C9: Thankful
Dalawang buwan na ang nakakalipas simula noong umalis sa puder ni Gavin si Rose at nangungulila pa rin ang binata dito. Sa Olympus, ilang araw lang ang ilang buwan sa mundo ng mga mortal. Natuto na itong manigarilyo dahil sa stress ng buhay niya at pag-iisa. Sanay na siyang mag-isa pero noong dumating si Rose ay nagbago ang buhay niya kaya ganito na lamang ang sakit na nararamdaman niya. Napagdesisyunan na niyang bumalik sa trabaho.
Nag-aalmusal si Gavin nang biglang tumunog ng ilang ulit ang doorbell ng bahay niya kaya sinilip niya muna ito sa bintana kung sino at laking tuwa niya nang makita niyang ang babaeng gustong-gusto niyang makita ay nasa harapan ng bahay niya.
Dali-dali siyang lumabas ng bahay at pinagbuksan ito ng gate at agad na yianakap. Miss na miss niya na ito.
"Rose, miss na miss na kita. Saan ka galing? Anong nangyari? Kumusta ka na? Babalik ka na ba sa akin?" Sunod-sunod na tanong ng binata dito na may puno ng pag-asa sa mga mata na may bahid pa rin ng lungkot.
"Gavin, nandito ako pa—" Naputol siya.
"Pumasok muna tayo. Sa loob tayo mag-usap." Agad na sabi ng binata kaya naputol ang sasabihin niya. Nagdadalawang isip naman siya kung papasok ba sa loob ng bahay nito o hindi pero nanghihikayat ang mga mata ng binata kaya pumayag na rin siya.
Pinaupo siya nito at binigyan ng orange juice. Mukha itong natataranta sa pagdating niya. Napagmasdan pa niya ang ayos at mukha ng binata na tinubuan na ng bigote at balbas. Nagmukha tuloy itong matanda. Medyo namayat din ang binata at parang laging puyat ang mga mata. Naawa siya.
"Pinapabayaan mo ba ang sarili mo?" Biglang tanong niya dito.
"Huh?" Baling naman nito sa kanya. Ayaw sumagot ng oo. Ayaw nitong mag alala ang dalaga.
"Pumayat ka yata. Hindi ka na rin nag aahit ng bigote at balbas." Puna niya.
"Hindi. Hindi lang ako nakakakain ng maayos dahil sa trabaho at walang oras para makapag-ahit pa ako." Dahilan ng binata, "Don't worry. I'll shave it later." Nakangiting pahabol pa nito. Parang nabuhayan ang binata nang makitang muli ang dalaga.
"Pinuntahan kita hindi para bumalik dito kundi para magpasalamat sa pagpapatuloy mo sa akin at pag-aalaga na walang hinihinging kapalit, Gavin. I really appreciate it so much." Seryosong saad niya.
"Iiwan mo pa rin pala ako." Mahinang komento ng binata. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata nito. Naiiyak pero pinipigilan.
"Nandito lang ako, Gavin. Bilang isang kaibigan. Hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal mo para sa akin. May mahal akong iba." Paliwanag niya dito.
"At 'yon ba ang nasa iyong mga ala-ala?" Paninigurado nito. Nahihirapang lumunok. Nasasaktan.
"Oo..." Mahinang sagot niya dito. Hindi niya kailangan itago ang nadarama sa asawang si Cupid.
"Pero nasaan siya ngayon? Gusto ko siyang makausap." Seryosong sabi ng binata. Gusto nitong masigurado na totoo ang pagmamahal ng lalaking 'yon.
"W-wala siya dito." Nauutal na sagot ng dalaga. Nalulungkot ang kanyang mga mata.
"Bakit?" Pag aalala ng binata sa sagot niya.
"Mahirap ipaliwanag." Saad niya saka napabuntong hininga.
"Handa akong makinig. Kung kaibigan nga ang turing mo sa akin. Hindi ba dapat ay pinagkakatiwalaan mo din ang iyong kaibigan?" Mahinahong saad nito.
Napabuntong hininga ulit siya saka ikinuwento na lamang ang problemang kinahaharap nila ni Cupid ngayon. Kitang-kita ni Gavin ang lungkot sa mga mata ng dalaga habang nagkikuwento.
"Pagkatapos mo akong iwan, ipagtatabuyan ka lang niya?" Inis na sambit ng binata. Ayaw niyang tinatrato ang dalaga ng mali.
"Wala siyang kasalanan, Gavin. Baka ay kontrolado lang siya ng kanyang ina." Paliwanag pa ng dalaga.
"Hindi ako makapaniwalang naligaw kayo dito sa mundo namin at lalong hindi ako makapaniwalang nakakilala ako ng katulad niyo. Mapagkakamalan yata akong baliw kung sasabihin ko ito sa iba kaya mas mabuting manahimik na lamang—" Huminto ang binata saka nag-isip bago nagsalitang muli, "—So, anong balak mo ngayon?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Gavin dito.
"Kaya nga ako nandito dahil nagbabakasakali akong makapag-isip-isip sa mundo niyong mga tao." Paliwanag ng dalaga.
"Sa kabilang bahay ka pa rin ba tutuloy?"
"Oo."
"Pero pwede ka naman dito. Wala naman akong ibang kasama." Nakakaawang saad ng binata. Kahit klarado na sa kanyang iba ang minamahal ng dalaga, gusto pa rin niya itong laging makasama kahit ngayon lang. Habang nag iisip ang dalaga sa mundo nila.
"Hindi puwede. Puwede mo naman akong tawagin kung kailangan mo ako. Malapit lang naman ako." Nakangiting paalala naman niya dito.
"Sige. Salamat naman at nandito ka na. Kahit papaano ay masaya na akong nakikita ka." Kalmadong saadng binata.
"Masaya din akong nasa maayos kang kalagayan. Alagaan mo ang sarili mo. Darating din ang taong nakalaan para sa'yo." Nakangiting sabi ni Psyche dito.
Pagkatapos ng kanilang maikling pag-uusap, umalis naman agad sa bahay ng binata si Psyche na kahit ayaw ni Gavin ay hinayaan na lamang nito. Mahirap nga naman ipilit ang sarili sa taong hindi naman talaga para sa'yo.
He fall asleep thinking that he's ready to let go of Rose or Psyche and accept that they are not meant for each other. Mortal siya at immortal ang dalagang iniibig niya. Napakaimpusible.
Kailan kaya darating ang taong nakalaan para sa kanya? Magkikita pa kaya sila? Meron ba talagang nakalaan para sa kanya? O umaasa nanaman siya sa wala?
-