SHEREE HINDI ko alam kung paano ko tatanggapin ang katotohanan. Sobrang sakit na nakikita ko si Mommy na nasasaktan. Galit naman ang nararamdaman ko kay Daddy. "Sheree?" Tamad ko naman tiningnan si Daddy. "I'm so sorry, anak," maluha-luhang saad niya. Hindi naman ako umimik. "A-Aayusin ko ito. Sheree, mahal na mahal kita, anak." Tiningnan ko ng diretso sa mga mata si Daddy. "Mahal niyo rin po ba si Mommy?" Umiwas naman ng tingin si Daddy. "D-Daddy?! Mahal niyo po ba si Mommy?!" Sigaw ko rito at humagulhol naman ako. "H-Hindi ko alam, a-anak." Mariin ko itong tiningnan. "I-I hate you, Dad! Bakit niyo po ito nagawa?!" Lalapit sana ito sa akin pero tumakbo naman ako papunta sa aking silid. Binuhos ko ang lahat na sama ng loob ko sa pag-iyak. Lalo pa ako nasasaktan dahil wal

