C11: Weird
Nangingiti si Gavin habang inaalala ang isa sa kanilang pinagdaanan bago sila ikasal ni Rosalyn.
...
"Ba't ba ang sungit-sungit mo?!" Iritadong puna ni Rosalyn kay Gavin.
"Eh sa nagseselos ako!" Biglang pag-amin nito.
"Ba't ka nagseselos?" Kunot noong tanong niya dito.
"Dahi--" Naputol ito sa pagsalita.
"Dahil gusto mong sa'yo lang ang buong atensyon ko at ayaw mong may ibang nakikipagkaibigan sa akin." Walang ganang dugtong ni Rosalyn sa pinutol niyang sasabihin ng binata.
Bumuntong hininga ang dalaga bago tumalikod na napapailing sa inaasal ng kanyang matalik na kaibigan. Four years na silang bestfriends kaya sanay na ang dalaga sa ganitong dahilan ng binata.
Napamura ang binata saka dali-daling sinundan ang dalaga at agad na hinawakan sa braso para pigilang makalayo sa kanya.
"Dahil mahal kita, Rosalyn. Matagal na kitang mahal. Hindi ko na kayang itago pa itong nararamdaman ko kaya sa ayaw o sa gusto mo, liligawan na kita." Puno ng lakas ng loob na pag-amin ni Gavin dito nang humarap ito sa kanya. Napaamin tuloy.
"A-ano?" Halos pabulong na tanong ng dalaga na nagulat sa pag-amin ni Gavin. Mabilis ang t***k ng puso nila.
Imbis na ulitin, hinila niya ang dalaga para yakapin. Nakangiti si Gavin samantalang gulat pa rin ang dalaga.
"Liligawan kita." Bulong ng binata.
Limang buwan niyang niligawan si Rosalyn bago siya nito sinagot. Sa ikalimang buwan lang kasi ng panliligaw ng binata niya nasiguradong mahal niya na si Gavin higit pa sa pagiging matalik na kaibigan. First love nila ang isa't-isa and hopefully the last.
...
Kakalabas lang ng banyo ni Rosalyn nang mapaangat ang tingin ni Gavin dito saka ngumiti ng nakakaloko. Naka-bathrobe naman ang kanyang asawa pero iba ang nakikita niya.
"Hoy! Maligo ka na. Tigilan mo 'yang iniisip mo. Aalis pa tayo." Patawa-tawang sambit ni Rosalyn nang mapansin ang kakaibang tingin ng kanyang asawa.
"Yes, Ma'am! Later na lang ba?"
Tinawanan lang ito ni Rosalyn saka ito pumasok sa banyo para maligo na rin. First birthday kasi ngayon ng pamangkin ni Rosalyn.
Pagkatapos nilang makapaghanda ay bumyahe na sila sa bahay ng kapatid ni Rosalyn na si Rico. Anak nitong si Rina ang may kaarawan.
Nakatulog si Rosalyn sa ilang oras na byahe pero imbis na gisingin ay tinitigan lang ito ni Gavin hanggang sa magising si Rosalyn. Dahan-dahang napangiti si Gavin dito.
"Nandito na tayo. Actually, kanina pa." Natatawang sabi ni Gavin dito.
"Ba't 'di mo ako ginising?"
"Eh ang sarap ng tulog mo."
"Tara na sa loob." Sabi ni Rosalyn saka bumaba ng kotse.
Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay agad nilang ibinigay ang regalo nila kay Rina. Binuhat pa ito ni Gavin.
"Pwede na maging Daddy si Tito Gavin ah!" Pagbibiro ni Rico dito na tinawanan lang nilang mag-asawa.
Pagkatapos ng party ay nagpaalam na agad sila baka kasi gabihin pa sila sa byahe. Mahirap pa naman ma-taffic.
"Matulog ka muna kung inaantok ka." Biglang sabi ni Gavin sa kanyang asawa na pinipigilan ang pagpikit ng mga mata.
"Hindi mo ba napapansin? Antukin ako nitong mga nakaraang araw. Parang gustong-gusto ko talagang matulog."
"Pinupuyat kasi kita." Natatawang sagot ni Gavin na dahilan para kurutin siya sa tagiliran ng kanyang asawa.
"Maliban doon. Ikaw talaga!" Patawa-tawang sambit naman ni Rosalyn.
Hindi maiwasan ni Rosalyn na maisip ang possibility na buntis siya pero ayaw naman niya agad na mag-assume at sabihin ang naisip sa kanyang asawa baka malungkot sila kapag hindi naman pala ang maging resulta. Kailangan niya ng confirmation but for now, she wants foods.
"Nagugutom ako. Daan tayo sa mall. May gusto akong kainin doon."
"Eh ang dami mo kayang nakain kanina." Pagtataka ni Gavin.
"Nagugutom ako eh." Nakangusong sambit ni Rosalyn.
"Sige-sige."
Dumaan naman sila sa isang mall na nadaanan nila. Magkahawak kamay silang pumasok ng mall at naghanap ng gustong kainin ni Rosalyn. Nang makabili sila ng kwek-kwek at icecream ay naupo muna sila.
"Anong ginagawa mo?" Pagtataka ni Gavin sa paglagay ni Rosalyn ng kwek-kwek sa icecream.
"Hindi ko din alam kung bakit ko 'to ginagawa pero parang masarap. Tikman ko." Sagot ni Rosalyn saka inilubog sa icecream ang isang kwek-kwek at kinain. Napangiti ito nang malasahan ang kinakain. "Masarap pala! Tikman mo!" Ngiting-ngiting sambit pa nito.
Kunot noong tumingin si Gavin sa mukha ng kanyang asawa saka tumingin sa kwek-kwek na inilubog sa icecream na nakahanda nang isubo sa kanya. How can he refuse not to eat it? Kung napakagandang ngiti ng kanyang asawang naghihintay na kainin niya ang isinusubo nito sa kanya.
"S-sige."
Normal lang naman ang lasa, parang hindi ito nagbago. Saw-sawan lang yata ang nabago dahil imbis na ang normal na saw-sawan ng kwek-kwek ang saw-sawan, ang icecream ang naging saw-sawan. Mas nagingibabaw pa rin ang lasa ng icecream. Weird lang talagang isipin na may taong kakain ng ganoon.
"How was it?"
"Icecream ang mas malasa pero uubusin mo talaga 'yan?"
Napatingin silang pareho sa icecream at kwek-kwek saka ngumiti si Rosalyn at tumango.
"Tara na. Kakainin ko habang nasa kotse." Sabi na lamang ni Rosalyn.
-