Chapter 21 - Broken Vow

2180 Words
Tell me her name I want to know The way she looks And where you go I need to see her face I need to understand Why you and I came to an end Maagap na naglakad palabas ng eroplano si Aina nang makarating na sila sa Caticlan. Mabilis niyang nilagpasan si Thiago dahil sa kahihiyan at agad na lumapit kay Andra na humihikab pa. Sinakbit niya ang braso sa kaibigan na kung maari niya lang sabunutan ay ginawa niya na.   “Bakit nawala ka sa tabi ko?” tanong ni Aina habang pababa sila ng hagdan.   “Hm? Nahihilo daw si Millie sa amoy ni Kuya eh. Weird.” Nagkibit balikat pa ito. Hindi na lang nagsalita si Aina dahil baka kung ano pa masabi niya. Alam niya naman kasi kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ni Millie. Pagbaba sa airport ay may kaniya-kaniyang van ang naghihintay sa mga estudyante bawat year level kaya naghiwa-hiwalay na sina Aina pansamantala. Mula rito ay ihahatid na sila sa may Caticlan port para sumakay ng Bangka na magdadala sakanila sa isla ng Boracay. Tahimik lang si Aina buong byahe habang nakasaksak ang earphones sakaniyang tenga, Ninanamnam ang bawat liriko ng musika na tila sadya para sakaniya, Habang ang mga kaklase ay nagdidiwang at nagsasaya dahil sa labis na pagkapanabik, siya naman ay nagmumukmok sa gilid. Hindi niya maiwasang hindi isipin si Theo. Kung sana sa paglayo niya ay naiwan niya na din ang masakit na alaala ngunit hindi. Hindi kailanman. Dahil kung gaano siya nasaktan ni Theo ay ganun din ang sayang naidulot nito sakaniya. Habang nakapikit ay may tumakas pa ding luha sakaniyang mata. Bumigat ang kaniyang pakiramdam. Bumuntong hininga na lamang siya ay hinawakan ang pendant sa kwintas na bigay ni Theo.  Naranasan mo na ba iyong may naalala kang masakit na alaala? Iyong alaalang wala ka nang magagawa kundi tanggapin na hanggang ganoon na lamang siya. Alaalang kahit baliktarin mo ay masakit pa din. Matutulog ka na may dinaramdaman at tumutulo na lang ang luha. Gigising ka kinabukasan na mabigat ang dibdib at luluha pa din. Ganon ang nararamdaman ni AIna. Kahit anong pilit niyang sabihin na ayos lang siya, hindi talaga. Nang makarating sa port ay parang mga nakawalang alaga ang mga estudyante. Kaniya-kaniyang hanap sa grupo ang ilan. Sa port pa lamang ay bakas na ang kulay asul at malinaw na tubig ng dagat. Paano pa kaya kung sa isla na mismo? Ngayon pa lamang siya nakaramdam ng ginhawa. Inihip ng malakas na hangin ang kaniyang buhok kaya agad itong sumabog. Nakahigh-waist short siya at black crop top na ipinares sa itim na sneakers. May dala din siyang maliit na maleta sapat lang para sa mga damit at ilang gamit. Tatlong araw lang naman sila rito. Isa-isa nang nagsi-akyatan ang mga estudyante sa malaking Bangka. May kaniya-kaniyang vest rin na ibinigay sakanila. “OMG! Nakakaexcite!” maligayang sambit ni Andra na suot na ang kaniyang vest. Abala ito sa pagkuha ng litrato. “Oo nga eh, ano nga bang pangalan ng hotel?” “Hennan!” sagot naman ni Andra sabay talikod at naglakad na paakyat sa hagdan pasakay sa Bangka. Nang pagkakataon na ni Aina ay nahirapan siyang ibalanse ang kaniyang sarili. Muntikan pa siyang mahulog ng hindi niya napansin ang susunod na aapaakan. Sa kagustuhan niyang mailigtas ang gamit ay naout of balance siya. Sasaluhin na sana siya ng bangkero pero naunahan siyang saluhin ni Lance. Hinawakan lang naman nito ang kaniyang palapulsuan at saka marahan na inangat. Nanlaki ang mata ni Aina. Hindi niya nakita si Lance mula airport hanggang sa makarating sila rito sa port kaya taking-taka siya kung paanong biglang sumulpot ito. Inagaw na ni Lance ang kaniyang bagahe kaya mabilis na niyang nabawi ang balanse. “Ang bigat naman kasi nitong maleta mo.” Lance flashed a cute smile. Kuminang ang maputing ngipin nito at bumagay ang sikat ng araw sapat lang para madepina ang kaputian at katangusan ng ilong nito. Humawak si Aina sa braso ni Lance bilang pag-alalay at saka tumayo ng tuwid. “Lance! Nandito ka pala? Bakit hindi kita nakita kanina sa aiport?” tanong niya bago sila nagsabay maglakad papasok ng bangka. Ngumisi lamang ito sakaniya. “Secret!” hinampas siya ni Aina ngunit sinapo niya ang kamay ng dalga para alalayan papasok. “Thanks!” sambit ni AIna ng makapasok na siya sa loob. Hindi na naman nawala ang tinginan ng mga dalaga kina Aina habang masayang nag-uusap ang dalawa. Sa puti ba naman ni Lance at kakisigan ay lilingunin talaga siya ng mga babae lalo pa’t sikat pa ito sa bayan ng Alberta. Nakangisi si Andra di kalayuan kasama ang mga ilang kakilala. Batid ni Aina ay may inaawrahan na naman ito roon kaya humiwalay muna sakaniya. Ayos lang naman dahil katabi niya si Lance na walang sawang magpatawa at magkwento. Mukhang hindi siya aantukin sa buong 20minutes na biyahe sa Bangka.  Dagdagan pa ng mga magandang tanawin na nadadaanan nila. Mabuti at hindi ganun kainit. Katamtaman lang ang panahon. Nahagip ng paningin niya sina Thiago at Millie. Iba na ang suot na shirt ni Thiago ngayon, Baka nagpalit siya dahil ayaw ng nobya ang amoy ng kaniyang pabango. Kitang-kita naman dahil masarap ang pagkakasandal ni Millie sa balikat ni Thiago na nakatingin lang din sa mga tanawin, Hanggang kelan niya kaya ililihim? Kapag nalaman kaya ni Thiago ang lahat ay tatanggapin pa din niya ito? Maghihiwalay kaya sila? Umiwas na lamang ng tingin si Aina. Ayaw niyang makialam. Ayaw niyang manghimasok sa relasyon ng iba gayong iyong kaniya nga ay hindi niya na mahawakan ng maayos. “Aina?” napabalik siya sa ulirat ng tawagin ni Lance ang kaniyang atensyon. “Preoccupied? By what? Or should I say… Whom?” mapaglarong ngiti ni Lance. “Baliw! Wala! Nakakarelax lang yung hangin inaantok ako.” Humikab pa ito ng peke. “You’re not a good liar.” Seryoso ngunit nakangisi pading bulong ng binata. “You want to play a game, Aina?” kumunot ang noo ni Aina. “Let’s play the “runaway game”.” “Ano na naman yan? Sira ka talaga.” “I’m serious.” Inirapan siya ni AIna at hinarap. “Oh sige, ano naman ang mechanics niyang runaway game mo aber?” taas kilay pa niya. “Hmm… The mechanics are simple. Let’s enjoy and savor the island moment without thinking about the sad thoughts within us, Let’s pretend that… they don’t exist at all. Let’s try things we haven’t tried before and not regret it. What do you think?” tinitigan ni AIna si Lance at saka ngumiti. Alam niyang hindi itp isang laro. Alam niyang ginagawa ito ni Lance para pagaanin ang loob niya, Masiyado sigurong halata na maraming gumugulo sa isipan niya kaya sinasabi ito ngayon ng binata. Nandito na lang din naman bakit pa siya aayaw. Isipin na nga lang natin na isa itong laro. “Game, then.” “Yes!” masayang sigaw ni Lance kaya napatingin ang mga tao sakaniya. “Lance! Ano ba!” namumulang kamatis naman ang mukha. Nang makarating sila sa isla ay napanganga silang lahat. Puting buhangin,matatayog na coconut trees at walang kasing linaw na tubig. “This place is a paradise!” sambit ni Andra, Magkakasama na sina Thiago, Millie, Brad, Annika, Aina at Lance. Bitbit pa din ni Lance ang kaniyang maleta. Tama nga siya. Boracay is ineed a paradise. Parang nasa loob sila ng isang post card. Sinundo sila ng coaster para ihatid sa kanilang Hotel. Annika is smiling widely while taking a picture with her beloved Brandon. Napansin iyon ni Aina kaya napangiti na din siya. Iba talaga ang ngiti na nadudulot ng pag-ibig. Very genuine and true, She smiled sadly. She picture herself smiling just like that before. “Students! The keycards are available on the reception area. The rooms are for 2 persons only. Maghanap na kayo ng mga ka-share niyo.” Sambit ng kanilang guro, Mabilis na umangkla si Andra kay Aina at tila ayaw na itong pakawalan. “Easy, Andra! Hindi naman mawawala yang kapatid ko.” Natatawang sabi ni Annika, Natawa na lamang si Annika at bumelat. “Lance, tara na!” napalingon si Aina ng marinig ang pangalan ni Lance. Papalapit pala ito sakaniya. “See you around?” tumango si Aina at kumaway. Nginitian siya ni Lance at saka tuluyan nang umalis para tumungo na sakanilang kwarto. SIniko siya ni Andra. “Mukhang type ka talaga ni Cutie, Ah?” ngising sabi nito. “Sira. Tara na nga!” hinila na niya ang palapulsuan ng madaldal na kaibigan.   Magarbo at malaki ang kwarto na nakuha nila. Malaki ito masiyado para sa dalawang tao. Akala mo ay mga bata ang dalawa na pinakawalan. Nagtatalon sila sa kama at naghampasan ng una. Nang mapagod ay sinalampak nila ang dalawa sa malambot na kama habang tumatawa at hingal. Sa sobrang harot ng dalawa ay hindi nila namalayan na nakatulog na sila. Lumipas ang oras hanggang umabot ng gabi. Kung hindi pa sila kinatok ni Annika at Brandon ay hindi magigising ang dalawa. “Ano? Huwag niyong sabihin na nagpunta lang kayo dito sa Bora para matulog?” inis na sabi ni Annika habang nasa labas ng kwaro nila Aina. “Sorry na! Bababa na kami!” tawang sabi ni Andra. Nagmamadaling nagbihis ang dalawa. Nag-usap sila na magteterno sila na floral dress ngayong gabi. Kulay puti ang kay Aina, kay Andra ay asul. Pagkababa nila ay nasa may resto bar daw ang karamihan para sa dinner na inilaan sakanila. Nagkakasiyahan na ang lahat pagkababa nila Aina. Masayang kumakain na ang ilan. Ang iba naman ay lumalangoy na sa infinity pool. May pool party din kasi kaya hype na hype ang mga estudyante.   Nasa isang lamesa na sina Brandon, Annika, Thiago at Milliecent. Magkakatabi ang apat kaya wala silang choice kung hindi umupo na din sa harapan nila. Nahagip ng mata ni Aina si Thiago. Nakaputing polo ito pero nakabukas ang unang tatlong butones, Angat ang kakisigan at kaputian na bumagay sa malaporselanang kutis ni Milliecent na nakasuot naman ng putting Bohemian dress. Mabuti hindi halata ang tiyan niya.   Isang sulyap muli at nasalubong niya naman ang mga mata ni Thiago. Iniwas niya agad ang mata at kunwari ay ibinaling na lang sa pagkain sa harapan. Bakit ba ang hilig niyang makipagtitigan? Saad niya sa isip. “Oh my God! Ang saya!” sambit ni Andra na sumasayaw na habang kumakain. Loud music boomed the Hotel pool area. With the DJ keeping the hype up the students seems really enjoying the night. Maya-maya pa ay sa kalagitnaan ng pagsasayaw ay nahinto ang musika. Nagdilim ang ilaw at nagkaroon lamang ng spotlight sa bandang harapan. "OMG! SI LANCE! KYAAAAH!" "TARA! DUN TAYO SA UNAHAN!" "LANCE!!!! ANAKAN MO AKO!!!! KAHIT BINGOT LANG PLEASE!!" Kunot noo namang napatingin ang grupo sa lupon ng nagkakagulong babae sa harapan. "What's happening?" tanong ni Annika na tinatanaw ang mga ito. "Lance? As in si Lance Montero?" tanong ni Andra kay Aina. Nagkibit balikat naman si Aina dahil wala talaga siyang ideya. Maya pa ay lumabas na nga si Lance mula sa likod ng pulang kurtina. The crowd cheered for him. Ganon pala siya kasikat? Kaya naman pala kung tapunan siya ng tingin ng mga tagahanga nito ay ganun na lang. "Tara, dun tayo sa harap!" aya ni Andra sa grupo. Nagpatiuna ito at siniksik ang sarili sa mga nagsisiksikang babae. "Tabe!" sigaw pa nito. Napapailing na lamang si Aina. Nang makarating sila sa unahan ay nakita agad ni Lance iyon. Lumawak ang ngiti niya. Matapos maiset-up ang kaniyang kailangan ay tumikhim ito sa harap ng mikropono. "Good evening, everyone." hiyawan ang isinukli ng mga manonood sakaniya. "I don't want to steal the attention. Really. I just want to sing pero dahil nandito na." natatawa niyang sabi. "Kakanta ako." naghiyawan muli ang mga tao. Si Aina ay nakatingin lamang sakaniya. "But this time. I'm with someone." anito sabay baling kay Aina. Naalarma ang dalaga. Parang alam niya na ang susunod ah? "Requesting for Alaina Isabelle's presence. Please join me here." naglingunan naman ang mga tao. Ang iba ay nadismaya pa. "Aina! Ikaw daw! Whooo! She's here!" suplong ni Andra sabay turo pa. "Andra!" saway nito sa kaibigan. "Sige na, Aina!" segunda ni Millie. Tinignan niya si Thiago pero wala lang itong reaksyon. Nainis siya sa itsurang iyon ng lalake kaya kesa mainis ay pumayag na lang siya. Pinalakpakan naman si Aina nang makaakyat sa entablado. "The game starts now." bulong ni Lance sabay kindat. "Wala ka man lang pasabi!" irap ni Aina. "I told you right? No regrets?" ani Lance sabay lahad ng mic. "Fine. No regrets." tanggap naman ni Aina sabay harap sa Audience. Halos malusaw naman ang binti niya ng makita ang maririin na titig ni Thiago. Ngunit mas nadismaya siya ng tumalikod ito at naglakad na paalis... Kasunod si Millie. Bakit parang may bato sa lalamunan niya na kay hirap lunukin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD