C10: Happiness

1015 Words
C10: Happiness "Dahil matindi ang pagmamahalan ninyo ng anak ko at wala akong ibang hinahangad kundi ang kaligayahan ng anak ko, binibigyan ko na kayo ng basbas na magsama habang buhay." Seryosong saad ni Aphrodite na pumunta mismo sa mundo ng mga tao para itigil na ang pagkokontrol nito sa tadhana ng kanyang anak at minamahal nitong si Psyche. Ayaw na niyang nahihirapan ang kanyang anak. Tuluyan na ngang hinayaan ni Aphrodite ang kanyang anak na si Cupid sa piling ni Psyche. Inalis nito ang mahikang nababalot sa kanyang anak. Isinusuko na niya ito. Napatunayan na ni Psyche ang dapat niyang patunayan sa ina ng kanyang minamahal at masayang silang nag diwang. "Wala ng makapaghihiwalay pa sa atin, mahal ko." Bulong ni Cupid kay Psyche. Nakangiti at puno ng pagmamahal na magkatinginan. "Wala na, mahal ko." Nakangiting tugon naman ni Psyche saka nila pinagsaluhan ang pagmamahalan na kanilang ipinaglaban. Sa mundo ng mga mortal, nagising na may luha pa ang mga mata ni Gavin. Ramdam niya pa rin ang pakiramdam ng pag-iisa at pangungulila. "Gavin!" Bigla namang napalingon ang binata sa kanyang pintuan nang bigla itong bumukas at bumungad ang nag iisang babaeng kanyang tunay na minamahal noon pa man. "Rosalyn?" Nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin dito. Ngumiti ng napakalaki ang dalaga saka pasampang yinakap siya sa kama. "Ang tagal mong magising kaya ako na ang nagluto ng almusal natin." Nakangiting sabi ng dalaga saka napanguso na para bang nagtatampo, "Sorry, alam kong ayaw mong pinaluluto ako pero nagugutom na kasi ako." Sabi pa nito saka ngumiting muli, "Buti na lang gising ka na. Uunahan pa sana kitang kumain eh." Dugtong pa nito saka humalik sa pisngi ng binata habang natatawa. Kunot noong tinitigan niya si Rosalyn na nagtataka sa kanyang reaksyon. "I missed you..." Halos pabulong na sambit ng binata na ikinapula ng dalaga. Hinampas siya nito ng kaunti sa dib-dib. "Araw-araw po tayong magkasama pero lagi mo pa rin akong namimiss." Nangingiting sabi ng dalaga. Kinikilig. Doon lamang napagtanto ni Gavin na isa lamang panaginip ang masasakit na bagay na nagyari sa kanya. At doon lang din niya lubusang naalala na, ikinasal na pala siya sa kanyang minamahal na si Rosalyn, sa kanyang asawa. It's been five months since they got married. Yinakap niya ang asawa ng ilang minuto na puno ng saya ang kanyang puso saka siya hinila nito para kumain na sila ng almusal. "Ikaw nga ang nagluto." Natatawang komento ni Gavin dito dahil sa kaunting sunog ng itlog at hotdog pati na rin ng sinangag. Natutuwa siya na natatawa. "Sorry, alam mo naman hindi talaga ako marunong but at least I tried." Mahinang sabi nito sa kanya. Nakasimangot na. Tumawa si Gavin saka hinalikan sa noo ang kanyang asawang matampuhin noon pa man. "I understand. Kain na tayo. Sorry, ang tagal kong nagising." Sabi ni Gavin saka uminom ng kapd. Yumakap sa bewang niya ang asawa saka nangingiting itinago ang mukha sa dib-dib niya. Nanggigigil. Pinanggigigilan nanaman siya nito. Hindi pa rin makapaniwala si Gavin na isang panaginip lang pala ang lahat ng nangyari sa kanya. Muling nabuo ang mundo niya nang malaman niyang hindi pala totoo ang mga nangyari. Hindi rin niya matandaan ang mga nangyari. Ang alam lang niya'y masakit ang mga pangyayari sa kanyang panaginip. Ayaw na niyang balikan. Sumapit ang hapon. Nagyaya si Rosalyn manood ng movies. "May ikikuwento ako sa'yo." Biglang sabi ni Gavin sa kanyang asawa habang nanonood sila ng movie na Beauty and The Beast. Favorite ni Rosalyn. "Tungkol saan?" Tanong ni Rosalyn habang nakatutok ang mga mata sa pinanonood nila. May hawak na popcorn. Napatigil sa pagsubo. "Tungkol sa panaginip ko. Kung bakit ang tagal kong magising kanina." Mahinang sagot ni Gavin dito. "Sige. Ano 'yon?" Puno ng kuryosidad na tanong ng kanyang asawa. "Pause ko muna ang movie." "Tapusin muna natin ang movie pala." Pumayag naman si Gavin. Ilang minuto ang nakalipas at natapos na din ang movie kaya pinatay na ni Rosalyn ang tv saka tumingin sa asawa niya. "Kuwento ko na?" Tanong ni Gavin habang hinahaplos ang pisngi ng kanyang asawa at humalik sa noo nito. "Sige." "Parang totoo kasi talaga kapag nasa panaginip 'di ba?" Nakatingin sa mga mata ni Rosalyn na tanong nito. Tumango naman ang kanyang asawa. "Pero ibang-iba talaga ito. Ang sama, ang sakit pero may magaganda din namang nangyari kaya hindi ko masabing isa siyang nightmare. Ayokong mangyari 'yon. Nawala ka sa akin. Tapos may dumating na babaeng weird, minahal ko siya pero iniwan niya lang din ako dahil may mahal siyang iba. Nasaktan ako doon pero natanggap ko din naman agad. Siguro dahil ikaw lang talaga ang tunay kong minamahal at temporary love lamang ang naramdaman ko doon sa babae, " Dire-diretsong kuwento nito saka ngumiti. "Hindi ko na matandaan mga pangalan ng mga kasama ko sa panaginip pati ang mga lugar. Magulo talaga kapag nasa panaginip eh." Natatawang dugtong pa nito saka hinalikan ang ilong ni Rosalyn. "Buti na lang hindi 'yon totoo kung hindi nagselos na ako." Nakangusong sabi ni Rosalyn dito. Selosa kasi talaga ito. Madalas magselos sa mga nakakasama sa trabaho ni Gavin pero understanding kasi si Gavin kaya nilalambing na lang niya at laging nagbibigay ng assurance. "Don't worry. Masaya akong masaya na ang babaeng nasa panaginip ko ay kasama na ang totoong mahal niya at kung totoo man sila? Sa palagay ko'y masaya din sila para sa akin dahil kasama ko na ngayon ang taong mahal ko at ikaw po 'yon, Misis ko." Nakangiting sabi ni Gavin saka dinampian ng halik ang nga labing nakanguso ni Rosalyn ng paulit-ulit. "Mahal na mahal kita." Nakangiting sabi ni Rosalyn. "Mas mahal na mahal kita." Nakangiting sabi naman ni Gavin saka yinakap ang kanyang asawa ng napakahigpit. Parang ayaw na niyang bitawan ito. "Hindi na ako makahinga." Suway ni Rosalyn. Natawa si Gavin saka bumitaw sa yakap. "Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, Rosalyn." Seryosong saad ni Gavin sa asawa. Hindi maipaliwanag ang sayang nadarama ngayon ni Gavin. Sana hindi bawiin. Hindi niya talaga kakayanin kung totoo ang kanyang panaginip. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD