DOON ay minadali ni Polla na lumapit at tumikhim na para kuhain ang pansin ng asawa at ni Janella. Nagulat si Sam nang makita siya at inalis sa pagkakandong niya si Janella kaya napatayo na ito. Nagtaas ng kilay si Janella nang tumingin sa kaniya. "You're awake," sabi ni Sam. "Yes and I'm famished," tugon niya rito. Lumapit si Sam sa kaniya at yayakapin sana siya nito pero lumayo siya kaya napakunot ang noo nito. "I want to eat. Asikasuhin mo ako dahil hindi ako kakain kapag hindi mo ako inasikaso!" maotoridad na utos niya sa asawa. "O-okay," tugon nito. Tinalikuran na niya si Sam at naglakad na palayo. Sumunod naman sa kaniya si Sam at hinawakan ang kamay niya. Aalisin na niya sana iyon pero hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya kaya hindi niya iyon maalis. Pagdating

