Chapter 22 - Happier

2766 Words
“Cause baby you look happier, you do My friends told me one day I'll feel it too And until then I'll smile to hide the truth But I know I was happier with you…” Lance husky voice compliments Aina’s soft and angelic voice. They made a promising duet on stage. Ang ibang nagpaparty ay huminto sakanilang ginagawa para panoorin ang dalawa. After their performance, loud clapping and cheering from their friends echoed in the whole place. Lance smiled to Aina after they finished singing. Same goes with Aina. She looked at the crowd and felt overwhelmed because most of the people really loved what they did. This isn’t the first Aina sang in front of huge crowd. Ang unang beses ay yung nag-little mermaid siya. Pero iba ngayon siyempre, it’s like her first gig and it feel surreal. Parang may ginawa siyang kakaiba sa pakiramdam, Thanks to Lance. “Not that bad, right?” ngisi ni Lance. “Thank you, Lance.” Bulong ni Aina.  Nginitian lang siya ng binata at sinaluduhan. Pagkababa nila sa stage ay sinalubong agad siya ni Andra. “Oh my god! Yung totoo? Saan kayo nagpractice? You look good together! Look! I took a video of you… May chemistry kayo.” Sambit ni Andra habang pinakikita ang video sakaniyang cellphone. Matapos nilang kumanta ay nagsibalik na sa dating gawi ang mga tao. Ang iba ay bumalik na sa swimming pool area para magliwaliw muli. Ang iba ay nasa recreational area naman para maglaro ng billiards at ilang indoor games.   Nilibot ni Aina ang kaniyang paningin. Nasaan kaya sina Thiago at bigla silang umalis sa kalagitaan ng kanilang pagkanta? Tss. Ganun ba siya kasabik na masolo si Milliecent at umalis na lang sila bigla? Inis niyang sabi sakaniyang isip. Aina excused herself to her friends and went to the buffet table to have some desserts. Kailangan niya ng matamis para mahimasmasan. She had a clean plate and scanned the mouthwatering desserts on the long table. Mayroong chocolate fountain, marshmallows, chocolate truffles, macaroons at marami pang iba. She had each and one of them. “Sayo yan lahat?” napalingon siya sa nagsalita at bahagyang nagulat. SI Milliecent iyon. Medyo maga ang mata at tila galing sa iyak. Tumingin siya sa likuran nito kung naroon si Thiago pero wala. Pilit niya itong nginitian. “Oo, medyo nabitin kasi ako sa kinain ko kanina.” Nawala ang ngiti sa labi ni Millie. “Aina.” Tawag niya. “Balak ko ng sabihin sakaniya.” Parang may mabigat na bato ang pumatong sa dibdib ni Aina. Hindi niya alam kung bakit pero nawalan siya ng salita. “N-ngayon?” nauutal niyang tanong. Tumango lamang si Milliecent at namuo ang luha sa gilid ng mga mata. “Naisip ko kasi na… Lumalaki na ang tiyan ko… Ang dami ko ng dahilan at palusot sakaniya. Kung patatagalin ko pa… Baka sa iba pa niya malaman." kumurap ito dahilan kung bakit lumandas ang kaninang nagbabadyang luha lamang. Halos mabitawan ni Aina ang plato na kaniyang hawak. Why does she care for Thiago’s feeling anyway? Kung masaktan ay masaktan siya! Pero iba ang sinasabi ng kaniyang isip sa kasalukuyang nararamdaman. “Pero hindi ba pwedeng… huwag muna ngayon? I mean… Nagkakasiyahan…” alinlangang sabi ni Aina. “There’s no use of that, Aina. Sabihin ko man sakaniya ngayon o hindi. Masasaktan ko pa din siya di kalaunan.” She smiled sadly. “Puntahan ko lang siya.” Paalam nito. Tumango lamang si Aina. Hindi niya alam kung bakit siya apektado. Siguro dahil… nararamdaman niya kung ano ang mararamdaman ni Thiago. Ang lokohin at pasinungalingan ng taong pinakamamahal. Nang malaman niyang may ibang babae na si Theo ay halos gumuho ang kaniyang mundo. Gaya ng nakaambang pag-guho na rin ng mundo ni Thiago. Mariin siyang lumunok. Nilapag niya na ang pinggan sa lamesa dahil nawalan na siya ng ganang kumain. Lumapit na lamang siya sa kalapit na dispenser at kumuha ng tubig. Isang lagukan lamang niya iyon. Maya pa ay tumunog ang kaniyang cellphone. Pangalan ni Andra ang nakarehistro rito. Matamlay niya itong sinagot. “Nasaan ka na? Nandito kami sa beach front. Nag-set up ng camp fire iyong mga taga Alberta. Nandito rin si cutie pie.” Hagikgik ni Andra sakabilang linya. Bahagyang natawa si Aina. “Ikaw talaga. Sige pupunta ako diyan… Ah teka!” pigil niya sa pagputol ni Andra sa linya. “Hmm?” “N-nandyan s-sila M-millie?” “Yep, Why? Kailan ba naghiwalay ang dalawang ‘to?” sabay tawa ni Andra. Si Aina na ang pumutol sa linya. Napabuntong hininga na lamang siya. Kailangan niyang magpanggap na wala siyang kaalam-alam. Kailangan niyang hindi mangialam at makisawsaw sa problema ng dalawa. Hinilot niya ang sentido at saka tumulak na sa beachfront. Nilibang niya na lamang ang sarili sa paglibot ng paningin sa paligid. Ang mga tao dito kapag mas gumagabi, mas nagiging wild. Mula sa malayo ay natanaw na ni Aina ang isang malaking bilog ng mga tao. Umalingawngaw roon ang halakhak ni Andra kaya nakumpirma nga niya na sila yun. Nang mahagip siya ng paningin ni Andra ay kumaway ito sakaniya. “Aina! Here!” napakaskandalosa talaga nitong si Andra kahit kailan. Nang makalapit ay agad itong umupo sa tabi ni Andra. Naka-indian sit lamang sila sa buhanginan. May maliit na lamesa sa gitna kung saan samut-sari ang alak. She looked at her sister and saw how red Annika’s cheeks is. Siguro ay nakainom na din ang mga ito. “Let’s play truth or dare!” sambit ng isa. “Ano ba yan! Wala na bang iba?” angal naman ng isa.  “Oh edi ganito na lang. Ang hindi makakasagot ng truth or hindi makakagawa ng dare ay iinom! Hmm… 2 shots!” “Make it 3! Haha!” naghiyawan naman ang tao roon. Napailing na lamang si Aina. Mga sabik sa alak. Saad niya sakaniyang utak. Nilingon niya sina Thiago at Milliecent na nag-uusap. Nakangiti na si Millie hindi gaya kanina. Sumadal pa ito sa balikat ni Thiago. Ang kamay naman ni Thiago ay lumapat sa balikat ng dalaga bilang suporta. Iniwas na lamang niya ang paningin roon. Bakit ba palagi ko na lang sila nakikita? Irita niyang sabi. “Umalis si cutie eh. Tinawag ng mga barkada niya. Sayang hindi mo naabutan.” “Si Lance?” tumango naman si Andra. “Huwag kang mag-alala. Sabi ko bumalik siya at hahanapin mo.” Tumawa ito ng tinampal ni Aina ang kaniyang hita. Nabaling ang atensiyon nila ng naghiyawan ang grupo. Nagsimula na pala silang maglaro at huminto ang bote sa tapat ni Annika. Napangiti si AIna. Mabuti naman at natuto ng makisama ang ate niya. “Ayusin niyo ha!” banta nito. “Ano ka! Wag kang KJ! Annika! Matured version ng truth or dare ito!” sambit ng kaklase nilang si Maica. “Shoot it!” irap ni Annika. “Truth or dare?” “Dare!” matapang nitong sagot. “Nice! Yan ang gusto ko sayo!” halakhak ni Maica. “Ako! Ako ang magsasabi! Para makaganti naman ako sa pagtataray niyan!” singit ni Emir. “Whatever, Emir.” “I dare you to… kiss Brandon… Torrid. 10 seconds!” napahiyaw ang buong grupo. Napanganga naman si Annika. Si Brandon ay nakangisi lang at tila pabor pa sakaniya. Si Aina ay nag-init din ang pakiramdam. Ang awkward naman dahil masasaksihan niya kung paano maghalikan ang dalawa. “That’s so easy!” ngisi ni Annika. “Go Annika! Go Annika! Go Annika!” their friends even cheered. Humarap si Annika kay Brandon. Bumuntong hininga ito bago unti-unting lumapit sa kasintahan. Kahit palagi naman nila itong ginagawa syempre iba pa din ang pakiramdam na gagawin mo ito sa harap ng ibang tao. Annika enveloped her arms into Brandon’s neck and gently claimed his lips. “1..2…3…” they even gasped for air as they cherished the sweetest 10 seconds of their lives. “4…5…6…” Brandon even gripped Annika’s waist tighter and kissed her deeper. Their friends are taking pictures and videos of them. Shouting and cheering for the couple. “7…8…9… and… 10!” hindi agad humiwalay si Brandon. Pilyo nitong kinagat ang ibabang labi ni Annika. Pinalo siya nito. “That was intense!” kumento ng isa. Hindi alam ni Aina kung ano ang mararamdaman. Nanuyo ang kaniyang lalamunan kaya inabot niya ang pinakamalapit na inumin sa tapat niya. “Hey, that’s a Margarita.” Paalala ni Andra. “And?” “It has alcohol content. I’m just reminding you.” Taas kilay pa nito. Binaliwala na lamang ito ni Aina at nilagok ang inumin. Pinangalahatian niya ito at saka ipinatong muli sa lamesa. Gumuhit ang alcohol sakaniyang lalamunan. It gave her warmth that she all needed.  Pagkababa niya ng inumin ay nagtama ang paningin nila ni Thiago. Parang may kidlat sa mga mata nito. Mabilis siyang umiwas at tinuon ang pansin sa laro. Pinaikot muli nila ang bote at sa pagkakataong ito… Kay Thiago tumapat. “Yown!” kumento nila. “Parang gusto kong makakita ulit ng Torrid!” sambit ng dalawang lalake sa gilid sabay appear sa isa’t-isa.  “Uy ano ba kayo!” saway ng namumulang si Milliecent. Napakagat sa labi si Aina. Huwag nilang sabihing maghahalikan din sila? Bigla na naman siyang nanlamig. Hindi niya alam ang dahilan. “Okay, Valentino… Truth.. or Dare?” nakangising tanong ng kamag-aral nila. “Dare.” Simpleng sagot nito sabay simsim sa hawak nitong beer. “Torrid kiss for Milliecent too! At dahil mabait kami. 5 seconds lang!” humagalpak ang grupo. Namumula na ang mukha ni Milliecent. Wala talagang magawa ang mga kamag-aral niya kahit kailan. Bumagal na ang paghinga ni Aina. Hindi niya alam kung makakaya niya bang makita ang lahat ng ito. Nanlalamig na ang kaniyang palad at binti. Halos mabuwal siya sa kinauupan ng makitang gumalaw si Thiago upang harapin si Millie. Hinawakan nito ang kaliwang pisngi at marahang nilapit ang mukha hanggang sa katiting nalang ang pagitan nila. Nataranta si Aina at kinuha ang natitirang inumin. Nilagok niya ito mula sa kahuli-hulihang patak at saka padarag na binaba sa lamesa. Tumayo na siya at pinagpag ang bestida. “Saan ka pupunta?” tanong ni Andra. “I-inaantok n-a a-ako.” Mabilis siyang tumakbo at iniwan ang naghihiyawang grupo roon. Sinundan ng tingin ni Thiago ang nagmamadaling umalis na si Aina. Nadismaya naman ang grupo ng unti-unting lumayo si Thiago sa pagkakahawak kay Millie. “Oh? Bakit ka bumitiw?” reklamo ng mga ito. “This is something private, dude. I’ll just drink that f*****g liquor.” Natatawa niyang sabi sabay kuha ng shotglass at diretsong ininom. “Boooo!” Napahinto si Aina sa liblib na bahagi ng resort. Pawang puno lamang ang narito at iilang kubo. May mga ilaw naman na nakapaligid. Sadyang mas tahimik lamang ang parting ito kumpara sa pwesto nila kanina. Naitukod niya ang kamay sa puno at saka dinama ang dumadagundong na dibdib. What the hell is wrong with me? Kung maghalikan sila sa harap ko ay ano naman? As if hindi ko pa sila nakikitang maglambingan? Halos masabunutan niya ang kanyang sarili. Umupo siya sa isang troso na nasa buhanginan at dinama na lamang ang hampas ng hangin. The cold breeze enveloped her bare skin. “What is it that you wanted to talk about?” naagaw ang atensyon niya sa baritonong boses. Napatayo siya at sumungaw mula sa kinalalagian niya. Nanlaki ang kaniyang mata ng makita si Thiago at Milliecent na magkatapat. Thiago looked furious and deadly while Millie looked sorry and tensed. Napasinghap si Aina. Hindi kaya…. “I…am…” parang malalagutan ng hininga si AIna. Gusto niyang umalis. Gusto niyang tumakbo. Ayaw niyang marinig ito, “Pregnant.” Madilim ang gabi kaya hindi niya makita ang reaksyon ni Thiago pero nanahimik ito. “You’re supposed to be happy telling that to me…” seryosong sagot nito. “You are… not…the father.” Matapos ng huling salita ay nabasag na ang boses ni Milliecent at humagulgol na ng iyak. “A-anong sinabi mo?” mariing tanong ni Thiago. “I’m… I’m sorry… I’m sorry, Thiago… I’m sorry… Patawarin mo ako…” Aina saw how Millie tried to reach for Thiago’s hand but he immediately refused for it. “Sino?” Thiago’s voice boomed like a thunder. “Thiago-“ “Sino Milliecent? I haven’t even touched you! We haven’t even did it! Kasi nirerespeto kita! Kasi sabi mo gusto mong magtapos muna! And I supported you for that! Nag-usap na tayo diba? Then after that magpapakasal tayo! Ano ‘to?” galit na usal ni Thiago.  Bahagyang kumirot ang puso ni AIna sa narinig. “I got scared! Alam kong hindi ako gusto ng magulang mo! Natakot ako para sa sarili ko! Para sa pamilya ko!” umiiyak man ay nagawa pang sumigaw ni Millie. “That’s bullshit! I told you let me handle it! Wala naman silang magagawa dahil ako ang magdedesisyon kung sino ang gusto kong makasama!” sigaw niyang muli. “I’m sorry… I’m sorry…” halos pabulong na sabi ni Millie. Thiago furiously grip the shoulder of Millie and shake it. Nanlaki ang mata ni Aina. Kahit pa ay buntis pa din ito! “Bakit? Bakit?” galit na galit na sambit ni Thiago. Tanging hagulgol lamang ang naisagot sakaniya nito. Tumakbo si Aina sa dalawa at tinulak palayo si Thiago. “Tama na yan! Nasasaktan si Millie!” sigaw ni Aina. “Aina…” nanghihinang bulong ni Milliecent. Napahilot na lang si Thiago sakaniyang sentido. “I hope I would never see your face again. You’re nothing but a w***e to me.” Mariing sambit ni Thiago na nagpahagulgol pa sa dalaga. Tumalikod na si Thiago at naglakad palayo. Nanlaki ang mga mata ni Aina. Grabe siya makapagsalita! Hinarap ni Aina si Milliecent. “Are you okay?” tumango lamang ito sakaniya. “Expected ko naman na… pero ang sakit pa din pala kapag andyan na..” nagawa pa nitong tumawa habang umiiyak. “Nasaktan ka ba? Bumalik ka na sa hotel. Kakausapin ko siya!” sambit ni Aina sabay talikod kay Millie. “Aina!” tawag nito pero nakalayo na ang dalaga. Palinga-linga niyang hinanap si Thiago. Paniguradong hindi pa nakakalayo iyon. Tama nga siya. There she saw Thiago’s broad back walking slowly with his hands on it’s pocket. “Thiago!” tawag niya pero hindi man lang siya nilingon. “Thiago!” ulit niya habang tumatakbo. Binilisan niya pa ang takbo hanggang sa maabutan niya ito. HInaklit niya ang braso at pinaharap sakaniya. “Thiago, ano ba?” sigaw niya. “What?” iritang sagot naman ng binata. “Bakit mo sinabi ‘yon kay Millie? A w***e? Really? You think that’s even appropriate?” kwestiyon ni Aina. “Because that’s suits her! May boyfriend siya pero nabuntis siya ng ibang lalake!” sigaw ni Thiago pabalik. “Kahit na! Hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganun si Millie! Babae siya at buntis! Hindi mo alam ang pinagdaraanan niya-“ “At ikaw alam mo?” sinakop ni Thiago ang distanya nilang dalawa ng hilain niya sa braso ni Aina. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. Mariin ang mga tingin niya sa dalaga. Napaiwas na lamang ng tingin si Aina. “Bi-bitawan m-mo a-ako!” “You knew it right? You knew all along? Huh?” nag-aalab ang mga mata nito. “Bitawan mo ako sabi!” marahas na tinulak ni Aina si Thiago. “Anong karapatan mong makialam saming dalawa? You're nothing but a kid anyway.” Mariing sambit ni Thiago. Namuo ang luha sa mga mata ni Aina. His words are few but it hurts big time. “Kaya ka siguro iniwan ni Theo dahil ganyan ka. Pakielamera.” Mabilis na dumapo ang palad ni Aina sa pisngi ni Thiago. “W-wala k-kang… k-karapatang… sabihin yan…” bumuhos na ang mga luha ni Aina sabay tumalikod ito at kumaripas ng takbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD