Don't f**k with my love
That heart is so cold
All over my arm
I don't wanna know that babe
Don't f**k with my love
I told her she knows
Take aim and reload
I don't wanna know that babe
Parang walang nangyari nang makabalik si Aina sa lamesa. Hindi niya nilingon muli si Thiago at nagpanggap na lamang na nauuhaw. Isang tunggaan niya lamang ang baso ng juice sakaniyang harapan.
"Saan ka galing? Isang beer pa!" pagpupumilit ni Andra.
"Andra." Napalingon sila kay Thiago dahil sa baritonong pagtawag niya.
Nakita ni Aina na wala si Millie sakaniyang tabi. Patuloy lang sa kantahan at kwentuhan ang grupo.
"What?" ani ng lasing na si Andra.
"You continue giving her that or I'll drag her home now. You choose." Kalmado ngunit mariing banta ni Thiago.
Napalunok si Aina sa narinig at saka binalingan ang kaibigan na nakataas na ang isang kilay.
"Ang corny mo naman, Kuya! Dalaga na si Aina. She is barely 18 what's wrong eith drinking?" inis na sabi ni Andra.
"Try me." hindi na siya kinulit ng kapatid at umalis na lamang.
Ngumisi na lang si Thiago at saka ininuman ang hawak na bote ng beer.
Lumipas ang ilang oras at sumapit na ang alas diyes ng gabi, Humikab na si Aina. Ayos na siguro ito? Masiyado ng gabi para manatili pa sila. May pasok pa bukas.
"Let's go home now, Brad."sambit ni Annika sabay hikab.
"Sure, Hun." Ngisi nito sabay lapit ng bibig sa tenga ni Annika.
"Kaya mo bang magmaneho, Brandon?" mahinhing tanong ni Millie ng makabalik sakaniyang upuan.
"Of course, what am I? A Baby? No worries, Mil. Happy birthday again."
"Salamat din sa pagpunta niyo ha. Nag-enjoy ako ng sobra."
Nag-vibrate ang cellphone ni Aina at sinilip niya ito.
Thiago:
Sakin ka sasabay.
That was not a question. It's an order from him na kapag hindi sinunod ay tiyak na magkakagulo pero hindi natinag si Aina. Taas kilay pa siyang nagtipa.
Aina:
I firmly said no.
Isisilid niya na sana ang cellphone sa bag nang nag-vibrate itong muli.
Thiago:
Don't make this hard for me.
Umikot lamang ang mata ni Aina. Ano bang problema niya? Bakit niya ba ako pinipilit eh kaya ko naman ang sarili ko. Saad niya sakaniyang isip. Isa-isa nang nagpaalam ang magkakaibigan kina Millie. Nasa wastong katayuan naman ang lahat kaya ligtas ng mag-drive ang mga ito.
"Happy birthday ulit, Millie. Pasensiya ka na wala akong regalo." Nakangiting sabi ni Aina.
"Ano ka ba! Huwag mo na isipin yun."
Napalingon siya kay Thiago at naramdaman niya ang titig nito kaya mabilis niyang iniiwas ang kaniyang tingin.
"Kuya, kay Jaime na ako sasabay ha. Convoy na lang. Bye Aina, Annika, Kuya Brad!" sambit ni Andra habang kumakaway.
Ramdam niya sakaniyang peripheral view na papalapit na ito sakaniya kaya gaya ng ginawa niya kanina ay nagmamadali siyang tumakbo sa sasakyan ni Brandon at pumasok na sa backseat. SInapo niya pa ang dibdib dahil sa kaba.
Bakit ako kinakabahan? Tanong niya sa sarili.
Napasandal na lamang siya sa upuan at pumikit. Nakahinga na siya ng maluwag nang sumunod na sumakay si Annika at Brandon.
"Oh my gosh I am so sleepy!" angil ni Annika.
"You sleep while I drive, Hun." Malambing naman na sagot ni Brad.
Pare-parehas na silang nagsuot ng sealbelt bago sinimulan ni Brandon paandarin ang makina.Tatlong sunod-sunod at malakas na katok mula sa labas ng bintana ang nakapagpabalikwas sakanilang tatlo. Nilingon ito ni Aina at nanlaki ang mata ng makita si Thiago.
Ibinaba ni Brandon ang salamin ng sasakyan.
"The f**k bro? What's wrong with you?" inis ngunit natatawang sambit ni Brandon,
"May pag-uusapan lang kami. Sakin na siya sasabay." Mariing sabi ni Thiago sabay lingon kay Aina sa likod.
"Well you should have told us nicely, Thiago. You startled us!" mataray na sabi ni Annika.
"You know I don't do nicely, Annika." Ngisi nito sabay punta sa backseat at binuksan ang pinto nito.
Nakatitig lang sakaniya si Aina at matalim ang tingin. Padabog siyang lumabas ng sasakyan at padabog din niyang isinara ang pinto nito.
"Let's go." Ani Thiago.
Nanguna si Thiago sa paglalakad kaya habol na naman sakaniya si Aina. Nang maabutan niya ito ay akmang papasok na si Thiago sa kotse pero hinaklit niya ang braso nito at pinaharap sakaniya. Nakakatuwa silang tignan dahil mukhang isang maliit na fairy si Aina at pinapagalitan ang halimaw na si Thiago.
"Bakit ba pilit mo akong pinasasakay sayo? How many times do I have to tell you that I can do things alone!" inis na asik ni AIna.
"Gusto lang kitang ihatid. Do I really need to explain things further? Masanay ka na. Mapapadalas pa 'to." Iritable nitong sagot.
Imbis na makipagtalo ay bumuntong hininga na lamang siya at umikot na para sumakay sa backseat.
"What am I your driver? Dun ka sa tabi ko." Bumuntong hininga lamang siya ulit at pumihit sa tabi ng driver seat.
Nakapikit lang siya buong byahe pero ang utak niya ay hindi mapakali. Hindi niya talaga alam kung bakit madalas siya nitong sungitan pero kalaunan ay babait rin. Siguro ay dahil nga ito sa ginagawang pabor niya para kay Theo.
"Salamat." Saad ni Aina ng makarating sa tapat ng kanilang mansyon saka dirediretsong lumabas.
Sinundan lamang siya ng tingin ni Thiago hanggat makapasok sa loob. HInampas niya ang manibela at saka inihilamos ang palad sa buhok at mukha. What am I doing? Tanong niya sakaniyang isip at saka pinaharurot paalis ang sasakyan.
Ibinabad na lamang ni Aina ang sarili sa bumubulang bathtub habang nag-iisip. Mula nang umalis si Theo ay hindi na ito nagparamdam sakaniya. Ni isang text o chat man lang ay hindi ito nakatanggap. Umaasa pa din siya na babalik pa ito. Baka sakaling sa mga panahon na malayo ito sakaniya ay maisip niya na bumalik.
Handa naman siyang maghintay. Pero sana ay pag dumating na ang panahon na bumalik siya ay handa pa din siyang tanggapin ito. Tao lang din siya, napapagod.
Lumipas ang ilang buwan at malapit na ulit magbakasyon. Christmas vacation na nila kaya naghahabol na ng requirements ang ilan para hindi na mahirapan pagbalik. Ang ibang teachers at professors ay may mga pahabol pang gagawin Kaya mas maiging gawin na nila para wala na silang aasikasuhin habang nakabakasyon.
Ngayon ay magkakasama muli sila para pumatay na lamang ng oras.
"Hay salamat sembreak is near!" sambit ni Andra habang nasa may soccer field sila.
Nagbabasa ng libro si Aina habang nakasandal sa puno katabi si Andra na abala sa panonod ng mga gwapong manlalaro. Si Annika at Brandon naman ay kapwa kumakain. Si Thiago ay tahimik lamang at nakatulala sa kawalan.
"Yeah right! Our first year in college is not that hard." Nakangising sabi ni Annika.
"Oo nga eh, si Kuya Thiago at Brandon parang wala lang. Parang mga walang requirements na hinahabol!" kumento ni Andra sabay tawa.
"Alam mo Andra hindi na namin yan kailangan. Para san pa yung charm namin kung hindi gagamitin?" nakangising sabi ni Brandon sabay apir kay Thiago. Sabay pang humagalpak ang dalawa.
Hindi nakalagpas sa pandinig iyon ni Aina ngunit hindi niya na pinansin. How could they say those things while their girlfriends are around? Nagkibit balikat na lamang siya.
"Aina! 1 more year and we're off to college. What course do you have in mind?" kuryosong tanong ni Andra at humiga pa sa mga hita ni nito.
"Hmmm..." anito na hindi padin nawawala ang mata sa librong binabasa.
"Maybe Visual and Performing Arts? So that I can apply what I love and what I'm good at? Ewan." Nakangiti nitong kibit balikat.
"Hay! Buti ka pa kahit papano meron na. Ako wala. Miski isa. Wala!" inis na sabi ni Andra.
"Kaya mo yan, Alejandra! You still have a long way to go." Mahinhin na sabi ni Milliecent.
"Oo nga, enjoy your high school days. Kapag college days niyo na tatamarin na kayo." Kumento ni Annika.
"Maraming gwapo sa college. Feeling ko mag-eenjoy ako." Hagikgik ni Andra.
"Shut it, Andra. Madadagdagan na naman makakaaway namin niyan. You know how much possessive is your brother, right?" nakangising sabi ni Brandon.
"Well, it runs in the blood I guess." Natigilan si Aina sa sinabing iyon ni Thiago.
Isang linggo ang lumipas pansin ni Aina madalas mag-isa lang si Thiago o kaya kasama nito ang mga kaibigang basketball players. Nasaan kaya si Milliecent? Tanong niya sakaniyang isipan. Bihira lamang umabsent si Millie dahil deans lister rin ito ng kanilang college kaya nakakapanibago.
"Andra, napapansin mo ba? Hindi masiyado nagpapakita si Millie. Last week na natin tapos Christmas vacation na." tanong ni Aina habang nasa cafeteria sila.
"Hm, ang sabi nga ni Kuya Thiago, may sakit raw si Millie. Hindi ko lang alam kung ano. Baka lagnat? Uso pa naman ang sakit ngayon." Tumangotango na lamang si Aina.
Paminsan ay nagkakasalubong sila ni Thiago ngunit hindi naman siya pinapansin nito. Kaya lalo siyang naiinis. Kapag trip niya akong kausapin,hilahin at utusan ay ganun ganun na lamang? Inis niyang angil.
Huling araw sa eskwela at abala na ang lahat. Ang iba ay naghahabol ng requirements para maging matiwasay ang bakasyon.
Isang mainit na tanghali at kakatapos lang ng P.E class nila Aina kaya napagdesisyunan niya nang magpalit ng damit. Sa may C.R malapit sa may lumang music room siya nagtungo dahil liblib roon at kaunti lang ang gumagamit.
Tumatakbo pa siya patungo sa loob. Nagulat siya dahil pagkabukas niya ng pintuan ng cubicle ay siyang paglabas ni MIlliecent roon. Nakatulala at umiiyak.
"Millie?" tawag ni Aina pero nanatili lamang itong tulala at umiiyak.
"Aina..." nanghihinang tawag sakaniya ni Millie sabay abot ng isang puti at maliit na parihabang pregnancy test.
Tinignan ito ni Aina.
"I.. am... preg...nant.." halos pabulong na sabi ni Millie. Napasinghap naman si AIna.
"Oh my god! Congratulations! Matutuwa si-"
"But Thiago... is not the father." Pagkasabing iyon ni Milliecent ay bumigay na ang kaniyang tuhod. Napaupo siya sa sahig ng banyo at saka humagulgok ng iyak.
Si Aina naman ay hindi makapaniwala. Boyfriend niya si Thiago kaya sino pa ba ang makakabuntis sakaniya?