SALVE Napangiti naman ako na nakatingin kay Geo na nakipaglaro ito sa kan'yang aso. Huminga naman ako ng malalim. Gustong-gusto ko siya itakas, pero natatakot ako kay Gabriel. At posible rin na maitakas ko ang anak ko. Halos napapalibutan ng mga tauhan ni Gabriel ang palibot ng mansion. "Geo, baka makagat ka," malambing na saad ko at nilapitan ito. Yumuko ako at hinaplos ko ang mukha niya. "Sobrang miss na kita," malungkot na saad ko rito. Nakatitig lang ito. Bahagya pa akong napaiktad nang haplusin niya ang parte mukha ko na nasunog. "What happened to your face?" inosenteng tanong ni Geo sa akin. "H-Ha...A-Ano kasi..-." "Stop talking to my son. Ang trabaho mo lang ay bantayan at pakainin siya." Napatigil naman ako. Hindi ko napansin nasa likuran ko na pala si Gabriel. Napapikit

