Epilogue

632 Words
Epilogue "Sino ka?! Nasaan ang anak ko?!" Gulat na tanong ni Rosalyn nang magising sa isang silid na puro kulay puti ang paligid. May nakangiting babae sa harapan niya. Ito ang babae noon sa kanyang panaginip. Napalingon-lingon siya sa kung saan-saan. Naghahanap ng pamilyar na bagay sa kanya. Iniisip kung nasaan siya. Kinakabahan. Biglang sumulpot sa likuran ng babae ang isang lalaking buhat ang isang sanggol. Ang kanyang anak. "Heto siya." Sabi ng lalaki saka naglakad papalapit kay Rosalyn kasama ang sanggol. Natatakot siyang lapitan pero hawak nito ang kanyang anak kaya nagpakatatag siya. Hindi niya malaman kung bakit natatakot siya eh ang gwapo at ang ganda ng magkaparehang nasa harapan niya ngayon. Mukha silang mga diwata o diyosa. "S-sino kayo?" Kinakabahang tanong niya sa babae at lalaki sa kanyang harapan nang maiabot na sa kanya ng kanyang anak. "I'm Psyche and he's Cupid." Pakilala ni Psyche kay Rosalyn nang nakangiti, "Gusto ko lang ipaalam sa'yo kung gaano kami kasayang masaya kayong nagmamahalan ni Gavin." Paliwanag ni Psyche. " 'Wag na 'wag niyong susukuan ang pag-ibig. Lagi kaming nakabantay lalo na ako sa mga taong nagmamahalan." Singit naman ni Cupid saka sila tumalikod ni Psyche at nawala ng parang isang bula kaya mas nagulat si Rosalyn. Nanlalako ang kanyang mga mata. "Wake up na Mommy! Our baby is here." Pag-gising ni Gavin sa asawang hindi malaman ang binubulong habang tulog. Nawalan ng malay si Rosalyn nang maipanganak ang kanilang anak ni Gavin na pinangalanan nilang Eros kaya nasa hospital sila ngayon. "Gavin? Ang anak natin?" Namumungay ang mga matang tanong ni Rosalyn. "Here." Nakangiting buhat ni Gavin sa anak nila na inihatid ng isang nurse. "Eros..." Naiiyak na sambit ni Rosalyn. Nagkatinginan silang mag-asawa saka nakangiting napatingin sila sa kanilang anak. Iba ang sayang nadarama ng mag-asawa at iba ang sayang dala ng anak nilang si Eros. Lahat ng pagod sa panganganak ni Rosalyn ay nawala at lahat ng pagtitiis kay Rosalyn ng asawa niya dahil buntis siya ay nagbunga. Nang makauwi na sila sa kanilang bahay kasama ang kanilang anak na si Eros, sinalubong sila ng napakaraming paru-paru sa kanilang hardin. Ngayon lamang nagkaroon ng ganoong karaming paru-paru at iba't-ibang klase pa ang mga ito. "Gavin, naaalala ko ang panaginip ko pagkatapos kong makapagpanganak." Kuwento ni Rosalyn sa asawang buhat ang kanilang anak. Nasa kwarto na sila ngayon. "Ano 'yon?" "Napakaganda ng babae at napakagwapo ng lalaki sa panaginip ko. Para silang couple. Ang sabi nila masaya daw silang makita tayong masaya." Kuwento pa niya sa kanyang asawa. "Talaga? Parang nagkaroon na rin ako ng panaginip na ganyan pero hindi ko na matandaan. Familiar lang kasi nakuwento mo." Komento ni Gavin. Tulog na tulog ang kanilang anak. Inilapag na ni Gavin ito sa kama. Sa gitna nila. Ayaw pa nila ilagay ito sa crib. Gusto nilang i-enjoy na makatabi muna si Eros. Gabi-gabing puyat ang mag asawa sa iyak ni Eros ng madaling araw madalas. Buti na lamang hindi nalilate sa trabaho si Gavin. Nagiging huwarang ama na ito. Marunong manindigan. Ang goal niya ay maging mabuting ama sa anak. Napapangiti naman lagi si Rosalyn kapag nakikitang hands on ang kanyang asawa sa anak. Sa Olympus naman ay nagsasaya sina Psyche at Cupid kasama ang kanilang buong pamilya. Naibalita nila ang tungkol kina Gavin at Rosalyn. Naikuwento din nila ng mga ito pati na ang nangyari sa kanila sa mundo ng mga mortal. Ang tunay na pag-ibig ay mahirap mahanap dahil hindi ito nahahanap. Kusa itong dumarating at kapag dumating na ito, wala ka ng magagawa kundi ang hayaan ang puso mong magmahal ng totoo at ipaglaban ito hindi lang sa salita lalo na sa gawa. Sana'y magmahalan tayo gaya ng pagmamahal sa atin ni Kristo. Fairytales does really exist! Let's fight for our own fairytale! It's inside our hearts! -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD