So baby pull me closer in the backseat of your Rover
That I know you can't afford
Bite that tattoo on your shoulder
Pull the sheets right off the corner
Of the mattress that you stole
From your roommate back in Boulder
We ain't ever getting older
Nanlaki ang mata ni Aina sa ginawang iyon ni Thiago. Inangat niya ang kaniyang kamay sa ere at idinapo sa mukha nito. Napabaling ang mukha ng binata sa kabila dahil roon. Angat baba ang dibdib ni Aina dahil sa galit na nararamdaman. How could he kissed her just like that?
“Bakit mo ginawa yon?” inis na tanong ni Aina.
Itinuwid lamang ni Thiago ang kaniyang ulo at tinignan ang nanggagalaiting dalaga. Ngumisi ito at binalingan si Millie bago tuluyang umalis na.
Nilingon ni Aina si Millie na kasalukuyang umiiyak. Dinaluhan niya ito at niyakap.
“I’m so sorry… susubukan ko ulit na kausapin siya. I’ll convince him to-“
“Huwag na muna, Aina. It’s my fault anyway, wala na tayong magagawa.” Pagsuko ni Millie.
Hinagod ni Aina ang likod ng kaniyang kaibigan. Deep within her, she doesn’t want to quit. Gusto niyang maayos ang maging closure ng dalawa. Kahit iyon man lang ay magawa niya para sa kaibigan.
Lumipas ang ilang araw at palaging liban na sa klase si Millie. Dahil first trimester niya ay maselan na ang kondisyon nito. Sa loob ng ilang araw na iyon ay masugid na inoobserbahan ni Aina si Thiago. Palagi niya itong nakikitang iba-iba ang babaeng kasama.
“You know what? Hindi ko alam baka magkasakit na si kuya sa ginagawa niya! He’s transferring from one girl to another! My goodness!” inis na usal ni Andra habang nakaupo sila sa ilalim Narra tree. Naging tambayan na ng grupo nila ang silong na iyon sa ilang taon nilang pamamalagi sa Alberta.
They watched the soccer players from afar as they kicked the ball and passed it to one another.
“Ewan ko ba, Andra. Pero susubukan kong kausapin pa din siya.” Sambit ni Aina sabay bunot ng mga d**o na inuupuan nila.
“Tigilan mo na yan, Aina. Kung sakin nga hindi nakikinig sayo pa kaya? Naturingan pa na mortal kayong magkaaway!” napabuntong hininga na lamang si AIna sa sinabi ng kaibigan. May punto nga naman ito.
Pursigido si Aina na baguhin ang pag-iisip ni Thiago. Gusto niyang maging maayos ang paghihiwalay ng dalawa. Gusto niyang maayos silang makapagusap para malinaw ang lahat. Kung tatapusin na ba talaga nila o ipaglalaban pa. Hindi niya alam kung bakit, pero sa tingin niya iyon ang tamang gawin.
Nagtungo si Aina sa college building at agad na hinanap ang business administration department. Palinga-linga ito at hinahanap kung nasan ba naroon si Thiago. Yakap ang dalawang makapal na libro ay pinagpatuloy na lamang niya ang paghahanap.
“Looking for someone?” agad niyang nilingon ang nagsalita.
Brandon is now towering over her. The Valentino blood is too obvious for all of them. They are all blessed to have the perfect features that anyone would die for. Mabuti na lamang kahit mas malokong tignan si Brandon ay masasabi niyang matino ito dahil hindi niya kailanman nakita na naakit ito sa ibang babae o nag-away sila ng ate niya dahil sa third party.
“Brad!” gulat ang nangibabaw sa boses niya. Mula sa likuran ni Brandon ay sumulpot na lamang si Annika.
“What are you doing here? Wala ka na bang klase?” tanong ng ate niya.
Napalunok na lamang si AIna. Hindi niya alam kung aaminin niya ba o itatanggi na hinahanap niya si Thiago kaya hindi agad siya nakasagot.
“Uh… Hm…”
“I guess she’s looking for someone?” nag-angat siya ng tingin kay Brandon. Pansin niya ang panunuya sa mga mata nito. Tila parang may malaking sikreto itong alam na makakapagpaguho ng buhay ng isang tao kapag naibunyag.
“Who? Wala ka naman ibang kakilala dito bukod samin?” takang-takang tanong ni Annika.
“Is this someone we know?” dagdag pa ni Brandon na mas nakapagpakaba sakaniya. His looks is so dangerous. Dagdagan pa ng mga ngisi nito.
“Ah... Wala! Ikaw ate! Ikaw ang hinahanap ko ano ka ba? Hehe.”
“Me?” turo pa ni Annika sa sarili.
“O-o! Sasabay ka ba pauwi?” pilit na ngiti ni Aina.
“Oh! No, may pupuntahan pa kami ni Brad after school eh. Yun lang ba? You should have just texted me. Hindi yung nagpunta ka pa dito. Baka masita ka pa.”
“Low batt kasi eh. Si-sige mauna na ako sainyo!” mabilis na tinalikuran ni Aina ang dalawa.
Hindi niya na sinubukan pang lingunin si Brandon. That guy is giving her chills.
The four of them has a distinguished kind of look. Andra has a snob kind of stares but when you get to know her eventually you will find her soft side. While Theo has the charming stares when sweet but gets darker when gets jealous and territorial. Thiago on the other hand looks rough, ruthless and dangerous with every emotions that he has. Bihira niyang makitang malambot ito kung tumingin, at iyon ay kapag kasama pa si Millie. Ngayon niya lang nakaharap at natitigan sa mata si Brandon. Kitang-kita niya kung paano ito mapanuri at nanghuhuli.
Nagbakasakali na lamang ulit si Aina sa gym kung saan madalas na nageensayo ang team nila Thiago. Mula noong nawala si Theo ay si Lance na ang pumalit rito. Tama nga siya. Naabutan niyang naglalaro ang grupo nila. Nagtungo siya sa kalapit na bleachers at umupo. Medyo marami din ang nanonood ng laro kaya maingay ang court. Sa gilid ay kitang-kita ang grupo ng mga babae na tumitili para sa mga players.
Her gazed automatically went to Thiago. He is now full of sweat yet still handsome. Hindi iyon naging sagabal para magmukha siyang malinis at mabango. Nang matapos ang laro ay nakita niya kung paano nadismaya ang mga babaeng nag-aabang na mapansin ni Thiago dahil sa isang babaeng tumayo at sumalubong sakaniya.
Ngumisi lamang ito at kinuha ang boteng hawak ng isang matangkad na babae. Mahaba at itim ang buhok nito. Hubog na hubog din ang katawan sa suot na fitted white blouse at school PE shorts na nagdedepina kung gaano kakinis at kahaba ang kaniyang mga binti. Ang puwit nito ay matambok na mas lalong kapansin-pansin kapag siya ay kumikendeng habang naglalakad.
At sino na naman ito? Noong nakaraan ay blonde ngayon ay itim naman?
“Tss..” bulong ni Aina sa sarili sabay haplos sa itim at mahaba rin niyang buhok.
Pinunasan ng babae si Thiago mula sa tuktok ng ulo nito, pababa sa may leeg at braso. Nagbiro pa itong ipapasok ang tuwalya sa loob ng damit ni Thiago pero sinalo lamang ng binata ang kamay nito saka may binulong. Humagikgik lamang ang babae at tumango.
Napalunok na lamang si Aina at hindi maintindihan kung bakit nakakaramdam siya ng inis dahil sa kaniyang nakikita.
“Aina!” umalingawngaw ang boses ni Lance sa buong gym. Dahilan kung bakit napalingon halos sakanila ang mga tao kabilang na sina Thiago. Nataranta si Aina at napatayo. Ibinaling na lamang niya ang atensyon kay Lance na tumatakbo papalapit sakaniya. Ang mga babaeng tagahanga ni Lance at may dalang banner pa ay masama na naman ang tingin sakaniya.
“Bakit ka nandito?” nakangiting tanong nito habang pinupunasan ang pawisang ulo.
Nilingon muna ni Aina ang pigura ni Thiago at nung babae na nasa likuran pa din bago hinarap muli si Lance.
“Uh, napadaan lang…” palusot niya.
“The game is over. Gusto mo mag Milk tea? May alam akong malapit.” aya nito.
Lance is smiling widely. It’s like saying no to him will break those smiles.
“S-sure.” Alangan man ay umoo pa din si Aina.
“Great! Shower lang ako saglit!” tumango lamang si Aina at umupo muli.
Nakita niya kung paano kunot noong sumulyap sakaniya si Thiago pero mabilis din nabawi ang atensyon dahil sa babaeng katabi na mabilis umangkla sa mga braso nito. They turned their backs and slowly vanished from her vision.
Saan naman kaya sila pupunta? Tanong ni Aina sakaniyang isipan.
That bastard! Akala pa naman niya ay iba ito sa mga mapaglarong lalake dahil hindi siya kailanman naakit sa ibang babae pero mali pala. Mapait siyang lumunok. Nag-angat siya ng tingin at nakita na si Lance papalit sakaniya. He is now wearing a black V-neck shirt and a khaki shorts with his gym bag hanging on his left shoulder. May kaunting tubig pa mula sakaniyang buhok na tumutulo pababa sakaniyang balikat na parang minadali niya ang pagligo.
“Let’s go?” tumango si Aina at tumayo para sabay na maglakad.
Nakatulala lang si Aina habang naglalakad sila tungo sa malapit na milk tea house. Lance offered to ride on his car but Aina refused because she said she wants a breath of fresh air.
“I heard what happened to you when we were in Bora.” She snapped back to her senses when she heard Lance’s voice.
“Ah… Oo. Nakakahiya. Nalaman mo pa pala yun.” Aina smiled shyly.
“Sorry to hear that. Bigla akong umalis nung gabing yun dahil pinatawag ako ng manager ko. Kung nalaman ko yun-“
“It’s all fine, Lance. At least ligtas akong nakabalik.” She smiled.
“And I heard… Valentino looked for you that night?” tumango lamang si Aina.
“Well that’s good? I mean I thought you both are not on good terms. At least he did something pleasing to you.” Lance smiled.
Nanahimik na lamang si Aina at hindi na nagkumento pa sa sinabing iyon ni Lance. She still remembered clearly what happened to them that night. She was so scared that night. She was even hysterical because of seeing Theo instead of Thiago. Naalala niya din kung paano siya inasikaso at inalagaan ni Thiago. How could be that guy be arrogant and kind at the same time? Hindi ata siya magsasawang alamin iyon.
Nang makarating sila sa Milk tea house ay may ilang estudyante ang sumalubong kay Lance at nagpakuha ng litrato. Napangiti naman si Aina habang pinagmamasdan ang mga babaeng iyon. Sumenyas pa si Lance na maghintay lang ito saglit para mapagbigyan ang mga babaeng naghihintay ng autograph niya at picture. Tumango naman si Aina dahil ayos lang ‘yon sakaniya.
Kamot ulong lumapit si Lance kay Aina at nakangiti.
“Sorry.” Sambit nito sabay hila ng upuan para makaupo si Aina.
“Ayos lang. Iba talaga pag sikat.” Biro nito.
“Sikat nga ako pero hindi mo naman ako kilala.” Natawa si Aina.
“Hindi kasi ako palanood ng TV eh. At least ngayon alam ko na diba?” nagtawanan ang dalawa.
“May gig ako mamaya. Baka gusto mong sumama?”
“Dun ulit? Hmm..”
“We can jam again if you want. Just like what we did when we were in Bora.” Nakangiting pag-udyok ni Lance.
Alam niya kung paano natuwa si Aina sa ginawa nilang iyon kaya naman ang marinig ang alok na iyon ay nakakaakit sakaniya.
“Hmm…” nilahad ni Lance ang palad niya sa tapat ni Aina.
“Give me your phone.”
Dinukot naman ni Aina ang cellphone niya at ipinatong sa kamay ni Lance. Tinignan niya kung paano pumindot roon ang binata tapos ay isinauli rin sa harapan niya ang telepono.
“Nilagay ko na yung number ko. Just give me a ping once you’ve decided.” Lance winked.
Sinundo naman sila ng driver ni Lance para maihatid sa mansyon nila Aina.
Nang makauwi ay naabutan niya na sa hapag si Mayor Virgilio, Madam Anthelma at ang Ate Annika niya. Humalik siya sa pisngi ng kaniyang magulang bago umupo sa kalapit na upuan.
“Bakit ngayon ka lang, Alaina? It’s already 7:00 pm.” Puna ni Mayor.
“Sorry dad. Me and a friend just had some snack somewhere.” Paliwanag ni Aina.
“Ano ang plano niyo this coming sembreak? I want to take both of you sa factory natin sa Maynila.” Mayor Virgilio said before sipping on his orange juice.
Annika cleared her throat before answering. Ayaw niyang sumama roon dahil puro musical instruments lang naman ang makikita niya. Wala siyang hilig sa kahit na ano mang instrumento kaya inisip niya kung ano namang gagawin niya ‘don. She’ll probably get bored.
“Uhm… titignan ko dad. Kung… wala kaming group works… that specific period of time.” Palusot niya.
“How about you, Aina?” baling nito sa sa isang anak.
“I’m all good dad. Just tell me when.”
“Mabuti. Pagdating talaga sayo ay wala akong nagiging problema.” Pasaring nito.
“Virgilio…” saway ni Madam Anthelma.
“What? She’s always like that. Palagi niyang iniiwasan ang nakaambang na responsibilidad niya sa hinaharap. Mabuti na nga lang at tungkol sa negosyo ang kinuha niyang kurso dahil kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko sakaniya.” Mariing parinig nito.
Halos hindi na malunok ni Annika ang pagkain na nasa kaniyang bibig. Aina looked at her sister awkward situation. Ayaw na ayaw niyang pinagagalitan ito sakaniyang harapan.
“Dad-“
“Mauna na po ako sa kwarto. Excuse me po.” Tumayo na si Aina at tuluyan nang umalis sa harap ng hapag.
Napabuntong hininga na lamang si Aina sabay sulyap sa kaniyang mga magulang. Madam Anthelma look pissed because of her husband attitude.
“Virgilio, I swear if you do that again hindi ko na alam ang magagawa ko. You are pressuring Annika too much!” inis nitong sabi at padarag na tumayo. Naglakad na din ito paalis.
Naiwan na lamang sa hapag si Aina at ang kaniyang ama.
“Dad.”
Nilingon siya nito.
“I’ll just go to Andra’s place later. Uuwi din ako agad.”
“Sige, pahatid ka na lang kay Mang Ronnie. Be home before midnight.”
Hindi naman talaga siya pupunta kina Andra. She’d probably go to Lance’s gig dahil gusto niyang maglibang.
She dialed Andra’s number. Mabilis naman itong sinagot.
“Hey!”
“Andra? Are you free?"
"Wala naman ako ginagawa. Why?"
"Samahan mo naman ako. Sa... Bar."
"What? Sa bar? Bakit anong gagawin mo.dun?" takang tanong ni Andra.
"Lance invited me so..."
"Ooohhh..." makahulugang sagot pa niya.
"Ano pwede ka ba?"
"Sige! Kotse ko na lang gamiti natin. Sunduin kita diyan."
Aina ended the call before going to her walk in closet to look for clothes. She ended up with a red sweet heart crop top and a black high waist short. Ipinares niya ito sa puting stringed sandals.
Inilugay niya lamang ang kaniyang tuwid at itim na buhok. She grabbed a denim jacket before heading out.
Nilingon niya ang kwarto ng kaniyang ate. Is she okay? Hay.
Paglabas ng mansyon ay naroon na ang sasakyan nila Andra. Sumakay na siya agad at laking gulat na walang driver sa loob.
"Hi!" masiglang bati sakaniya.
"Ikaw ang nagdrive?" gulat na tanong ni Aina bago sinara ang pintuan ng sasakyan.
"Yah! Wala naman sina mommy and daddy. Kuya is out also so walang bantay." hagikgik nito bago minaobra na ang sasakyan.
Napaisip si Aina. Nasa bar na iyon din kaya si Thiago? Bigla siyang nakaramdam ng kaba.
Andra is wearing a sexy hot pink dress matching a black heels. Taas noo itong pumasok sa bar.
Tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ito agad.
"Jaime? Nasa bar ako. Talaga? Where?" Andra roamed around his eyes.
"Sige susunod ako. May kasama ako eh. Okay. Bye." sambit nito sabay patay sa linya.
"Sino yun?" tanong ni Aina.
"Nothing. It was just Jaime. Pinapupunta ako sakanila. Pero hayaan mo na, sinabi ko naman na kasama kita eh."
"Andra, sige na puntahan mo na siya."
"No, sabay tayong nagpunta kaya bakit kita iiwan-"
"Andra... Okay lang ako. Hahanapin ko lang si Lance. Text na lang tayo kapag uuwi na." Aina smiled assuring her. Napasuko niya din naman ang kaibigan.
Sa huli ay hinanap nga ni Aina si Lance sa acoustic lounge. Kumakanta na ito kaya naupo na lang siya sa kalapit na lamesa.
Lance's eyes immediately went to her. Pumungay agad ang mga iyon at tila bawat liriko ng kanta ay inaalay niya sa dalaga.
"Good evening, everyone. Hope you are all enjoying the night. I want to call the attention of a friend who came by tonight." Sambit ni Lance.
A spotlight went to Aina. Halos gusto niya ng lamunin ng lupa dahil dun. Namula siya habang nagpapalakpakan ang mga tao.
"This song is dedicated to you. Thank you for coming tonight." Lance said on a soft voice. He winked then strummed the guitar.
Hey, I was doing just fine before I met you
I drink too much and that's an issue but I'm okay
Hey, you tell your friends it was nice to meet them
But I hope I never see them again
Lance sang Closer by The Chainsmokers in an acoustic version.
Hindi katakataka kung bakit labis na lamang ang paghanga sakaniya ng kababaihan. He truly is a good singer. Aina stared at him for a long while.
Tinitigan niya ang binata habang tinatamaan ang mukha nito ng iba't-ibang kulay ng ilaw. Napagtanto niya ang isang bagay kaya magaan ang loob niya rito.
He somehow resembles the features of Theo. His brown and culry hair. The soft yet manly features of his face.
She swallowed hard and felt an aching psrt on her chest. Napaiwas siya ng tingin sa entablado dahil bahagyang nanlabo ang kaniyang mata. Nagbadya na naman ang mga luha. Hindi niya maiwasang hindi maging emosyonal dahil rito.
Dumaan ang waiter na may hawak ng ladies drink. She approached him and asked for a glass. Ininom niya ito ng isang lagukan. Uminit ang kaniyang kalamnan pero nakatulong ito para matanggal ang lamig sakaniyang dibdib.
She stood up and looked for the bathroom. Her alcohol tolerance is real weak kaya naman umaalon ang kaniyang paningin habang naglalakad palapit ng CR.
She opened the door and saw no one. He was about to open a cubicle when she heard a loud moan coming from one of the cubicle.
She slowly and gently walk through each the cubicle door. There are four cubicles at lahat ay sarado.
Nilapitan niya ang isang pintuan at marahang binuksan. Walang tao. Ganun din ang ginawa niya sa pangalawa at pangatlo. She felt a loud thud from her chest when she's about to open the last door.
Marahas niya itong binuksan at napasinghap na lamang siya sa nakita!
She saw a naked broad back enveloped by a white hands. They are both hungrily kissing each other. Ang kamay ng babae na kasalukuyang nakaupo sa ibabaw ng inidoro ay kung saan na gumapang.
Nagtama ang paningin nila ng babae kaya tinulak nito ang lalake palayo. Dahilan kung bakit napatingi na din ang lalake sakaniya.
Laglag ang panga ni Aina ng makitang si Thiago ito!
"f**k!" sambit ng binata habang pawisan.
Halos nanigas sa kinatatayuan si Aina at bumigat ang kaniyang paghinga.
Nabawi niya ang kaniyang sarili kaya tumalikod na ito at mabilis na tumakbo.
Halos mabangga niya na lahat ng tao sa bilis niyang tumakbo. She looked for the way going to the roof deck.
Umakyat siya ng hagdan tungo roon. When she was about to open the door going out a tight grip pulled her hand.
Nagulat siya dahil don lalo na nang mabilis siyang maisandal sa pader at kinulong gamit ang mga braso nito.
Nanlilisik ang mga mata ni Thiago habang hingal din na nakaharap kay Aina.
"A-anong g-ginawa m-mo r-rito? I... I did'nt mean to disturb you! Hindi ko-"
Malakas na hinampas ni Thiago ang pader.
"I told you don't play around here didn't I?" mariing sambit nito.
Nilapit ni Thiago ang kaniyang mukha. Smell of alcohol enveloped Aina's nose.
"K-kausapin m-mo s-si M-millie! Yung maayos! Give her the closure that she wants!" pilit pinatapang ni Aina ang kaniyang boses.
"Is that it? Hmm?" mapaglarong sabi naman ni Thiago.
Takot na tumango si Aina habang nakapikit.
Marahang lumayo naman si Thiago sakaniya.
"Go home. I don't want to see you being sweet with that guy in public. I tend to do stupid things when I'm mad." sambit nito sabay alis. Leaving Aina speechless.