Chapter 23 - You'll be safe here

2602 Words
Close your eyes Dry your tears 'Coz when nothing seems clear You'll be safe here From the sheer weight Of your doubts and fears Weary heart You'll be safe here                                       Kumaripas lang ng takbo si Aina habang patuloy ang paglandas ng luha sakaniyang mga mata. Kahit nanlalabo ang kaniyang paningin at hindi alam kung saan na siya dinadala ng kaniyang paa ay sige pa rin siya sa pagtakbo. How could he say those words to me? Ni wala nga siyang alam sa nararamdaman ko! Kahit kailan talaga! Bakit nga ba kasi ako nakialam eh? Yung nararamdaman niya pa naman ang iniisip ko nitong mga nakaraang araw! Bahagya man akong nainis dahil sa pagsisinungaling sakaniya ni Millie ay hindi ko padin maatim na makitang saktan niya ito. Walang mali sa ginawa ko! Siya ang mali dahil pumapatol siya sa babae! I hate him! I hate every bits of him! Usal niya sa sarili. Sa kakatakbo ay tuluyan na siyang nakalabas sakanilang hotel area. Nakakita siya ng nakaparadang bike at saka sinakyan at pinedal ito. Kung sino man po ang may-ari nito. Pahiram lang. Isasauli ko din pagbalik. Ani niya sakaniyang isipan. Tinahak niya ang daan palabas at pumadyak kahit di niya alam kung saan tutungo. Dinama ni Aina ang simoy ng hangin na sumalubong sakaniya. It’s been quite a while since she went on a ride so doing this seems refreshing. Noong una, sunod-sunod lang ang ilaw sa posteng nadaraanan niya. Hanggang di kalaunan ay unti-unting nagdilim dahil kung hindi pundido ay kumukurap na ang ilaw sa mga sunod na poste ng ilaw. “What?” she panicked. Wala na siyang maaninag kundi ang kakaunting liwanag na nagmumula sa buwan. Napailing na lamang siya at huminto sandali para dukutin ang kaniyang cellphone at buksan ang flashlight nito. Hinawakan niya ito sa kaliwang kamay at nagpatuloy muli sa pagpadyak. Halos matumba siya ng biglang kumulog at kumidlat ng malakas. “Damn it! Uulan?” inis niyang sabi.  Napakamalas ko naman! Nasa may highway na siya pero napapalibutan pa din ito ng mga puno. Siguro ay dito dumaraan ang mga sasakyan o kaya naman truck. Pero kapag ganitong dis-oras ng gabi ay wala na masiyadong dumaraan. Ang kaninang nagbabadya lamang ay tuluyan na ngang bumuhos. Bugso ng ulan ang umatake kay Aina. Ni hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataong gumilid at sumilong. There’s no use anyway. She’s already wet. Kahit na basang-basa na siya ay tinakpan niya pa ang kaniyang ulo. Tinabi niya na ang bisekleta at saka kinuha ang cellphone. Pumasok siya sa b****a ng kakahuyan at nilusom ang kagubatan para maghanap ng masisilungan. Siguro naman sa laki ng kagubatang ito ay kahit isang kubo mayroon sila dito. Dinig niya sa kawalan. Malulutong na dahon ang naapakan ni Aina habang naglalakad sa loob ng kagubatan. Ni hindi niya alam kung saan siya pupunta, patuloy lamang siyang naglakad. Madilim na sa parteng iyon at masukal. Nakakilang gasgas na nga ang kaniyang braso pero wala siyang ibang magawa kundi magpatuloy sa paglalakad. “Bakit ba kasi ako umalis eh...” Bulong niya sa sarili habang patuloy na binabagtas ang lugar. Nagkakagulo na ang lahat lalo na si Andra nang madiskubre na wala pala sa kwarto si Aina. Maging ang kanilang guro ay hindi na mapakali dahil sa nangyari. Nagpatulong na rin sila sa coast guards and rescue ng Boracay para hanapin ito. “Thiago if something bad happened to my sister, I swear to God we will be both dead meat!” natatarantang banta ni Annika kay Thiago habang nagkakagulo na ang lahat sa lobby ng Hennan Hotel.  Balik-balik na naglalakad si Annika dahil sa pag-aalala sa kapatid at takot na malagot sakanilang magulang sa oras na may mangyari rito. Kahit anong gawin ni Brandon ay hindi niya mapakalma ang kasintahan. Napasigaw pa ang lahat ng dahil sa gulat. Dumagundong ang gusali kagagawan ng kulog at kidlat. “Oh my God! Nasaan na kaya siya? Ang lakas ng kidlat! She’s probably scared right now.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Andra. Hindi naman mapakali si Millie. Dapat ay pinigilan niya itong habulin si Thiago. Mariing nag-iisip si Thiago habang nakaupo sa sulok. Alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hinayaan niyang umalis ito mag-isa dahil napagsalitaan niya ito ng hindi maganda. Stupid Thiago! Ani sakaniyang isip. Nilingon niya ang labas kung saan malakas ang ulan at marahas ang paghampas ng hangin sa mga puno. f**k! Paano kung may mangyaring masama sakaniya? He immediately wore his jacket and stoop up. Napalingon ang lahat sakaniya. Umamba itong aalis pero hinawakan ni Andra ang kaniyang braso. “Kuya! Saan ka pupunta?” she panicked. “I will… find her.” “Nababaliw ka na ba? Delikado! Hindi mo ba narinig yung sinabi nung mga rescue? May bagyo! And it’s not just a simple typhoon! This might cause hurricane!” pigil nito. “Kung dapat akong matakot, Andra. Paano pa siya? She is out there nowhere to be found habang ako kailangan ko lang maghintay dito kung may babalik pa ba? Eh paano kung wala na? Saka tayo magisisi?”  sigaw ni Thiago na pumukaw kay Andra. Unti-unti ay kinalas nito ang pagkakahawak sa braso ng kapatid. Napabuntong hininga si Andra. Her brother’s right. Pero kung pati siya ay aalis parehas pa sila ni Aina ang mapapahamak. “Just tell the coast and the rescue that I’ll do my own search whenever they look for me. I promise to come back safe… with her.” Lumuluhang tumango si Andra. Thiago patted her head. Akmang tatalikod na sana siya ng may pumigil na naman. It’s… Milliecent this time. Ang kamay nito ay dumapo sakaniyang braso. Masama ang naging tingin roon ni Thiago kaya agad itong kumalas. “I just wanted to say-“ hindi na siya pinakinggan ni Thiago. Tinalikuran na siya nito at agad ng tumakbo papalabas. Napalunok na lamang si Millie. She already expected this. That Thiago would hate her to death and treat her coldly pero hindi niya inaasahan na ganito pala kasakit. Na magiging parusa ang lahat para sakaniya. Nilapitan siya ni Andra at hinawakan sa balikat. “Pagpasensyahan mo na si Kuya, baka hindi pa sa ngayon…” tumango na lamang ni Millie. Pagbalik niya kasi sa grupo ay napagdesisyunan na niyang sabihin sa lahat. Noong una ay akala niya magagalit ang mga ito sakaniya pero hindi. Tinanggap naman nila ang katotohanan na dahil sa takot kaya niya ito nagawa. Takot dahil sa walang kasiguraduhang hinaharap. Sa kalagitnaan ng paglalakad ni Aina ay may naapakan siyang madulas na parte ng lupa kaya naman napadausdos siya pababa. Nagasgasan ang kaniyang mga braso at binti dahil tumama ito sa mga sanga ng punong kahoy. Nakahawak pa siya sa isang maliit na troso pero nabitawan niya din ito kalaunan dahil basa ito. Ramdam niya na ang putik sa paligid ng kaniyang braso at binti. Napangiwi siya sa sakit ng tumama ang kaniyang puwitan sa sahig ng lupa. “Aw…” inda niya sabay hawak sa may balakang. The violent rain continued to shower all over the forest. Leaving Aina wet and cold. She hugged herself as she prayed that the rain would stop. She looked at her cellphone and felt hopeless even more. Patay na ito malamang dahil nabasa na ng ulan. Nakaramdam siya ng hapdi sakaniyang binti. Hinawakan niya ito at napapikit sa sakit. Basang-basa na si Thiago gamit lamang ang motor na hiniram niya sa isang lokal. Matagal na pilitan ang nangyari para lang mapahiram ito sakaniya kaya malaking tulong ito. Harurot niya itong pinaandar nagbabakasaling mahanap niya sa paligid si Aina. “Aina!” sigaw niya. The loud thunder just keep on making it’s noise overpowering Thiago’s voice. Kahit anong gawin niyang pagsigaw ay walang saysay dahil wala ring makakarinig sakaniya. Tanging ang malakas na pagpatak ng ulan sa lupa at pagkulog ang nangingibabaw sa kapaligiran. Nakahiram din siya ng malaking flashlight kaya nagamit niya ito habang umaandar. Iniilawan niya ang paligid habang patuloy na sinusuyod ang kalsadang madilim. Sa kalagitnaan ng kaniyang pag-andar ay napamura na lamang siya dahil huminto ito at unti-unting namatay ang manika nito. “f**k!” hampas niya rito ng tuluyan ng mawala ang ilaw  at baterya. Naihilamos na lamang niya ang mga palad sakaniyang mukha. “God damn it!” bulong niya bago umalis sa pagkakaupo at tuluyan ng iniwan roon ang motor. Napailing na lamang siya. Napakamalas naman! Dala pa din ang flashlight ay nagsimula na siyang maglakad at suungin ang ulan. “Aina!” “Aina! Si Thiago ‘to! You hear me?” sigaw niya pa. Napahinto siya nang sa di kalayuan ay natanaw niya ang nakaparadang bisekleta sa tabi. Nabuhayan siya ng loob dahil ‘don. Tinakbo niya ang distansiya tungo sa bike at ng makalapit ay ineksamina niya agad. Wala siyang makitang bakas sa bike pero sa lapag ay may nakita siyang kumikinang na bagay. Inabot niya iyon at nakita ang kwintas na may pendat na letter “T”. Nanlaki ang kaniyang mata. He saw this being worn by Aina. Binulsa niya ito at dali-daling pumasok sa loob ng kakahuyan. Nakakasigurado siya na narito lamang sa paligid ang dalaga. Gamit ang kaniyang flashlight ay tinahak niya ang loob nito. “Aina!” “Aina!” hinawi niya ang mga nakaharang na dahon sa mga nadaraanan. May naapakan siyang madulas at nagpadausos siya sa lupa. “f**k!” usal niya. Good thing he had a tight grip on a big stone and wasn’t able to fall. Nalukot ang kaniyang mukha dahil hirap siyang iangat ang paa niya dahil sa dulas ng lupa. “H-help…”rinig niya mula sakaniyang pwesto na may nagsalita ‘non at sinundan pa ng ubo. Napatingin siya sa ibaba niya at inilawan ito. Kumpirmado ngang si Aina iyon dahil may babaeng nakaputi ang nakahandusay sa may lupa. Basang-basa at puno na halos ng putik ang katawan. Imbis na kumapit ay nagpadulas na si Thiago pababa. He didn’t mind the mud that already covered his body. Nang makalapit siya kay Aina ay nakapikit ito pero pilit idinidilat ang mata na tila inaaninag ang kausap niya. “Aina! Aina! Wake up! You hear me? Anong nararamdaman mo?” alalang dalo niya rito at bahagyang niyugyog ang balikat nito. Pilit minumulat ni Aina ang kaniyang mata pero wala siyang maaninag kundi dilim lamang. Pero sa gitna ng kaniyang pagpikit at pagdilat ay may rumehistrong imahe sa gitna ng dilim na naaaninag niya. She smiled weakly. “A-alam k-kong d-darating k-ka…” umubo ito. “H-hindi m-mo a-ako p-pababayaan ng ganun l-lang… Th-thanks f-for f-finding m-me… Theo.” After saying those words she immediately faint. Bahagyang napahinto si Thiago. Tuluyan na ngang nawalan ng malay si Aina. So she taught that it was Theo huh? Napangisi na lamang siya bago binuhat si Aina. Medyo humina na ang ulan, hindi na kasing lakas noong kanina pero mayroon pa din. Thiago bridal carried Aina. Hindi gaya noong una na plinano niya itong buhatin na parang sako. She stared at the lady he's carrying right now. Mas pumayat pa ito kumpara noong una nilang nakilala sa mansyon. Halatang maraming dinaramdam at pinoproblema. Pilit niyang inilawan ang paligid. There must be a nipa or any means to stay here. Halos tatlumpung minuto na siyang nag-iikot at labis ang kaniyang tuwa ng makakita ng isang abandonadong kwadra. Nakumpira niya iyon dahil sa mga dayami sa labas. Lumapit siya roon at inilawan ang loob pero wala siyang nakitang mga kabayo. “May tao ba?” sigaw niya pero walang sumagot.  Inilawan niya din ang paligid at nakitang wala namang ibang tao sa loob. Bumuhos na naman ang malakas na ulan kaya mas minabuti niya ng pumasok na roon. Nagtungo sila sa dulong bahagi kung saan ang liwanag ng buwan ay tumatagos mula sa bintana. Gamit ang paa ay inusog niya ang malapad na karton sa lapag at marahang pinaupo si Aina roon. Pinasandal niya ito sa dingding upang hindi matumba. Nanatili pa rin itong nakapikit. Tinabihan niya ito at kinapa ang noo. Inaapoy na ng lagnat si Aina. Nilabas niya ang panyo sa bulsa. Kahit basa ito ay malinis naman. Sapat na para mawala ang mga putik sa katawan ng dalaga. Mula sa binti, paakyat sa braso hanggang sa mukha ay pinunasan niya si Aina. Napahinto lamang siya ng kumunot ang noo nito indikasyon na nagkamalay ng muli. “Aina? Aina?” hawak niya ang magkabilang balikat nito. Unti-unti ay namulat na ni Aina ang kaniyang mata. Napatingin siya sa imaheng nasa harapan. She blinked several times just to confirm that it’s… really Thiago. Nadedeliryo lang pala siya kanina. Kumirot ang kaniyang puso. Sabagay, ano ba naman ang gagawin nun dito?   “Th-thiago? P-paano m-mo a-ako n-nahanap?” nanghihinang tanong ni Aina bago sinubukang iayos ang sarili sa pagkakaupo. “Hindi na mahalaga yon. Anong nararamdaman mo? Inaapoy ka ng lagnat.” Mariing tanong nito. “I-im g-good… Just…cold.” She coughed and embraced herself. Thiago immediately removed his leather jacket and placed it onto Aina’s weak body. Nakapikit na itong muli habang nakasandal pa din sa dinding at tila nahila na ng antok. He observed how she still keeps on shivering even after doing that. He then left with no choice. He sat beside Aina and gently extended his arms reaching her shoulders. He managed to pull her slowly near him. Making her lean on his warm and masculine body. Tila ba nakaramdam si Aina ng ginahawa at mas isiniksik pa ang sarili niya sa katawan ni Thiago. Dinama niya ang pagkakasandal niya roon dahil naibsan ang lamig na kaniyang nararamdaman. Nagdadalawang isip man ay binalot na ni Thiago ng yakap si Aina. Bahagyang tumigil ang panginginig ng katawan nito. Tinitigan niya ang namumutlang mukha at labi ng dalaga. Thank God she’s safe. Bulong niya sa sarili. Nagtagal sila ng ganoon lang ang posisyon. Paminsan ay nag-iiba ang posisyon nila. Kung hindi nakayakap si Thiago kay Aina ay nakasandal naman ito sa balikat niya. Ganun lang. Nakatulog na din si Thiago sa kalagitnaan ng huminto na ang ulan. Naalimpungatan naman si Aina at  marahang iminulat na ang mata pero nanatili pading nakasandal ang ulo sa balikat ng binata. She roamed her eyes around the place they're at. Amoy kahoy ang buong paligid at puno ng dayami ang sahig. Nangingibabaw din ang halimuyak ng mga kabayo dahil nga kwadra ito noon. Kahit nanghihina ay marahan siyang tumuwid ng upo. Nilingon niya si ang natutulog na si Thiago. He still look rough and rugged even when he’s asleep. Kailan ka ba lalambot ha Thiago?  Napalunot si Aina habang tinititigan ang lalake sakaniyang tabi. She's never been this close to him. Dahil sa tuwing nagkakalapit sila ay hindi siya mapakali.   “I’m s-sorry, Th-thiago. Tama ka nga siguro, pakialamera ako kaya ako iniwan ni Theo. Pasensya ka na kung nanghimasok ako.” bulong nito sa sa binatang nakasandal sa dinding at nakapikit. Nakatingin lang sakaniya si Aina at napasinghap ng gumalaw ang kilay nito. Tapos ay marahang dumilat. Nanlaki ang mata ni Aina. "May sakit ka na ang daldal mo pa din." he seriously looked into Aina's face. "Sorry for the harsh words, too... Now let's sleep. Bukas ay aalis na tayo dito." napasinghap si Aina nang bigla siyang hilahin ni Thiago. Hinawakan ang kaniyang ulo upang ipahiga sakanyang balikat. "Sleep." he huskily whispered. Posible pala talagang maging mabait at nakakainis ang isang tao?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD