PAGSAPIT ng tanghalian ay kumain silang mag-asawa sa restaurant ng resort na kinaroroonan nila at dumiretso sila sa hot-spring na talagang kinasabikan ni Polla, umpisa pa lang na pumunta sila ng Laguna. Matapos magbabad nilang mag-asawa sa hot-spring ay sa massage parlor sila dumiretso para sabay na magpamasahe. Talagang naging masaya si Polla sa bakasyon nilang iyon mag-asawa at labis din siyang naliligayahan sa pakiramdam na kasama niya ang asawa na iyon, na hindi sila nag-aaway at naging bukas siya kay Sam sa nararamdaman niya noon kapag natatapos silang magtalik. Nahihiling tuloy ni Polla na sana wala nang katapusan ang kasiyahan na iyon at lagi na lang silang ganito kasaya. Matapos maghapunan sa restaurant ay umuwi na sila sa cabin at sa sofa sila umupo habang nanonood ng movie, na

