Baby, you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven
Aina’s POV
Nabalitaan ko na nagtungo sina Thiago at Andra kasama ang kanilang magulang sa Maynila para dalawin ang mga labi ni Theo.
Inanyanyahan nila ako pero tumanggi akong sumama. Hindi pa ako handa. Ni hindi pa nga napoproseso ng aking utak na wala na talaga siya.
Ang sabi naman ay iuuwi nila ang abo ni Theo rito sa Alberta at ilalagay sakaniyang kwarto. Baka antayin ko na lang ang araw na iyon.
Mabigat ang bawat araw ko. Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang dumilat. Mahirap tanggapin.
Alam na rin ni Ate at ng aking mga magulang ang nangyari. Nagpaabot sila ng pakikiramay at nagpresinta rin na pumunta pero mas nang sinabi kong hindi ako sasama ay hindi na rin sila tumuloy.
Ramdam ko ang simpatya nila sakin gayong hindi lingid sakanila na talagang malapit kami ni Theo sa isa’t-isa at sa naging relasyon naming dalawa. Lalo na si Ate Annika. Saksi siya kung paano ako masugid na niligawan at sinuyo ni Theo.
Hindi ko alam kung paano ko matatanggap. Kung paano mapoprosesong mabuti ng utak ko na wala na talaga siya. Ang malamang may iba siyang babae noon ay nagpaguho na sakin paano pa kaya ang malamang wala na siya talaga nang tuluyan?
Pumapasok pa din naman ako araw-araw. Mas pinipili ko na lamang mag-isa dahil wala naman akong ibang kaibigan bukod kay Andra.
Kung meron man ay mas gusto ko na lang magmukmok sa lumang music room at umiyak. Ramdam din ng halos lahat sa aming silid-aralan ang nangyari kaya nagpaabot sila ng pakikiramay at simpatya sa akin.
Tinitigan kong mabuti ang bulaklak ng Begonia sa aking harapan. Mabuti pa siya. Dumaan man ang ulan at sikat ng araw ay nananatiling buhay at nakabukadkad.
Hinawakan ko naman ang pendant na nakasabit sa suot kong kwintas. Nilaro ko ang nakasabit na letrang “T” nito.
Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha mula sa aking mga mata. I thought I lost him already when he said that he loved someone else, but knowing that I lost him completely pains me even more.
Parang mas gugustuhin ko pang isipin na nasa malayo lamang siya kasama ang iba kaysa isiping wala na siya ng tuluyan.
Every memory of him with me is very clear. Especially how he is so much supportive about my singing hobby. Every step of the way he is there. Maikli lang ang pinagsamahan namin kung tutuusin pero naniniwala ako na nasa lalim iyon ng pinagsamahan.
A phone call awakened my inner thoughts.
Dinukot ko mula sa bulsa ang aking cellphone at sinilip ito.
It was Thiago calling.
“Hell…o.” matamlay kong bungad.
“We’re home.” his husky voice said.
“Hmm.” Matamlay kong sagot.
“His urn is already in his room.” Napayuko na lamang ako.
I was praying that this is all a dream.
A joke. A bluff. Totoo pala talaga.
“Where are you?” mariin niyang tanong. Bumuntong hininga na lamang ako.
“Music room.” Tipid kong sagot.
“Gusto mo bang puntahan kita diyan?” malumanay na ang kaniyang tono.
“Hindi na. Uuwi na rin ako. Sige na.” pinatay ko na ang tawag at inubob na lamang ang mukha sa aking mga tuhod.
Nagpalipas lamang ako ng ilang minuto pa at saka napagisipang umuwi. Tiningala ko ang makulimlim na langit na tila nakikiramay pa sa pinagdaraanan ko ngayon.
I wish to rain so nobody will notice my tears. Kahit umiyak ako ng umiyak ay uuwi akong basa pero walang makakapansin.
Pero hindi iyon nangyari.
Ilang oras lang ay sumilip muli ang imahe ng mapang-asar at malapit nang papaambang lumubog na araw.
Nang makauwi ako ay nagtungo muna ako sa aking kwarto at kumuha ng gamit para sa pag-guhit. Hindi muna ako nagbihis at dumiretso na sa dalampasigan.
I went down a bit early but it’s okay.
Kapag natapos ko ito Theo ay ibig sabihin tinulungan mo ako para mangyari ito.
At pagkatapos ay kakalimutan na kita.
I tried sketching the sunset again.
Remembering those times when he keep on asking why am I so eager to sketch the this. Naalala ko na sinabi ko sakaniyang para sakin ay indikasyon iyon ng bagong umaga muli kahit natapos na ang isa pa.
Sa tingin ko ay gayon din para sakaniya. Nawala man siya ngayon ay mananatili siya at ang aming mga alaala habang buhay.
It took me a while but I did it.
Napatakip na lamang ako ng kamay sa aking bibig. Napatitig akong mabuti sa hawak kong papel nang matapos ko na ang aking ginuhit.
Natapos ko na. Natapos ko rin sawakas.
After trying so many times. I finally did it.
Theo nakikita mo ba?
Tinulungan mo ba ako?
Alam kong nariyan ka…
Sana tulungan mo rin akong makalimutan ka…
Sana bigyan mo ako ng instrumento para makawala sa mga alaala mo…
Alam kong hindi madali… pero sa takdang panahon alam ko.
Makakaya ko rin.
Nang magdilim ay minabuti ko nang bumalik sa aking kwarto. Nakabalik na sina mommy, daddy at Ate Annika galing sa Maynila. Narinig ko na nagpadala ng pakikiramay si Mommy sa pamilya Valentino. Nagtungo ako sa tapat ng kwarto nila mommy para magpaalam.
“You sure you’re ready to go there iha? Kung hindi mo pa kaya ay kahit sa susunod na. “ nag-aalalang tanong ni Mommy.
“I agree with your mom. We are just concerned for your emotional health. Bata ka pa at nag-aaral masama sayo ang mamroblema masiyado. I understand how much this affects you but still…” Lumapit si Daddy at niyakap ako.
“Always remember that me and your mom is here for you.” pinalis ko ang luha mula sa aking mga mata.
“Thank you dad. Pero desidido na po ako. Kung hindi ko tutulungan ang sarili kong umusad. Baka hindi na ako makausad kahit kailan.” Tumango na lamang sila.
Nagpahatid ako sa driver tungo sa bahay ng mga Valentino. Yakap ang iginuhit kong sunset na inilagay ko sa frame.
Nagkagulatan pa kami ni Andra nang siya ang nagbukas ng pinto para sa akin.
“A…aina..” nauutal niyang sabi.
A tear fell from her eyes and I immediately hugged her.
“Aina!” hagulgol niya habang nananatili akong nakayakap sakaniya.
“Shhh… Andra…” I tried so hard not to let my voice broke while comforting her.
Kung masakit sa akin ang lahat ay paano pa sakaniya na mismong kadugo?
Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong ayos at saka pa lamang siya humiwalay sa aming pagkakayakap.
“I’m sorry.” Natatawa niyang sabi.
“Wala yun. Condolence.” Tipid akong ngumiti.
Nagpahid muna siya ng luha bago tuluyang nagsalita.
“Salamat. Tara sa kwarto ni kuya. May ibinilin siyang ipabigay sayo bago siya mawala.” Malungkot niyang sabi bago ako hinawakan sa kamay at inalalayan paakyat.
Nanlamig bigla ang aking kalamnan habang nasa tapat kami ng pinto ni Theo.
“You okay? You can go back anytime you want. Don’t force yourself.” Nilingon ko si Andra na puno ng pag-aalala ang mata. Mabilis akong umiling.
“I want to torture myself, Andra. If this is the only way for me to forget him then I will.” She smiled sadly then quickly opened the door.
Napalunok ako nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob.
Everything is on its proper places since Theo left.
His bedsheets, the carpet and even the curtain is all the same. I remember when I always visit him and we just cuddle all day.
“When he was in the hospital he said that he wanted to give this to you but he cant. Kaya kami na raw ang bahala. Hanggang sa huli ay ayaw niyang malaman mo ang lahat. I was about to call you but they confiscated my phone. Until his last breath, yes. He was so selfish.” A tear fell from her eyes as I get the brown box that was Andra’s holding.
Nakasulat sa ibabaw ng kahon ang pangalan ko.
“I will leave you here. Nasa kwarto lang ako kapag kailangan mo.” Tumango lamang ako.
Akmang tatalikod na si Andra nang tinawag ko siyang muli.
“Can I stay here? I mean, sleep here in his room. Habang gusto ko muna siyang kalimutan pwede bang dito muna ako sainyo? I haven’t said this to my parents but it will be just easy. Pwede bang ikaw ang bahala sa parents niyo?” pakiusap ko sakaniya.
“You really are a masochist… Of course I’ll help you.” ngumiti siyang muli bago isinara ang pinto.
Nang makalabas na si Andra ay inilapag ko muna ang kahon sa kama ni Theo at saka nagtungo sa bakanteng dingding.
Naalala ko noon na sabi niya, gusto niya raw akong magpinta at isabit iyon sa bahaging ito. Hawak ang frame kung saan ko iginuhit ko ang papalubog na araw sa may dalampasigan sa mansyon ay marahan ko iyong isinabit.
I stared to the white wall where my drawing is hanging on it. Nakikita mo ba Theo? Tumupad ako sa usapan natin ha. Ipagpipinta kita at saka isasabit ko rito. Kung nakikita mo ito. Sana ay masaya ka.
Nilingon ko rin ang cabinet kung saan nakapatong ang kaniyang urn. I smiled. I know you're here. Masaya ka ba at nandito ako ulit?
Nilapitan kong muli ang kahon at saka umupo sa malambot na kama ni Theo.
Marahan ko iyong binuksan at saka kinuha ang sulat na nakapaloob roon. Walang anumang naroon bukod lamang sa puting papel na hawak ko. Binuksan ko yon agad at saka binasa ang nasa loob.
“Aina,
I know this is Cliché.
I often watch this in movies.
Where the guy/girl is sick and he/she is afraid to say it to her/his partner so will end up hiding it. And it’s true.
Napatunayan kong mahirap ngang aminin kapad ikaw na yung nasa sitwasyon.
I am sorry for hiding the truth from you.
I am sorry for keeping this as a secret for the sake of I don’t want you to be affected on my situation.
Kilala kita. Alam kong didibdibin mo lahat. Magpapaapekto ka at madadamay pati pag-aaral mo. At ayaw kong mangyari yun.
Kapag nalaman mo, aalalagaan mo ako at hindi ka na aalis sa tabi ko.
And as much as I wanted that, I can’t.
You are too young to be devoted. At sa akin pa na mahina.
Marami kang kayang gawin at ayaw kong madamay pati yun.
I was diagnosed with lupus.
Isang sakit na wala nang lunas. It was just recent when we discovered and was too late to be treated. Ang nakakaalam lang ay ang magulang ko at si Kuya Thiago.
I made them promised me that they will not tell anyone especially you and Andra.
Gusto kong malaman mo na wala akong iba. Pinalabas ko lang iyon lahat para magalit ka sakin at madali mo akong makakalimutan.
Oh? Huwag ka na umiyak. Gusto kong alalahanin mo lahat ng pinagsamahan natin mula umpisa hanggang sa huli nating pagkikita.
What I feel for you is pure and real. I love you… but I am not selfish to keep you knowing my situation is.
Gusto kitang alagaan pero paano? Aalis din ako sa tabi mo. Mas masasaktan ka lalo.
Magmahal ka ulit, Aina.
Ayaw kong dahil rito ay lilimitahan mo ang sarili mo na magmahal ulit, dahil mali.
Magmahal ka hanggat kaya mo. Naranasan ko kung gaano ka magmahal at alam ko may mas karapat-dapat para diyan at hindi ako yun.
Mumultuhin ko kapag sinaktan ka! Biro lang.
Piliin mo yung malakas at hindi iyong mahina tulad ko. Iyong itatayo ka kapag nanghihina ka na. Iyong magiging sandalan mo sa oras na hindi mo na kaya.
Pagmamasdan kita mula sa malayo hanggat tuluyan kang mapasakamay ng taong nararapat sayo.
Mahal na mahal kita, Aina.
Salamat.”
Hindi na ako makahinga dahil sa kakaiyak matapos basahin ang sulat ni Theo.
You keep on saying that you are not selfish but you are Theo! Nakakainis ka! Kinuha ko ang unan ni Theo ay niyapos iyon.
“Theo… Bakit?” sambit ko habang panay landas ang luha mula sa aking mata.
This is so painful!
Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko pero sana sa paglipas ng araw ay makaya ko.
Hindi nakapagsalita agad ang aking mga magulang ng sinabi ko na gusto ko munang tumira kina Theo. Uuwi pa din naman ako samin pero hanggat nasa proseso pa ako ng pagkalimot ay gusto kong nasa kwarto lamang ako ni Theo.
“If that would help you, then go. I don’t want you to suffer from depression. Kung iyan ang makakatulong sayo para makalimot ay gawin mo anak. Basta narito lang kami ng mommy mo.” Tumango ako at saka niyakap ang aking ama.
Pumasok na rin si Andra sa eskwela. Parehas kaming tahimik. Hindi kami sanay. Panay ang dalaw sa classroom ni Jaime at nagpapaabot ng kung ano-ano pero hindi siya nilalabas ni Andra.
“Tell him I am not in the mood.” Masungit na sabi ni Andra sa kaklase namin at saka umubob sakaniyang arm rest.
Huling subject ay napagdesisyunan kong hindi na pumasok dahil wala naman ang guro. I want to go somewhere that I will be just all by myself.
Sinikop ko ang aking gamit at saka naglakad-lakad sa school grounds.
Wala na masyadong estudyante dahil yung iba ay may klase pa at ang iba naman ay nagsiuwian na din.
I decided to sit under the Narra tree and feel the breeze of fresh air here in Alberta.
Tahimik rito at iilang estudyante rin ang nakatambay.
Naiintindihan ko si Theo.
Paano nga ba kung nalaman ko ng mas maaga? Baka ganito din ang gawin ko. Magmukmok buong araw.
Isinandal ko ang aking ulo sa puno ng Narra at saka ipinikit ang aking mata.
The cold wind is making me sleepy.
“Patabi?” mabilis akong dumilat dahil sa gulat.
Nakita ko si Lance na nakatayo sa aking harapan habang nakangiti at may hawak na gitara.
Ngumiti ako pabalik sakaniya at saka umusog nang kaunti para makaupo siya sa tabi ko.
“Kanina ka pa?” tanong ko.
“Medyo. Tinitititigan lang kita.”
“Ewan ko sayo.”
“I heard about what happened. Please don’t forget that I am still here.” Ngumiti lamang ako at tumango.
“Di ako sanay na malungkot ka… Kakantahan na lang kita.” Ani niya sabay nilagay sa mga hita ang gitara.
“Ano gusto mo?” nagkibit balikat ako habang natatawa.
“Ikaw bahala.”
“Sige.”
He then started strumming the guitar.
Alam ko na mula umpisa pa lang kung ano ang tinutugtog niya.
I remained my eyes closed and waited for him to sing.
“Oh thinkin' about all our younger years
There was only you and me
We were young and wild and free... ”
Somehow, his voice and the song is making my heart ache. I don’t know why.
“Now nothin' can take you away from me
We've been down that road before
But that's over now
You keep me comin' back for more ... ”
This guy really has a talent.
Kahit na lalake siya ay napapanatili niya ang emosyon sa pagkanta at ng kanta.
For a moment I feel like leaning to his shoulder. And I did.
Tingin ko ay wala namang masama dahil magaang kasama si Lance.
“Baby, you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven "
Sumandal ako sa kaniyang balikat at hindi namalayan na nakaidlip na pala.
Maghahapon na at halos papalubog na ang araw.
“Sorry, nakatulog pala ako. Hindi mo ako ginising!”
“Ayos lang. Tara? Magdidilim na baka lamukin na tayo.” Nakangiti niyang pag-aya.
Nang sumapit ang uwian ay hindi ako sa amin umuwi. Pinagpaalam na ako ni Andra at agad namang pumayag ang kanilang magulang na sakanila muna ako tutuloy o kaya naman ay dadalaw pero uuwi din nang gabi.
Akmang pipihitin ko ang kwarto ni Theo nang napansin kong may maliit na awang roon. Naalala kong sinara ko ito kanina bago ako umalis. Nagkibit balikat na lamang ako dahil baka may naglinis lamang sa loob.
I held the doorknob and stormed inside.
Nanlaki ang aking mata nang makita roon si Thiago.
Somehow I felt anger inside me.
Alam niya pala na may sakit si Theo pero itinago niya sa akin!
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
Alam kong sakanilang bahay ito pero hindi ko maiwasang hindi magsungit lalo pa at naalala ko na naman ang ginawa niya.
Kung sinabi niya man lang edi sana ay nakapagpaaalam ako kahit sa huling sandali ni Theo!
“Bakit ngayon ka lang nakauwi? Hindi ka daw umattend ng last period.” Seryoso niyang tanong.
“Wala kaming teacher. Bakit ka nakikialam?” nilapag ko sa kalapit na upuan ang aking bag at lumapit sakaniya.
Hindi ako natinag nang tumayo din siya at tinapatan ako.
“Kaya mas pinili mong magsolo kasama si Lance?” mariin niyang paratang.
“Ganiyan mo na ba gustong kalimutan ang kapatid ko? Ang ipagpalit siya agad?” nangilid ang aking luha at mabilis na sinampal si Thiago.
Napalunok ako habang malaya nang tumutulo ang aking mga luha.
“Ang kapal talaga ng mukha mo!” sigaw ko.
“Kasalanan mo itong lahat! Alam mo pala lahat! Sinabi pala sayo ang totoo! Pero ni minsan hindi mo sinabi sakin? Alam mo kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa! Pero ni minsan ay wala kang nabanggit! Kahit sa huling sandali man lang Thiago! Sana ay sinabi mo…” my voice broked.
“Sana... nakapagpaalam ako… Sana… Nayakap ko…siya…” hinarap ko siyang muli at tiningala.
“At wag na wag mo akong pagbibintangan! You don’t know my pain!” sigaw ko.
“Then f*****g tell me!” nagulat ako sa pagsigaw niya pabalik.
“Tell me what pains you and I’ll help you heal!” dagdag pa niya pero mas marahan na ngunit mariin.
Nanlambot ang aking tuhod at bumigay na sa sahig. Nakaluhod lamang ako at umiiyak.
“Finally, you got your revenge.
Hindi ba at inilihim ko sayo ang pagbubuntis ni Millie noon? Nakaganti ka na… Sobrang nakaganti ka na… Ganito pala ang pakiramdam…” mapait ko pang sabi.
Tanging paghikbi at singhot ko lamang ang naririnig sa buong kwarto.
Narinig ko ang paghakbang niya papalapit sa akin.
“That’s not true…” malumanay ngunit magaspang niyang sabi.
I felt his hand gently caress my head.
“I wanted to tell you…
Pero alam kong ganito ang mangyayari… Iiyak ka… Masasaktan ka…”
“Sabihin mo man o hindi… Ganun at ganun din… Masasaktan at iiyak din ako…”
Nabigla ako nang bigla niya akong hinila at yakapin.
“Yes, but this time… I’m here.” Mariin niyang sabi.
"Let's be in pain together." saad niya.
Naalala ko na nawalan nga din pala siya ng kapatid. Hindi lang ako ang nawalan. He lost his brother.
He placed me between his large arms and made me rest my head on his chest.
He hugged me so tight as if I’m gonna slip away.
Napahinto ako sa pag-iyak at naagaw ng kaniyang tumitibok na puso ang atensyon.
Even though I have known him for being rough and hard… He can always still be gentle like this. Ewan ko ba.