Now here it comes, the hardest part of all
Unchain my heart that's holding on
How do I start to live my life alone?
Guess I'm just learning,
Learning the art of letting go.
Nanginginig na tinahak ni Aina ang daan sa dance floor kung saan natanaw niya si Andra na sumasayaw. Hinawi niya ang lupon ng taong nagkakasiyahan sa malakas na musika at makukulay na ilaw. Nahihiya man siyang lapitan dahil halatang nagsasaya na ang kaibigan niya pero gusto niya nang umuwi. Kailangan niya ng umuwi.
Nang makalapit siya ay kinalabit niya ito. Sabay sila ng kasayaw na napalingon sakaniya.
“Hey!” baling nito. Namumula na si Andra at halatang nakainom na ito.
Sumulyap muna si Aina kay Jaime bago ibinalik ang tingin sa kaibigan at bumulong.
“I… I need to go home… Uhm.. pero nagpaalam lang ako! You can just stay-“
“No, I told you right? Magkasama tayong pumunta rito kaya sabay tayong uuwi. And besides, makakaintindi naman si Jaime.” Andra winked and smiled.
Bumaling si Andra kay Jaime at bumulong. Tumango lamang si Jaime at humalik sa pisngi nito.
“Let’s go?” hinila ni Andra ang kamay ni Aina palabas ng bar.
“Sakto! It’s 11:30 in the evening. I can take you home before 12.” Hagikgik ni Andra bago minaubra ang sasakyan.
“Nakakahiya naman kay Jaime… Sana nagstay ka pa…”
“Nah… Actually I was waiting for you to text me. I am kinda bored already.”
“You like him right?” binalingan niya ang nagmamanehong kaibigan.
“You know what Aina? Love really isn’t for me. For us Valentino’s. Kaya I really envy Kuya Theo and Kuya Brad for letting you and Annika experienced what love is. Though, I feel sorry for what Kuya did to you… Pero kami ni Kuya Thiago? We are just our parents puppet. We can’t love who we really love. Kaya wala pa sa isip ko yan. Hindi ko rin masisisi si Millie kung bakit niya nagawa yun. And partly, naiintindihan ko din si Kuya Thiago kung bakit ganun na lang siya kung mag-cope sa mga pangyayari.” She smiled bitterly.
A pain stabbed Aina’s chest upon hearing Theo’s name. Pag-ibig nga ba yung naramdaman nila noon? Kung oo bakit ganun kabilis? At kung hindi, bakit ang sakit? She asked to herself.
An image of a broad back flashed into Aina’s mind while she was trying to sleep. Sweaty, masculine and bold. Halos kilabutan siya nang maalala kung paanong matalim at nanlilisik ang mga mata nito habang tinititigan siya.
“I tend to do stupid things when my mad.” she can even recall how harsh and rough his words was.
Bumaling ito sa kabilang banda ng kaniyang higaan at tinaklob ang kumot hanggang bibig. Hinawakan niya ang kumakalabog na dibdib. Bakit naman siya magagalit? Dahil kay Lance? Wala siyang naiisip na dahilan kung anong ikakagalit nito. May sumagi sa isip niya pero imposible. Sobrang imposible. Kumbinsi niya sa sarili bago nahila ng antok.
“It’s the time of the year! Alberta University is looking for the most beautiful faces of the campus! Do you have the beauty and the wit? Then you’re the one that we’re eyeing for! Miss Alberta 2013.” Malakas na basa ni Andra habang nasa ilalim sila ng Narra Tree na madalas nilang tambayan.
“Sinong sasali? I can’t! May bagsak ako.” Ani Andra.
“Me of course.” Annika claimed.
Tumingin lahat kay Aina.
“Wala akong hilig.” Aina smiled looking at her sister. Tipid lang itong ngumiti sakaniya.
Kung meron mang bagay na ayaw mangyari si Aina, yun ay ang kalabanin ang kapatid niya. Kakumpetensiya na nga ang turing nito sa bahay nila pati ba naman sa paaaralan?
Kumpleto na silang lahat maliban kay Thiago. Pumasok na din si Milliecent matapos ng ilang linggo niyang pagkawala. Malaki na ang tiyan nito hindi na gaya dati na halata. Mabuti na lang at pinahintulutan ng Alberta ang mga ganitong sitwasyon sa paaralan.
“Sumisipa na nga siya eh. Madalas kapag gabi.” Mahinhin nitong kwento habang umiinom ng mango shake.
“Talaga? Pero ang blooming mo ha! Siguro babae yan?” sabik na sabi ni Andra sabay himas sa tiyan nito.
“Andra’s right, Mil. If I would be having a baby I want a girl too.” Kumento ni Aina.
“Really? Subukan natin?” pabirong sabi ni Brandon dahilan kung bakit umikot ang mata ng dalaga.
Nagtawanan naman ang grupo kabilang si Aina. Napahinto na lamang siya ng tumunog ang kaiyang cellphone. Dinukot niya ito at nakita ang pangalan ni Thiago. Totoo ba ito? Namamalikmata ba siya?
She immediately opened the message.
Thiago:
Old music room. After class. Bring her with you. I will talk to her in one condition. You will be waiting outside.
Napasinghap siya sa nabasa. Tinignan niya muna ang mga kaibigan na patuloy na nagkikwentuhan bago nagtipa ng mensahe.
Aina:
Okay, salamat J
“Talaga?” masayang sabi ni Millie habang nasa locker area sila.
“Oo! At least di ba? Maybe he realized everything!” hinawakan ni Millie ang kamay ni Aina.
“Salamat ha? Hindi mo na dapat ginagawa ito pero ginawa mo pa din.”
“it’s nothing. You both deserve the closure that you need.” Hinawakan din ni Aina ang kamay ni Millie.
Hindi mapakali si Millie habang nalalapit na ang uwian. Anong sasabihin niya kay Thiago? She knows how much he despise her right now yet she still have the guts to show her face. Sana ay hindi siya saktan nito. They have been together for years. She knows what Thiago is capable of.
“We’re here.” Ani Aina.
“H-indi ka ba sasama sa loob?” alinlangang sabi ni Millie.
“Hindi na. I want to give you both some privacy. Dito lang naman ako sa labas.” Aina smiled assuring her.
Bumuntong hininga na lamang si Millie at pinihit ang pinto. Hindi na nakita ni Aina kung anong itsura ni Thiago sa loob. Hinayaan niya na ang dalawa. She just sat outside the door waiting for them to finish. Hindi niya marinig mula sa labas ang pinag-uusapan ng dalawa. Wala naman siyang naririnig na sigawan o batuhan ng gamit kaya tingin niya ay ayos lang naman ang dalawa?
Maayos man o hindi ang kalabasan ng pag-uusap nila. At least ngayon ay maipaliwanag man lang ni Millie ang panig niya. Si Thiago naman, hindi niya alam kung anong magiging desisyon niya. He is so difficult to read.
Inabot na ng takip silim ang pag-uusap ng dalawa. Pinalo ni Aina ang braso na bahagyang kumati dahil sa kagat ng lamok. She glanced at the door. Hindi! Hindi dapat siya mainip. Matagal na niyang ginusto
Napabalikwas na lamang siya ng biglang pumihit at lumabas si Millie. Bahagyang sinara ni Millie ang pinto kaya hindi masilip ni Aina si Thiago sa loob.
“T-tapos na?” tumango lamang si Mille saka pinunasan ang natirang luha sa mata.
“I’m going home. Thank you again.” Paalam ni Millie. Lumingon muna ito sa may pinto at saka tuluyang umalis.
“T-teka…” nilingon na din ni Aina ang pinto. Papasok ba siya? She swallowed hard before holding the doorknob.
Akmang pipihitin niya na ito ng marahas itong bumukas. Napasapo na lamang siya sa dibdib dahil sa gulat.
“Ano ka ba? Ginulat mo ko!” inis niyang sabi.
Ngumisi lamang ito sakaniya pero bakas ang lungkot sa mga mata.
“Kanina ka pa dito.” That’s not a question but a statement. Nagulat si Aina nang marahan na lumapit ito at hinawakan ang kaniyang braso.
Sinuri niya ito at bakas ang pag-aalala sa ka kaniyang mukha.
"Did you wait for long? Namumula na yung mga kagat ng lamok sayo. Sorry." magaspang nitong sabi.
Nakakatitig lang si Aina sa mukha ni Thiago. Parang may dumagan sakaniyang dibdib habang pinagmamasdan ang binata.
Dahan-dahan niyang binawi ang kaniyang braso mula sa pagkakahawak ng binata.
"I-im fine. This is... nothing." nag-iwas ito ng tingin at hinaplos ang braso.
"Pwede mo ba akong samahan?" nilingon niya si Thiago at tinaasan ng kilay.
"Saan?"
"For a walk." she badly wants to say no. Pero may pumipigil sakaniyang sarili at parang inuudyukan siyang umoo.
Sa hindi namamalayan ay natagpuan niya na lamang ang sariling naglalakad katabi si Thiago. Sa kahabaan ng nagtataasang palayan ng Alberta. Sinasayaw ng hangin ang kaniyang palda at ang buhok ay sumasabog.
Thiago is definitely taller than her. Sa tantya niya ay hanggang balikat lamang siya nito.
Papalubog na ang araw habang naglalakad silang dalawa. Hindi niya alam kung anong trip ni Thiago kung bakit ito nag-ayang maglakad. Pero kung ito ang paraan niya para makalimot ay handa naman siyang damayan ito.
"Hindi mo ba ako tatanungin?" halos.lumundag ang puso ni Aina sa biglaang pagsalita nito.
"Tu-tungkol saan?"
"Sa napag-usapan namin."
"Hindi na. Whatever you talked about, sainyo na yun." Aina smiled.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggat nahinto sila sa tapat ng bahay. Barong-barong ito at yari sa kahoy.
Simple pero maganda naman mula sa labas. Titig na titig si Thiago roon kaya tumingin na din si Aina. At hindi niya napansin kung sino ang babaeng nakauniporme rin papasok roon.
It's Milliecent.
Napalunok si Aina at bahagyang nilingon si Thiago sakaniyang tabi.
Isang lalake ang lumabas mula sa bahay at sinalubong si Millie. Malapad ang ngiti sa dalaga at nagmamadaling kinuha ang bag nito.
Hinawakan din nito ang mukha ni Millie. May sinabi at tumango naman ang dalaga.
Matapos non ay niyuko ng lalake ang malaking umbok sa tiyan ni Millie at hinimas iyon. Dinampian niya rin ito ng halik at saka tumuwid na ng tayo. Inakbayan niya na ang dalaga at inalalayan papasok ng kanilang barong.
"Magiging masaya naman siya hindi ba?" nilingon ni Aina si Thiago na hindi inaalis ang tingin sa barong kahit wala na roon si Millie.
"Of course. Kapag kasama mo ang taong mahal mo. Wala nang mas nakakasaya pa roon." Aina smiled.
Nilingon siya ni Thiago at ginulo ang buhok nito.
"Let's go. It's getting dark." sambit ng binata bago inakbayan si Aina.
Nilingon ni Aina si Thiago. Sa di maipaliwanag na dahilan ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang dalaga. Kung ano man siguro ang napagusapan nila ay para sa ikabubuti na ng dalawa.
Baka handa na silang palayain ang isat-isa.
Sabay nilang nilakad ang daan pauwi. Sa pagkakataong ito, hindi na mag-isa si Thiago.