Chapter 24 - Jar of Hearts

2514 Words
Who do you think you are? Runnin' 'round leaving scars Collecting your jar of hearts And tearing love apart You're gonna catch a cold From the ice inside your soul So don't come back for me Who do you think you are?                                       Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatulog na nga sa ganong posisyon ang dalawa. SI Thiago ay prenteng nakasandal sa balikat ni Aina habang ganon din ang dalaga sakaniya. Kinaumagahan ay sinag ng araw ang sumilaw sa kanila kaya sabay silang marahang nagising. “Sentisima! Kayo ba iyong taga isla na hinahanap buong magdamag?” napaupo sila ng tuwid dahil sa narinig na boses. Kuskos ni Aina ang kaniyang mata at pilit inaninag ang itsura ng mamang nasa kanilang harapan. “Ma…magandang umaga po. Pasensiya na at nanghimasok kami rito sa kwadra ninyo.” Pilit na tumayo si Aina. Nagkusot muna ng mata si Thiago at saka sumunod na ding tumayo at lumebel sa dalaga. “Walang kaso iyon! Iyon nga lang buong magdamag na kayong hinahap ng mga pulis at mga tauhan ng Hotel na tinuluyan niyo! Teka nga at tatawagan ko sila.”tumalikod ang matandan lalake at dinukot ang lumang telepono nito. Aina glanced at Thiago’s just woke up look. Bakas sa mukha nito ang katamaran sa pagbangon. How can he still look handsome and rough kahit kakagising niya pa lang? Maya pa ay humahangos na ang matandang lalake na bumalik sakanila. “Paparating na raw sila!” balita nito. “Mabuti pa ay sa may kanto na tayo maghintay para hindi na sila mahirapang bumaba pa rito. Tara na at ihahatid ko kayo.” Aya ng lalake. Ineksamina ni Aina ang kaniyang sarili. Mukha na siyang basahan sakaniyang hitsura. Mabuti na lamang at suot niya ang leather jacket ni Thiago. Bakit itong kasama niya kahit madumi ay makisig pa din? Hindi patas! Sa isip-isip niya habang nagsisimula na silang tahakin ang daan palabas ng kakahuyan. “Hindi ko alam kung paano kayo nakarating sa parting ito…” panimula ng matandang lalake. “Uh… nagbisekleta lang po ako. Tapos ay biglang umulan kaya naisip kong maghanap ng masisilungan sa loob ng kakahuyan. Ang kaso po ay dumausdos ako pababa sa isang parte.” Kwento naman ni Aina. “Wala na silang pinapapasok rito bukod sa aming mga tagapangalaga dahil sa epekto ng kalamidad at bagyo. Nagkabiyak-biyak na ang mga lupain rito. Kagabi ay laman na kayo ng balita sa TV at radyo. Kaya nagulat talaga ako ng nasa loob lang pala kayo ng kwadra ko!” hinawi ng matanda ang nakaharang na mga sanga at saka pinaunang lakad si Aina. “Salamat po.” Si Thiago naman ay nanatiling tahimik sakaniyang likuran hanggang sa tuluyan na silang makalabas sa kakahuyan. Saktong paglabas nila ay may malaking shuttle na naghihintay sakanila. “Salamat po, manong.”sambit ni Aina sabay siko kay Thiago. Kunot noo siyang binalingan nito. Tinaasan niya naman ng kilay ang nagtatakang binata. Then she mouthed “mag-thank you ka!” Bumuntong hininga na lamang si Thiago at hinarap ang matanda. “Th-thank you.” He slightly smiled. “Wala iyon! Alagaan mo itong kasintahan mo ah! Napakaganda!” sambit pa nito sabay tapik sa balikat ni Thiago. Tinalikuran na nila ang matanda at sumakay na sa naghihintay na shuttle. Sumandal si AIna sa upuan at saka nakaramdam ng ginhawa dahil sa lambot ng upuan. Maghapon siyang nakasandal sa dingding kaya ngayong nakaramdam siya ng lambot ay napapikit na lamang siya sa ginhawa. “Oh my god! You’re safe!” tinakbo ni Annika ang distansiya nilang magkapatid at yinakap niya ito ng mahigpit. “Sorry, Ate.” AIna smiled shyly. Humahangos si Andra habang nakasuot pa ang pajama nito nang lumapit kay Aina. Niyakap niya ito ng mahigpit kaysa sa kapatid na si Thiago. “I cried the whole night because of you!” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Sorry… Andra…” pag-alo ni AIna sa kaibigan, “Enough for that, Alejandra. She needs to rest and clean up. Ihahatid ko na siya sa kwarto.” Natigilan si AIna sa narinig mula kay Thiago. Pasimple niya itong tinignan. Maging si Annika at Andra ay nagkatingina dahil sa pagtataka. Alam nilang si Aina at Thiago ay parang mantika at tubig. Hinding-hindi maaring paghaluin. “Oh! Okay…” Annika and Andra gave way. Inakay ni Thiago si Aina patungo sa elevator sa pamamagitan ng paglagay ng kamay sa balikat ng dalaga. Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay si Milliecent pala ang laman roon. “Thiago! Aina! Ayos lang ba kayo-“ pilit hinila ni Thiago si Aina papasok sa loob para malampasan na si Millie. Nag-iwas ng tingin si Millie dahil sa pagkapahiya. Nanatiling malamig at matigas ang ekspresyon ni Thiago. Nang magsara ang pinto ng elevator ay hinarap ni AIna si Thiago. “Bakit mo ginawa yun? May sasabihin yung tao!” inis na sabi ni Aina. “I have no time for her words. Seems like all the things that she would say to me are all lies.” Matigas na ingles nito. Hindi na lamang kumibo si AIna. Wala na din namang saysay na makipagtalo siya sa binata. Hindi rin siya mananalo. “Magpahinga ka na. I’ll let them send you your breakfast here.” Malamig na sabi ni Thiago at saka tinalkuran si Aina. Aina shut the door slowly. Kahit kailan talaga ang lalakeng iyon. Hindi maipinta ang ugali. Sambit niya sa isipan bago marahang nagtungo sa banyo. The cold tiles embraced her feet. She looked at the reflection of herself in the mirror. Litaw ang kadungisan niya at pamumula ng balat dahil sa mga natamong sugat. Pinihit niya muna ang gripo sa may bathtub at hinayaan lang na nakabukas para mapuno ito ng tubig. Isa-isa niya nang hinubad ang kaniyang mga saplot mula sa bestida niya at strappy sandals. Nilubog niya ang sarili sa malamig na tubig at kinuskos ang mga duming nakabalot sakaniya. Hindi niya talaga inaasahang si Thiago pa ang magliligtas sakaniya sakabila ng mga nangyari. Siguro ay nakunsensya ito dahil sa masasakit na salitang nasabi niya. Inalala niya kung paano niya nakita ang galit sa mukha nito nang makita si Millie. Alam niyang mali si Millie, pero hindi niya maiwasang hindi maawa rito. Sana man lang ay hayaan siya nitong magpaliwanag. Dahil sa insidente iyon ay napagdesisyunan nilang umuwi na lamang. Alalang-alala na din sina Madam Anthelma at Mayor Virgilio dahil sa nangyari kaya kinagabihan din ng gabing iyon ay bumalik na sila sa Alberta. “Sa susunod ay hindi ko na hahayaan pang umalis kayo ng walang bodyguard! At ikaw naman Annika? Anong silbi mo kung si Aina lang ay hindi mo kayang bantayan?” galit na sermon ni Mayor Virgilio. Agad na dumalo sakaniya si Aina at pinigilan ito. “Daddy! Walang kasalanan si ate. Ako. Ako ang nagpumilit pumunta don!” pigil ni Aina sa amang galit na galit sakaniyag kapatid. Nakayuko lamang si Annika habang pinagagalitan ng kaniyang ama. “I-m s-sorry, dad…” maluha-luha niyang sabi sabay takbo paakyat ng grand staircase. Napabuntong hininga na lamang si Aina. Imbis na umaayos ang relasyon nilang magkapatid ay may mga sitwasyong pang ganito. Kinaumagahan sa eskwelahan ay usap-usapan pa din ang nangyaring bakasyon nila. Ang iba naman na naiwan roon tulad ay nagsaya pa din sakabila ng mga nangyari. “Buntis raw si Castillejo?” abala si Aina sa paglagay ng kaniyang gamit sa locker nang marinig ang usapang iyon. “What? As in si Milliecent Castillejo?” napahinto si AIna sakaniyang ginagawa habang pilit pinakikinggan ang chismisan ng dalawa. “Oo! Iyong mahinhin!” anito. “Eh di tatay na si Thiago? That’s sad! Ang hottie pa naman nun! It’s like he’ll punished you in bed real hard!” hagikgik pa nito. “Loka! Eto na nga! Thiago is not the father!” napalingon na si Aina sa dalawa. Paano nila nalaman iyon? Ganun kabilis? “What? Then who? Taga- Alberta rin ba? Oh! Does it mean she cheated on a Valentino? That’s gross! Mahinhin kuno pero nasa loob pala ang kulo-“ marahas na sinara ni Aina ang kaniyang locker kaya naglikha ito nang malakas na ingay. Napahinto ang dalawa sakanilang pag-uusap at napatingin sakaniya. “Kung nakakamatay lang ang pagchichismisan baka pinaglalamayan na kayo ngayon. Have some decency, it’s not your story to tell but you keep on gossiping like some thirsty parasites!” hinihingal si Aina nang sambitin niya iyon. Namilog ang bibig ng dalawa at nahihiyang nag-iwas ng tingin dahil sa pagkapahiya. Hindi nila malabanan si Aina dahil sa kredibilidad ng pamilya nito. Mabilis na hinila ng babae ang kaniyang kaibigan palabas ng locker area. Napapikit na lamang ng mata si AIna. Masiyado siyang nagpadala sa inis. She shouldn’t said that. This is the first time she humiliate or say harsh things towards others. Ganon siguro kapag pinagtatanggol mo ang taong mahalaga sayo. Ang kaaway nila ay kaaway mo na din. Napabuntong hininga siya dahil masiyado ata siyang naging marahas. Pagkalabas niya ng locker area ay saktong nakasalubong niya si Millie. Nakayuko ito at nagpupunas ng luha. Mabilis niya itong dinaluhan, “Millie? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” alalang tanong niya. “Aina! Help me! Please! I want to talk to Thiago. Please! Oh god!” humagugol ito. Nataranta si Aina at hindi na alam kung paano pakakalmahin si Millie. “Please! Please! I badly want to talk to him!” dagdag pakiusap pa nito. “Alright! I’ll look for him! Okay? Just please calm down. Masama sayong maging ganyan kasi buntis ka. You know the old music room over there? Pumasok ka muna sa loob nun. Hintayin mo kami. Okay?” mabilis na tumango si Millie habang patuloy ang pagtulo ng kaniyang luha.   Napabuntong hininga na lamang siya. As much as she wants to refrain herself in being involved hindi niya naman maiwasan dahil naaawa siya sa kalagayan ni Millie. Mabilis na nagtungo si Aina sa college business administration building para hagilapin si Thiago. Nagkakagulo ang mga tao sa loob dahil sa kaniya-kaniyang ginagawa pero nagkaron pa siya ng pagkakataon na kalabitin ang isang lalakeng nakatalikod. Noon una ay kunot noo siya nitong binalingan pero ng makita ang magandang mukha nito ay bigla itong napalitan ng ngiti. "Uh. Is Thiago there?" tanong ni Aina. "Si Valentino? Nako. Nakatambay sa basketball locker yon!" sambit nito. "Oh! Thanks." takang tumalikod si Aina at takang-takang naglakad paalis. Bakit naman sa locker pa naisipan tumambay? Pero dahil kailangan niyang makausap ito ay tinungo niya padin ang gym kung saan nagbabasketball sina Thiago. Pagkapasok niya sa loob ay iilan lang ang tao roon. Siguro dahil tanghaling tapat at madalas may klase pa ang ganitong oras. She scanned every row of the bleachers but saw no traces of Thiago. Nasaan kaya yun? Gaya nga nang sabi nung nakausap niya ay nasa locker iyon. Mukhang kakatapos lang siguro ng kanilang laro. Nilakad niya ang daan tungo sa locker's area. Sinilip niya muna mula sa labas at nakita ang mga nagkikisigang katawan ng mga players. Napalunok na lamang si Aina. Ngunit sakabila ng pagpantasya niya sa mga katawan ay namataan niya sa di kalayuang locker si Thiago. May babae sa loob! Tinignan niya ang sign sa labas na nagsasabing male's locker ito. Kunot noo niyang binalik ang tingin roon. Ang babae ay mahalay na nakangiti kay Thiago samantalang ang binata naman ay nakatukod pa ang kamay sa dingding. Kinukulong sakaniyang bisig ang babae. Ang babae ay nakapixie hair cut at blonde ang kulay ng buhok. Kitang-kita mula sa malayo ang kulay pulang lipstick nito. Hindi niya alam kung bakit may kung anong poot ang bumalot sakaniyang sistema. Nakita niya kung paano halos sumabog na ang polo blouse ng babae dahil sa malaking hinaharap nito. Kung idukdok niya ito kay Thiago ay halos lunurin na siya! The girl wrapped her hands around Thiago's neck while his hands went down to her thighs. Kitang-kita niya ito mula sakaniyang kinatatayuan! Get a room! Bakit dito pa sa locker? Hindi ba kayo makapaghintay? Gustong-gusto niyang isigaw. Mula sakaniyang kinatatayuan ay nagmartsa siya papasok sa loob ng locker room. Wala na siyang pake kung puro lalake ang laman nito. Itong babae nga na kaharap ni Thiago ay walanghiya eh. Nang makalapit ay malakas niyang hinampas ang malapad na likod ni Thiago. Galit itong humarap pero nawala nang makita siya. Ang mga lalake sa loob ay nakatingin na kay Aina. Ang iba ay sumisipol at tinatawag pa siya pero wala ng pake ang babae rito. "Your GIRLFRIEND wants to talk you! Umiiyak siya ngayon tapos ikaw lumalandi ka diyan!" sigaw ni Aina. "I am his girlfriend! Get out! Istorbo ka eh!" sabat ng babae. Napansin ni Thiago ang malalagkit na tingin ng mga lalake sa loob ng locker kay Aina. Napapikit na lamang siya sa inis. "Panlalakeng locker ito. Hindi mo ba nakikita? Umalis ka na." suplado nitong sabi. "I wont!" matigas na sabi ni Aina. "Thiago, paalis mo na yan!" utos ng babae sa gilid niya. Pilit pinakalma ni Aina ang sarili na wag sabunutan ang babaeng ito. "Fine. Nasan ba siya?" pagsuko ni Thiago. "Music room." tinaasan ni Aina ng kilay ang babae bago tumalikod at nagpatiuna sa paglalakad. "I can't believe you! How can you make oyt inside that locker area surrounded with people! Oh my goodness!" pahisteryang sabi ni Aina habang papalapit na sila sa music room. Bago sila pumasok sa loob ay binantaan niya si Thiago. "Don't you ever hurt her!" sambit nito bago pinihit ang pinto at pumasok na ang dalawa. Nakaupo sa tapat ng piano si Millie at agad na tumayo nang makita si Thiago. "Thiago-" lumapit siya rito pero humakbang ng isang beses palayo si Thiago. Napayuko na lamang si Millie. Nagtungo sa bandang likuran si Aina para bigyan ng kaunting privacy ang dalawa. "Patawarin mo ako. I know, this is really something to be angry about but believe me. Ginawa ko lang ito dahil sa takot." paunang sabi ni Millie. "Enough of this Milliecent! You know how i treated you right! Tapos ay ganun mo lang ibibigay sa ibang lalake?" nagtaas na ang boses ni Thiago. "That's why I'm sorry! Please!" Millie tried to reach for Thiago's hand pero nilayo niya lang ito. "This is not about you surrendering yourself to anyone! This is you being a w***e! A cheater!" nanlaki ang mata ni Aina sa narinig. Nagulat na lamang siya ng marahas na lumapit si Thiago sakaniya at hinawakan ang kaniyang batok. Mabilis niyang idinapo ang labi niya kay Aina para mahalikan. Dilat na dilat si Aina sa ginawang iyon ni Thiago. Natulala na lamang si Millie sa nasaksihan. "Thiago ano ba!" pilit itinulak ni Aina ang binata para ihinto ang kalokohang ginawa. Naguunahang luha ang kumawala sa mata ni Millie. "How does it feel to see your love to be tasted by someone else? Heartbreaking, right? That's how I feel, Millie. Every. Single. f*****g. Time." mariing sambit ni Thiago at saka umalis. Leaving Aina ang Millie speechless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD