HINDI napigilan ni Sam ang mga luha sa mga mata at sunod-sunod na itong umagos matapos ilabas ang matagal na niyang itinatagong sa puso niya at paulit-ulit na nagpapadurog sa puso niya. Nasasaktan si Sam dahil hindi na naman siya pinaniniwalaan ni Polla, nasasaktan siya pero ayaw niyang mawala ito sa buhay niya at hindi niya iyon kakayanin. Kaya lulunukin na lang niya ang pride at lumulukob na insecurities sa puso niya. "Inaamin ko na sa una ay naghanap ako ng babae para makipag-kasundong magpanggap na mapapangasawa ko noon. P-pero hindi ka kasama sa babaeng iyon na dumating sa buhay ko. Noong una ay gusto lang kitang makilala dahil palagi kong naririnig na nababanggit ni Kuya ang pangalan mo at gusto talaga kitang gamitin noon para iparamdam kay Kuya, na hindi lahat ng gusto niya ay mak

