Patuloy lang sa buhay ko
Limutin ang pag-ibig mo
Di na babalik
Hindi na babalik
Natulala si Aina sa narinig. Miski siya ay halos bumigay ang tuhod dahil sa nalaman. Knowing how tight her relationship with Thiago and how much they love each other. Paanong hindi ito ang tatay ng dinadala niya? She is really confused right now but she don't have a choice but to comfort Millie.
"Here." Iniabot ni Aina ang inumin ni Millie.
Nagtungo sila sa isang kalapit na milk tea house para mas makapag-usap ng maayos. Pansamantalang kumalma na mula sa pagkakaiyak si Millie pero hindi pa din nawawala ang pagkadismaya at lungkot sakaniyang sistema.
"Millie... It's okay if you don't want to talk about it yet. Pero kung gusto mo ng makakausap nandito lang ako." Panguna ni Aina.
"Aina..."
"Can you... keep this a secret for a while? Hin-hindi ko pa kasi kayang sabihin kay Thiago sa ngayon." Namuo muli ang mga luha sa mata ni Millie.
"O-of course... This is not my story to tell anyway..." sagot ni Aina sabay galaw sa straw ng kaniyang inumin.
"Thank you... Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Thiago... Alam mo kasi..." nabasag ang boses ni Millie bago nagkwento.
"Noon pa man alam ko na may patakaran na ang mga Valentino ay para sa mayayaman lang. They don't do average people just like me, Aina. Ang gusto ng magulang at pamilya nila ay yung may sinasabi sa buhay...I have once introduced to their parents but all they did was to throw glances on me.." pinahid nito ang luhang tumulo sakaniyang mata.
"Kahit noon pa nakilala na sila sa ganon... Brandon is lucky though, he loved Annika. Well, syempre no doubt that your family is rich. Kayo banaman ang angkan ng namumuno sa buong Alberta eh. Same goes with you and Theo... At kung napapansin mo si Andra, hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend na matagal. Kasi alam niya, panghihimasukan lang siya palagi ng mga magulang nila. Lalo si Donya Emiliana..." humikbi si Millie.
"Pero... sino yung tatay nung bata? I mean..." nalilito pading tanong ni Aina.
"I-t's my... childhood... best friend..." mabuti na lamang ay sila lang ang tao sa ikalawang palapag ng milk tea house. Walang nakakarinig sa pinaguusapan sila.
"H-how? I... I mean... Sorry to ask but you seemed so happy with Thiago..." naiilang man siyang pag-usapan ay hindi niya pa din mapigilan ang sariling mag-tanong.
"Ang... Ang sama ko.... Ang sama sama ko! Habang kami ni Thiago palihim akong nakipagkita kay Gustav. Hindi ko alam kung bakit.. o paano humatong kami sa ganon... Pero noong mga oras na 'yun mag-kaaway kami ni Thiago then Gustav comforted me... That lead us to that... Naisip ko kasi... Iyong mga tulad niya ang mga nababagay sa akin, Aina... The ordinary guys. The simpler ones. Iyong hindi magarbo ang nakalakhan gaya ni Thiago... Kasi alam ko, in the end. Hindi din kami magiging masaya... " pinalis nito ang luhang tumulo sakaniyang mukha.
"But isn't it unfair-"
"I know... I know... Hindi ko na alam... Hindi ko alam kung paano sasabihin sakaniya."
Natahimik na lamang si Aina. Hindi niya alam kung kanino maaawa. Alam niya na mahal talaga ni Thiago si Milliecent. From the way he looks at her. Kung paano siya alagaan nito at siya langang halos kinikibo. Alam niyang seryoso talaga si Thiago sakaniya. Wala itong ineentertain na ibang babae kahit ang mga babae na mismo ang lumalapit sakaniya. His attention is only for her.
Sa kabilang banda ay iniisip niya kung gaano rin kahirap kay MIlliecent ang lahat. Akala niya dati lahat sila ay mayaman at may sinasabi sa buhay pero hindi pala. At yung tungkol kay Donya Emiliana, mabait naman ito sakaniya kaya hindi niya lubos maisip na may ganoong pag-uugali pala siya.
Isa sa mga araw ng bakasyon ay labis na ang pagkangulila niya kay Theo. Napagdesisyunan niyang puntahan ito kung nasaan man siya. Hindi na niya kaya. Gusto niya na itong makita.
She dialed Andra's name right away.
"What? Nasisiraan ka na ba ng bait? None of us know where Kuya Theo is. Mas gusto niyang maging malayo muna sa kabihasnan." Pahiseryang sabi nito.
"Hindi ko na kaya, Andra." Nabasag ang boses ni AIna.
"Miss na miss ko na siya... Hirap na hirap na ako..." palis nito sa mga tumulong luha.
"Aina..." napabuntong hininga na lamang si Andra.
"Please, Andra. Help me..." patuloy ang hikbi nito sa kabilang linya.
"Fine... Fine... Gagawan ko ng paraan. Okay? Just give me time and I'll contact you within the day. I'll try to ask mom where Kuya is and we'll go to him later tonight. Magpaalam ka sa parents mo ha." Paalala ni Andra.
"Thank you, Andra. Gosh! Anong gagawin ko kung wala ka? Salamat talaga." Napabuntong hininga na lamang si Andra sa kabilang linya.
Napasubo ata siya.
*****
"Brandon, kailan mo ba ako maiintroduce sa network niyo? I am so sick here! Alam mo naman si Daddy. Si Aina lang ang laging nakikita. Ipipilit niya ako sa music industry na hindi ko gusto!" maktol ni Annika habang kausap si Brad sa cellphone.
"Easy, hun.. Just trust me, okay?" mahinahong sagot nito.
"Until when? Naiinip na ako!"
"Just leave it to me, Annika. Soon... When everything's on the right track. Lahat ng pangarap mo. Tutuparin ko. Wait and see..." nakangising sabi ni Brandon sa kabilang linya.
****
Andra sneaked into her parents room around 10pm in the evening. May usapan sila ni Aina na magkikita sila sa may Alberta University para sabay na lumuwas ng Manila at puntahan si Theo.
Kinalkal niya isa-isa ang drawers at cabinet ng kaniyang mga magulang para makita ang forms ni Theo. Mabuti na lamang at nasa business trip na naman sila para sa contract signing ng isang artista.
Lumawak ang kaniyang ngiti ng makita ang mga papel na naglalaman ng impormasyon. Nakaluhod pa siya sa tapat ng bed side cabinet bago kinuha ang cellphone sakaniyang bulsa para ibalita kay Aina.
"I got it!" mahina man ay bakas ang excitement sa boses niya.
"Really? Thank you, Andra!" masayang sagot ni Aina.
Dahan-dahan tumayo si Andra at naglakad na palabas ng kwarto.
"Prepared ka na? Susunduin na kita. I'll be using the service car here." Naglalakad na siya papalapit sa pinto nakaipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat habang binabasa ang papel.
"Oo, kanina pa. Ikaw na nga lang ang hinihintay ko."
Pinihit ni Andra ang pinto habang ang atensyon pa din ay nasa hawak niyang mga papel.
"Oh sige, kukuhanin ko lang ang gamit ko. Hinatayin mo ako sa-Kuya!" Andra shrieked as she saw Thiago waiting for her outside the doorway,
Magkakrus ang mga braso nito at magkasalubong ang kilay. Pinatay ni Andra ang cellphone at isinilid agad sa bulsa niya.
"Andra? Andra? Huy?" kunot noong tinignan ni Aina ang cellphone niya at nalamang pinatay na ito ni Andra. Nagkibit ballikat na lamang siya saka nag-ayos ng gamit.
"Ku-kuya.. What are you doing here? Hehe..." naiilang na tanong ni Andra kay Thiago.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan, Alejandra? Now... Sino ang katagpo mo ng ganitong oras ng gabi?" mariing tanong ni Thiago.
Hindi naman mapakali si Andra. Hindi niya masabi ang totoo dahil alam niya, mahigpit na ipinagbabawal sakanila na istorbohin ang Kuya nila sa Maynila.
"Ah.. Uhm.."
"Alejandra..." may banta sa boses ni Thiago.
"Alright! Alright! But please! Kuya! Huwag mo akong isusumbong kina Mommy. Okay? Please? Pretty please?" nagpaawa pa ito.
"Shoot it." Napabuntong hininga na lamang si Andra. Nagtitiwala naman siya sa kuya niya.
"I am helping Aina." Andra looked at her brother.
Napataas naman ang kilay ni Thiago ng marinig ang pangalan ni Aina.
"And?"
"He wants to see Kuya Theo... I want to see Kuya too.. Naaawa na ako kay Aina, Kuya. Kahit ito man lang matulungan ko siya. Luluwas kami sa Maynila." Andra smile sadly. Napahilot na lamang ng sentido si Thiago.
"I fully understand both of you. Pero hindi mo ba naisip na it would be dangerous for you to go there alone? Parehas pa kayong babae!" iritang sabi ni Thiago.
"I know! Pero maiisip ko pa ba yun, Kuya? I just really want to help her."
"Hindi kayo pupunta dun-"
"Pero Kuya-"
"Nang hindi ako kasama." Napanganga si Andra.
"S-sasama ka?"
"Of course. Hindi ko pwedeng hayaan na kayong dalawa lang or else gusto mong isumbong kita." Ngumisi pa ito sa kapatid.
"Fine! Blackmail pa more! Sige na. Ikaw ang magdrive samin ah! Bilisan mo na Kuya dahil mag-hihintay satin si Aina." Inismiran nito ang kapatid.
Mabilis nilang tinahak ang daan patungo sa Alberta University. Mas mabuti na rin nga sigurong kasama si Thiago para pag nalaman ay hindi siya pagagalitan masiyado.
Nilalaro ni Aina ang mga maliit na bato sakaniyang paahan. Nakasuot siya ng puting hoody jacket at puting palda.
Nasilaw siya sa sinag na nagmumula sa headlight ng paparating na sasakyan. She shield his hands as the car approached her.
Unang lumabas ng sasakyan si Andra.
"Aina!" niyakap nito ang kaibigan.
"Kanina ka pa?" tanong nito nang humiwalay sa yakap.
"Hindi naman. Kararating ko lang din. Tara?" tumango lamang si Andra.
Lumapit si Aina sa tabi ng driver seat. Napansin niya na sa likod pumunta si Andra kaya agad siyang nagtangka,
"Akala ko ikaw magdadrive?" tanong ni Aina.
Napaiwas ng tingin si Andra. Nakalimutan niyang sabihin na kasama pala ang kuya niya. Alam niya kasing madalas magbangayan ang dalawa.
"Uh... Basta pumasok ka na. Hehe." nagmamadaling sumakay sa likod si Andra.
Nagkibit balikat na lamang si Aina at binuksan na din ang pinto at sumakay. Pagkaupo ay saka niya nilingon ang nasa driver seat kaya naman nanlaki agad ang mata niya.
"Ikaw?" sigaw nito.
Tamad lamang siyang binalingan ni Thiago.
"Seatbelt on." tamad na sagot sakaniya nito.
Nilingon niya si Andra at nag-peace sign lamang ito sakaniya.
Bumuntong hininga na lamang siya at sinuot ang seatbelt. Wala naman na siyang magagawa. Matutulog na lang siguro siya buong byahe.
At ganon nga ang ginawa ni Andra at Aina. Apat na oras lang naman ang byahe kapag walang traffic kaya mabilis silang nakarating sa Maynila.
Madilim pa dahil madaling araw sila nakarating kaya nagcheck-in muna sila sa isang Hotel. Magkasama si Aina at Andra sa isang kwarto. Samantalang si Thiago ay nag-iisa.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na kasama pala siya?" maktol ni Aina habang inaalis sa maleta ang mga gamit.
"Eh kasi baka hindi ka naman interesado? Saka hindi ko naman inaasahan! Nagulat na lang ako nasa labas na siya ng kwarto." paliwanag naman ni Andra.
"Saka, hayaan mo na. Atleast diba? Kung sakaling magkahulihan, siya naman yug aako." dadag pa nito.
Umiling na lamang si Aina. Kinakabahan siya at nasasabik. Sawakas, makikita na niya si Theo.
Naidlip lang muna sila at nagising ng lumiwanag na. Napag-isipan nilang kumain muna sa ibabang buffet para may lakas sila mamaya.
Kumuha lang si Aina ng toast,bacon at scrambled egg.
"Yan lang ang kakainin mo?" puna ni Andra sakaniyang pinggan.
"Oo? Okay na 'to. Hindi naman ako masiyadong gutom." kinindatan niya lamang ang kaibigan.
Nagulat na lamang sila ng may naglagay ng plato sakanilang harapan. Punong-puno ito ng pagkain. May longganisa,fried tawilis,tocino,tapa at kung ano-ano pa.
Napalingon sila kay Thiago na may hawak pang pinggan para sakaniya.
"Kainin mo yan. You are too skinny." iritableng puna nito kay Aina.
"A-ano? Ayoko nga." pilit nitong kalma sa boses.
"Kakainin mo yan o hindi ko kayo ihahatid kay Theo." mapait nitong sabi.
Sinipa ni Andra si Aina sa ilalim ng lamesa at sinenyasan na kainin na lang nito ang pagkain na ibinigay ng kaniyang kuya.
Umirap na lamang si Aina sa kawalan at isinubo ang mga pagkain. Kahit kailan talaga!
Halos hindi mapakali si Aina habang nasa loob ng sasakyan tungo sa condo ni Theo.
Pansin iyon ni Thiago ngunit hindi niya na pinuna. Naiintindihan nya naman kung bakit.
Ayon sakaniya, sa condo raw na iyon naninirahan si Theo dahil malapit roon ang network nila.
Nasa ground floor pa lamang ay abot na ang tahip sakaniyang puso. This is it Aina. After a year, makikita mo na siya.
Ramdam ni Thiago ang tensyon sa mukha ni Aina. Ang payat na nito, namumutla at bakas ang lungkot sa mga mata. Kaya pumayag na din siyang ihatid ito.
"Ready?" tanong ni Andra ng nasa tapat na sila ng unit ni Theo.
Tumango lamang si Aina.
Pinindot ni Andra ang doorbell at saka naghintay na magbukas kasabay ni Aina.
Maya-maya pa at nagbukas na nga ito at sumungaw ang lalakeng pinakamamahal niya.
Kitang-kita sa mukha ni Theo ang bakas ng pagkagulat. Nanlaki ang kaniyang mata at nagtiim ang panga.
"Th-eo..." maluha-luhang sabi ni Aina.
"Kuya!" tawag ni Andra.
Susugurin niya na sana sa loob si Theo ng napahinto silang tatlo. Isang mapuputing kamay ang bumalot sa baywang ni Theo.
"Babe? Sino sila?" malambing na sabi ng babae na nakayakap sa likuran niya.
Napanganga si Aina. Parang may mga kutsilyong sumaksak sakaniyang puso. Dahan-dahan. Paulit-ulit.
"Ikaw ang sino? Siya lang naman ang girlfriend nitong kasama ko!" sigaw ni Andra.
"Andra." awat ni Thiago pero hinawi lamang nito ang kamay ng kapatid.
"Hintayin mo na ako sa loob." bulong nito sa babae.
"Alright, Babe." maharot nitong sabi sabay halik sa pisngi ni Theo bago tumalikod.
Tumulo na isa-isa ang mga luha sa mata ni Aina.
"Theo... Sino siya?" hikbi niyang tanong.
"Umalis na kayo." malamig na sabi ni Theo.
"Kuya! Ano bang problema?" inis na sigaw ni Andra.
"Wala na akong sasabihin. Busy ako. Kaya pwede? Umalis na kayo." sambit nito.
Tatalikod na sana ito ng nagsalita si Aina.
"Akala ko ba, mag-iisip ka lang pero babalik ka din?"
Tinignan lamang siya ni Theo sa mata. Malamig at seryoso.
"Nakapag-isip na ako. Hindi na pala. Hindi na pala kita babalikan." matapos non ay pumasok na ito at isinara ang pinto.
Bumuhos pa lalo ang luha sa mata ni Aina. Nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil sa sakit na nararamdaman.
"Aina..." lalapitan sana siya ni Andra ngunit tumakbo na siya.
"Aina!" sigaw ni Andra sabay tumakbo na din.
Nanlalabo man ang mata ay tumakbo lamang ng tumakbo si Aina. Hindi niya na alam ang gagawin. Bakit? Bakit ganito kasakit?
Nang makalabas sa condo ay tulala na siya at parang naglalakad sa kawalan.
Basang-basa ang mukha ng dahil sa luha.
Busina ng mga sasakyan ang maririnig sa kalsadang iyon. Nakatulalang tumawid si Aina at walang pakialam kahit nasa gitna siya ng kalye.
Isang braso ang humablot sakaniya at mabilis siyang hinila patungo sa gilid kung saan wala ng sasakyan.
"Magpapakamatay ka ba?" sigaw ni Thiago sakaniya.
Nag-angat siya ng tingin dito.
"B-bakit?... Ang sakit... Ang sakit sakit..." patuloy ang hikbi nito.
"Tama na yan. Umuwi na tayo-"
"Hindi! Babalik ako! Hindi pwede 'to. Aakyat ako ulit! Kakausapin ko siya! Makikiusap ako kung maari!-" tatawid sana ito ulit pero mahigpit siyang hinawakan ni Thiago.
"Tama na!"
"Bitiwan mo ko!"
"Tama na! Tanggapin mo na! Ayaw na niya!"
"Hindi ganun kadali yon!"
"Anong gagawin mo? Makikiusap ka? Magpapaawa ka? Tama na! Hindi ka na niya mahal!-"
Isang malutong na sampal ang lumapat sa mukha ni Thiago.
"Maaring hindi na nga. Pero wala kang karapatang sabihin sakin yan. It's him. Siya lang." sambit nito bago tinalikuran si Thiago at naglakad paalis.