mamaneho. Nanlaki ang mata niya ng makitang si Finyx ito. "Gago ka saan mo ako dadalhin!" Bulyaw ni Ella. Hindi sumagot ang lalaki seryoso lang itong nag mamaneho. "Itigil mo ang sasakyan bababa ako!" Sigaw muli ni Ella. "No! Mag-uusap tayo Ella!" Mariin na sigaw ni Finyx. "Ayokong kausapin ka bumalik ka nalang doon sa Aimee na iyon!" Hinampas ni Ella ang braso ni Finyx kaya napapreno ang lalaki. Ginilid ni Finyx ang kotse sa tabi ng kalsada at lumingon siya kay Ella. "Tumigil ka Ella! Mag-uusap tayo sa ayaw at gusto mo! Ako ang masusunod!" Mariing turan ni Finyx. Nakita ni Ella sa kulay asul na mga mata ni Finyx ang galit at sakit. Humalukipkip si Ella at inirapan ang lalaki. ~~~> The song lyrics not mine. Title Song. River by Bishop Briggs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD