C12: New Blessing
Nagising si Rosalyn na umiiyak dahil sa napanaginipan nito. Panaginip kung saan ay wala siya sa tabi ng kanyang asawa sa mga panahong nag-iisa ang binata at nasasaktan dahil sa isang babaeng hindi niya makilala kung sino pero tiyak niyang napakaganda ng babaeng iyon sa panaginip niya. May kasama itong lalaking parang kasintahan nito o minamahal.
"What happened?" Bungad ni Gavin na nag aalala sa pag-iyak ng kanyang asawa. Agad itong yumakap sa kanya.
"Ang sama ng panaginip ko pero hindi ko na siya matandaan." Humihikbing kuwento nito sa kanya. Hinaplos-haplos naman niya ang likod nito
"Kalimutan mo na 'yon. 'Wag mo ng tandaan kung paiiyakin ka lang naman ng panaginip na 'yan." Malumanay na bulong ni Gavin sa asawa na pinapatahan ng kanyang mga haplos.
Maya-maya'y tumahan na ang kanyang asawa. Nagiging iyakin ito lately at parang alam na niya kung bakit. Nag-iiba na rin ang panlasa nito sa pagkain. Mapili na kasi ito sa pagkain. Mainitin din ang ulo lalo na kapag hindi eksakto sa oras siyang nakakauwi o may nagagawa siyang hindi nito nagugustuhan kahit napakaliit lamang na bagay.
Nakangiting nakamasid sina Psyche at Cupid sa mag-asawang nakatakda talaga para sa isa't-isa. Masaya si Psyche na kahit papaano ay naging parte siya ng buhay ni Gavin na kung hindi rin naman ay hindi niya kapiling si Cupid. Hindi nga lang siya nito naaalala dahil panaginip lamang siya nakasama. Ang kakaibang pagsubok na ito ay nagturo sa kanya ng matinding pagtitiwala sa kanyang minamahal. She learned how to trust fully.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Rosalyn sa kay Gavin nang pasakayin siya nito sa sasakyan.
"We're going to the hospital." Agad na sagot ni Gavin habang hawak ang kamay ng asawang nagpapadala lang sa kanya.
"Hala! Bakit? Sinong dadalawin natin doon?" Naguguluhang tanong nito. Napapaisip ng pusubleng dahilan. Nilagyan niya ng seatbelt ang asawa saka siya nagseatbelt.
"Wala tayong dadalawin. Magpapacheck-up tayo." Natatawang sagot ni Gavin saka niya pinaandar ang kanyang sasakyan.
"Bakit tayo magpapacheck-up?" Kunot noong tanong nito, "May sakit ka?" Nanlalaki ang mga matang tanong pa nito. Nalungkot bigla.
"Ikaw ang magpapacheck-up, Misis." Sagot niya dito.
"Huh? Wala naman akong sakit ah." Dahilan nito.
"Wala nga pero masama ang pakirandam mo lately. 'Wag ka ng makulit." Suway ni Gavin saka hinalikan ang noo ng kanyang asawa.
After some tests and check up at the OB clinic nagulat si Rosalyn sa biglang narinig.
"Congratulations! Mrs. Perez is four weeks pregnant!" Biglang bati ng Doctor nang malaman nila ang resulta ng check-up ni Rosalyn.
Nakangiting binalingan ng tingin ni Gavin ang asawang gulat. Napapansin na kasi ito ni Gavin kaya hindi na siya nagulat pa.
"Thanks, Doc." Nakangiting sagot ni Gavin. Hindi maipinta ang sayang nadarama niya.
May mga sinabi at reminders pa ang Doctor sa kanila bago sila umalis ng hospital.
"Paano mo 'yon nalaman?" Tanong ni Rosalyn nang makasakay na ulit sila sa sasakyan.
"I can feel it, Misis." Proud na proud na tama ang hula niya, "Actually, I just guess that."
Kumain muna sila sa Wendys dahil nagkicrave ng salad doon si Rosalyn. Naglakad-lakad pa sila sa mall at nakabili ng kaunti sa Watsons. Mahilig din kasi sa korean products si Rosalyn. Mask ang puntirya talaga niya doon.
-
"May niluto ako! Kailangan mong tikman 'to!" Tuwang-tuwang sabi ni Rosalyn sa asawang kararating lang galing trabaho.
Napapadalas ang hilig ni Rosalyn sa pagluluto. Hindi basta- pagluluto kundi pag-i-imbento ng pagkain. No choice namn si Gavin. Ayaw niyang magalit ito kapag hindi niya tinikman o kinain.
"Magbibihis lang ako." Sabi ni Gavin saka humalik sa pisngi ng asawa.
Inihanda ni Rosalyn ang hapag kainan saka naman bumalik si Gavin. Magkatabi silang naupo saka nilagyan ng pagkain ni Rosalyn ang asawa. Napalunok si Gavin nang mapagmasdan ang niluto ng kanyang asawa. Hindi dahil mukhang masarap, it's the other way around. Inihanda na ni Gavin ang kanyang panlasa.
"Tikman mo na!" Excited na sabi ni Rosalyn dito. Nakatutok pa ang mga mata nito sa galaw ng kanyang asawa. Ayaw niyang magkamali ng galaw.
Sumubo naman ng kaunti si Gavin. Pinaghalo-halong baboy, manok at isda ang niluto ni Rosalyn. Ang timpla nito ay pang-adobo. Hindi niya din talaga malaman kung bakit ganito ang trip lutuin ng asawa niya ngayon. Hindi maintindihan ang lasa.
"Kain ka na din." May pilit na ngiting alok ni Gavin dito.
"Masarap?" Tanong nito na nagpapacute pa.
"Oo naman. Ikaw pa." Hindi nagpapahalatang sagot niya.
"Totoo?" Paninigurado ni Rosalyn. Nagdududa ito sa sagot ng kanyang asawa. Pinagmasdang mabuti ang asawa bago nawala ang pagdududa. Hindi rin kasi maintindihan ni Rosalyn ba't ganito ang panlasa niya. Ang paburito niya ngang atay na ulam, sinusuka na niya ngayon. Ang itlog na maalat na ayaw niya, takam na takam na siya.
"Opo." Malumanay na sagot ni Gavin na madalas nitong isagot sa asawa para hindi magalit.
Maganang kumain si Rosalyn samantalang lunok lang ng lunok si Gavin na sinasabayan niya ng tubig ang kinakain dahil ayaw niya talaga ng lasa nito kung hindi nga lang niya mahal ang asawa eh sinuka na niya. Masama pa naman galitin ang mga buntis.
Halata na ang maliit na umbok sa tiyan ni Rosalyn dahil five months na itong buntis. Excited na rin silang malaman ang gender ng kanilang magiging panganay.
-