SHEREE "PUWEDE ba natin sila isama?" malungkot tanong ko kay Jarred. Babalik na kami sa Manila. May lalaking pumunta dito at kinausap si Jarred. Hindi ko lang alam kung ano ang pinag-usapan nila, pero sa ekspresyon ng kanilang mukha parang problemado ang mga ito. "Hindi puwede. Hindi naman sila pababayaan ni manong," aniya ni Jarred sa akin. Umiwas naman ako ng tingin. Nasasaktan ako dahil iiwan ko na ang mga alagang Peppa's ko. "J-Jarred, please. G-Gusto ko, ako pa rin ang mag-aalaga sa kanila." Mariin naman niya akong tiningnan. "Not now, Sheree. Huwag ka muna dumagdag sa problema ko. Gumayak ka na, at aalis na tayo maya-maya," aniya at tumalikod na ito. Matamlay naman akong pumasok sa loob ng kubo. Napahikbi naman ako dahil hindi ko talaga kaya silang iwanan. Napatingin naman a

