SALVE PAGDATING ko sa mansion, naabutan ko si Geo na umiiyak. "Geo?!" Pagkakita niya sa akin, agad ito yumakap sa akin ng mahigpit. "I thought you left me," umiiyak na saad niya. Hinaplos ko naman ang kan'yang mukha. "Hindi. Kung aalis man ako, isasama na kita," mahinang saad ko. "Miss Salve, hindi pa kumakain si Senyorito Geo. Ikaw ang hinihintay niya," saad ng tauhan ni Gabriel. Simula noong nakilala ko si Gabriel, hanggang ngayon ayaw pa rin niya kumuha ng babaeng katulong. Kahit ang nag-aalaga kay Geo, mismong tauhan niya rin. "Sige. Ako na maghahanda ng pagkain niya," saad ko rito. Niyaya ko naman ang anak ko sa kusina. Pinaghanda ko ito ng baked pasta. Nag-bake rin ako ng cookies. "Masarap ba?" nakangiting tanong ko rito. "Yes!" Halos naubos niya ang nilagay kong pasta

