Chapter 27 - When you're gone

2199 Words
When you're gone The pieces of my heart are missin' you When you're gone The face I came to know is missin', too When you're gone The words I need to hear To always get me through the day And make it okay I miss you Mula nung araw na iyon ay mas umayos ang takbo ng mga araw nila Aina. Dahil medyo maselan na si Milliecent ay hindi na siya gaanong pumapasok. Mayroon namang inilaang special exams at lessons sakaniya para hindi pa din siya mapag-iwanan. Hindi man sila makapaniwala ay palagi na din sumasama si Thiago kapag tumatambay sila o kaya naman ay nag-iikot sila sa Alberta. Paminsan ay inaanyanyahan din nila si Lance sa pangunguna ni Aina. Halos kasundo niya na din naman lahat dahil sa magiliw at masiyahing personalidad nito. Kapag wala silang magawa ay nagkakantahan sila sa ilalim ng puno o kaya naman ay naglalaro na lamang ng basketball. Nakakasama na din nila Thiago at Brandon ito kapag tumatambay sila sa bar kung saan siya tumutugtog. Hindi kagaya dati na hindi nila ito pinapansin. "Sigurado ka bang hindi ka sasali?" tanong ni Andra kay Aina habang nasa may soccer field sila at nakaupo sa damuhan. Kasalukuyang naglalaro sina Brandon, Thiago at Lance para sakanilang P.E class. Wala si Annika dahil may klase ito. Saktong lunch period naman ng dalawa kaya nakakanood sila. "Ayaw ko nga, Andra. Besides, Ate Annika deserves it more. Hindi ako mahilig sumali sa mga pageants." Ani Aina habang nakatanaw sa mga naglalaro ng soccer. "Alam mo kasi hindi sa pag-aano. Pero mas maganda ka sa ate mo!" natatawang biro ni Andra habang hawak pa din ang flyer kung saan nakaimprenta ang "Search for Ms. Alberta 2013". "Tumigil ka nga, Andra!" saway ni Aina sa kaibigan. "Seryoso nga! Kung ako sayo sumali ka na. Additional grades din yan. At huwag mo na hintayin and adviser pa natin ang mamilit sayo!" inismiran na lamang ni Aina ang kaibigan sabay dambot ng mineral bottle at ininuman ito. Buo ang desisyon niyang hindi siya sasali kahit anong mangyari. Hilig ito ng ate niya kaya wala siyang ibang gagawin kung hindi suportahan lamang ang gusto nito. Maya pa ay humahangos na tumatakbo papalapit sa gawi nila sina Thiago, Lance at Brandon. Nagkakantyawan pa ang tatlo at nagtatawanan habang pawisan. "Oh! Towels niyo! Seriously? Ginawa niyo pa kaming chaperones ni Aina ha?" inis na sambit ni Andra sabay lahat ng tatlong bimpo. Tinanggap naman nila ito. "Sweet naman ni bunso!" panuya ni Thiago sabay gulo sa buhok ni Andra. "Kuya!" inis na hawi nito sa kamay ng kapatid. Nagtawanan naman sila. "Lance oh. Water?" alok ni Aina. Nakangiti naman iyong kinuha ni Lance. "Ako din tubig." Supladong saad ni Thiago. Napatingin na lamang sila sakaniya. Nagtataka man ay kumuha na din si Aina sa isang supot at iaabot sana kay Thiago pero imbis na kunin iyon ay iba ang kaniyang kinuha. Kinuha niya ang tubig na hawak ni Aina kung saan ito uminom kanina. "Te-teka!" saway ni Aina pero huli na. Nilagok na ni Thiago hanggang sa kahulihang patak ang tubig mula sa bote. Laglag ang panga ni Aina habang nakatingin sa kung paano nilasap ni Thiago ang ininuman niyang bote hanggang sa kahulihang patak. Nakuha pa nitong ngumisi matapos uminom at hinagis ang walang lamang bote. That's indirect kiss! Sa isip-isip niya. "Game ulit! Talunin niyo naman ako!" pagmamayabang na ani Thiago. "Yabang mo dude!" sagot ni Lance bago ibinaba ang bimpo. "Tara na at lampasuhin natin tong gagong to!" natatawang buska ni Brandon. Sabay-sabay na silang tumakbo papalayo sa dalawa. Ramdam naman ni Aina ang pag-init ng kaniyang mukha. Kahit kailan talaga ang lalakeng iyon! Nang sumapit ang weekend ay sinama nina Mayor Virgilio at Doña Anthelma si Annika sa Maynila para dalawin ang kanilang pabrika. Labag man kay Annika iyon ay wala siyang magagawa. Bata pa lamang sila ay nakikita niya na ang sarili bilang artista at hindi bilang isang musikero. Kung bakit ba kasi siya pilit inihihilera roon gayong halata namang ayaw niya. "Brandon, I'm super bored! Nagpanggap na nga lang ako may dysmenorrhea para hindi muna ako sumama ngayon." Sambit ni Annika habang nasa Hotel room niya. "Babe, just wait okay? I started introducing you to our network already. I gave them your portfolio at wala silang ibang sinabi kung hindi magagandang bagay lang." marahang paliwanag ni Brad. "Sana tawagan na nila ako para sa audition or go-see man lang!" reklamo pa nito. "Yes, Babe. Chill, okay? You know how much I'll do everything for you." "Thank you." mas kalmadong saad ni Annika. Matupad lang talaga ni Brandon ang pangako niya ay wala nang makakapigil sakaniya sa pangarap niyang maging modelo at artista. Music is really not her thing since then but her parents kept on bragging it to her. Kailan ba mangyayari na siya ang magdedesisyon para sa sarili niya? Kapag ba si Aina ay palaging pwede pero kapag siya bawal? Sa darating na search for Ms. Alberta ay pinangako niya sakaniyang sarili na talagang paghuhusayan niya. Dagdag exposure rin yun. Paniguradong may mga media na magcocover. No one can ever stand her way, Not any other girl. Nor her sister. "Aina..." "Th-theo?" gulat na gulat niyang tanong. "I'm sorry... I'm sorry for leaving you..." "Pero bakit? Hindi mo ba talaga ako minahal?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Aina. Namuo na ang luha sakaniyang mata. Theo smiled slightly at her. He's wearing a white polo shirt and a white pants. Aina scanned herself and saw that she's also wearing a white dress. Nakalugay ang kaniyang buhok at nakayapak lamang siya. Nilibot niya ang kaniyang paningin at natagpuan ang kanilang sarili sa isang hardin. Silang dalawa lang ang naroon at tanging huni ng mga ibon at paghangin ng mga puno ang naririnig. "Patawarin mo ako. Dahil nasaktan kita." "Theo... bumalik ka na... please?" panay hikbi ni Aina. "I love you, okay? Always remember that. There is no one in this world ever can replace you in my heart." Ani Theo ay humakbang paatras. "I told you right? Kapag suot mo yang kwintas. Parang kasama mo na din ako. Because that's me. That represents me." Theo smiled. Hinawakan naman ni Aina ang suot na kwintas na may nakasabit na letrang T. "I have to go now." Ani Theo at unti-unting naglakad paatras. "Theo! Theo! No! Theo! Wag mo akong iwan ulit! Theo!" pilit hinahakbang ni Aina ang kaniyang paa pero wala siyang lakas. "Theo! Wag mo akong iwan! Sasama ako sayo!" sigaw ni AIna kahit halos kapusin na siya ng hininga. Unti-unti ay nawala na si Theo sakaniyang paningin. "Theo!" humahangos na bumalikwas mula sa pagkakatulog si Aina. Pawisan ang kaniyang noo at nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Nilingon niya ang kaniyang orasan at nakitang 5:30 na pala ng hapon. Nagising siya mula sakaniyang pagkakaidlip. Bumuntong hininga na lamang siya. Isang masamang panaginip. Hinawakan niya ang suot na kwintas kasabay ng pagkirot ng kaniyang dibdib. Nasaktuhan pang wala ang mommy,daddy at ate niya. Wala siyang pwedeng tabihan gayong parang ayaw niyang matulog mag-isa. Natatakot siyang managinip ulit ng hindi maganda. Tumunog ang kaniyang cellphone kaya naman agad niya iyong dinampot at tinignan. Pangalan ni Andra ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot. "Aina..." Andra's voice broked the moment she mentioned her friend's name. "Andra? What's wrong?" takang tanong niya. "Kuya Theo..." natigilan si AIna. "Kuya Theo... is dead." Parang huminto sa pagtibok ang puso ni Aina. Nanlamig ang kaniyang kalamnan at nanigas ang pangangatawan. "Wala na siya, Aina! Wala na siya!" hagulgol ang sunod na narinig ni Aina mula sakabilang linya. Gusto niyang magsalita pero walang ni isang salita ang nagbadyang lumabas sa bibig niya. "Nag..nagbibiro ka lang diba?" lakas loob niyang tanong. "N-no... I wish too... but no... May sakit si kuya. Kaya nagpanggap siyang may babae para iwan ka niya. Dahil ayaw niyang madamay ka... tayo... sa paghihirap niya." hikbing muli ni Andra. Nawalan na ng lakas si Aina at unti-unting dumausdos ang kaniyang cellphone mula sa pagkakahawak. Patay na si Theo? Pero paano? Kaya ba napanaginipan niya ito? Para siyang mawawala sa ulirat dahil sa mga nangyayari! Tumunog muli ang kaniyang cellphone at nasilip niya mula sakaniyang pwesto pangalan ni Thiago mula roon. Hindi. Ayaw na niyang makipag-usap muna sa kahit kanino man! Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait. Mula sa kaniyang kwarto at bumababa siya tungo sa dalampasigan. Tinakbo niya lamang ito kaya humahangos siya ng makarating roon. Saktong papalubog na ang araw ng makarating siya. Nanghina ang kaniyang tuhod at tuluyan na siyang natumba sa buhanginan. Ilang maliliit na bato ang tumusok sakaniyang tuhod pero wala na siyang pakialam. Ang hapdi na iyon ay walang sinabi sa hapdi na nararamdaman niya. "Theo! Sinungaling ka!" sigaw niya ngunit tanging hampas lamang ng alon ang sumagot sakaniya. "Kung may dinaramdam ka na pala nung mga panahon na yun..." nabasag ang kaniyang boses. "Sana sinabi mo... eh di sana... eh di sana naalagan kita..." hikbi niya. Galit siyang tumayo at lumapit sa pampang. "Napaka-makasarili mo kahit kelan!" sigaw niya sabay hablot ng kwintas na suot. "Why are you so selfish? Huh?" galit niyang sabi sabay bato ng kwintas sa may dagat. "Sayo na yan! Kapag suot ko ba yan babalik ka? Diba hindi na? Mas lalo lang ako masasaktan!" sigaw niya at napaluhod muli. Sinapo niya ang kaniyang mukha gamit ang dalawang palad at saka humagulgol. Naalala niya kung paano siya alagaan noon ni Theo. Kung paano siya itrinato nito na parang prinsesa at halos hindi madampian ng alikabok. Bakit nga ba hindi niya naisip na kasinungalingan lamang na may babae ito? Bakit siya naniwala? Hindi niya maiwasang hindi sisihin ang sarili. Tumayo siya at tumakbo para habulin ang kwintas na tinapon niya. Bigay pa din iyon ni Theo kahit anong mangyari. Dirediretso niyang sinuong ang malakas na alon at hinagilap ang kwintas. Kahit alam niyang malabong mahanap niya pa iyon ay naglakad-lakad siya sa bungad ng dalampasigan. "Where is it? Where's that god damn necklace?!" sigaw niya. Mula sa hanggang tuhod ay hindi namalayan ni Aina na umabot na hanggang dibdib ang tubig dagat. Marunong siyang lumangoy pero dahil sa kaniyang sitwasyon ay nanghihina na ang kaniyang tuhod. From this moment she's thinking about killing herself too. Mula sa malayo ay natanaw niya ang mukha ni Theo. Nakalahad ang kamay at tila inaanyanyahan siyang sumama sakaniya. "Th-theo..." she whispered and conquered the high waves. Malulunod man siya ay wala siyang pakialam. Nakatulala lang siya at panay tulo ng mga luha. "Aina!" "Aina!" "f**k!" Mabils na hinablot ni Thiago ang braso ni Aina. Tulala pa din ito nang humarap sakaniya. "Bitawan mo ako! Sasama ako kay Theo!" pilit na nagpumiglas si Aina pero mabilis na hinapit ni Thiago ang baywang niya at binuhat. "Let me go! Paano ka nakapasok dito? Yung kwintas binato ko sa dagat! Kukunin ko!" sigaw niya pero hindi siya pinansin ni Thiago at nagpatuloy na naglakad para maiahon na si Aina sa dagat. Sa gaan ni Aina ay madali niya lamang naiahon ang dalaga. Padarag niya itong binitawan sa buhanginan. "What we're you thinking?!" galit na sigaw ni Thiago. "Ikaw ang ang anong iniisip!? Bakit mo ako kinuha? Sana hinayaan mo na lang akong alunin don!" sigaw ni Aina pabalik. "And you think that's the best decision that you can do?!" "Eh ano? Ha? Ano?" Aina's voice broked. Napayuko na lamang siya at bumuhos muli ang mga luha. "Bakit? Bakit napakamakasarili niya!?" hagulgol nito. "Sana sinabi niya na lang sakin lahat! Maiintindihan ko naman eh! Eh di sana nagawan pa ng paraan. O kaya nakasama ko pa siya ng mas matagal! Bakit? Bakit? Ang sakit... Ang sakit-" hindi na natuloy ni Aina ang sasabihin. Tuluyan na itong nawalan ng malay at natumba. Mabuti na lamang ay nasalo siya ni Thiago. Inayos niya ang dalaga para makarga papasok. Hindi magkamayaw ang mga katulong nang maipasok si Aina at karga ni Thiago. "Diyos ko! Anong nangyari?" sigaw ng isang katulong. "Can you change her clothes first? Baka magkasakit siya. Pakitawag na lang ako pagkatapos." natatarantang tumango naman ang mga kasambahay. Iniakyat nila si Aina at doon na binihisan. Nakasandal lamang si Thiago sa labas ng kaniyang kwarto at inaantay na tawagin siya. Makailang minuto lang ay lumabas na ang mga kasambahay. "Bihis na po si Mam. Ano po bang nangyari? Itatawag ko na po ba kila sir?" walang muwang na tanong ng kasambahay. "Ako na po ang bahala. Papasok lang ako saglit." ani Thiago. Pagkapasok niya sa loob ay mahimbing na natutulog na si Aina. He knows how painful it is. It's his brother who died. Bakas ang pamamaga ng mata ni Aina dahil naniningkit ito. Marahang lumapit si Thiago para hindi ito magising. Tinitigan niya ang imahe ni Aina habang natutulog. Umupo siya sa katabing upuan ng kama nito. He gently raised his hand towards Aina's face and caressed it. Kumibot si Aina kaya nilayo niya ito agad. "Theo... Theo..." pain is very evident on Aina's face. Kahit sa pagtulog ay umiiyak ito. Nilapit muli ni Thiago ang kaniyang kamay at sa pagkakataong ito ay buhok naman ni Aina ang hinaplos niya. Tumigil si Aina sa pag-iyak. Mukhang hindi niya ito maiiwan. Buo ang desisyon niya na dito muna magpalipas ng gabi. Dadamayan niya ito sa pagdadalamhati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD